Chapter 8 ~Unplanned date
[ LAINERRY ESCAMILLA ]
After the acquaintance party last night I decided to take my Yetti; my cutie dog pet to animal clinic because he's not feeling well when I came back last night. Nilalagnat ba siya o namiss niya lang ako dahil hating-gabi na ako umuwi kagabi. Nagtaxi na lang ako dahil naka off si Kuya Noel. Napuyat rin siya kaya hindi na muna pumasok ngayong araw at isa pa saturday naman. Kaya wala rin akong pasok sa school.
"Hey, where you going?." Nagulat ako ng may humawak at humablot sa maliit na knapsack na bitbit ko pagkalabas ko sa clinic. Matagal ko siyang pinagmasdan. Akala ko magnanakaw na. Si Matthias pala.
"May bibilhin lang ako." Sabay turo ko sa mall na kaharap ng clinic, naisipan kong maglakad-lakad muna sa mall dahil may nakapila pang ibang tuta for check-ups at pangalawang beses ko na dinadala doon si Yetti kaya kilala siya ng veterinarian kaya iniwan ko na lang.
"Oh my! Yung mask ko! Where's my mask." Wala sa loob na sabi ko. Habang kinakapa ko sa bulsa ko at sa knapsack ko.
"Hingi ka sa clinic I'm sure meron sila." Hinahalungkat ko ang maliit na knapsack ko habang suggest niya iyon. Teka. Bakit ayaw pa umalis ng lalaking ito sa harapan ko. Oww meron pala! Sabay sabit ko sa tainga ko at lagay sa bibig ko. Tinalikuran ko siya at tumawid ako sa kalsada at pumasok sa mall.
Iniwanan ko siya na nagtataka at nakatulala habang nakatanaw sa akin. Bakit ba. Hindi naman kami close. Then I saw him na tumawid rin at pumasok rin ng mall, is he following me? Oo tama. Sinusundan niya ako.
"Ano gagawin mo dito?." Tanong niya ng maabutan ako pataas ng hagdan.
"Sa sitwasyon ngayon, maybe I'm the one who's capable to ask 'kung anong ginagawa mo dito?."
"Isn't it obvious? Sinusundan kita." Dali-dali na akong paakyat sa 2nd floor dahil may hinahanap ako.
"Anong hinahanap mo?." He is curious.
"Can you please shut up. Basta may hinahanap ako." Umiiwas ako sa kanya dahil bumibilis ang tibok ng puso ko. Binibilisan ko ang lakad ko pero naabutan niya pa rin ako.
"Baka ako yun? I'm here already. Hindi mo lang ako makita.." I saw his lips smiling a bit then I shrugged my shoulder para alam niya na wala akong paki sa sinabi niya kahit kilig ako inside.
"Not you." Maikling saad ko. Kapal ng mukha ng lalaking ito talaga. Lakas ng tiwala sa sarili. Baka akala niya madadala niya ako porket sumama ako sa kanya na lumabas kagabi para magkape. "Bakit andaming tao. May concert ba dito?." I mumbling. Lahat ng sulok ng mall may mga teenager at ang iba kaedad namin na nakatambay at papunta sila sa cinema.
"Premier ngayon ng pelikula nila Daniel at Kathryn. Tara nood tayo! It's all on me." Pinanlakihan ko siya ng mata. As if my ticket pa.
"Hindi tayo makakapasok dyan! Mga V.I.P lang pwedi pumasok d'yan at yung may mga ticket."
"Excuse me. I had." Sabay bunot sa bulsa niya at iwinagayway sa may mukha ko ang dalawang ticket. Paano siya nagkaroon agad? Baka may girlfriend siya at hindi siya sinipot nito. Pero nagpuso ang mga mata ko ng makita ko na totoong tiket nga dahil idol na idol ko talaga sila. Ayun! Nakalimutan ko na may hinahanap ako sa loob ng mall. At si Yetti nasa clinic. Sigurado inaantay na ako.
"Tara!." Hinawakan niya ang wrist ko at hatak-hatak ako papasok sa cinema 3. Seryuso may ticket talaga siya?
"Just wait! Saan ba tayo pupunta?." Bumalik ang diwa ko. Pero alam kong ramdam niya na gusto ko ring manood.
"Ako na bahala."Pumasok na kami sa loob ng cinema at nakipagsiksikan. Naghanap siya ng lugar na mauupuan namin. Sobrang crowded ang loob ng cinema kaya sa may hagdan na lang kami naupo. But I never remove my face-mask dahil baka may makakilala sa akin.
"May ka'date ka?." Lingon ko sa kanya habang inaabala ang sarili sa panonood ng mga taong nag-aayos sa unahan dahil hindi pa naman nag-uumpisa ang panonoorin namin.
"Wala. Wala akong ka'date." Hindi ko siya hinarap pero nakita kong sumilaw ang mga ngipin niya. The heck! Bakit ko ba naiisipan itanong iyon. Para tuloy selos ang peg ko.
"Kase may ticket ka. At dalawa pa. Baka may ka-date ka, nakakahiya nakakaabala ako." Gusto ko'ng sabihin niya kung kanina galing ang tiket dahil VIP lang ang meron ng mga ganoon.
"Selos ka?."
"Hell no!. Baka hinahanap ka na ng kadate mo."
"Wala akong ka'date at kung meron man ikaw yon. Kay Shaun galing ito. Binigay lang sa akin dahil marami siya nito. Coincidence lang na nakita kita sa tapat ng clinic. Si Kairos sana hinihintay ko pero mukhang hindi naman siya interesado."Paliwanag nito at hindi na lang ako umimik dahil parang totoo naman ang sinasabi niya.
"If ever. Ikaw lang ang nag-iisang magiging ka-date ko." Muted. Parang nabingi ako sa katahimikan ng mapagtanto ko kung ano ang sinasabi niya. May balak siya. Oh my God. I'm in trouble. May balak siya na i-date ako?! Sigaw nang maingay na puso ko.
"You know what. I'm not supposed to be here. May bibilhin lang dapat ako eh. Why I ended with you here." Nilingon ko siya at nakita ko na nakatitig sa akin at ngumiti. Kapag nalaman ito ni Papa baka palayasin ako sa bahay at wala akong mapupuntahan. Wala akong kakampi. Wala na si Kuya. I need to leave. Hahanapin ako nila Yaya Lucy.
"Because we're meant to be. Destiny planned it., not me nor you." He said sarcastically. Nagpapaligoy-ligoy pa eh sana direktahin na lang ako. Nakalimutan ko tuloy na pauwi na ako.
"Sus. Papalusot ka pa eh sinundan mo naman talaga ako. Ikaw ang gumawa ng tadhana. I am right.?"
"No. It's not me. It's Him mine.." Matthias whispered to me.
"Don't ever call me that. It made me goosebumps." Bulong ko din sa kanya. Buti busy lahat ng tao sa cinema na iyon. At walang nakakakilala sa akin. Sana lang wala dahil malilintikan ako kay Papa kung sakali may makakita sa akin.
"Because you are happy when you heard it. Feeling excitement ang tawag d'yan kaya tumindig yang balahibo mo and adds katabi mo pa ako." Presko niya. Buti na lang gwapo siya dahil kung sakali iiwanan ko talaga siya. Buti masarap siyang kausap.
"Ewan ko sayo. Mapapahamak ako sa ginagawa mo eh." Pang-iiba ko ng topic. Kase baka makita siya ng girlfriend niya ey sabunutan ako or either me. Baka may makita sa akin at isumbong ako kay Papa. Malalagot ako.
"Pag magkatabi tayo. You call it a love not a goosebumps." He whispered near to my ear again. Ito na. Level up na siya.
"Dami mo alam. Mas lalo tumatayo ang balahibo ko sa kakornihan mo." And I'm about to stand to make my lazy exit. I need to do that because he might think na gusto ko ang mga ginagawa at sinasabi niya.
"Hey, saan ka pupunta? Sorry na. Hindi ko na sasabihin na gusto kita.." He whispered and said softly.
"Huuh!?." Oh my God! I can't resist. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Akala ko magsosorry lang siya tapos may kasunod pa pala. Ang init dito! Lakasan niyo ang aircon. Hindi ako nakapag-react sa sinabi niya. Kaya gusto ko mag-walk-out dahil baka anong magawa ko sa patay na nunal sa may labi niya. I'm about to stand pero buti na lang nahawakan niya rin ang wrist ko dahil kung hindi gugulong ako pababa dahil sa isang malanding babae na nakikipagharutan sa jowa niya paakyat ng hagdan.
"Careful." Bulong niya.
Nanatili na lang ako sa kinatatyuan ko. Ayoko na mag-walk-out dahil maraming tao sa daraanan ko baka mabunggo pa ako, nanghihina pa naman ako dahil sa lalaking ito. Ilang minuto pa ang hinintay namin ay nagsimula na ang ingay at sigawan sa loob ng cinema. Biglang mas dumami ang mga tao kaya nagulat ako ng may tumulak ulit sa akin para umakyat ng hagdan. Buti na lang nahila ako ni Matthias dahil kung hindi, sigurado bulagta ako sa lapag.
Then here I am. My heart was about to jump. Matthias still holding my hand. I know it's for my safety baka may tumulak ulit sa akin. Pero hindi na mapakali ang puso ko. Nagwawala na sa loob. He held my hand so tight na nawala na ako sa wisyo ko. Kahit ang kagwapuhan ni Daniel Padilla ay hindi ko na napansin. Sobrang maingay sa loob dahil sa sigawan pero mas naririnig ko ang sigaw ng puso ko. Kung walang ibang tao lang dito 'naku Lainerry please calm your self.'
Oh my God. This is love? Isn't it? Kahit ang tiyan ko ay parang may mga paru-parong nagliliparan sa loob na nakikiliti ako ng mga pakpak nila. This is a nice feeling but I'm curious. Ganito ba ang nararamdaman ng mga kaibigan ko with their love ones. I also felt it. I feel like I'm floating in the sky and allowing to take me anywhere by the waves of ocean. I'm enjoying the moment when he whispered to me.
"Let's go. Tapos na ang pinapanood natin." Huuuh? Ang bilis naman? Or sadyang mabagal lang ang oras habang kasama ko siya. Hindi niya na hinintay ang sagot ko. Hinila niya na ako palabas ng cinema. Mamaya kase baka magbunggoan na naman ang mga tao kaya nagpauna na kaming lumabas kahit nagsasalita pa si Kathryn. Alam kong iyon ang iniisip niya ang safety ko.
"My hand." Sabi ko habang naglalakad na kami palabas ng cinema. Hawak niya pa rin ng mahigpit ang kamay ko. Mukha yatang nakakarami na siya sa akin. Pero hindi niya pa rin binibitawan hanggang sa labas na kami ng cinema at naglalakad na pababa sa sunod na floor ng mall.
"Matthias."I called his name kaya napansin niya ako at tumingin sa akin. Tiningnan ko rin ang kamay naming magkahawak para alam niya ang ibig ko'ng sabihin.
"Bakit?." Walang emosyong tanong niya. Manhid niya huh.
"Bitawan mo ang kamay ko." Diniinan kong sabi. Nanlalamig na ang kamay ko ayaw niya pa rin bitawan eh wala na namang maraming tao dito para maitulak pa ako.
"Ayoko." He disagree.
"Why?!."Nakakaloka. Tumaas tuloy ang boses ko.
"Because I'm comfortable?.. and I'm courting you." Napahinto ako ng paglalakad at napatuon sa mukha niya na masyadong seryuso.
"Nanliligaw ka? Kailan pa?." I smirking because I want to hide my smile and kilig.
"Tagal na ah. Sa rooftop pa nagsimula." Nagbibiro ba siya? Hindi ko alam iyon ah.
"Sure ka Matthias?!." Natatawa ako sa kanya dahil ayaw niya pa rin bitawan ang kamay ko kahit hinihila ko palayo.
"Matth na lang. You called my real name two times. Ang pangatlo niyan kabahan ka na."
Z
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro