Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18 ~ feels comforting


[ MATTHIAS ARIAGON ]

This set-up was scary yet exhilarating. And I also practice my patience and self respect. Hindi ko akalain na ganito ako kabait dahil behave lang akong natutulog katabi ang babaeng mahal ko. Tatlong araw akong hindi pumasok dahil sa lagnat na kumapit sa akin. Hindi ko sinabi kay Lainerry ang totoong nangyari noong gabi'ng galing ako sa kanyang debut Party. Magdamag kami nag-inuman ng mga kaibigan ko sa bahay nila Andrew. Niyaya nila ako doon dahil sa sitwasyon at ayoko rin naman talagang umuwi. Halos gusto kong magwala ng mga oras na iyon ngunit hindi ko magawa dahil mamahalin ang mga kagamitan sa bahay nila Andrew kaya dinaan ko na lang sa alak.

Kinaumagahan hinatid ako ni Shaun sa bahay at naiwan ko nga ang phone ko. Sinusubukan ko'ng matulog ngunit tanghali na hindi ko pa rin magawang matulog at doon nga dumating si Lainerry at niyaya akong ihatid si Yaya Lucy sa Quezon. Hindi ko siya matanggihan. Kaya kahit masama na ang pakiramdam ko ay sinamahan ko siya.

"Matthias?! Mukhang ginawa mo nang tambayan itong bahay ko ano?." Nadatnan ako ni Lainerry na nanonood ng T.V sa sala niya habang nakakalong sa akin si Yetti na natutulog. Pangatlong araw ko na dito, mukhang nanghihina pa rin ang katawan ko kaya hindi ako pumapasok. Hindi ko alam kong nabinat ba ako o apektado lang ako ng engagement party na nasaksihan ko. Ayoko umuwi sa bahay dahil nag-aalala rin ako kay Lainerry na mag-isa dito. At walang kasama si Yetti.

"Shhh. Natutulog si Yetti. Huwag kang maingay." Saway ko sa kanya. Sabay kuha naman niya kay Yetti at kinarga.

"Pumasok ka na bukas. Kinukulit ako ni Kairos dahil may group projects raw kayo." Kararating niya lang galing school. Around 6 p.m. siya dumadating at parang nasasanay na akong hinihintay siya araw-araw. Umupo siya sa tabi ko habang hinihintay ang sagot ko habang nakafocus ako sa pinapanood ko.

"Bihis ka na. Nagluto na ako nang dinner natin." Sambit ko at pinatay ko ang T.V. at humarap sa kanya ng nakangiti.

"Oo na. Alam ko nasa utak mo. Uuwi na ako after dinner at papasok na ako bukas." Wala siyang imik habang nakatitig sa akin. Tumayo na ako at hinila ko siya papunta ng kusina. Tinatamad na rin siya nagbihis kaya maghahain na muna ako.

"Hindi ko sinabing umuwi ka." Nagtatampong saad niya habang paupo sa harapan ng hapag kainan.

"Baka masanay na tayo." Mahinang sabi ko.

"Sanay na ako." Lainerry says and hug me from behind while I'm putting rice on our plates na halos mabitawan ko ang hawak ko'ng sandok. She always made my heart fluttered. Inilapag ko ang hawak ko sa counter at humarap sa kanya habang nakayakap pa rin siya sa akin then I kiss her forehead at lalo namang humigpit ang yakap niya sa akin.

"Let's eat dinner. Lalamig na ito. Kanina ka pa namin hinihintay ni Yetti." Naramdaman ko'ng lumapit siya sa paanan ko at gustong magpakarga kaya naisali ko siya sa usapan.

"I love you Matth.. I'm sorry." Mag-uumpisa na naman siya. Hindi ko na nga iniisip ang bagay na iyon pero mukhang masyado siyang nag-aalala sa nararamdaman ko. Oo. Galit ako at nasasaktan pero ayoko muna isipin iyon sa ngayon dahil ako naman ang kasama niya eh.

"Stop it Laine,. Okay lang ako. Magagawan natin ito nang paraan." I'll trying to hush her. "Kumain na tayo dahil para makapagpahinga ka." Dagdag ko pa at kumawala naman siya sa akin para magsalin ng tubig sa dalawang baso na nasa lamesa.

"This is perfect. Everyday seems like a date." Palatak niya habang kinuha pa ang flower base na nasa ibabaw ng fridge.

"Huh. Dapat sinabi mo na gusto mo ng date. Hindi sana gulay ang niluto ko." She's calming slightly. We're like a kids na parang naglalaro lang ng bahay-bahayan but our mind was so heavy thinking what we need to do to make our life at ease. Hindi ko lubos maisip ko'ng bakit pinapayagan si Lainerry ng magulang niya na tumira mag-isa sa malaking bahay na ito. Kahit naman safe ang subdivision ay nakakatakot pa rin para sa isang dalaga na matulog mag-isa. She's not really matured. I can see in her eyes that she still needs her parents. Masyado nga siyang depende kay Yaya Lucy dati but she's just trying to be brave.

"Ask your parents na doon ka muna tumira sa bahay nila. Hindi ako mapakali na mag-isa ka dito." Pagkatapos namin kumain ay tumambay kami sa terrace nila kasama si Yetti dahil medyo maaga pa naman.

"Huh. Ayoko. I can take care myself. Kaya ko naman ang sarili ko. I'm 18 now. I'm old enough to handle things and situations. And besides. You're here. Right?." Wala. Mukhang malabo nang mangyari na bumalik pa ang loob niya sa mga magulang niya.

"I'm worried about you here. Hindi kita magawang iwanan dito ng mag-isa." Sabi ko habang nakatingala ako sa maliwanag na buwan.

"Then don't leave." She sighed heavily. Nakakatakot na rin kase na kasama siya dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ilang gabi na akong nagkukunwaring tulog habang nakayakap siya sa akin. She's still young. We're still young. Kahit medyo matanda ang utak ko ay nag-aalala pa rin ako sa pwedi ko'ng gawin para sa kanya.

"Hindi pwedi. May aayusin pa ako. Shaun texted me about our projects and paper works. Kailangang ko'ng umuwi ngayon." I also trying to force my self to leave her but it's against my heart.

"I understand. Gusto mo ihatid na kita?." She's offering pero may trysikel naman sa kanto at may mga jeep na dumadaan from Cogeo to Cubao kaya makakasakay naman ako agad. At baka hindi na naman siya makauwi pag sumama pa siya sa akin.

"Magpahinga ka na okay. I'll call you later pag nasa bahay na ako." Mabigat sa pakiramdam pero kailangan ko magpaalam dahil hindi ko naman bahay ito eh. Minsan nilulunok ko ang pride ko kapag naiisip ko kung gaano kayaman ang girlfriend ko.

"Sige na nga. May gagawin rin naman ako at magrereview may reporting ako bukas at quizzes." She said at nagpaalam na ako sa kanya. Hinatid niya lang ako sa gate para isara iyon pagkaalis ko.

"Lock your door okay?." Tumango lang siya at isinara na ang gate. Ayys. Kung pwedi lang na huwag ko siyang iwan pero hindi pwedi. Kailangan pa rin bumalik sa katotohanan. Sigurado mamimiss ko siya mamaya. My heart was sinking while I'm walking away from her. Choos! Drama mo Matthias eh kailangan mo naman talagang umuwi dahil hindi mo iyon bahay. Uuwi ka lang naman eh. Hindi mo naman siya iiwan.

Nakaraan ang ilang buwan hanggang sa natapos ang sembreak at balik ulit sa klase na lagi ako tumuloy sa bahay ni Lainerry. Once a week na lang naman ako nakikitulog doon dahil binibisita siya minsan ng mga magulang niya at buti na lang hindi ako nadadatnan doon. Pero kapag walang pasok ay sinasamahan ko siya doon at tinutulungan maglaba dahil ayaw niya kumuha ng kasambahay. Nakakatawa nagpapatulong siya pero ayaw niya naman ako pahawakin ng mga damit niya. Ako lang taga hawak ng hanger at tagasabit.

Unti-unti nakikita ko na nasasanay na siya sa buhay mag-isa kaya nagiging proud ako sa kanya. Pero hindi pweding palagi akong nasa tabi niya dahil nakakatakot kapag nasanay kami sa isa't-isa. Kailangan naming tapusin ang pag-aaral namin kaya tiis-tiis muna na hindi kami lagi magkasama pero kapag namimiss ko naman siya ay wala akong magagawa kundi ang pumuslit sa bahay niya at makitulog ng ilang oras.

Hanggang sa natapos ko ang third year at si Lainerry naman ay tapos na ng second year nang ganoon lagi ang sitwasyon namin. Busy ang mga magulang niya kaya bilang lang sa isang kamay kung ilang beses lang si Lainerry dinalaw ng mga ito. Himala nga dahil doon nag-spent ng Christmas sa bahay ni Lainerry ang mga magulang nito hanggang bagong taon. Kaya ako tuloy ang malungkot noon pero okay lang dahil kasama niya naman ang mga magulang niya. After end of school year ay napansin ko'ng  palagi na siyang dinadalaw ng mga magulang niya hanggang sa isinama siya ng mga ito sa Zamboanga para dalawin ang Kuya Lander niya.

Kahit si Lainerry ay nagtataka pero parang bumabawi na sa kanya ang mga magulang niya pero nakakapagtaka pa rin lalo na't hindi man lang ito magkwento sa kanya kung anong mga plano nito.

One day of August. Before Lainerry's birthday. Isang messages ang nareceived ko mula kay Lainerry na nagpagulo na naman ng utak ko kung kailan naman busy ako at hindi ko siya mapuntahan agad-agad ay saka naman sila nagdesisyon ng ganoon. Nasa internship ako ng mga oras na iyon ng mabasa ko ang mensahe ni Lainerry. Hindi ko siya matawagan dahil busy ako kaya naghintay pa ako ng uwian para mapuntahan siya.

[ LAINERRY ESCAMILLA ]

Sinugod ko si mama sa Marikina ng mabasa ko ang text niya na within a week ay doon na titira si Jourem. Before ako mag-birthday ulit ay lilipat na raw sa bahay ang lalaking iyon. Akala ko nakalimutan na nila ang lahat ng plano nila para sa akin pero nagkakamali ako. It was appalling thinking a man I hate will stay in my house. I strongly oppose to their plan. For what? Para magkalapit kami ng lalaking iyon? Magkapalagayan ng loob? My God. Why they're so hankerin' to have a businessman son-in-law.

"I will manage our business without the  help of that man." Matigas kong sabi kay Mommy.

"What do you think you're doing Lainerry?. Kaya mo na ang buhay mo.?." Walang emosyong sabi niya.

"I'm just defending my self mom. Maybe it's too much. It's more than enough. I have no idea what I have done wrong kaya ginagawa niyo ito sa akin. The lost of Kuya Lander isn't my doing. Bakit napupunta lahat sa akin ang plano ninyo sa kanya?"

"Wala kang maling ginagawa anak. What's with you? And stop talking about your Kuya. Walang may kasalanan ng pagkawala niya. Don't ever think about that. Umuwi ka na at magpahinga ka na."

"Wala? Wala ba? Then bakit ninyo ako pinapahirapan ng ganito! Pinapangunahan ninyo ako parang ako lahat sumasalo ng mga bagay na dapat para sa kanya. And yeah I'm tired. I'm going home."

"Lainerry watch your words to your mom." I heard my dad voice while approaching the living room from veranda. Kakauwi lang galing ng trabaho. Nanginig ako nang marinig ko ang boses ni Daddy pero pinilit ko maging buo ang loob ko dahil ayoko sa balak nilang mangyari.

"If you don't want me talking like this. Then please be fair."

"It's fair Lainerry! Lahat ng ginagawa namin ay para saiyo." My dad says. Here we go again.

Then I choose to be silent dahil hahaba na naman ang isyu.  Nagpaalam na ako though my mom insisting na doon ako matulog. Uuwi ako ng Masinag. Hindi rin naman ako makakatulog ng maayos sa malaking bahay na iyon. Kahit may mga gamit ako doon at damit ay ayoko talaga nagtatagal sa bahay na iyon. It's suffocating me.

Z

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro