Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17 ~ Break-in


[ LAINERRY ESCAMILLA ]

Buti sabado kaya pinayagan ako ni Mommy na ihatid si Yaya. Tumawag ako kanina para magpaalam at okay naman sa kanila.
Ako muna ang nagdrive palabas ng East papunta ng Cubao dahil hindi pa naman masyado traffic. Si Yaya Lucy ang nasunod na dito sa sakyan ko sumakay si Matthias at doon naman siya kay Kuya Noel. May inabot sa akin si Kuya Noel na cash bago nagmaneho. Ipinapabigay ni Mommy kay Yaya Lucy. At mamaya ko na pagdating sa kanila ibibigay. Nakasunod lang si Lexxy sa kanila dahil hindi pa ako masyado pamilyar sa mga kalsada. At dumaan rin muna kami kila Matthias para magpalit siya at magpaalam na sasamahan ako.

"Mag-isa ka na lang sa bahay mo." Makahulugan na sabi ni Matthias habang busy ako magmaneho.

"Tapos. Worried ka? Eh di samahan mo." I suggesting pero seryuso ako sa bagay na iyon. Baka maghanap na siyang iba dahil engaged na ako sa iba. Nag-aalala ako na baka magbago siya. Ako ang may kasalanan kayo hindi ko siya masisisi kung magkataon man iyon.

"Baka may papasukin kang iba." Sambit niya. Wow ha. Talagang ako ang pinag-isipan niya huh. Dalawang lalaki na ang involve sa akin tapos maghahanap pa ako ng iba.

"Swerte sila kung ganoon?." Pang-aasar ko.

"Subukan lang nila. Pero seryuso. Wala ka nang kasama. Maghired ka na lang ng kasambahay mo ulit." Suggest niya. Ayaw ko nga. Kakayanin ko mag-isa dahil gusto ko sanayin ang sarili ko na huwag dumepende sa ibang tao. Dahil kung sakaling maiwan ulit ako ay hindi na ako malubog. Hindi na ako masasaktan.

"Hindi mo ko sasamahan?." Patanong na sabi ko.

"Mahirap na eh. Delikado." Sagot niya. Kainis. Parang ako yung nagmamahal ng lubos eh. Ako yung gustong-gusto siya makasama araw-araw. Alam niya ang nasa utak ko kaya humalukipkip siya at tumitig sa akin ng matagal. Walang imik. Nadi-distract ako sa ginagawa niya. Para siyang nagmamakaawang pusa.

"Mine.." Tawag niya sa akin.

"Yep?." Sagot ko habang nagmamaneuver ng sasakyan. Medyo ngalay na ako dahil pahinto-hinto kami nasa EDSA na kami kaya hindi maiwasan ang kaunting traffic kahit sa tanghaling tapat.

"Pakasalan mo na 'ko." Napahawak ako sa bibig ko. Nakalimutan ko'ng nagdadrive pala ako.

"Gusto mo ba'ng mabangga tayo. Nakakagulat yang pinagsasabi mo, Matthias. Baka saan tayo pulutin neto." Tumatambol ang puso ko habang sinasabi ko iyon. Hindi siya nagbibiro pero alam namin pareho na impossible iyon sa ngayon.

"Ikaw eh. Iniisip mo ba na susukuan kita? Hindi iyon mangyayari. Nag-iisip ako ng magandang dahilan para maging okay ang lahat. Maghintay ka lang. Okay? Huwag ka tumitig sa akin. Eyes on the road." Paalala niya. Kung makautos ey boss lang.

Pasado alas syete na nang gabi ng nakarating kami ng Quezon. Halos anim na oras din ang ginugol namin para makarating sa Quezon. Sa Cubao pa lang nagpapalit na ako dahil ngalay na ako magdrive. At nang si Matthias na ang driver ay paminsan-minsan niyang hinahawakan ang kamay ko.

Gusto sana ni Yaya na doon na kami magpalipas ng gabi pero hindi ako pumayag dahil may gagawin pa ako kinabukasan. Ganoon rin si Matthias may business seminars pala sila sa Monday kaya nagpaalam na kami agad umuwi after ibaba ang mga gamit at ibinigay ko na ang ipinabibigay ni Mommy. Mamimiss ko si Yaya Lucy. Sobrang bait niyang tao kaya hindi ko siya makakalimutan. Pwedi raw kaming bumisita kung gusto namin. Andaming sinabi ni Yaya at ibinilin sa amin. Nakikinig lang kami habang patawa-tawa rin si Kuya Noel. Pero nauna nang umalis si Kuya Noel dahil pupunta pa siyang Batangas.

"Pahinga muna tayo." Saad ko ng palabas na kami ng quezon. Kanina magdinner naman kami kasama pa sila Yaya sa nadaanan naming maliit na restaurant. Ngayon pasado alas nwebe na nang gabi.

"Pagod ka? Hindi naman ikaw ang nagda-drive." Nakangiting sambit ni Matthias habang mabilis ang takbo ng sasakyan.

"Nagmamadali ka ata." Pansin ko lang. Pero hindi siya umimik. Seryuso siya na nagdrive pabalik ng Maynila.

"Stay with me." Hindi ko na siya kailangang pilitin dahil alam kong pagod na rin naman siya. Nagsuggest sana ako kanina na bumaba na siya sa kanila pero diritso lang ang sasakyan pauwi dito sa Masinag.

"Always. Sasamahan kita dahil hindi rin naman ako matatahimik na mag-isa ka dito." Pagod ang boses na sabi niya. Hindi niya na ako hinintay nauna na siyang pumasok sa kwarto ko. Dumaan lang muna ako ng kusina para uminom at inayos ko ang mga pinggan sa lagayan.

"Wew! Impossible.!." Bulong ko nang bumungad sa akin si Matthias na nakahigang komportable sa kama ko. Mahimbing nang natutulog. Hindi man lang naghilamos ang luko. Umupo muna ako sa tabi niya at pinagmasdan siya habang nakapikit ang mata. Nagsend na rin ako ng message kay Mommy na nakauwi na ako sa bahay.

Ilang minuto pa akong nakatitig sa lalaking nakahandusay sa kama ko ng nakaramdam na ako ng antok. Kaya pumasok na ako ng toilet para maghilamos. At sa katangahan ko wala pala akong dalang pamalit. Tuwalya lang ang dala ko kaya para akong magnananakaw na dahan-dahan lumabas ng banyo at naghagilap ng pamalit sa dressing room ko. Buti mahimbing na natutulog si Matthias kaya hindi niya ako nakita sa ganoong ayos ko.

"I love you mine.." I whispered to a man beside me while I'm about to sleep. Inayos ko ang higa ko habang nakayakap sa kanya. This is really comfortable, I wish he'll stay with me everyday like this. Hindi man lang nagising ang katabi ko kahit sinasadya ko talagang magising siya.

"I love you too baby.. tulog ka na." Nagulat ako ng bumulong siya. What the heck, gising pa pala siya. Hala! nakita niya ba ako sa ayos ko kanina. Napatitig tuloy ako sa mukha niya then he move his hand and snaking in my waist.

"Stop staring me. Wala akong lakas ngayong gabi. I love you Lainerry.. let's sleep peacefully." Nakapikit siya habang nagsasalita. Ayaw niya man lang akong tingnan huh.

"Matulog ka na. Kapag ako nagising baka magsisi ka." Saad niya pa at natatawa ako sa tinuaran niya. Adik eh. Gising naman siya.

"Sige na. Matulog ka na wala akong gagawin sa'yo. Goodnight, mine.." Sabi ko then I kiss his lips goodnight. Mabilis lang iyon pero dinakip niya ang labi ko and he pulled me near to him para mayakap niya ako ng mahigpit at mahalikan ang mga labi ko.

"I told you to sleep, Lainerry. Tigas ng ulo mo. What now.? I'm fully awake." Napatitig ako sa kanya habang naniningkit ang mga mata. Nakatagilid siya sa at pinaunan ako sa braso niya.

"Oo na. Matutulog na ako. Akala ko nga tulog ka na eh." Nakasmile na sambit ko habang wala siyang imik.

"I'm tryin' but you distract me. Your smell and touch distracted me. So, tell me how I am suppose to close my eyes and sleep?." Sinungaling pumipikit nga siya habang sinasabi iyon eh.

"Hindi na. Sorry na. Tulog na tayo." Bulong ko at isiniksik ko ang sarili ko sa kanya. I miss him. I really miss his arms. This is my first time sleeping in my new bed with him and I hope it'll not lasts. But I feel hot. Para akong napapaso habang nakadikit sa kanya. What now? Nang-iinit ba ako? Kaya sinubukan kong hawakan ang leeg ng lalaki sa higaan ko. At tama nga ang nasa isip ko. Nilalagnat siya. Ano bang pinaggagawa ng lalaking ito, may nararamdaman pala hindi man lang sinasabi. Napagod pa tuloy magdrive papunta ng Quezon. Kaya pala mabilis siyang nagmaneho pauwi dahil may nararamdaman na siya.

11 o'clock in the evening. Bumangon ako para kumuha ng gamot sa medicine kabinet na nasa kusina at kumuha rin ako ng tubig na inumin at pamunas niya. Guilty tuloy ako na isinama ko pa siya. Siguro kagabi pa siya hindi okay ng umalis sa party ko. Naiwanan niya nga ang phone niya sa sasakyan ni Shaun eh. Tapos pinagbuhat ko pa siya ng mga gamit na iuuwi ni Yaya Lucy. Ayys! Hindi ko man lang napansin na may kakaiba na siyang nararamdaman kanina. Ang lalaking ito talaga.

"Mine, inom ka ng gamot.."Sinusubukan ko siyang gisingin dahil mataas na ang lagnat niya.

"Mine.." I'm touching his check.

"Huwag na. Ayoko uminom." He whispered slowly.

"Inom ka na. Taas ng lagnat mo, Matthias." I'm trying to pull his arms para umupo.

"I want to stay here. Stay with you." Si Matthias.

"Pinagsasabi mo. Uminom ka na. Hindi naman kita pauuwiin kung ayaw mo eh." Bumangon siya pagkasabi ko no'n at kinuha ang tablets na hawak ko at ininom. Sabay balik sa higaan at hinila ako para mahiga sa tabi niya at yumakap ng mahigpit sa akin.

"Let's sleep forever like this." He whispered na nagpakilig naman ng puso ko.

Kinaumagahan may pasok kami. Pero hindi siya pumasok dahil medyo nahihilo pa siya. Kaya naiwan siya sa bahay mag-isa.  Ipinagluto ko muna siya ng almusal bago ako umalis. Kahit ayoko rin sana pumasok pero pinagtatabuyan ako ng lalaking iyon. Kaya nagmamaktol akong sumakay ng kotse ko at umalis. Sa school hindi ako mapakali kakaisip sa kanya. Wala pa naman siyang phone dahil hindi pa sila nagkikita ni Shaun. And speaking of Shaun.

"Ms. Laine." Nakasabay ko sila sa canteen ng tanghaling iyon. Gusto ko sana umuwi ng Masinag para doon maglunch ngunit baka matraffic ako pabalik at baka tamarin na rin akong pumasok.

"Hi, Shaun. Uhmm nga pala, that night.. sorry hindi ko kayo naasikaso."I apology. Kasama niya si Kairos na tahimik lang habang nakapila para kumuha ng pagkain sa counter. Mukhang naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko kaya tumango lang sila at hindi na umimik.

"Ay wait. Pabigay pala kay Matthias." He handed Matthias phone at kinuha ko naman. Teka? Paano nila nalaman na..uhh whatever, they're friends kaya malalaman at malalaman nila.

"Okay. Sige. Bigay ko na lang." Tagal ng pila. Ayys. Ilang ulit na akong nagcheck ng orasan sa wrist ko pero mukhang napakabagal dumaan ng oras. Nag-aalala ako kay Matthias.

"Pakasabi kay Matthias. Pagaling siya huh dahil maiiwanan siya sa mga lesson namin at buti na lang cancel yung business seminars namin. Sa thursday na lang daw."So they really know talaga. Nadagdagan tuloy ang pag-aalala ko dahil malapit na naman ang sembreak namin. Sigurado may mga kailangang gawin si Matthias. Sana okay na siya para makapasok na bukas. And I feel excited na uuwi sa bahay na alam kong nandoon siya naghihintay sa akin. I wish this feeling never last. Our situation ( him in my house ) stay longer. I love it. I feel alive.

Z

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro