Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16 ~ literally alone

[ MATTHIAS ARIAGON ]

I understand her. Ever since I try to understand her at kahit ang bagay na nasa paligid niya ay ginawa kong intindihin because I love her so much. Paulit-ulit niyang sinasabi na wala siyang magagawa sa mga gusto ng Daddy niya. At alam ko naman iyon. From the very start alam ko na malungkot na ang buhay niya at may hindi tama. Iyon yung parents niya na masyadong busy at ang pinapahalagahan ay ang business nila hindi ang kaligayahan ng anak nag-iisang anak niya. Lainerry was not a normal girl. That night. In her debut, I expected it because she's d*mn rich at hindi naman papayag ang mga magulang niya na basta-basta na lang siya magkakaboyfriend ng hindi nila kilala. My mistake dahil kahit alam ko na impossible na tanggapin nila ako ay patuloy pa rin ako nagpursige na mapalapit sa kanya.

And here I am. I don't know how to comfort  my self because it's f*cking hard watching my love with another man. Simula pagkadating ko kagabi hindi pa ako lumalabas ng kwarto ko kahit kinakalampag na ni Matthew ang pinto ko ay hindi ko magawang bumangon. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pero ayoko umiyak. Nag iisip ako kung paano ko siya isasalba sa sitwasyon niya.

Madami na akong naisip na paraan. What if magpanggap akong business tycoon para ipakasal nila sa akin si Lainerry. Or pwedi rin kidnapin ko na lang siya at iuwi dito. Sigurado kulong ako. Itakas ko siya tas papahatid ako kay Shaun sa malayong lugar na walang nakakilala sa amin. That's a good idea. May mga kaibigan naman akong susuporta sa akin. Barya lang sa kanila ang hihingin kong pabor. Sigurado papayag ang mga iyon.

Ay hindi. Tatapusin ko ang pag-aaral ko para may maisampal akong diploma sa mga magulang niya kung sakali maliitin man nila ako. Iyon ang pinakamaganda kong plano. Pero, third year pa lang ako? Isang taon pa bago ako grumadweyt baka hindi ko na mabawi si Lainerry. Baka pilitin na siyang ipakasal sa lalaking iyon na hindi naman gwapo! Matangos lang ang ilong niya kesa sa akin pero wala siya binatbat dahil ako ang mahal ng fiancee niya.

I need to think. I need to think the best way para makuha ko ulit siya. Yeah. What if buntisin ko na lang siya? Waaahh biglang nag-init ang buong katawan ko sa naiisip ko. Sh*t she's making me crazy. Kung alam ko lang na mangyayari ito. Pumayag na ako sa gusto niyang mangyari. Ang bobo ko talaga. Nagsisisi tuloy ako ngayon. Sana hinayaan ko siyang angkinin ang katawan ko. Wow! Ha! Ang kapal mo Matthias ikaw ang babae?! Mag-isip ka ng matino dahil delikado ang puso mo.

Nagkukumahog si Mama sa pagtawag sa akin kaya naalimpungatan ako. Magkukunwari pa sana akong tulog kaso nakita niya ako sa akto na tatayo na. May susi pala siya ng kwarto ko. "Hindi ka pa babangon!? Anong oras na! Ayusin mo sarili mo dahil sinusundo ka na ni Lainerry!." Sigaw ni Mama.

"Ano pinagsasabi niyo Mama. Ako? Sinusundo ni Lainerry? Wow ha. Nagbibiro ba kayo." Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Oo nagbibiro ako. Lainerry! Ayaw bumangon ni Matthias ikaw na pumarito." Sigaw ni Mama na mukhang wala naman sa mukha na nagbibiro.

"Saglit. Saglit bababa na." Kumakalabog ang puso ko ng marinig ko ang boses ni Lainerry na kinakausap si Matthew. Totoo nga ang sabi ni Mama. Akala ko hindi ko na makikita ang mahal ko. Ayys. Nagmadali akong naligo at nagbihis ng pambahay lang dahil wala naman kaming usapan na magkikita or aalis ngayong araw.

"Tagal mo naghihintay si Yaya sa kotse. Asan phone mo?." Bungad niya sa akin pagkababa ko ng hagdan. Ay oo yung phone ko. Naiwan sa sasakyan ni Shaun.

"Naiwan ko sa sasakyan." Sagot ko. Baka nagtext siya doon na magkikita kami.

"Ah okey."

"Tara. Sabi ni Yaya Lucy gusto ka raw makita bago siya umalis." Anong pinagsasabi niya? Akala ko siya ang gusto akong makita pero bakit si Yaya pa? Gumagawa siya ng kwento para makasama ako? Wew. Swerte ko. Nakangiti si Yaya habang nakatanaw sa amin ni Lainerry palabas ng bahay. Pero mas nagulat ako sa sumundong sasakyan sa akin. Orange Lexus at nasa likod pa ang Fortuner nila na si kuya Noel naman ang nagdadrive.

"Anong nangyayari?." Bulong ko habang papasok ako sa sasakyan ni Lainerry. Doon niya ako gustong pasakayin kaya sumunod naman ako kahit kinakabahan pa dahil siya ang driver at bago ang sasakyan. Tiwala lang Matthias.

"Yaya. Kumusta po." Nakadukwang ako sa unahan nang sasakyan dahil sa hulihan ako nakaupo. "Aalis na po kayo?." Dagdag ko. At nagkwento naman si Yaya kung bakit siya aalis. Pero mukhang hindi naman ako kasali sa plano bakit ako nasa loob ng sasakyan na ito?

Pagkadating namin sa bahay ni Lainerry ay agad din nakasunod si Kuya Noel para tumulong mag-ayos ng mga gamit ni Yaya Lucy. Ah iyon pala. Kailangan nila ng kargador kaya isinama ako. Sobrang dami ng gamit ni Yaya Lucy na iuuwi. Ang iba kase ay ibinigay ni Lainerry dahil hindi niya naman gagamitin. Tulad ng mga damit at sapatos niya. Mayroon pa nga mga gamit sa kusina. Kasangkapan sa pagluluto. Kulang na lang ibigay ang refrigerator at aircon niya. Hindi ito kasya sa iisang sasakyan. Kaya nagkaroon tuloy ako ng clue. Body guard nila ako or hired driver.

Wala pang pagkakataon para magkausap kami ni Lainerry pero mukhang okay naman ang lahat. Mukhang wala ngang problema e. Hindi ko lang mapigilan na hindi dumikit sa kanya lalo na pag lumalabas si Yaya Lucy para hakutin ang mga gamit niya papunta sa sasakyan.

"Sorry, miss lang kita." Nagulat si Lainerry ng halikan ko siya sa pisngi. At sa halip na magalit ay gumanti rin ito. Napasandal tuloy ako sa side table at sabay napaupo sa katabing upuan. Pero actually sinadya ko iyon para mayakap ko siya ng mahigpit gaya ng dati. We used to do it everyday when her parents went to Zamboanga. Isang bagay na lang ang kulang ang angkinin niya ako. Pero dahil patient ako ay tumatanggi ako. But now, I think we can't stop our feeling lalo na nasa panganib na ang relasyon namin.

"And I miss you too, Love. I thought you're mad dahil hindi mo siniseen ang message ko. Ano ba kaseng pinag-gagawa mo at naiwan mo ang handphone mo sa sasakyan." Ayan napagalitan tuloy ako.

"Sorry naman. May iniisip lang ako ng mga panahon na iyon." Alam niya ang ibig kong sabihin kaya hindi na siya umimik. She kiss me softly habang nakaupo siya ng pahilis sa mga hita ko. Her fingers tracing my nose and chin.

"Hatid natin si Yaya Lucy sa Quezon. Doon sa bahay ng anak niya. Hindi ko pa kaya magdrive ng malayo eh." Sabi niya habang nakatitig sa akin. Hindi ako pweding tumanggi dahil mahal ko ang taong ito sa kandungan ko.

"Pero.". Tiningan ko ang suot ko'ng damit. Ito na naman eh basta na lang kami aalis nang hindi ako ready. Ni hindi ko dala ang wallet ko, ang cellphone ko.

"Okay lang yan. Ako din naman magbibihis ng pambahay para kunwari bibili lang tayo ng ulam sa labas." Pagbibiro niya.

"Ulam sa karenderya? Tapos nakasakay sa brandnew car?."

"Ano naman. Tsaka break-in ko din si Lexxy." She smiled at me. So, may bago niya siyang alaga. By the way where is Yetti.

"Si Yetti nga pala?." Parang hindi ko na nakikita na kasama niya.

"Ay nandoon sa clinic nagpapagaling. Mukhang may hika siya eh. Bago ako nagdebut dinala ko na siya doon at nagpapagaling. Tasaka hindi ko siya maalagaan kaya doon na muna siya." Paliwanag nito.

"I love you, Baby.." I told her while I'm playing her palms. Naging seryuso siya at niyakap ako ng mahigpit habang nakakandong pa rin sa akin.

"I love you more. Please don't give up. Mag iisip ako ng paraan para pakawalan ako nila Daddy." She whispered it.

"You wish. Syempre hindi ako bibitaw. Ayoko na maging estranghero ulit tayo sa isa't-isa. At huwag kang mag-alala nag-iisip din ako para hindi ka na nila kunin sa akin." Pangiti-ngiti ako habang sinasabi ko iyon.

"Really? Let's do it now. Love. Umpisahan na natin." Paglalambing niya. "Ay wow. Anong nasa isip mo Lainerry? Hindi iyon ang iniisip ko no."  Pagtanggi ko pero win-win rin kami kong iyon ang gagawin naming plano. Kiniliti ko siya kaya napatakbo siya at nabunggo sa papasok na si Yaya.

"Naku mga batang ito. Doon nga kayo magharutan sa labas. Mababasag ang mga kagamitan dito eh."  Pagbibiro ni Yaya na natutuwa rin dahil habol-habol ko si Lainerry.

"Kase, Yaya Lucy itong alaga mo. Niyaya ako sa bagay na ayoko naman gawin." Natatawang sabi ko at inirapan naman ako ni Lainerry.

"Mga bata'ng ito. Alisin ninyo yan sa isip niyo dahil hindi yan ang dapat ninyong gawin sa ngayon. Mag-aral kayong mabuti para kahit mawala man sainyo ang lahat ay may sandata kayo na hinding-hindi kailanman maaagaw sainyo." Mahabang sabi ni Yaya habang nag-aayos pa nang ilang kahon ng damit niya.

"Opo. Hindi na po mauulit.'' Sagot ko.

"Kitam. Ikaw ang may gusto eh. Kainis ka. Binabaliktad mo." Pagmamaktol ni Lainerry na dumulog naman para tulungan si Yaya Lucy magtupi ng damit at ilalagay sa kahon.

"Magbaon kayo ng tubig at pagkain para hindi kayo magutom. Si Noel hindi na iyon sasama sainyo pauwi dahil pupunta iyon ng Batangas. May iniutos ang Daddy mo." Paliwanag ni Yaya. Ibig sabihin kami na lang ang uuwi mag-isa dito. At wala kaming convoy.

"Sige po. Titingnan ko sa kusina kong anong pwedi nating baunin." Saad ni Lainerry na mabilis lumabas at ako naman ay hinatid ang huling dadalhin ni Yaya Lucy. Ilang minuto din akong nag-ayos sa magkabilang sasakyan dahil natutulog at nagpapahinga si Kuya Noel. Malayo pala ang byahe niya.

"Mine, Lunch muna tayo. Gising na si Kuya Noel. Para makaalis na tayo para hindi tayo abutin ng traffic sa EDSA."  Akala ko sino na ang nagsalita. Seryuso pa naman ako ng iniisip kong anong pweding gawin habang nasa byahe mamaya.

"Yap. Tapos na ito. I love you.."

"Huh? Baliw ka. Nagugulat ako sa'yo. May karugtong talaga." Nakangiti at kinikilig na react ni Lainerry.

"Bakit ayaw mo?." Nagtatampong sabi ko.

"Gusto. At alam mo kung anong gusto ko." Napatitig ako sa kanya habang kagat-labi ang babae sa harapan ko.

"Huh mapang-akit ka. Mauna kana tatapusin ko ito. Baka ikaw ang tapusin ko d'yan." Pagbibiro ko at natakot naman kaya nauna nang pumasok sa loob. She's crazy. Masyado siyang kakaiba para bitawan at pakawalan ko pa. Sana dumating ang pagkakataon na makapag-isip kami ng matinong plano para pumayag ang mga magulang ni Lainerry nq hayaan siyang mabuhay sa sarili niyang mga paa.

Z

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro