
Chapter 4
***FLASHBACK***
LEILA
ALAS DIYES NA ng umaga, pero hanggang ngayon ay wala pa ring natatanggap na tawag si Leila galing kay Levi.
Naiiyak na siya! Kagabi pa ito hindi nagpaparamdam. Walang tawag o kahit na anong text. Sobrang nakapa-paranoid. Hindi niya tuloy alam kung ano na ang nangyari matapos may makahuli sa kanila kahapon. Hindi siya binabalitaan ni Levi.
Pero basta, tuloy pa rin siya sa usapan nila ngayong araw. Aalis siya ng bahay. Paano na lang pala kasi kung naghihintay na pala ito sa guard house ng village nila ngayon? Tutal, 'yon naman talaga ang usapan nila. Hindi niya ito pwedeng paghintayin nang matagal dahil baka isipin nito, hindi siya makararating.
Kinuha na niya ang bag niya at madaling lumabas ng kwarto.
Swerte at wala ang mga magulang niya at tulog pa yata si Jerome. Libreng-libre siyang makatatakas ng bahay.
Nang makalabas ng pinto, akala niya ay ligtas na siya. Pero sinalakay siya ng kaba nang makitang naka-padlock ang gate! Hinila-hila niya pa iyon na para bang masisira niya ang kandado nang ganun-ganon na lang.
"Saan ka pupunta?"
Nataranta siya nang marinig ang boses ni Jerome mula sa likuran. Hala, akala niya ay tulog pa ito! Pumikit siya nang mariin bago ito hinarap. "S-sa school. Gagawa kami ng Christmas decors."
Pinilit niyang maging deretso ang pananalita niya habang sinasabi ang kwentong binuo niya sa kanyang utak. Pero mukhang hindi niya napaniwala si Jerome.
Bigla na siya nitong sinugod at hinawakan nang mariin sa braso. Napa-aray siya dahil halos bumaon ang mga kuko nito sa balat niya.
"Bumalik ka sa loob!" singhal pa nito.
"Ayoko! Bitawan mo 'ko!" Nagpumiglas siya. "May gagawin nga kami sa school. Isusumbong kita kay mama kapag hindi mo ako pinaalis!"
"Isusumbong? Baka ikaw pa ang isumbong ko! Hindi uubra sa 'kin 'yang paggawa-gawa mo ng kwento, ah! Ano, makipagkikita ka na naman sa teacher mo, ano?!"
Nanlaki ang mga mata niya! Hindi siya makapaniwala sa narinig. Parang tutulo na lang tuloy bigla ang mga luha niya ngayon sa sobrang takot. Paano nito nalaman ang tungkol sa kanila ni Sir Levi? That's impossible! Nag-iingat naman siya.
Sinubukan na niyang bawiin ang braso niya pero hindi siya nagtagumpay.
"Ano, akala mo hindi ko alam?" patuloy pa ni Jerome. "Akala mo hindi ko malalaman na nakipagre-relasyon ka sa sarili mong teacher? What were you thinking, Leila!"
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo!"
Mas lalong humigpit ang kapit nito sa braso niya. "Tumigil ka sa pinaggagagawa mo! Nakahihiya ka. Alam mo ba kung anong pinasok mo? Anong akala mo, na pwede 'yang ginagawa niyo? Hindi ka ba nag-iisip? Akala ko ba matalino ka?"
"Hindi ko nga alam 'yang sinasabi mo. Wala akong boyfriend. Let go, masakit!"
"Tumahimik ka! Alam kong may relasyon kayo ng Alarcon na 'yon, kaya wag na wag mo akong dadalihan niyang mga pagsisinungaling mo. Hindi ka gusto ng teacher mo, kaya tumigil ka. Iba ang habol n'on sa 'yo."
Ginamit niya lahat ng lakas niya para tuluyan nang makawala rito. "Hindi 'yan totoo!" Tumulo na ang mga luha niya. "Gusto niya ako! Mahal niya nga ako e!"
Biglang natigilan si Jerome dahil parang inamin niya na rin ang sikreto niya. Mas lalong nanlisik sa galit ang mga mata nito. "So you're finally admitting it! Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Ang bata-bata mo pa!"
"Hindi na ako bata!"
"Tumigil ka! Ano, siya ang pupuntahan mo ngayon? Bakit, akala mo sisiputin ka niya? Hindi na ulit 'yon magpapakita. Alam mo kung bakit? Kasi tinanggap niya 'yong perang binigay ko kapalit ng paglayo niya sa 'yo!"
Napaatras siya at napabagsak ang mga balikat. Ang tagal niyang napatulala kay Jerome dahil nagsi-sink in pa sa utak niya ang sinabi nito. Imposible. Napaka-imposible! Hindi iyon magagawa ng kanyang Sir Levi. Hindi iyon nakukuha sa pera.
Inis niya itong tinulak sa dibdib at hinampas pa sa braso. "Sinungaling ka! Bakit mo ba kasi kami pinapakialamanan!"
Muli niyang sinubukang buksan ang kandado ng gate kahit na imposible.
Hinigit naman ulit siya ni Jerome. "Hindi ka makalalabas ng bahay, Leila! Subukan mo lang tumakas at talagang ipararating ko na kina mama 'tong ginagawa mo!"
Muli niya itong hinampas. "I hate you! Bakit ba kasi ikaw pa ang naging kapatid ko!"
Umalis na siya at kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto niya.
PAGKAPASOK SA LOOB, binato niya ang bag niya sa kama at sumalampak ng higa roon. Umiyak siya nang umiyak.
Hindi ito pwedeng mangyari! Hindi siya naniniwala sa sinabi ni Jerome. Alam niyang hindi ganoong klase ng tao si Sir Levi.
Pero paano na ito ngayon? She's grounded. Kailangan niyang makatakas ngayon din. Baka kanina pa naghihintay si Levi sa guard house. Sigurado siyang nandoon lang ito at naghihintay. Hindi sila pwedeng hindi magkita, lalo na't ganito ang nangyayari. She wanted to see him so bad! Hindi niya kakayanin kapag hindi na niya ito nakita pa. Usapan nila na magde-date sila ngayon. Manonood sila ng sine. He promised her!
Nilabas niya ulit ang cellphone niya mula sa bulsa ng suot niyang shorts. Mas lalo siyang naiyak nang makitang wala pa ring tawag o text man lang si Levi.
She doesn't know what to do! Kailangan niyang gumawa ng paraan para makatakas mula sa kapatid niya. At saka niya lang naalalang pwede nga pala siyang dumaan sa likuran ng bahay nila! May maliit na gate roon na alam niyang hindi ika-kandado ng kuya niya.
Pinahid niya agad ang basa niyang mga pisngi. Bumangon siya ng kama at inayos ang sarili, tapos tinungo ang aparador. Kinuha niya mula roon ang malaki niyang backpack at pinuno iyon ng mga paborito niyang damit.
Wala na siyang pakialam sa pamilya niya at sa sasabihin ng mga tao. Pupuntahan niya si Sir Levi at kauusapin ito na ilayo na siya mula sa mga humahadlang sa kanila.
NAGTAGUMPAY SI LEILA sa plano. Walang kahirap-hirap siyang nakaalis ng bahay nang hindi nalalaman ni Jerome.
Ang kaso, hindi niya naman nakita si Sir Levi sa guard house kung saan siya nito dapat susunduin. Siguro nainip na ito at umuwi na lang, kaya't napagpasyahan niyang puntahan ito sa bahay nito.
Muli niyang pinunasan ang basa niyang mga pisngi bago sunod-sunod na pinindot ang doorbell ng bahay nila Sir Levi.
Maya-maya lang naman ay pinagbuksan siya ng isang binatang halos ka-edad niya. Ito yata ang nakababatang kapatid ng sir niya—si JD.
"N-nandiyan ba si Sir Levi?" tanong niya rito.
Hindi naman na ito nakasagot dahil lumabas na agad si Levi mula sa loob ng bahay. "JD, sino 'yan?"
Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita si Levi. Nakabihis ito ng pang-lakad. Mukhang tama nga ang hinala niyang umalis talaga ito para sana makipagkita sa kanya. Walang paalam na siyang pumasok sa gate at sinalubong ito. She's so happy to see him!
"L-Leila?" Nanlalaki naman ang mga mata ni Levi dahil hindi siya nito inasahang darating.
Agad niya itong niyakap nang mahigpit. Hindi niya pa napigilan, napaiyak na naman siya. Takot na takot kasi siya. Akala niya hindi na niya ulit makikita si Sir Levi.
"Anong ginagawa mo rito?" natataranta nitong tanong. "Baka may makakita sa 'yo."
Hindi niya pinansin ang pagtatanong nito kahit na parang nararamdaman niyang hindi ito ganoon kasayang makita siya.
Tumingala siya rito, patuloy pa rin sa pag-iyak. "Sir, I-I'm sorry, hindi ako nakaalis ng 10AM. Hindi kita napuntahan kaagad sa guard house. Si Jerome kasi, ni-lock niya 'yong gate! Hindi ako nakaalis agad. Sorry!" Muli niya itong niyakap nang mahigpit.
Nagtaka naman siya nang pilit kumawala si Sir Levi mula sa pagkakayakap niya. "Halika nga rito." Hinila siya nito papasok sa loob ng bahay at dinala sa isang bakanteng kwarto.
"B-bakit?" tanong niya pagkapasok. "Hindi pa ba tayo aalis? Alis na tayo. Nag-promise ka sa 'kin na manonood tayo ng sine, 'di ba? Ready na ako, o. Itakas mo na rin ako. Ayoko na sa pamilya ko. Nagdala na ako ng mga damit. Sasama ako sa 'yo kahit saan."
Hindi naman makatingin sa kanya si Sir Levi, at hindi niya alam kung bakit. Sanay siyang tinititigan siya nito nang deretso sa mga mata.
"Sir? What's wrong?" pagkuha niya sa atensiyon nito kasi nakatingin lang ito sa kawalan. Parang ang lalim-lalim ng iniisip nito.
Huminga ito nang malalim, tapos inalalayan siya paupo sa gilid ng kama.
Inalis niya ang suot na bagpack kasabay ng paghaplos ni Sir Levi sa pisngi niya para pahirin ang mga luha niya.
Napangiti siya nang mapait.
"Leila, I have to tell you something," malungkot na anito. "Pero mangako ka muna sa 'kin na iintindihin mo lahat."
Napakunot siya ng noo. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil parang alam na niya kung anong gusto nitong sabihin.
"Ano 'yon?" tanong niya pa rin naman.
Yumuko ito. Huminga ulit ito nang malalim, tapos muling tumingin sa ibang direksyon. Bakit ba kanina pa ito hindi makatingin nang maayos sa kanya?
"Leila, listen . . . we can't be together now."
Hindi pa man ito tapos magsalita ay naiyak na naman siya.
Napatingala agad si Levi sa kisame na para bang hindi nito matiis na makita siyang nagkakagano'n. "Come on, Leila, wag kang umiyak. Wag mong gawin 'tong napaka-hirap para sa 'kin."
"N-nakipag-hihiwalay ka na sa 'kin. Bakit? Siguro totoo nga ang sinabi ni Jerome. Tinanggap mo nga siguro 'yong perang binigay niya sa 'yo para layuan mo na 'ko.
"What?" Nanlaki ang mga mata nito. "No! 'Yon ba ang sinabi niya sa 'yo? No, baby. Hindi ko tinanggap. I can't do that."
"Then why? At alam na pala ni Jerome ang tungkol sa 'ting dalawa. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"
"I tried. But I don't want you to worry too much. Kaya nga pinag-iingat kita."
She controlled her sobs and looked straight at him. "I love you, Sir Levi. Hindi ako naniniwala kay Jerome. Mahal mo rin naman ako, 'di ba?"
Muli itong napabuntong-hininga. Matagal bago ito nakasagot. "Oo, mahal kita. Pero hindi na pwede. Hindi talaga tayo pwede, Leila."
"'Wag mo kasing sabihin 'yan! Bakit ba kasi? 'Yong nakakita ba sa 'tin kahapon ang may kasalanan? Wala naman akong pakialam sa kanya. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Umalis na lang kasi tayo ngayon. Dalhin mo ako kahit saan mo gusto. Sir naman!"
Bumuhos na naman ang mga luha niya kaya agad siya nitong pinatahan. "Hindi 'yon gano'n kadali, naiintindihan mo ba? Hindi kita pwedeng ilayo sa kanila nang ganon-ganon na lang. I'm really sorry, but I need to leave you."
"No!" tarantang sigaw niya sabay yakap kay Levi. "Sir, no! No!"
Ang akala niya, yayakapin din siya nito pabalik, pero hindi. Pinilit pa nitong alisin ang mga braso niyang nakapulupot sa katawan nito.
"I'm really sorry, Leila. Come on, go home now. Hindi mo alam ang pwedeng gawin ng pamilya mo sa amin at sa 'yo kapag nalaman nilang pinuntahan mo ako rito."
Tumayo na ito at akmang hihilain na rin siya para pauwiin, pero hindi siya pumayag.
Padabog siyang bumitiw sa mga kamay nito. "Ayokong umuwi! Dito lang ako sa 'yo!" Napatakip siya ng mukha at humagulgol ulit ng iyak.
Nagpakawala na naman ng buntong-hininga si Levi, tapos inalis ang pagkakatakip niya sa mukha niya. Nakaluhod na ito sa harapan niya ngayon. He grabbed her hands and kissed them.
Mas lalo tuloy siyang naiyak.
"Leila, intindihin mo, please," sabi nito. "Para sa 'yo 'tong ginagawa ko."
"I-I can't understand."
"'Yong nakahuli sa 'tin kahapon, kaklase mo. Nagsumbong siya sa principal. Mrs. Castro fired me, and she also wanted to suspend you from school. Pero hindi ako pumayag. Sabi ko sa kanya wag ka nang idamay. Ako na lang. Ako na lang ang tatanggap ng lahat ng parusa. Pinakiusapan ko rin sila na wag nang ipaalam sa mga magulang mo. Ayokong masira ang kinabukasan mo nang dahil lang sa 'kin, Leila. At naapektuhan na rin ang kapatid ko. He's been receiving threats from Jerome . . ."
Humigpit ang kapit nito sa mga kamay niya. ". . . Leila, I love you, you know that. Gagawin ko lahat para lang ma-protektahan ka dahil alam kong 'yon ang trabaho ko. Kahit na career at buhay ko ang kapalit. Please understand, I'm doing this for you. Hindi na ako magtuturo sa St. Agnes. Aalis na kami ng kapatid ko. Susunod kami sa mga magulang namin sa Amerika."
Napatigil siya sa pag-iyak. Biglang namanhid ang mga pisngi niya dahil sa huli nitong sinabi "No. Y-you're not leaving me."
"Yes, Leila. I'm leaving."
"NO!" sigaw niya sabay bato ng bagpack niya kay Levi. Pinaghahampas niya pa ito sa dibdib at sa braso. "No, no, no! Bakit mo 'to ginagawa sa 'kin, sir! Sinasaktan mo 'ko, SINASAKTAN MO AKO!"
Hindi naman siya nito pinigilan. Tinatanggap lang nito lahat ng mga malalakas na hampas niya, hanggang siya na lang ang napagod. Muli niyang sinubsob ang mukha niya sa mga palad niya.
"Tingnan mo, mapapagod ka lalo. Shh, stop crying, baby, please. Halika na. Isasakay na kita ng taxi pauwi." Hinaplos siya nito sa buhok at inalalayan na patayo.
Pero agad din siyang bumitiw nang magtagumpay itong patayuin siya. She stamped her feet out of frustration. Kaunti na lang ay para na siyang maglulupasay sa sahig. "Ayoko nga sabing umuwi! Sir! Tama na po, masakit na! Don't leave! Don't leave me! Sasama na lang ako sa 'yo, please. Isama mo ako kahit saan!"
Kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan nito. Bakit ba hindi ito naaawa sa kanya?
"Tama na, Leila." Pumikit ito nang mariin. "Nasasaktan din ako sa ginagawa mo. Ayokong makita kang nagkaka-ganyan. Please stop crying. Nahihirapan ako."
Hindi na siya sumagot. Umiyak na lang siya nang umiyak. Sobrang nalulungkot at nasasaktan na siya. Hindi niya kayang mawala sa kanya si Sir Levi. He is her only happiness! Para na rin siyang namatayan kung mawawala ito.
Hindi na siya makaisip ng ibang pwedeng gawin. It hurts so bad, but she doesn't want to give up. She won't give up!
Pumikit siya at bahagyang tumingala habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Alam niyang hahalikan siya ni Levi katulad ng nakasanayan nila.
Naghintay siya ng ilang segundo, pero wala siyang labing naramdaman.
"Sir!" she called.
"No, Leila."
Lalo siyang naiyak. Mas diniinan niya ang pagkakapikit. "Please, sir!"
"Stop that. Tama na. Hindi kita hahalikan."
Diniinan niya pa rin ang pagkakapikit. Hindi siya titigil. Kahit mabulag siya hindi siya titigil! "Please! Please! Kiss me, sir! Please!" she begged as her tears aggressively rolled down her cheeks.
Maya-maya lang ay hinawakan na ni Levi ang magkabila niyang mga pisngi. Pero imbis na halikan siya sa gilid ng labi ay hinalikan lamang siya nito nang mariin sa noo.
Pakiramdam niya, bumigay na lang ang mga tuhod niya. Impit siyang napaiyak. Sobrang sakit! Hindi na talaga siya mahal ng kanyang Sir Levi. Ayaw na nito sa kanya.
Niyakap siya nito sa leeg pagkatapos. Inabot pa nito ang mga braso niya at pinayakap sa baywang nito. Tapos naramdaman niya na lang ang mainit nitong paghinga sa gilid ng ulo niya.
"I'm sorry, baby. I'm really sorry. Stop crying. Hindi ko ginustong masaktan ka nang ganito. Kapag tumanda ka na, maiintindihan mo rin lahat. Maiintindihan mo kung bakit natin kinailangang maghiwalay, kung bakit kinailangan kong gawin 'to . . .
. . . Leila, stay strong. Promise me that, okay? Maging matapang ka para sa 'kin. Alam ko, galit na galit ka sa 'kin ngayon dahil sa ginawa ko. Pero sana, balang araw, mapatawad mo ako."
Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. He seemed so sincere. "I love you, Leila. Please be happy, even without me."
Tuluyan nang namanhid ang buong niyang katawan. Wala na siyang maramdaman kung 'di ang kirot sa puso niya at ang bigat ng dibdib niya. Ni hindi niya na nga naririnig ang mga sinasabi ni Levi. Parang nabingi na siya.
Be happy? Paano niya gagawin 'yon, kung ang tanging taong nagpapasaya sa kanya ay mawawala na?
Walang gana siyang kumalas mula sa pagkakayakap ni Levi. Tapos hinang-hina na kinuha ang bagpack niyang nasa sahig nang hindi man lang umiimik.
Hinawakan siya ni Levi para alalayan, pero inis siyang umiwas. Hinaplos din siya nito sa pisngi, pero umilag lang siya. Hindi siya nagsasalita. Basta tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng mga luha niya na para bang hindi na titigil ang mga iyon.
"Leila, I'm really, really sorry. Sana mapatawad mo ako."
Tiningnan niya ito nang deretso sa mga mata pagkatapos kahit na sobrang nanginginig ang mga kamay at tuhod niya.
"I hate you. I hate you so much." Nagpipigil siya ng mga hikbi. "I'm willing to give up everything I have just for you. Everything, sir! Sinayang mo lang lahat. Iiwan mo ako nang ganito. Ikatutuwa mo ba 'yon? Sana... sana hindi ka maging masaya. Ipagdarasal kong hindi ka rin maging masaya! I hate you, Sir Levi!"
Hinampas niya ito sa dibdib sabay takbo palabas ng kwarto habang pinipigilan ang muling pagbuhos ng mga luha niya.
Tinawag pa siya ni Levi, pero hindi na niya ito nilingon. Hindi siya bumalik. Para saan pa? Para lang muling marinig ang pagpapaalam nito? Tama na. Hindi niya na kayang lumunok pa ng dagdag na sakit.
• • •
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro