Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

BUMAGSAK ANG MGA balikat ko dahil sa inamin ni Levi.

For seconds, pakiramdam ko naging bobo ako dahil ang tagal bago nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Basta ang alam ko, parang may libu-libong karayom na tumutusok sa katawan ko ngayon. Walang kasing kirot!

Napatingala na lang ako sa mga nakasabit na chandeliers sa itaas dahil hindi ko na siya kaya pang tingnan. Kagat-kagat ko ang ibaba kong labi. Mali 'to. Maling-mali na nakipagkita ako sa kanya.

Nang bumalik ang lakas ng mga tuhod ko, tsaka ko lang binitbit ang bag ko at nagmadaling tumayo.

"God, Leila. Don't leave."

Hindi ko siya pinansin, hindi ko na siya tiningnan pa.

Halos patakbo kong tinungo ang pintuan ng restaurant. Alam kong tumayo na rin siya para sundan ako dahil narinig kong umurong 'yong silyang kinauupuan niya, but fuck, I don't care! Alam kong hindi dapat, pero nasasaktan ako. Ang bigat-bigat sa dibdib!

"Leila, I'm so sorry," habol niya pa sa 'kin. "Come on, hayaan mo muna akong makapagpaliwanag."

Hindi ko pa rin siya pinansin at mas binilisan ko pa ang lakad ko.

Binabaybay ko ang daanan papuntang parking lot. Nanlalabo ang mga mata ko! Hindi na nga ako magtataka kung matapilok ako rito o mabunggo ng ibang tao.

Gustong-gusto ko nang tawagan si Baron para magpasundo sa kanya, pero sobrang nanginginig 'tong mga kamay ko. Ni simpleng paghugot lang ng phone mula sa bulsa ko, hindi ko pa magawa.

Naabutan ako ni Levi at agad niya akong hinawakan sa siko para paharapin sa kanya. Agad din akong umiwas. Gigil na gigil ko siyang tinitigan. Shit, gusto ko siyang sampalin! "Paano mo nagawang maging masaya, ha? PAANO KA NAGING MASAYA!"

Napaiwas siya ng tingin. "Nagkakamali ka ng iniisip. Listen to me first."

"Listen to you? Yeah right!" Tumalikod ulit ako at tumuloy sa paglalakad. Hindi na ako magsasayang ng oras na pakinggan pa siya. Sapat na ang narinig ko.

Sumabay pa rin naman siya ng lakad sa 'kin. "I will explain. Just give me a minute."

"Wala akong pake sa explain-explain mo! Tama nang nalaman kong ikinasal ka na sa iba. Actually, hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa nating dumating sa topic na 'yon. I don't care about you anymore. Pakasalan mo pa lahat ng mga babae sa Amerika kung gusto mo!"

"Please don't talk to me like this. I'm trying to explain everything to you."

"Okay na nga, e! I get it! You're married now. Ano pa bang gusto mong malaman ko? Kung gaano ka naging masaya sa piling ng asawa mo? Fuck you, sir! Fuck you!

. . . Buti ka pa naging masaya. Gusto mo palakpakan kita? E ako? Do you have any idea kung gaano ako nasaktan sa ginawa mo sa 'kin? Wala kang karapatang iparamdam ang ganito sa 'kin ngayon. Sobra-sobra na ang pinagdaanan ko! Ni hindi mo alam kung anong klase ng buhay ang natanggap ko matapos mo 'kong iwan. Tapos ngayon babalik ka para sabihin sa 'king 'you had to marry someone else'? That's bullshit!"

"Hey, watch your mouth. Bakit ganyan ka na magsalita ngayon."

"Wala kang paki kung ganito na ako magsalita. Magmumura ako kung kailan ko gusto!" Tumingala ako sa langit habang naglalakad. Gigil na gigil ako, puta, para akong maiiyak sa sobrang inis na nararamdaman ko sa kanya ngayon.

"Hindi na kita sisingilin sa bayad," dagdag ko. "Kung ayaw niyo kaming bayaran, fine! Isaksak niyo 'yang pera niyo sa mga baga niyong magkapatid!"

Nagulat na lang ako nang bigla niya na naman akong hatakin sa siko para paharapin. Pero this time, hindi na ako nakapagtaray dahil dinikit niya ako sa malapad niyang katawan. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinitigan ako nang seryoso. "Matagal na kaming divorced ni Stella."

Wala akong nasabi. Nanlalaki lang ang mga mata ko habang nakatingala sa kanya. Divorce?

"Gusto mong malaman ang dahilan kung bakit ako bumalik?" patuloy niya. "Dahil sa 'yo. I'm free now, Leila. All yours. May sinabi ba akong naging masaya ako sa piling ng ibang babae? Kung naging masaya ako sa iba, wala sana ako rito sa harapan mo . . .

. . . Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa dahil matanda na 'ko para magpakatorpe. You want to hear more truth? I want you, Ms. Leila Perez, to be my queen again. I want you to give me one more chance, because I can love you forever now. Wala nang hahadlang sa 'tin."

Namanhid ang mga pisngi ko.

Parang biglang bumagal ang lahat—ang paghinga ko, ang pagkurap ko, ang paggalaw ng panga niya, ang pagdulas ng kamay niya sa buhok ko, ang takbo ng oras. Hindi ko na nga nasundan ang mga sinabi niya. Hindi ko na rin alam kung totoo pa ba ang mga naririnig ko. They're too good to be true.

Pumikit ako nang madiin. "You stop lying to me. Wag mo akong paglaruan gamit 'yang matatamis mong mga salita. Hindi na 'ko high school student para mapaikot mo."

Mas lalo niya namang nilapit ang katawan niya sa'kin. He whispered near my ear in a low, sexy voice. "Paglaruan? I'm old to play games. At kailan ba kita pinaglaruan? Pakipaalala nga sa 'kin kasi wala akong matandaang ginawa ko 'yon sa 'yo."

He looked straight at my dark brown eyes again as if he has really no intentions of lying to me.

"Stella is my good friend in the States, in case you want to know," he added. "She got pregnant by a man she barely knew. Bata pa siya at pinilit ng mga magulang niyang ako ang nakabuntis sa kanya. They wanted me to marry her and help her raise the kid."

Bumagsak ang mga balikat ko. Sinubukan ko nang kumalas mula sa kanya. "Bitiwan mo na 'ko. Ayoko nang marinig 'tong mga drama mo."

Pero hindi niya ako binitawan at mas lalo pang humigpit ang pagkakakapit niya sa magkabila kong balikat. "No. I won't let you go because I'm not done yet. I want you to listen to me very carefully."

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko na kaya pang makipagtitigan sa kanya. Para akong nalulunod. Pinikit ko ulit nang mariin ang mga mata ko. His ragged breathing made me feel so weak. At tumindig ang mga balahibo ko nang maramdaman ko na ang paghingang 'yon sa bandang noo ko.

"Leila, pumayag ako sa gusto nila dahil alam kong pwedeng-pwede naman akong mag-file ng divorce kapag okay na ang lahat. Maayos ang paghihiwalay namin ni Stella. Alam niya ang tungkol sa 'yo. Alam niyang matagal na kitang pinahahanap kay JD."

Natawa ako nang mapait. "Pumayag ka? Hindi ka na naman lumaban? Pinairal mo na naman 'yang awa mo? You're too kind, and I loathe you for being like that."

Humakbang na ako paatras, pero hindi niya pa rin ako hinayaang makaalis. "Don't leave yet. Hindi pa ako tapos."

"Tapos ka na."

Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang humila sa 'kin paatras. Si Baron!

Sa lakas ng pagkakahila niya, napasubsob na lang ako sa malapad niyang dibdib. Niyakap niya ako sa leeg at hindi na ako nakapalag, para lang akong lantang gulay.

Bigla niyang dinuro si Levi pagkatapos. "Tangina mo kapag hindi mo nilubayan si Leila, ako makatatapat mo!"

Nataranta ako ro'n! "Tama na." Hinarangan ko agad siya sa dibdib dahil hindi takot sa gulo 'tong lalaking 'to. Mananapak talaga 'to kapag napikon. "Halika na, umuwi na tayo."

Sumunod naman siya, pero ang tagal bago niya inalis ang nanlilisik niyang mga titig kay Levi. Hinawakan niya ako sa braso pagkatapos para pagmadaliin na ako sa paglalakad.

Bago kami tuluyang makalayo, nilingon ko pa si Levi. Hindi pa siya umaalis sa kinatatayuan niya. Nakasunod lang siya ng tingin sa 'min.

Pagbubuksan pa sana ako ni Baron ng pinto ng kotse, pero bago niya pa magawa 'yon ay inis ko nang binawi ang braso ko. "Kaya ko na, okay?"

Hindi niya ako nilabanan, at pikon lang siyang umikot papunta sa kabilang pinto at sumakay.

Nagkabit ako ng seatbelt sabay tinitigan siya nang masama pagkapasok na pagkapasok niya. "Ano 'yong sinabi mo kanina kay Levi, ha? Wala naman tayong usapan na aasta ka nang gano'n, ah!"

"Ano, ako pa mali? Tangina ganyan pa pala reaksyon na matatanggap ko galing sa 'yo? Wala man lang ba 'kong 'thank you'? Niligtas na nga kita ro'n!"

"Hindi gano'n ang ibig kong sabihin. 'Wag kang mag-over react diyan!"

Napangisi siya nang mayabang sabay tingala. "Sabi ko nga, e. Wala naman talaga akong karapatang umasal nang gano'n. Naramdaman ko lang kasi na baka kailangan mo 'ko kaya pinuntahan na kita."

Pumikit ako at hinang-hinang sinandal ang ulo ko sa upuan. Hindi ko na magawang makipagsabayan dito kay Baron dahil ang totoo, lumulutang pa ako dahil sa nangyari kanina. Tumatakbo pa rin sa isip ko lahat ng mga sinabi ni Levi.

"Gusto mo ng tubig?" Bigla na naman nang huminahon ang boses ni Baron. Nakahalata na siguro na ayaw ko munang makipagbangayan.

Umiling lang ako sa tanong niya.

"Bakit nasa labas kayo? Ano bang pinag-usapan niyo? Sobrang lapit niyo pa sa isa't isa. Hindi ka man lang lumayo?"

Pinungay ko ang mga mata ko. Ang pangalawang tanong niya lang ang nag-rehistro sa 'kin. "Nagpakasal siya sa iba."

Natawa siya nang maangas. "Wala na namang nakagugulat do'n."

Pinanlisikan ko siya ng tingin. "Ano?"

Umiwas naman siya at binuhay muna ang makina ng kotse bago niya ako sinagot. "Bakit, ano bang inaakala mo? Na ikaw lang? Na hinahanap ka niya dahil gusto niyang kayo pa rin hanggang sa huli? Ano 'yan, pelikula? Lalaki 'yon. Hindi 'yon mabubuhay nang walang binabahay at kinakamang babae."

Umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo ko! Hindi ko napigilan ang inis ko, kinuha ko 'tong lata ng car perfume at binato sa braso niya. "Minsan nga matuto kang mag-preno ng bibig!"

"Sige lang. Ibato mo pa sa 'kin lahat ng mga bagay na nakikita mo rito. Gusto ko lang maging totoo tayo."

Hindi na ako sumagot. Tumingin na lang ako sa bintana sa gilid ko.

Nainis ako, pero aminado akong tinamaan ako sa sinabi niya. Reality check—oo nga naman, bakit ko nga ba naisip na hindi niya magagawang mag-asawa ng iba? Maraming taon na ang nakalipas. Why would I think na ako pa rin?

Siguro hindi ko lang talaga matanggap na nagawa niyang magpakasal, kahit na may maayos na rason naman siya. Samantalang ako, walang magandang nangyari sa buhay ko. Naging miserable ako nang mawala siya sa 'kin.

Napahilot ako sa noo ko. Bakit kasi nagpakita pa ulit siya sa 'kin. Kung anu-anong pang sinabi niya na hindi ko alam kung kaya kong paniwalaan. He can love me forever now? Saan niya naman nakuha ang mga salitang 'yon?

"Pupunta ako sa tattoo shop," biglang sabi ni Baron habang nagmamaneho. "Gusto mo bang sumama sa 'kin? Do'n ka na lang muna para mabantayan kita."

"Bakit mo naman ako babantayan? Hindi mo naman ako anak."

Bumuntong-hininga siya sabay umiling-iling. "Oo na. Sige na. Kalimutan mo na lang 'yong sinabi kong 'babantayan'. Ano, sasama ka ba?"

"Magtatagal ka ba ro'n?"

"Siguro. Magtatrabaho ako, e."

Huminga rin ako nang malalim. "Ayokong sumama. Idaan mo na lang ako sa apartment. Itutulog ko na lang 'to."

"Tsk, wag mo naman masyadong ipahalata sa 'kin na apektado ka pa rin sa lalaking 'yon."

Tiningnan ko siya. "Ano bang pinagsasabi mo?"

"Halatang-halata ka kasi. Kahit hindi mo ikwento sa 'kin lahat, parang alam ko na kung anong pinag-usapan niyo. Sabihin mo na lang kaagad sa 'kin kung magkakabalikan kayo para naman alam ko kung saan na 'ko lulugar."

"Putangina naman, Baron! Hindi ka pa ba talaga tapos?" Nakaiirita kasi! Dumadagdag pa, puro ka-dramahan ang iniitsa sa 'kin. Pre-occupied na nga 'tong isip ko!

Hindi naman na siya lumaban. Nagtanong siya ulit, pero kalmado na ang boses niya. "Ano, nakuha mo ba sa kanya 'yong bayad?

Mas lalo lang naman akong nainis. Isa pa 'yang lintek na bayad na 'yan. "Hindi. At wala na 'kong balak kunin. Para naman kasing wala talaga siyang balak na magbayad. Bahala na kung mawalan ng tirahan. Babalik na lang siguro ako kina mama kahit labag sa loob ko."

"Babayaran na kita para ro'n sa mga pictures. Kung kulang pa 'yon, pahihiramin na lang din kita."

"'Wag na. Kaya kong gawan ng paraan. Kauusapin ko na lang sina Raquel na made-delay 'yong bayad ko sa kanila."

"Tangina bahala ka na nga. Tutal, ikaw naman palagi 'tong nasusunod."

Hindi na ako kumibo. Wala talaga kaming usapan na hindi kami nagkakaubusan ng pasensya.

IDINAAN AKO NI Baron sa apartment bago siya tumuloy sa tattoo shop niya. Parehas pa ring mainit ang mga ulo namin kaya halos hindi na naman kami nagpansinan buong byahe.

Pagka-akyat ko sa unit ko, binagsak ko agad ang katawan ko sa kama. Inabot ko ang isang unan at tinakip sa mukha ko.

Iba ang pakiramdam ko ngayon. Para akong lalagnatin. Punyeta kasi, ayoko nang isipin 'yong nangyari sa 'min ni Levi kanina, pero ayaw talagang lubayan 'tong utak ko. Kinikilabutan ako, parang hanggang ngayon naririnig ko pa rin 'yong mga sinabi niya sa 'kin. Kabisadong-kabisado ko, pati na rin ang paraan ng pagkakasabi niya.

Inaatake na naman tuloy ako ng lungkot. Ganito talaga ako. Ang akala nina Raquel at Vannie at ng ibang mga tao, matapang ako dahil nakakaya ko lahat at wala akong inuurungan. Pero ang totoo? Kapag mag-isa na lang ako sa loob ng unit ko, malungkot na tao talaga ako. Umiiyak ako kapag sobrang bigat na; nagkakasakit ako kapag hindi ko na kaya. I may look tough, but deep inside I'm fragile.

HINDI KO NAMALAYANG nakatulog pala ako.

Sa sobrang kaiisip ko siguro, bumagsak na lang ang katawan ko. Hindi pa nga ako magigising kung hindi ko pa narinig ang sunod-sunod na pagtunog ng door bell.

Sinilip ko muna ang wall clock na nakasabit malapit sa pinto ng banyo. Alas-siyete na pala ng gabi. Ang tagal ko ring nakatulog. Nag-ayos muna ako ng sarili bago tuluyang bumangon ng kama para tingnan kung sino 'yong tao sa labas.

Pagkabukas ko ng pinto, agad na nawala ang antok ko nang makita ko si Levi na nakatayo sa labas.

May dala siyang bouquet ng pink tulips—ang paborito ko. Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi nga ako makatingin sa kanya kahit na gustong-gusto ko siyang kwestyunin kung papaano niya nalaman kung saan ako nakatira.

"I asked Ms. Raquel about your address," kusa na niyang sinagot ang tanong sa isip ko. "I'm very sorry for coming here. Hindi kasi ako matatahimik hangga't hindi kita nakauusap nang maayos. 'Yong hindi ka sumisigaw at nagmumura."

Bigla siyang ngumiti nang mapait. "Pwede ba akong pumasok sa loob? I really want to talk about us, baby."

• • •

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro