
Chapter 1
***FLASHBACK***
LEILA
14 years ago
MAHIGIT ISANG ORAS na magmula noong tumunog ang bell ng St. Agnes High School, isang exclusive school for girls. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin umuuwi ang 15-year old na si Leila Pauleen Perez.
Matiyaga siyang naghihintay sa tapat ng faculty room—nakasandal sa malamig na pader, nakatitig pababa sa kanyang mga bagong biling itim na sapatos, at kapit ang kahon ng homemade carrot cupcakes na pabaon sa kanya ng mama niya.
Hindi niya na iniisip ang pangangalay ng mga paa niya, ang bigat ng dala niyang shoulder bag, at ang posibilidad na may makakita sa kanyang ibang mga estudyante. Paminsan-minsan ay tinitingnan niya na lang ang mga kuha niyang litrato sa dala niyang digital camera o kaya'y pinagmamasdan ang naggagandahang Christmas lights na nakapalibot sa kalapit na bulletin board para maibsan ang pagkainip niya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago bumukas ang pintuan ng faculty room.
Nagningning ang mga mata niya nang sa wakas ay lumabas na rin mula roon ang lalaking kanina niya pa gustong-gustong makita.
Si Sir Levi Alarcon, her Chemisty teacher.
As usual, naka-itim na slacks at grey na polo ito bilang uniporme, at naka-clean cut ang kulay jet black nitong buhok. Pero kahit ganoon ay parang bagong-bago pa rin ang dating nito sa paningin niya. Napaka-gwapo pa rin ng kanyang teacher, lalo na ngayong hindi ito nakasuot ng black-rimmed glasses.
Agad namang natigilan si Levi nang makita siyang naghihintay roon. "L-Leila. Why are you here?" Lumingon-lingon pa ito sa may kadilimang pasilyong iyon para tiyaking walang ibang estudyanteng nakatambay.
Binalewala niya ang tanong nito at lumapit na siya para yakapin ito nang mahigpit. "I missed you, sir."
Nataranta si Levi at dali-dali siyang hinila papasok sa faculty room na wala nang tao. Binuksan ulit nito ang ilaw sa loob at dinala siya sa pinakadulong table. Nilagay nito ang bitbit na messenger bag sa ibabaw noon, tapos pinaupo siya sa katapat na silya.
"What are you doing here, Ms. Perez?" Magkasalubong ang mga kilay nito. "'Di ba sinabi ko na sa 'yong wag na wag mo akong hihintayin sa labas ng faculty room? Paano na lang kung may makakita sa'yo? Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sa'tin?"
Halos uminit naman kaagad ang sulok ng mga mata niya. Yumuko siya at hinakawan nang mahigpit ang laylayan ng suot niyang plaid jumper uniform.
Bakit gano'n? Pagkatapos niyang maghintay nang mahigit isang oras sa labas, ganoon lang pala ang matatanggap niyang reaksyon? Hindi man lang ito natuwang makita siya?
Huminga siya nang malalim bago muling nag-angat ng mukha rito. "Pinagagalitan mo ba ako? Bakit mo ako pinagagalitan?"
Biglang umaliwalas ang mukha ni Levi. Nawala ang kaninang inis sa mukha nito. Ngumiti ito nang mapait sabay kinuha ang dala niyang bag at pinatong din sa mesa.
Pasimple niya namang tinago sa likod niya 'yong hawak niyang box ng cupcakes para hindi makuha ni Levi.
Hinaplos nito ang layered niyang buhok pagkatapos. "No, of course not. Hindi kita pinagagalitan." He then brushed his thumb on her rosy cheek. "Sorry kung ganoon ang naging dating sa'yo. Iniisip lang naman kita. Ayokong may makakita sa'yong naghihintay sa akin sa labas nitong faculty room. Alam mo namang hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa 'tin."
Binalewala niya ang sinabi nito. Wala naman kasi talaga siyang pakialam kung malaman ng iba ang tungkol sa kanila. She doesn't care if she's having an affair with her Chemistry teacher. She doesn't care if he's 12 years older than her. Ang mahalaga, makita at makasama niya nang mas madalas ang kanyang Sir Levi. Ganoon kalalim ang nararamdaman niya para rito.
"Ayaw mo ba akong makita?" nagtatampong tanong niya.
Napahinto ito sa paghaplos sa pisngi niya at bigla siyang tinitigan. Hindi siya umiwas. Gustong gusto niya kung paano siya titigan ni Sir Levi—malalim at puno ng emosyon.
"Gusto ko," sagot nito. "Syempre, gusto ko. Ano na naman ba 'yang iniisip mo, hmm?"
Napangiti siya. Isa iyon sa mga nagustuhan niya sa kanyang Sir Levi. Kayang-kaya siya nitong pakalmahin sa lambing lang ng pananalita nito.
Bigla niya namang naalala 'yong dala niyang carrot cupcakes. Nilabas na niya mula sa likod niya. "Para sa 'yo pala 'to, sir."
"What's this?" Kunot-noo nitong tinanggap ang kahon. "Dalawang linggo pa bago ang Pasko pero may regalo ka na agad sa'kin?"
Natawa siya nang mahina. "Carrot cupcakes 'yan."
"Hmm. Para sa 'kin ba talaga 'to? O baon mo dapat 'to?"
"Hindi, para sa'yo talaga 'yan," she lied. "Masarap 'yan. Homemade."
"Talaga? Ikaw ba gumawa?"
"Hindi, ang mama ko. Pero tumulong ako, ha." Proud pa talaga siya.
Napangiti na lang tuloy si Sir Levi.
Gustong-gusto niya rin kapag ngumingiti ito sa kanya. Mas lalo itong gumagwapo. Bihira niyang makita si Sir Levi na ngumingiti. Palagi kasi itong seryoso, lalo na kapag nagtuturo sa klase at kapag pinaliligiran ng ibang mga estudyante sa campus.
"At ano namang itinulong mo?" sumunod na tanong nito sa kanya. "Mas gusto ko kung ikaw lang talaga ang gumawa, Ms. Perez."
Napasimangot siya. Hindi dahil sa parang hindi nito nagustuhang tumulong lang siya sa paggawa ng mga cupcakes, kung 'di sa pangalang itinawag nito sa kanya.
"Don't call me Ms. Perez," tampo niya kunwari. "'Di ba first name basis tayo after 5PM?"
Ngumisi naman ito sabay ipit ng buhok niya sa likod ng tainga niya. "I know. But we're still in the campus. And that means I'm your Chemistry teacher and you're still my student."
"You mean your favorite student?" In-emphasize niya pa talaga 'yong 'favorite'.
Muli itong napangiti. "Okay then. My favorite student." Binaba ulit nito ang tingin sa hawak na kahon. "Mukhang masarap nga 'tong cupcakes. Kainin natin bago ka magpasundo sa kuya mo. Okay ba 'yon?"
Kumunot ang noo niya. "Magpapasundo kay Jerome? Ayoko. Ang gusto ko, ihatid mo ako sa bahay."
Napa-buntong hininga ito. "You know I can't, Leila."
"Pero gusto ko. Wala naman sina mama at papa sa bahay, hindi sila uuwi ngayon dahil may business trip na naman sila. Hindi rin ako masusundo ni Jerome dahil may klase siya hanggang mamayang 9PM."
"Where's your driver then?"
"Tinaguan ko kanina. Siguro umuwi na 'yon ngayon."
"What?" Tumapang ang mga mata nito. "Leila, why did you do that? Hindi ka dapat nagtago. Paano kapag nagsumbong 'yon sa parents mo? Lalo na sa kuya mo?"
"Ako na'ng bahala. Malulusutan ko naman sila, e. Ayokong umuwi kasama 'yong driver na 'yon. Gusto ko ikaw ang kasama ko. Ayaw mo ba?"
Saglit itong napapikit nang mariin, tapos napahilot sa gilid ng noo na para bang hirap na hirap tumanggi.
"Gusto ko," sagot nito pagkatapos. "Alam mo namang gusto ko. Pero wag mong gagawin 'yon. Nag-iingat nga tayo para hindi sila makahalata. Ayokong mapahamak tayo, lalo ka na. Naiintindihan mo ba 'yon?"
Umiwas siya ng tingin.
Ang totoo, hindi niya naiintindihan si Sir Levi. Ginagawa niya ang lahat para lang magkita sila nang mas madalas, pero parang hindi naman nito naa-appreciate ang mga ginagawa niya. Handa nga siyang mapagalitan ng Kuya Jerome niya kapalit ng pagkikita nila ni sir.
Bigla naman nitong hinawakan ang mukha niya para paharapin. Pero hindi siya tumitingin dito.
"Leila, I'm talking to you," he said. "Look at me."
Doon lang niya ito tiningnan.
"Alam mo ba kung anong ginawa mo, ha?"
Umiwas ulit siya ng tingin. "Alam ko. Ginagawa ko 'yon para sa 'tin. Bakit parang hindi ka naman masaya?"
Yumuko ito. Parang hindi nito alam kung paano magpapaliwanag sa kanya. Huminga ito nang malalim at saka siya muling tiningnan. He looks disappointed.
"Hindi ka nga masaya?"
"Yes, Leila. I'm not happy."
Bigla siyang pinanghinaan ng mga tuhod. Walang gana siyang napaupo sa silya at napatulala sa sahig. "Y-you're not happy?"
"Oo, hindi ako masaya sa ginagawa mo. Ilang beses ko bang kailangang ipaintindi sa'yo ang sitwasyon natin?"
"Hindi mo kailangang ipaintindi sa 'kin. Wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa nating dalawa. Bakit ba palagi mong sinasabi sa'kin 'yan? Ayoko na nga 'yang marinig. Sabi mo gusto mo rin ako? E bakit ka ganito?"
Napapikit siya kasi uminit na naman ang sulok ng mga mata niya.
Hindi niya mapigilang hindi maging emosyonal. Sobrang excited siyang makasama nang mas madalas si Sir Levi dahil ilang araw na lang ay Christmas vacation na, pero bakit parang kabaligtaran naman ang nararamdaman nito?
Narinig niya itong huminga nang malalim, tapos lumuhod sa harapan niya. "I like you, Leila. Hindi pa ba sapat ang mga pinapakita at ginagawa ko para maramdaman mo 'yon? Ang gusto ko lang, mag-ingat tayo. Hindi tayo katulad ng iba riyan na pwedeng magsama kahit kailan natin gustuhin."
"Nag-iingat naman ako."
"No, you're not. Makahahalata sila sa ginagawa mo. Act normal. Katulad ngayon. It's not Friday and we're not supposed to meet, yet you're here."
Tiningnan niya ito nang masama. Sa mga sinasabi nito sa kanya, parang tuluyan na talaga siyang maiiyak. "So ayaw mo pala talaga akong makita? Gumagawa na nga ako ng paraan. Ayoko ng Friday lang tayo nagkakasama. Gusto ko, araw-araw!" Tumayo siya dahil sa bigat ng loob niya.
Napatayo rin naman kaagad si Levi.
Inagaw niya ang kahon ng cupcakes na hawak hawak nito at inis na binato sa sahig!
Nanlaki ang mga mata ni Levi. Hahawakan na nga dapat siya nito para pakalmahin, pero mabilis siyang umiwas.
"You don't appreciate my efforts!" she even yelled.
"Shh, wag kang sumigaw," awat agad nito sabay sulyap sa pinto ng faculty room. "Baka may makarinig sa 'yo."
Hindi pa rin naman siya nagpaawat. "Hindi ka masaya, at ayaw mo pa akong makita. Pinalulungkot mo ako, sir!"
Nilapitan na agad siya nito. He pulled her and hugged her by the neck. May katangkaran si Sir Levi kaya sakto ang pagsubsob ng mukha niya sa dibdib nito. Doon na siya tuluyang napaiyak. Pumikit siya at sunod-sunod na humikbi sa ilalim ng yakap nito.
Naiinis siya at nalulungkot. Bakit ganito umasta ang kanyang Sir Levi ngayon? Bakit ba kanina pa siya nito pinagagalitan?
"Shh, stop crying." Hinaplos nito ang buhok niya para patahanin siya. "I'm sorry, hindi ko na uulitin. I appreciate your efforts. And of course I want to see you. Natatakot lang ako para sa'yo, at nalulungkot din dahil hindi mo ako sinusunod."
"S-sinusunod naman kita e."
"Hindi. Hindi mo ako sinusunod. Ginagawa mo na naman kung ano ang gusto mo."
Lalo siyang napaiyak. "Bakit ba kanina mo pa ako pinagagalitan? Ano bang nangyayari sa 'yo?"
"Hindi kita pinagagalitan. Sinasabihan lang kita na mali ang ginagawa mo. Ingatan mo kung anong meron tayo ngayon, kasi 'yon ang ginagawa ko."
Kumalas na siya mula sa pagkakayakap nito at pinunasan ang mga mata niya.
Tumulong din naman ito sa pagpahid sa basa niyang mga pisngi. "I'm sorry. Tumahan ka na. Bakit ka ba umiiyak? Hindi bagay sa'yo."
Napangiti siya nang mapait sa gitna ng pagluha. "Gusto lang naman kasi kitang makita araw-araw, e."
He pulled her again and gave her a chaste kiss on the forehead.
Yumakap naman agad siya sa baywang nito at sinandal ang ulo niya sa malapad nitong dibdib.
"Sige. Gagawan natin ng paraan 'yang gusto mo," sabi nito sa kanya. "I don't want to see my baby crying again. Basta palagi kang mag-iingat. Ayokong dumating ang araw na mahuli nila tayo at ilayo ka nila sa'kin."
Napangiti siya at tuluyan nang napatahan sa pag-iyak. Gumaan ang pakiramdam niya sa mga sinabi nito. Ang Sir Levi niya lang talaga ang taong kayang magpasaya sa kanya nang sobra at kayang magpalungkot sa kanya nang tagos sa puso. Tulad nito, hindi niya rin kakayaning magkalayo silang dalawa. Baka nga ikamatay niya pa.
Tumingala siya rito nang hindi inaalis ang pagkakayap sa baywang nito. "Ihahatid mo na ba ako pauwi?"
Inayos nito ang bangs niya na halos tumakip na sa kaliwa niyang mata, tapos ngumiti nang matamis. "Hindi kita kayang tiisin, Leila."
Ngumiti rin siya. Pagkatapos ay pinikit na niya ang mga mata niya. At katulad ng nakasanayan, hinawakan ni Levi ang mukha niya at naramdaman niya na lang ang pagdampi ng manipis at malambot nitong mga labi sa gilid ng kanyang bibig.
• • •
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro