Chapter 7: taranta much
Chapter 7: taranta much
Bored nanaman ako...ilang araw ng tahimik ang buhay ko haha..di na muna ako pumupunta sa malls...panu ba naman last time na pumunta ako dun..i met my ex... tas bigla kong nakilala tong si Jun..then ito na..nagpapanggap na kami TT_TT... ayaw ko magpanggap eh... parang walang privacy..kasi di ako makapagBF ng totohanan...wala tuloy nanlilibre saakin haha.... Gaga much....
Ang boring pala kung school at bahay lang lagi pinupuntahan... tong si Marie naman laging umaabsent tsss.... Loner ko kaya! Wala naman lumalapit saakin kasi naman panget nga daw ng ugali ko kahit na transferee lang ako haha..paki ba nila? Eh sa ito ugali ko eh... pero may mga lumalapit naman din... syempre kung anu ugaling pinapakita nila saakin yun din ipapakita ko sakanila... kung plastic sila saakin..edi plastic din ako sakanila haha....
Wala nanaman yung teacher namin...kaya maingay nanaman ang room..parang may riot lang -_-....
"Lian anung feeling na boyfriend mo si Jun? first time kasi na nakalat na may Gf siya eh..and to think classmate pa namin siya..at ikaw yun!"
Yeah right? Crush ba nito si Jun???
"crush mo???" tanong ko
"ah...oo..pero dati yun nung wala siyang Gf"
"ah so kung may Gf na pala di mo na crush?" tanong ko kay Anne
Si Anne..isang extra sa kwento...classmate ko nga pala siya...
"eh baka magalit ka pag sinabi kong crush ko pa din eh"
Sira ulo ba to? Edi inamin din haha...di lang nila alam..mas gwapo yung kaibigan niya..remember?? si Guy number 1? Yun ay si Bryle...[refer to chapter 1 kung di mo maalala..ulyanin na XD]!!! Tama si Bryle..kaya nga tinanung ko yung pangalan kasi crush ko eh hahaha...lumalandi -_-..bakit kasi hindi nalang siya yung nahila ko? Bakit kasi si Jun pa...tsss
"eh bakit naman ako magagalit? Edi crush mo lang..gusto mo bigyan pa kita ng picture eh" haha as if may dala akong pic niya??? Lol
Bzzzzzzzzzt bzzzzzzzzzzzt bzzzzzzzzzzzzzzzzt...
Unregistered number calling...
"who's this?"
(bryle... kasama mo ba si Jun?)
"no..why???"
(mula nung isang araw di pa siya pumapasok eh)
"eh bakit di mo siya tawagan?"
(he's not answering)
Napansin ko lang ah..sosyal tong sila Jun..pa english english pa minsan..tskk
"then go to his house"
(yun na nga sana...hehe I know na di mo siya kasama..)
"and???"
(can you go instead?)
"anu ako? Utusan? Ayoko nga..and besides di ko alam yung bahay niya
(please....)
"no way"
(sige na please.....) my ghad! Bakit ba ang sweet ng boses niya!!!
"fine! Saan ba?"
(GF ka niya di mo alam?)
Nak ng tokwa!! Di ba nila alam??? Haist..
"never pa ako pumunta sa bahay nila"
(ah...ang alam ko lumipat siya sa isang condo nung Tuesday eh.text ko nalang yung address..thanks Lian)
At in-end na niya ang call...
Kelan ko pa siya naging obligasyon? Nakakainis talaga yung batang yun....
"sino yun?" tanong ni Anne...aba chismosa! Haha
"Jun's Friend"
"oh...hehe..gwapo sila? Mga kaibigan niya?"
"uhhm yeah...ang pagkakaalala ko kasi mga teammates din niya yung mga kasama niya lagi eh"
"oh..isang beses palang kasi ako nanuod ng game nila eh... nakakacatch ng attention talaga dun si Jun^___^ galing eh"
Pakialam ko??? Ako nga never pa nanuod eh
"magaling ba? Practice game lang napanuod ko..di ko pa sila napanuod sa actual na laro" nakangiting sagot ko...
At salamat..nandito na yung teacher sa next subject..makakalaya na ang tenga ko sa chismosang babae na to... at natapos na din ang klase..sa wakas uwian na... ang kaso pupuntahan ko pa pala si Jun sa condo niya.. bakit ko ba siya kelangan puntahan? Tsk
Kaya naman pinuntahan ko na si Jun sa kanyang condo... rich kid talaga... nandito na nga pala ako sa elevator..bilis noh? Pumunta nalang din ako tutal wala naman ako ginagawa eh..kaso sayang yung gasolina ko tssk..allowance ko kaya ginagamit ko dun!
At nandito na ako sa tapat ng door niya!!! Oha???
***knock knock*** wala bang door bell? kung anu-ano nanaman iniisip ko tsk.waaaah! bukas yung pinto!!! Diba siya marunong maglock?
"jun??? pumasok na ako ah..si Lian to"
Wala ata siya dito??? Pero cool ganda ng condo niya... pumasok pa ako sa loob... trespassing na to eh TT_TT...pero pakialamera talaga...pumunta ako sa may sala part...at OMG!!! Nagulat ako sa nakita ko!!!
"HEY JUN!!!"
"teka??? Ayos ka lang ba???"
Nakita ko siya nakahiga sa sahig TT_TT..nilapitan ko siya tas hinawakan..malay mo patay na..pero kabaligtaran eh..kala ko malamig na siya..sobrang init niya.. sizzling hot! >///<...
"kaya mo tumayo?"
"Li-an?"
Pinilit ko siyang itayo para ihiga dun sa sofa... effort much kasi kung ilalagay ko pa siya sa kwarto niya..tama may nakita akong pintuan kanina..kwarto niya yun for sure.. kasi yan yung cr oh... halata naman pintuan palang...
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!! Panu ba mag-alaga ng may sakit???
"ilang araw ka na ba may sakit? Teka bili lang ako ng gamot"
"teka lang pala ulit..anung gamot ba iniinom pag may lagnat???" waaaaaaaaaaah natataranta ako..anu nga ba???
"kahit anu" he answered
"bahala na nga...teka kumain ka na ba??? Anung gusto mong kainin??? Ahhhhh! Ewan..teka dyan ka lang bibili muna ako ng gamot"
Ang bilis ko talaga maglakad...halos tumakbo na nga ako eh... I called marie para itanong kung anung gamot ang iniinom pag may lagnat at ang laki ng naitulong niya..DI DIN NIYA ALAM!!! Itanong ko nalang daw sa botika TT_TT..kaya yun ang ginawa ko ^____^..at nakabalik na nga ako sa condo niya... naabutan ko siyang tulog..kaya naman napagpasyahan ko na magluto nalang...di ako marunong magluto TT_TT
Tinawagan ko yung telepono sa bahay... at si yaya ang sumagot kaya naman tinanung ko siya kung panu maglutong sopas weeeeeeeeeew...
Ginamit ko nalang kung anu laman ng ref... bumili na din ako ng shell kanina..yung ginagamit pang sopas...duh!.. at ayun tapos na!!!
Di ko naman ginulo yung condo niya diba???
Pinuntahan ko na siya sa sala....
"Jun? gising ka na?"
"yeah"
"great.. kainin mo na to"
"baka naman lasunin mo ako.."
"gago! Kumain ka na nga lang"
"subuan mo ako di ako makagalaw ng maayos"
"wait? Na-paralyze ka na din?"
"OA much na teh ah"
"salita ka pa dyan oh!" tas sinubuan ko
"Ouch Lian..hipan mo muna"
Waaaaaaaaaaaaaaaah! Grabe na to! Di ko nga ginawa to sa mga naging BF ko tas siya?
Pero dahil naawa ako sa kalagayan niya..fine...hinipan ko pa para sakanya...
"di masarap"
"angal ka pa eh naubos mo na"
"no choice kagabi pa ako di kumain"
"adik ka ba? Sana tumawag ka sa mga kaibigan mo o kaya kina mommy mo"
"di ko mahanap cellphone ko"
"telephone kasi..."
"di ko maalala number nila"
"sarili mong bahay di mo alam? Inumin mo na nga lang tong gamot"
ininom na nga niya ang gamot tsk..masunurin din pala to kahit papaano eh
"wag mo ko kausapin..matutulog ako..."
"lipat ka na kaya sa kwarto mo?"
"psh..itayo mo ako" kung wala lang tong sakit binatukan ko na to...
Tinulungan ko siya pumunta sa kwarto niya... ayun cool.. sarap sa mata nung kulay ng kwarto...light blue... tas may white white... inihiga ko na siya sa kama niya... at doon tuluyan na siyang nakatulog...
Calling mommy
"ma...late po ako makakauwe...may sakit kasi tong friend ko eh...hintayin ko na muna bumaba ang lagnat.....................yes mommy.....bye"
Wala akong magawa... pabalik balik lang ako sa kwarto niya...nood tv then check ko nanaman kung bumababa ba ang lagnat...
"mukha kang mabait pag tulog...matulog ka na lang palagi" bulong ko sakanya
Pinagmamasdan ko lang siya matulog ngayon....ang peaceful.. parang walang problemang iniisip... matangos pala yung ilong niya... tas mahaba yung pilik mata... awww naaliw ako sa kakatitig sakanya ah..tas kaninang kinakausap ko siya ng malapitan..medyo brownish din yung mata..actually brown nga... gusto ko yung mata niya... kung bakit pinanganak akong black ang kulay ng mata haha..hala sinisi? Buti nalang maganda ako...pakapalan ng mukha ba to?
"hoy wag mo ko titigan baka matunaw ako" sabi niya habang nakapikit
"loko to..gising ka na pala eh!..." hinawakan ko yung forehead.. at ayun bumaba na ng tuluyan yung lagnat niya...
"inumin mo ulit tong gamot bukas... ireheat mo nalang yung niluto..pasensya na alam ko namang di masarap eh..."
"okay lang wala naman akong panlasa"
Bastusan??? Sana kahit naman sabihin niyang masarap naman kahit papanu...
"kasi bakit ka pa lumipat eh..panu kung magkasakit ka?"
"may sakit na ako oh"
"na naman kasi! Di mo pa pinapatapos eh tsk"
"uuwe ka na?"
"oo... almost 12 na din kasi eh... sige bye na"
"thanks..." sabi niya habang nakatingin sa ibang direksyon..di ko tuloy makita mukha ng batang to...oo na panalo ka na sa looks..mas gwapo ka na kay Bryle..inaamin ko na...
Hay... ikaw na nakakuha ng 10 at si bryle naman ang 9.6 haha...
Yun ang first time ko mag-alaga ng may sakit...kaya pala di siya nangugulo ng ilang araw na... dati naman nagtitext siya... kaso puro text lang niya pang-aasar eh..halatang bored at walang magawa....
Tsk...immature...sakitin....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro