chapter 22: My Rival??? or maybe not....
Chapter 22: My Rival??? or maybe not....
Pagkalabas ko ng gift ko sakanya sa sasakyan..... ito agad una niya nasabi
"pa-paano mo nalaman?"
"Kuripot ka kasi"
"huh? Ang sama mo talaga!"
"walang bang thank you kiss?"
"sapok gusto mo?"
"tsk... hug kasi?"
"ayaw... asa!"
"ang sama naman nito... namiss kaya kita"
"di kita miss"
"tsk... oh yan na si pooh mo!..yakapin mo nalang..para kunyari ako nayakap mo!"
Tas inabot ko na yung si Pooh... tama si Pooh nga yung bear na kulay red yung damit! Yung walang short! hahaha... grabe..akalin mo bang gusto pala niya yun?
Ang cute niya talaga! Nakakainis naman oh! Buti pa yang stuff toy na yan mayayakap niya..actually niyayakap na niya oh! Nak ng tokwa naman..at kiniss pa!!! eh ako??? tsss
"akin na nga yan" tas inagaw ko sakanya
"eeeeeeeeeh! Jun! ibalik mo yan!"
"ayaw"
"binigay mo na eh!"
"tsk...binabawi ko na"
"damot!"
"eh bakit yung stufftoy na to may hug..eh bakit ako wala?"
"tsk... sige na bibigyan na kita ng peace hug... ibalik mo yan ah!"
At yun na nga niyakap na niya ako.... Haha sh*t kahit pa lalaki ako kinikilig ako syempre... niyakap ko din siya..yung mahigpit.... Ayaw ko siya bitiwan...
"wag ka muna bumitaw" bigla kong sabi...
"1 minute lang ah"
"bakit may oras?"
"mahal ang hug fee ko...dapat dalawang pooh ibigay mo pag lumagpas sa 1 minute"
Ang bango ng buhok niya ... anung shampoo kaya ito? Parang gusto ko din haha..joke....
"christmas na bukas.... Date tayo" sabi ko habang nakayakap.......
Tas naramdaman ko na tumango siya... yes!!! Haha
"hoy tama na lagpas ng 1 minute... yung pooh ko!"
Ayan na mukhang magtatantrums nanaman siya haha...cute talaga..kainis... parang gusto ko pa tuloy siya asarin......
"kiss muna"
"kiskisin ko mukha mo!"
"tsk..sungit"
"matagal na!"
"panget ka talaga"
"maganda to! Ikaw panget" tas tinulak na niya ako
Haha sarap talaga nitong tinatawag na pangit eh..ang daling mapikon haha
"amin na nga yan!" tas kinuha na niya si Pooh haha
"bukas? O ngayon?" tanong pa niya....
"ngayon saka bukas? Di pwede?"
"tsk di pwede... dapat isang araw lang"
"huh?bakit?"
"dumating kasi yung si....." bakit di niya masabi? Sino ba yun?
"sino?"
"yung pamangkin ng bestfriend ni tito Mike"
"huh? Sino naman yun? Babae?"
"hindi"
"lalaki?"
"oo"
"nanliligaw?"
"hmmm nagpaparamdam"
Tsk sinasabi ko na nga ba!!! Sino ba tong topak na to?
"alam niya?"
"yung alin?"
"yung tungkol saatin?"
"ata"
"huh?"
"speaking...ayan na..parating na yung kotse niya"
Ewan...nagseselos ba ako? Eh di naman niya sinabi na gusto niya yang lalaki na yan... pero bakit parang............ ang weird...ewan.........pero parang....
Huminto na yung sasakyan....
Pagbaba niya..........pagbaba nung lalaki........
Sabi na nga ba! Kilala ko to!!!
"Lian... I miss you" sabi niya saka niya NIYAKAP!!!
"ah nga pala Jomar si-----"
"no need kilala ko na yan"
"huh??? Magkaibigan kayo?"
"HINDI!" sabay pa naming sabi ni Jomar....
"bakit yan nandito?" tanong ni Jomar
"hindi yan ang pangalan niya! He's Jun!... Fake Bf ko" she said it.. fake Bf...
"ahahahaha bakit naman fake? Ahahaha" sige lang Jomar itawa mo lang yan... bwiset!
"edi kung ganun? Wala ka palang boyfriend..so pwede na ako manligaw? Last time na tinanung kita sabi mo kasi hindi eh"
Pusha! Ganun lang kadali magsabi nun? Ang hirap nun ah! Lalo na pag kay Lian..mababara ako niyan pag ako nagsabi ng ganyan...asar naman oh.....
"tsk Jomar naman eh...."
"anu?"
"No! di pa din!..."
"huh? Bakit?"
"may mahal na ako eh"
May mahal na siya??? Sino??? Si bryle kaya? Yung sinasabi niyang boyfriend niya ba? Sh*t! sino ba yun?
"eh anu ngayon? Sigurado di ka nun mahal"
"oo nga eh..di niya ako gusto hehe" tas medyo naging malungkot expression niya
Gago yun! Sino ba yun?
Di ako makasingit sakanila.... Ewan.... Nababadtrip ako dito kay Jomar! Naninira ng moment....
"teka nga muna pala....paano kayo magkakilala?" ayan sa wakas natanong mo na Lian
"ayan ba? Di mo ba namumukhaan?" tanong ko
"huh? Bakit? Kapatid mo?" tanong niya
"hindi...."
"eh anu pala?"
"pinsan ni..........pinsan ni Bryle -_-"
"what? No way! Kung ganun si Bryle ay pamangkin ni tito Elric?"
"tompak!"
Ganito na ba kaliit ang mundo ngayon? Sa dinami dami naman ng pwedeng maging rival tong pinsan pa ni Bryle na matinik sa chix! Asar naman oh!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro