Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter 2: sounds familiar....hmmm

chapter 2: sounds familiar....hmmm

Hawak ko ang cellphone because I'm calling Marie... I went to NBS na pero wala na siya dun.... Marie where are you??? I need you....

Ring lang ng ring yung phone niya...asar..di nalang niya itapon!!! Di naman niya sinasagot TT_TT

So naglakad lakad nalang ako..baka sakaling makasalubong ko siya... pero walang Marie sa paligid!!! Asar naman oh...

Pero go lang! lakad lang Lian...malay mo sa kakalakad mo makasalubong ma na siya....

Oh my!!! Hindi yang siya na yan!!! Tumalikod ako para maglakad pabalik.... Tiyak que-questionin ako nito!!!

And I'm right!!! Ito na oh...hinawakan na niya ako!!! Anu nanaman ba kailangan nito saakin???

"so nasan na yung pinagmamalaki mo kanina? Iniwan ka na niya nung nakita ako? Bakla ata yun eh! O isa nanaman yan sa biglang hila mo lang?"

"obvious ba??? Hahalikan ko ba yung taong hihilain ko lang??? konting common sense naman oh!"

"eh nasan siya?"

"eh bakit ba ang kulit mo? Diba sinabi ko bumalik ka na sa mukhang bisogo mong girlfriend....dahil wala na tayo kahapon pa! kasi ayaw ko nadadagdag sa mga collection... hello? Sosyal ko naman para maging collection mo lang!"

Tas lakad lang uli ako....hindi na pala si Marie ang dapat kong hanapin...si Jun na pala dapat! TT_TT

Jun??? nasan ka??? I need your help ulit..

Naglalakad lang ako.... At si Arwin sunod lang ng sunod..nakakainis..

"kelan mo ba ako titigilan ha? Alis shoo shooo" sabi ko tas with action pa

"bakit di mo kaya tawagin yung boyfriend mo huh?"

Ayan na nga ba ang kinakatakutan ko..lagi niya ako nahuhuli sa ganyan eh..oo ugali ko na nanghihila ng kung sino sino para lang magbreak na kami...at ni isa walang naging successful either may magrereact agad...o kaya naman may nakiride nga pero pag ito nangulit ng todo todo at sinabing tawagin ko yun...wala na buking na!!! bokya!! Grrr

JUN!!!

San ka na ba???

"Lian diba???" sabi nung kalalapit lang na guy saakin... di ko siya mamukhaan eh...

"oo bakit?"

"oh sino nanaman yan??" sabi ni Arwin

"manahimik ka nga dyan!" sabi ko

"sino yang kasama mo?" tanong sakin nung lalaki

"eh ikaw sino ka ba???" tanong ko

"di mo na ako naalala???"

"hindi..."

"sira! Kakapakilala ka palang samin ni Jun kanina eh" wow!!! Friend ni Jun... kung sinuswerte ka nga naman

"ah!!! Ikaw yung kaibigan ng Boyfriend ko!!! Paka diin ko takaga yung Boyfriend part eh hahaha...meanieee

"oo ako nga... pinapahanap ka kasi ni Jun saamin eh...naiwan daw niya cellphone niya kaya di ka niya matawagan"

Phew...galling naman magpalusot nung si Jun...anu nanaman kaya kailangan saakin nun??? Well at least makakaalis na ako sa tabi nitong mokong na to...

"oi sige Arwin ah..babalik na ako sa BOYFRIEND ko... hehe ngayon alam mo na kung bakit di ko siya tinatawagan diba? Kasi naiwan niya CP niya..."

At napatulala nanaman di Arwin haha..galing ng timing nitong Friend ni Jun =))))

"bakit daw niya ako hinahanap?" tanong ko

"ah may sasabihin daw sayo ata...ewan ko din"

"ah okay....hmmm ano palang pangalan mo?" tanong ko

"Bryle"

"ah okay"

Marie!!! Kala mo nakalimutan na kita!!! Bakit wala kang reply!!! Ni hindi mo man lang ako tinatawagan TT_TT

Baka akala niyo kinakausap ko na talaga si Marie! Hindi..kinakausap lang siya ng utak ko.hahaha... anyway baka akala nitong si Bryle baliw ako pag nakita iba iba reaction ng mukha ko haha...

"ayun siya oh" sabay turo kay Jun

"tara lapitan natin" sabi ko

"ah hindi...istorbo pa ako..ikaw nalang" saka niya ako tinulak ng mahinahon

Tsk... eto na lalapitan ko na

"hoy bakit?" bungad ko

"ayusin mo naman pakikipag-usap mo sakin. Baka may makarinig"

"eh bakit ba?"

"number mo?" sabi niya

Aba gusto lang pala kunin number ko eh

"eh panu kung ayaw ko sabihin?"

"ibibigay mo o hindi?" medyo pagalit ang tono....

Kaya natakot ako >__<

"eto na eto na...tas pinakita ko yung number ko sa phone ko"

"oh isave mo!" tas hinagis lang niya yung phone niya saakin

At muntik ko ng di masalo

"loko to! Panu kung nahulog at nasira?"

"edi bibili ng bago"

Psh! Asar yabang! Nakakainis! Tas sinave ko na nga..at saka ko niring yung cp ko..baka mamaya magtext yan tas lokohin pa ako...

"oh saluhin mo!" hinagis ko din sakanya

"aalis na ako!" dagdag ko pa

"hephep! Sandali lang....full name mo???"

"Lian Suarez..ikaw?"

"Jun Mariano"

Jun Mariano? Parang narinig ko na ata yun??? San ko nga ba kasi narinig yun???

"o sige Jun Mariano aalis na ako"

"sandali!"

"anu nanaman???" naiirita na ako

"ilang taon ka na?"

"18 na ako"

Tapos natawa lang siya bigla...

"anung nakakatawa?" tanong ko

"di kasi halata eh..kala ko 16 ka palang..mas matanda ka pa pala saakin ng isang taon"

What the??? Mas matanda pa ako??? Anyway di naman halata sa mukha eh...tsk

"eh anu ngayon? Maganda naman" sabi ko nalang

"kapal nito..." sabi niya

"Oo na makapal na mukha ko...wala ka ng tanong? Aalis na ako"

Dahil di na siya nagsalita...umalis nalang ako... nilabas ko yung phone ko para tawagan si Marie

Di ko na pala siya kailangan tawagan..siya na pala tong tumatawag saakin

"hoy marie! Nasan ka ba?"

"...."

"what??? Ang sama mo naman! Sige bye!"

Bumalik ako sa kinauupuan ni Jun

"oh may nakalimutan ka?" tanong niyia

"may kotse ka?" tanong ko

"meron..." loko to ah siguro may student's license. O kaya naman finake ang age para makakuha ng lisensya..tsk

Anu ba mga iniisip ko

"hatid mo ko!"

"huh? Bakit ko gagawin yun?"

"GIRLFRIEND mo ko diba? Anu? Hahatid mo ba ako?"

Tumayo nalang siya at pumunta na kami kung san naka-park yung sasakyan niya... akala ko naman siya magdradrive..eh may driver pala to eh!...BIGTIME!!! hahahaha

"GF mo sir?" aba echusero tong driver ah

"ah ito? Oo"

So pinanindigan niyang GF niya ako???

"maganda ah..." sabi pa nung Driver

"syempre..pipili ba ako ng hindi?" tas umakbay pa saakin...aba grabe na to...

I hate you Marie!!! Bigla mo ako iniwan TT_TT... anu kayang mangyayari saakin sa mga susunod na araw???

Pero parang naririnig ko na talaga tong pangalan na Jun Mariano sa school eh... pero di siya dun nag-aaral for sure...kanino ko ba to narinig nun???

_______________________________________________

vote comment like and tweet? XD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: