Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter 19: My worst Birthday ever! *and *chap 20: the truth

Chapter 19: My worst Birthday ever!

Pumunta ako sa labas kung saan walang tao... kung saan nandun din si Bryle...

"teka anung nangyari sayo?" bryle asked

"Bryle...***Sniff*... I can't take it anymore...***sob*** I love him...***sob*** I love Jun... "

"why? Anung nangyari?" malumanay niyang tanong....

"I....i heard him and.....*sob* that girl...sabi niya gusto niya yun"

"girl???"

"Ar...lene"

"bryle help me........"

Tumingin ako sa mata niya...halata naman na nagulat siya...malamang inisip nito kung anung tulong ang ipapagawa ko....

"I'll help you... but please don't cry" pagkasabi niyi ayun niyakap na niya ako...

"Bryle thank you" I murmured...

Nakayakap pa din siya.....tapos pinunasan na din niya yung luha sa mata ko.... Ang sakit pala.... Masakit pala talaga...... bakit ba tuwing nagmamahal ako lagi ako nasasaktan???

Naghahari nanaman ang katahimikan...... 

.

"Lian... I've been looking for you.... Bryle???" mababasa mo sa mukha niya na nagtataka siya... siguro di niya napansin na si Bryle ang kasama ko... and nakayakap pa kasi si Bryle...>_<

"t-teka umiyak ka ba?" he asked

"HINDI!" sigaw ko! Asar ako! Galit ako!!!

"teka bakit ba ang sungit mo?"

Tinatanong pa ba yun? Pagkatapos niya ako iwanan at makipaglandian sa ibang babae! The nerve!

Tas naglakad na ako papalayo sakanilang dalawa ni Bryle...bahala siya sa buhay niya!

"Lian... may problema ka?" wow? So sinundan talaga niya ako?

"..."

"Lian...sorry kung naiwanan kita kanina"

"...." Edi iwanan nalang niyia ako ulit..maganda pa!

"hmmm kumain ka na ba?"

".........." Eh anu ngayon sayo? Concern? Wow!

"Lian.... Sorry na..di na kita iiwanan"

"JUN!!!" sigaw nung babae....

Nakakahiya naman siya..daming tao sisigaw siya? My ghad!

-_-...sino pa ba? Edi yung babae kanina..si..sino kasi yun? Allia? Aireen??? Tsk ewan...

"teka lang Lian ah kausapin ko lang sandali si Arlene..."

"......."

Whatever..kakasabi lang niyang di na niya ako iiwanan..pero isang tawag lang ni Arlene... go na siya... wow talaga! Ganun niya kagusto yung girl? Sige na magsama na sila!!!

5 minutes....10 minutes..............1 hour na akong naghihintay sakanya ah! Ang galing talaga! Badtrip!!!...........

"oh bakit ka mag-isa dyan?" tanong ni ate Claude

"ah eh... wala lang po..."

"eh si Jun nasaan ba? Kanina ko pa napapansin na wala kang kasama eh"

"di ko din po alam eh..."

"gago yun! Iwanan ka ba naman!... sige hahanapin ko lang siya"

"ah hindi na po... hayaan niyo na po..okay lang naman eh"

"sure ka???"

"opo sige po..asikasuhin niyo nalang po yung iba"

"sure ka ah..wala kayong problema?"

"wala po^___^"

"oh sige doon na muna ako"

...pagkaalis ni ate...my smile fade away...naks drama mo Lian! Tumigil ka na nga... eh anu ngayon kung wala si Jun??? loner ka niyan? Sanay ka naman sa school mag-isa kapag wala si marie ah!!!

Nakiupo na muna ako sa table nila Bryle... at least dun mafifeel ko na mahalaga ako..ang babait kasi nila saakin eh.. lalo na si Bryle... at least siya di niya ako iiwanan..i think...

Mga ten minutes pa nandito na din si Jun..tsk,...anu naman ginawa nila nung babaeng yun at nagtagal sila? Gumawa ba sila ng milagro? My ghad! Lian...praning ka! Haha

"Sorry ulit...medyo mahalaga kasi yun eh"

"......"

"anu naman yun pare? Bakit ka nagsosorry?" tanong ni Ken yung intsik!

"wala naman" sagot niya...

Mahahalata naman na kami lang ni Bryle ang tahimik... yeah kami lang. at parang nakakahalata na sila..

"Lian may problema ba tayo?" tanong ni Jun

Tinignan ko lang siya.... As in tinignan lang at di sumagot...

"hey I'm asking you..."

"..............." tas iniwas ko na yung tingin ko

"teka bakit ba ang sungit mo ngayon?"

Nananahimik na din mga katables namin.... Nahahalata na ba nila ang black aura sa likod ko? Oo BADTRIP AKO!!! BADTRIP TALAGA!!!

"Lian..bakit ba di mo ko kinikibo?"

"................"

"Lian..anu ba! Nagmumukha na akong tanga dito...kanina pa ako salita ng salita..."

"........."

"ANU BA! LIAN! TALK TO ME!!!"

Napatingin saamin yung mga bisita...pati na din sila ate Claude at saka parents niya... pero parang wala lang kay Jun yun....

"Lian please"

"You don't need to beg.. tara.... talk ba ang gusto mo? Sige lets talk.. because I need to tell you something"

...pumasok kami sa kawarto niya para dun nalang mag-usap.... Tutal doon may privacy at walang magtitinginan na mga tao..

"siguro naman pwede mo na sabihin ngayon...bakit ba ang sungit mo? Diba dapat mag-act ka as my real GF for now?"

"ginagawa ko naman ah! I'm acting as your real GF! Kaya nga ito oh nagagalit ako! Diba ang real GF nagseselos? O yan! Kunwari nagseselos ako"

"selos? Kanino?"

Di ko sinagot yung tanong niya..kasi talagang totoo nagseselos ako!

"Lian....anu ba talagang problema?

"We still have 5 minutes left... and after that tapos na... I'm not your GF anymore."

"what do you mean?"

.. 

1 minute ang nasayang sa katahimikan...  

.

I smiled at him 

Now Lian...4 minutes na lang sabihin mo na ang lahat... lahat lahat...

"Jun as Your Girlfriend"

"huh?"-Jun

"ssssssssssh! Hayaan mo muna ako magsalita....i'm acting as your REAL GF now so don't waste my time"

At nagsalita ulit ako

"naenjoy ko lahat yung ginawa natin...mapa away o sa mga trip lang.... 

Especially kapag di tayo makatulog pag gabi....dahil laging naglolokohan sa tawag... naging hobby na nga ata natin yun eh... yung mga kulitan at asaran..... yung biglang pagsulpot mo...yung sa pagtulong mo...yung pati sa pagiging no sense of direction mo... at saka yung pagiging Immature mo.... I love it... I love it all....because Jun... I Love You... I really do love you......"

Pagkasabi ko nun...tumulo nalang bigla luha ko.....

"But Jun.... I need to break up with you.....please be happy" I said while smiling.....

Tapos na.... tapos na din yung 4 minutes......It's over... 12 midnight na.... 12am na... tapos na ang pagiging real GF ko..balik na sa pagiging fake....

"Lian? What are you saying?" halatang gulong gulo siya

"Hey...Jun I'm done acting as your Real GF...ano ayos ba? Kaya nga ako naging president ng drama club dahil sa talent ko na pag-arte^___^ galing ng luha effect ko noh?"

"Lia----"

"Jun actually..... I really need to tell you something"

"what is it?"

"pwede ba muna magtanong?"

.

"Jun do you..........."

Huminga muna ako ng malalim bago ko tinuloy....

"do you Like me?"

Sh*T! bumibilis yung heartbeat ko.... Bakit ko pa kasi tinanung yun? Eh alam ko naman na yung sagot!

"Listen Lian....I..... I don't Like you"

nasabi niya yun ng walang alinlangan... I knew it...

***************************************************************************************************************8

Chapter 20: The truth

"I don't like you"

................ 

.

"I knew it. Pareho lang tayo. Di din naman kita gusto eh. Tinanung ko lang naman yun kasi baka mamaya in love ka na saakin mahirap na...ayaw kitang masaktan hahaha.... Pero Jun maybe sa harap ng tao sweet tayo.............. pero kahit naman magaling akong umarte......Jun nahihirapan na ako..........please lets end this game already.."

"End? Teka bakit? May nagawa ba akong mali?"

"JUN! sukang suka na ako! Bored na bored na ako sayo! Mainipin akong tao Jun...at kahit sabihin pa natinf fake LANG ito... parang pareho pa din! Walang pagkakaiba sa mga ibang nakarelasyon ko.... Naiintindihan mo??? Ang boring mo... ang boring talaga ng batang katulad mo...."

Hindi ko na siya hinayaang sumagot pa... tapos na ang paglalaro mo Lian...masyado ka lang nawili nakanya... I don't like you? Edi wag! Di ko din siya gusto! But at least tapos na....

Tapos na... 

.

Lumabas na ako sa bahay nila...and I saw my savior Bryle...leaning on his car...

"Bryle" then bigla nalang ako napaupo sa sahig....at umiyak.........

"di niya.....*sob*** ako gusto.. ang tanga ko..para ipagpatuloy pa yun dati pa..ang tanga ko dahil pumayag ako sakanya dati ang tanga tanga ko!"

"Lian... minsan di masamang maging tanga.... Kaya ka ng malungkot... wag ka ng umiyak... oo maaring hindi ka niya gusto... maaring may iba palang plano para saiyo... pwede din namang kayo talaga... *exhale* Lian sorry I'm not good at comforting others...." Tas nagpout siya

"hehe sira! Okay lang!" tas binatukan ko nga.. okay na kasi eh kala ko nagbibigay na ng advice tas biglang may ganun sa dulo? Haha adik to..natawa tuloy ako bigla sakanya.

"sinira mo naman pag-eemote ko eh!"

"wag ka na kasing umiyak... look ang pangit mo na tuloy" tas pinupunsan niya yung luha ko....

"gago! Ang ganda ko kaya para pumangit agad"

Tas ayon at least nawala ng kaunti yung pagiging malungkot ko..ito kasing si Bryle kung makapanira naman ng pagmomoment eh!

After that..hinatid na niya ako sa bahay namin.... Pag-uwi ko humiga lang ako..tas umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog na ako.....

Pero after ko matulog... nasabi ko muna sa sarili ko na...

"pag gising ko... ang dating Lian ay babalik na... no hard feelings... kung paano ko siya trinatrato dati ganun pa din dapat...."

.....................................

.

.

Jun's POV

Wala na ba talaga??? Anu ba nangyari sakanya??? Tinatawagan ko wala naman di naman ako sinasagot... tinitext ko pero wala din namang reply.... Boring daw ako? Oo alam ko mas bata ako ng isang taon..pero boring na ba yun??? Nakakainis naman..anu ba problema niya???

"anu na? ayos na ba kayo ni Lian?" --- Andrew

"di ko din alam eh...ang gulo kasi.."

"huh? Anung magulo?" --- ken

"basta di niyo din maiintindihan eh"

"pero pare... anu ba talaga pinag-awayan niyo? Grabe kasi eh..di ka talaga kinikibo nung birthday mo" --- Richard

"di ko din alam sakanya..."

"pwede ba yun? Di mo alam?" said Joey

"pero seriously pare... gusto mo ba?" tanong ni Russef

"di ko siya gusto! Bakit ba lahat kayo tinatanong kung gusto ko siya? Nakakabadtrip naman oh!"

Simula nung birthday ko wala na... di ko na siya nakakausap... December 24 ngayon!!! Di ko ba talaga siya makakausap? Nakakainis!... nakakamiss talaga yung topak na yun! 

.

"eh di mo naman pala siya gusto eh..bakit hinahanap mo pa?" tanong naman ni Bryle...

"T@NG@! G@G*!!! DI KO NGA SIYA GUSTO! MAHAL KO LANG... MAHAL! Naiintindihan niyo yun? Putek... ako nga tong nireject eh! Siya nga may-ayaw saakin... BORING daw ako? Ta***na.... ilang araw na akong di kinikibo..walang text walang sagot! Musta naman yan??? Parang tanga nga akong naghahabol oh! Alam ko naman kasing imposibleng magkagusto yun saakin... pucha!"

O_O--- lahat sila

"oh? Anung nangyari sainyo?"

"PARE!!! IKAW YAN!!! In lova ka???" --- Russef

"natural.. anu namang di kainlove in love sakanya.. eh lahat na ng kalokohan ata alam niya.. di din maarte..tapos akala mo lang masungit pero mabait... isip bata din yun... tapos basta nakakamiss putek naman... tas sasabihin niya lang saakin.. di niya ako gusto? Na boring ako? Nakakainis.. kung kayo lang nasa lugar ko maiintindihan niyo din!"

"eh baka naman kasi sinabi mo sakanya na di mo siya gusto?" -ken

"oo...di ko naman kasi talaga siya gusto eh...mahal ko na siya... pero kasi.... Basta... di niyo din alam kung anu yung rason kung bakit di ko masabi eh..."

"pwede ba muna tayo mag-usap?" --Bryle

"sige.... Tayo lang?"

"oo"

Shit kinakabahan naman ako... ang tindi ng selos ko dito sa Bryle na to eh!... kami ni Lian bawal ang hug..tapos siya makikita ko silang magkayakap? Badtrip talaga -_-.. pero anung magagawa ko? Type siya ni Lian... sige na sila na yung gusto ang isa't isa at ako fake lang...

Kung bakit naman kasi hiniling ko pa na maging real gf ko siya nung birthday ko eh... ayan nakipagbreak pa! with matching acting pa na para talagang mahal niya ako..kunwari!

Aaaaaaaaaahhhhhhhhh nabwibwisit lang ako!!!

"Bakit mo gusto makipag-usap saakin? Kayo na ba ni Lian?"

"gago! Di ka ba nag-iisip? Mahal mo siya tapos sinabihan mo siya ng di mo siya gusto? Loko ka! Gusto mo ba mabugbog ngayon?"

"eh di ko na nga kasi siya gusto.. malay ko bang lalagpas pa dun.... Alam mo bang may last rule kami?"

"huh? Anu naman?"

"bawal ma-in-love...kung bakit naman kasi pumayag pa ako eh... di ko naman alam na mapapalapit ako sakanya ng ganito... shit pare! First time ko ma in love di ko alam gagawin ko... tapos ang masaklap pa ikaw ang gusto.. anung gusto mong gawin ko? Agawin ko sayo?"

..

.

"anu ba Jun! di ka talaga nag-iisip!!! Kung ako sayo puntahan mo nalang siya... at kapag umiyak pa ulit siya ng dahil sayo... malilintikan ka na talaga saakin..."

Tas umalis na siya pagkasabi niya yun

Huh???? Umiyak??? Ng dahil saakin??? Nagloloko ba to??? Pinaglololoko ba niya ako???

Lian cried because of me??? Huh??? Teka bakit naman???

Then di ko namamalayan..tinatawagan ko na pala si Lian....... Asar naman oh bakit ba nagustuhan ko yun? Mali!!! kung bakit ba kasi mahal ko yun?

Sagutin mo please.........

(hello? Sino to?)

"binura mo number ko?"

(ah..bata?)

"bakit mo binura?"

(eh ayaw kasi ng BF ko may ibang lalaking nakalagay sa contacts ko)

Ouch...may bf na siya agad? Sabagay maganda naman siya....

(bakit pala?)

"pwede ba tayo mag-usap?"

(kelan?)

"ngayon?"

(sorry may date ako eh..next time..sige bye)

**Call ended**

Sorry my date ako ngayon? Next time? Lian naman.... Ganun ba ako kaboring para sayo? Wala ba talagang pag-asa ang isip bata katulad ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: