chapter 10: Drunkard
Chapter 10: Drunkard
Nandito pa din kami sa middle of nowhere..but luckily may nakakita saamin..si manong Roi... kaya nandito kami sa bahay niya... maliit pero ayos lang kasi dalawa lang naman sila ng asawa niya..si aling Rosie...
"pagpasensyahan mo na hija yang damit hah...damit yan ng kapatid kong dalaga"
"ah hindi ayos lang po..."
"anu bang ginagawa niyo ng nobyo niyo dito??"
"nawala po kasi kami eh... at di ko po siya nobyo"
"ay ganun ba? Bagay pa naman kayo"
Wala silang kuryente dito... ang liblib kasi nung lugar eh...
Lumabas na ako...sa kwarto nila nung natapos na ako magbihis...wala na din yung ulan... pero gabi na... 8 na ata?
Parang ang ingay nila sa labas??? Anung meron???
"Aling Rosie nasaan po si Jun???" tanong ko nung napansin kong wala siya sa loob...
"ah eh si Jun ba? Isinama ata ni Roi sa labas eh..."
"anu pong meron sa labas???"
"ah ikinasal kasi yung kapitbahay... tara sumama ka din saakin"
At dahil doon sumama naman ako..at nakita ko dun si Jun..aba loko! Ang daming babaeng nakapalibot sakanya..oo na ikaw na gwapo...tsk... bakit ba ako naiinis..eh di naman kami kaya malayang malaya siya at malaya din ako wahaha
"hi miss bago ka lang dito???" tanong nung isang guy
Tsk kapal kala mo naman gwapo
"hoy wag kayong ganyan sa bisita ko!..."
"sige na nga...miss umiinom ka ba?"
"opo..."
Ayos walang electricity dito pero nagawan ng paraan ang liwanag haha....
"oh magshot ka na muna miss"
"Lian po"
"Oh Lina"
May tama na ata to
"Lian po"
"Lina Lian pareho lang yun"
Tas kinuha ko nalang yung baso na binigay niya...waaaaah sh*t iba yung lasa..ang tapang TT^TT..pero pag tumatagal naman masarap.... -_- can't stop drinking... shot pa..then isang baso nanaman....i'm feeling a lil bit...tipsy? haha no kaya pa... isa pa ulit......
"isang baso pa hoh"
"Lian tama na yan..nakakadami ka na"
"huh? Who... are you?"
"LIAN!"
"I I I'm not jo-king...sino ka ba huh"
Jun's POV
Grabe na tong si Lian kanina pa shot ng shot... may bahay alak na ba siya sa tyan niya??? Di na nga niya ako kilala kanina...
"Lian enough... you're drunk"
"shota mo pare?"
"no.. ........parang...........ewan...........basta"
"JUN!..." she yelled. Buti naman nakilala na niya ako
"what?"
"I Like Bryle...he's totally *burp* ooops sorry...he's...he's totally......my type" she said while laughing...
Iba na talaga to..lakas ng tama ng pinainom sakanya... inagaw ko na yung glass niya..panu lasing na... parang adik..kanina pa english ng english..kausapin ba naman kasi ng english yung mga kainuman niya? Nababaliw na ba siya? Di na sila nagkakaintindihan..kulang nalang lumabas na yung dugo sa ilong nila....
"Lian enough... you're drunk"
"bu-but...I can drink more... I'm not lasing pa...give me that"
Inaagaw pa niya sakin yung baso...
"Lian di ka na nga makatayo oh"
"I can... look" tas tumayo siya
"I can walk straight pa nga eh" tas tumawa siya..ibang klase malasing tawa ng tawa
Gumegewang gewang na..straight pa ba yun??? Tas matutumba na sana siya buti nasalo ko... baka patayin ako nito bukas pag nakita niyang madami siyang sugat..tsk... nakakatakot pa naman to magbanta... iniimagine ko palang..haist
"Lian wag matigas ang ulo"
"hey..why are you calling me Lian? Why not Beb? Daming tao...look (saka tiniro mga kainuman niya at pati na din yung mga nagsasayawan doon) your reputaion......anyway I don't care about YOUR reputation......"
Saka siya nagsuka.... Anu ba yan..iinom di naman pala kaya....
"Jun--- give me back....my glass... last five shots..." she demanded as if she's a queen
Nakatayo pa din kami
"I said no..."
"pe---pero I want to drink pa..."
Tas pilit pa din niya inaagaw.... Halos nakayakap na nga siya saakin maagaw lang yung glass...
"Jun! Beb naman!"
"I said stop na"
"no!"
"I have to tell you something"
"what?"
"closer..."
Then bigla niya akong hinalikan...nagulat ako di ko inexpect na gagawin niya yun..at dahil nagulat ako nakuha niya yung baso niya..tsk so yun pala ang plano niya...
"see? I told yah... makukuha ko yan" and she laughed
Adik ba siya??? wala kaya siyang sinabi.... Drunkard tsk..ang kulit pa kapag nakainom...at nagkakaroon ng amnesia... anu ba yan...
Tinabihan ko nalang siya sa upuan niya..tutal parang di ko naman siya mapipigilan... I'm not her boyfriend anyway...
"Jun...shot ka din" sabi nung mga nag-iinuman
"ang tindi ng shota mo pare! Kanina pa yan umiinom..mas madami pa nainom samin"
"di ko nga siya shota"
"aba'y ligawan mo na..mamaya maagawan ka pa dyan ng iba"
"hahahahaha... ito? (tas tinuro ako ni Lian) never yan magkakagusto sa---akin... at syempre ako din!...reputasyon? hahaha whatever...neh Jun... tell Bryle that-----we're not...you know..the GF and BF thingy......"
"and what if I don't?"
"then........ I'll assume that--------"
Tumingin siya saakin sa mata....
"that you broke the............... last rule"
Lian's POV
"ouchhh my head hurts...."
"ayaw mo kasi paawat kagabi -_-"
"weh?? Hindi nga???"
"oo hindi talaga...para kang bata na nagwawala kapag di mo nakuha ang gusto mo..spoiled!"
"eh bakit ka ba nandito sa kwarto hah?" tanong ko
"Lian si Jun ang nag-alaga sayo magdamag..." sabi ni Aling Rosie
Waaaaaaaaaaaaaaah no way!!! Baka mamaya kung anu-ano na nasabi ko?? Wag naman sana..wala talaga ako matandaan eh...
"Jun nakita mo ba cellphone ko?"
"no..baka naiwan sa sasakyan..."
"siguro nga..."
Inihatid na kami nila Manong Roi doon sa kalsada kung saan naiwan yung sasakyan... sabi pa nila matatagalan daw kung bibili ng gasulina sa bayan TT^TT aabutin pa daw kami ng gabi uli huhu....
Luckily may signal...
At tumatawag si Bryle....sakto ang dating namin sa sasakyan ah
"Bryle!"
(Kasama mo ba si Jun? di siya pumasok eh)
"eh kasi nawala kami..then naubusan ng gasulina...puntahan mo naman kami oh,... 3 hours away ang byahe..padala ng gasulina..."
Then sinabi ko kung nasan na kami..sabi naman kasi ni Aling Rosie madali lang hanapin tong lugar nila..at sinabi din niya kung nasaan kami....
At 4 hours na ang nakakalipas at sa wakas nandito na si Bryle!!!
"BRYLE!!!" tas lumapit ako sakanya
"buti nandito ka na..akala ko ma-stuck na kami dito forever eh" di ko naman sinasadya mapahawak sa kamay siya..kasi super thankful ako!!!
"pwede ba yun??? Hahayaan ko ba ang tropa ko saka ikaw dito"
"thanks savior ka talaga dati pa"
(remember chap 2??? Yung timing ang dating niya nung kinukulit siya ng ex nitong babae na to? Haha)
"tsk... kargahan mo na nga lang na gasulita tong sasakyan ko" biglang singit ni Jun.
Umalis na din sila Manong Roi... kung hindi dahil sakanila siguro wala kami tinuluyan nito..at siguro baka kung anung multo na ang nakita ko TT^TT...
"kay Bryle ka nalang sumakay"
"huh? Bakit? Nag-away ba kayo?"
Nag-away ba kami??? Di naman ah...baka kagabi? Di din naman ah.. kasi di naman niyan ako kakausapin kung nag-away nga kami?
"teka? Bakit nga ba"
"Lian let's stop this... Bryle..type mo tong si ATE lian diba? Ligawan mo na"
"huh? Teka Jun anu ba nangyayari sayo? GF mo siya ah"
"we're not..kaya kung ayos lang maging kayo ni Lian..then bear with it.. ako ang BF niya sa labas ikaw naman sa patago"
"hey..wait? bakit ka ba nagdedesisyon dyan mag-isa? Kung ipamigay mo ako parang may permiso ka ah!... Bryle pagpasensyahan mo na tong mokong na to pero sakanya pa din ako sasabay" sumakay nalang ako sa kotse niya... anu bang problema ng batang to??? Nauna ng umalis si Bryle...
"ANU BA PROBLEMA MO?"
"YOU SAID IT... KAW NAGSABI NA SABIHIN KO SAKANYA. YOU SAID TYPE MO SIYA..DI NAMAN KITA PINIPIGILAN EH..KUNG GUSTO MO SIYA EDI GO! SUSUPORTAHAN PA KITA!"
"eh bakit ka sumisigaw???"
"eh kasi sumisigaw ka!!"
"wala ka talagang kwenta!"
Calling Bryle...
(oh? Napatawag ka? Nasiraan kayo?)
"stop your car! Sasakay ako dyan"
Call ended....
"Jun itabi mo dun sa hinintuan ni Bryle!... gusto mo yun diba? Then Fine!"
hininto nga niya... badtrip yun..kala mo naman kung sino magpamigay...anu niya ako? Wala naman ah..kaya wala siyang karapatan ipaligaw ako sa kung sino sino...kakabadtrip siya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro