Chapter 4
Catlline Rivanna Salvedra
Dalawang buwan....doon ko napagtanto na wala na talagang kasiguraduhan kung makaalis pa ba kami dito. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan kami mabibilang sa mundong hindi naman namin nakasanayan. Kung saan hindi namin katawan ang ginagamit namin sa pang araw-araw na buhay.
Nandito ako ngayon sa batis, pinagmamasdan ang repleksyon ko sa tubig, ibang-iba sa Catlline na nakasanayan ko, ang mga parehas kong mata na kulay abo ay ngayon napalitin ng itim, ang aking mga itim na mata na nagpapakita ng katapangan. Ang dati kong tsokolateng buhok ay napalitan 'rin ng itim, ang mga damit ko noon na mamahalin ay naging pilipinayana na lang. Nakakago ang life!
"Mahal, kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala."Mahinahon na wika ni Andres, pero kita ko sa mata niya ang pagalala. Hindi talaga showy ang mga lalaki! Agad ko siyang tinalon ng yakap at binigyan ng matamis n halik sa labi.
Dumaan ang dalawang buwan, parehas kaming lumaban, parehas naming pinaglaban ang relasyon namin. Nagsisi ako na napunta ako sa mundong ito, pero ang isang baagy na hindi ko pinagsisihan, ang makasama ang taong mahal ko. Sa loob ng dalawang buwan, ay nagustuhan ko siya.
Malayo siya sa lalaking pinapangarap ko, but who cares? Kung sa kaniya tumibok ang puso ko ng mabilis, edi siya ang pipiliin ko.
"Ay tangna ka—mahal huminto ka baka may makakita sa'tin."Jusko! Napakapanira talaga ng moment ni Bonifacio! Bigla ba naman akong hinalikan, muntik na tuloy akong makapagmura, ayaw ko ng magmura, baka kasi mapaaga ang paggawa sa mura dahil sa mga sinabi ko. Maagang masisira ang image ni Gabriela.
"Mahal, sana ay hanggang dulo ay maging tayo, hindi mo naman ako iiwan diba?"Nakangiti niyang tanong, parang ako ang lalaki sa'ming dalawa jusko! Iba naman kasi ang lalaki sa modern day, nagmumura talaga. Pero napaisip ako sa tanong niya. Lahat ito ay may katapusan. Mahal ko si Andres hindi bilang isang Gabriela, dahil mahal ko na siya bilang Catlline, oo mahal ko siya! At iyon ang nakakalungkot na realidad, na nagmahal ako sa isang tao na hinding-hindi ko maabot. Kahit pagbalik-baliktarin ang mundo, hindi ko kayang mahabol ang oras niya.
"Oo, hanggang dulo magiging tayo."Nakangiti kong wika habang yakap-yakap siya. Sa nakalipas na dalawang buwan ay nakapag adjust na ako, sa totoo lang ay mas sumaya ako sa mundong ito, dahil naging kaibigan ko ang kapatiran ni Bonifacio.
Nakalimutan ko nga 'rin ang mission ni Gabriela sa Vigan, tinatamad akong pumunta doon, mas gusto kong mag stay dito sa KKK. At isa pa ay wala akong plano na ituloy ang paghihiganti ni Gabriela sa mga pumatay kay Diego Silang. Balaha siya d'yan, masaya na ako dito. At ipaglalaban ko ang katawan na'to.
Pagkabalik namin sa ruta ay agad lumapit sa'kin ang mga kaibigan ko na may seryosong tingin. Kung si Diana dati ay maingay at maarte, ngayon nag iba na siya. Iblis naghahanap siya ng make up o cellphone na wala naman dito, ay ngayon ang lagi na niyang hinahanap-hanap ay libro, at sumusulat na rin siya ng mga kwento. Balak pa talaga niyang agawan sa pwesto ang totoong Rizal. Puro kalandian naman ang sinusulat niyang kwento. Dahil sa kaniya ay nagawa na ang lalaking naigting ang panga, at maugat ang kamay.
"Catlline, mali ang ginagawa mo, alam mo iyan."Madiin na wika ni Martin, napapikit na lang ako sa lamig ng boses niya. Makalipas ang dalawang buwan ay nagbago kaming lahat, naging seryoso sila sa mga bagay-bagay, at ako naman natututong magmahal.
"Mind your own bussiness, Martin."I will surely punch him kung makekeelam siya sa'kin.
"C'mmon Catlline, hindi ikaw si Gabriela Silang, ikaw si Catlline Salvedra! Isang babae na hindi pinanganak sa mundong ito, galing ka sa makabagong panahon, hindi tayo nababagay dito."Madiin na wika ni Rico, lahat sila ay araw-araw akong sinesermunan, mabuti pa si Diana ay tahimik lang. Kagaya ng inaasahan, ay tiningnan lang niya ako sa mata, nakakapanibago man ang Diana na kaharap ko, ay wala na 'rin akong magagawa. Malamang ay nabago ang katauhan niya ng sibilisasyon.
"Catlline, isang beses lang ako magsasalita, at makinig ka. Hindi ikaw ang mahal ni Bonifacio, hindi ka niya mahal bilang Catlline, dahil ang mahal niya ay si Gabriela—na hindi naman talaga ikaw. Nasa katawan ka lang ng bayani, Catlline. Hindi magkakatotoo na magkakagusto sayo si Bonifacio. Dahil ang tanging laman ng puso niya ay si Gabriela Silang at hindi si Catlline Salvedra."Napatigil ako sa mga salitang binitawan ni Diana, unang beses niya akong pagsalitaan, ramdam ko ang sakit, tagos na tagos sa puso ko, gusto ko mang umiyak ang kaso ay walang mailabas na likido ang mata ko.
Oo, nasasaktan ako dahil totoo ang sinabi niya, parang sinasaksak ako ng paulit-ulit, pumunta na ako sa tent at umupo sa kama ko. Gusto kong umiyak! Pero puta! Wala talagang lumalabas.
Napasinghanap na lang ako nang mawala bigla ang sakit na nararamdaman ko kasabay no'n ang pag ngisi na kumurba sa labi ko.
I will make sure na mananatili ako sa lugar na ito kung saan siya kasama, walang makakapigil sa'kin, I will stay in this place as Gabriela Silang. Ngayon lang ako nagmahal, at gagawin ko lahat para sa pagmamahal na 'to!
"Reace in peace Catlline Rivanna Salvedra, you're officially death, because from now on I'm Gabriela Silang."Mahina kong bulong sa isip ko na nagpangisi sa akin.
"Mahal, kumain ka muna."Napabalik ako sa relidad nang magsalita si Andres. Agad ko siyang niyakap hinalikan sa labi, nakasanayan ko ng halikan ang mga labi niya. Kasi naman ang kissable mg lips niya!
"I love you."Mahina kong bulong, marunong naman siguro silang mag ingles 'no? Ang kaso nga lang ay bawal gumamit ng ingles, hindi ko 'rin alam kung bakit at wala na akong pake pa doon.
"Mahal 'rin kita. Mahal na mahal. Catelline" Napatigil ako nang marinig ang sinabi niya, did he call me Catelline? But how? I mean tama ba ako ng narinig or that was just my imagination?
"Eh, anong tinawag mo sa'kin?"Iblis sumagot at binigyan lang niya ako ng ngiti. Baka naman ay mali lang ako ng rinig? Or maybe kulang lang ako sa tulog kaya nag hallucination na ako.
"Huwag kang masyadong magisip, kumain ka muna, para makapagpahinga ka na mahal.."Hays this boy, he can't fail to make me smile.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro