Kit: Part XI
"No, Kit please, hindi p'wede! I will never permit you to leave, why are you doing this anak?"
Naghihisterya si mommy habang nakakapit sa braso ko. Pinipigilan niya ako sa paglalagay ng gamit sa maleta, habang si dad naman ay nakakunot lang ang noo habang kausap ang doktor ko sa telepono.
"Miguel wala ka bang gagawin para pigilan ang gagawing pagpapakamatay ng anak mo?!"
Ibinaling ni mommy ang talim ng kan'yang tingin kay dad. Nang matapos sa pakikipag-usap sa telepono ay lumapit na ito sa amin. Hinagod niya ang likod ni mommy at pilit itong pinakalma.
"Katarina, mahal, kahit na anong pigil pa ang gawin natin dito sa anak natin ay wala na tayong magagawa. Can't you see the determination in his eyes? Wala nang makababali ng pasya niya, all we can do right now is to support him."
"Thanks, Dad, you're the best."
Hindi ko naisip na hahayaan niya akong gawin ito, buong akala ko ay pipigilan niya ako tulad ng ginagawa ni mommy. Dad gave me his approving smile and tapped my shoulder.
"I got your back, son, but please hayaan mo kaming sumama ng mommy mo. Kailangan din nating magsama ng personal nurse mo para masigurado ang kaligtasan mo and once we landed, we'll have you check first."
Tumango ako bilang pag sang-ayon. I don't have the energy to argue at malaking bagay na itong pagpayag ni dad kahit na hindi ito pinapayagan ni mom. Paniguradong magtatalo silang dalawa dahil dito pero naniniwala akong mababago rin ni dad ang isip ni mommy.
"Anong sinasabi mo Miguel? Nahihibang ka na ba at bakit mo pinahihintulutan itong anak mo? Hindi mabuti ang kalagayan ng puso niya, the doctor said that it is risky for him to aboard. That might cause him another cardiac arrest and you know that he can't take another one. Mamamatay ang anak mo, do you hear that?! Mamamatay ang anak ko!"
"Mahal, hindi, Kit will not die. Hindi natin hahayaang may mangyaring masama sa kaniya kaya nga sasama tayo to make sure that he's safe," alo ni dad habang niyayakap si mommy.
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni mommy at mariing ipinilig ang ulo. She shoves dad away from her, lumapit siya sa maletang nasa kama ko at binuhat ang mga damit na nasa loob non pabalik sa cabinet. Walang humpay ang pagtulo ng luha niya, she's biting her lips to stop her sobs.
I'm sorry mom but I really have to do this.
"Mom, please. If you really want me to live, then let me leave. Ikamamatay ko kung tuluyang mawawala sa akin si G-Grace."
Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigil. Ayokong makita ng mga magulang ko ang pag-iyak ko dahil hindi ko na gusto pang dagdagan ang alalahanin nila. Pero hindi ko na kaya pang magkunwaring matatag.
This is too much for me to handle. Pakiramdam ko sa bawat segundo na lumilipas ay palayo nang palayo ang babaeng mahal ko sa akin. Natatakot akong kapag lumipas pa ang ilang araw ay tuluyan ko na nga siyang hindi mabawi.
"Sinasabi ko na nga bang hindi makabubuti sa iyo ang babaeng iyon. She's dangerous to you anak, she's not worth it. Pabayaan mo na siya!"
Galit ang namutawi sa mata ng aking ina. Tila ba naibunton niya ang lahat ng sisi kay Grace. Dati pa man ay binabalaan na ako ni mommy at lantaran niyang ipinapahayag ang pag-ayaw sa babaeng mahal ko. Ngayon ay tila mas tumibay ang pagkamuhi niya rito.
Dad held my mom's shoulders but she just pushed his hands.
"Kapag may nangyaring hindi maganda sa iyo ay hinding-hindi ko mapapatawad ang babaeng iyon, siya ang may kasalanan at magbabayad siya."
She stormed out of my room and slammed their bedroom door. Bumuntong hininga si dad at lumapit sa akin.
"Pagpasensyahan mo na ang mommy mo Kit, you know she's just worried about you. Kapag naging magulang ka na ay mauunawaan mo kung bakit ganito ang reaksyon niya."
"Naiintindihan ko naman po si Mom, Dad. And I'm sorry if I am making her cry. Hindi ko lang po talaga kayang ganito kami ni Grace, you know that I love her so much, right?"
Hinatak ako ni dad palapit sa kaniya. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag dahil sa hindi pagiging malupit ng ama ko. At least, I still have someone beside me, that's more than enough for me dahil hindi ko kaya ito nang ako lang mag-isa.
"Sir, mawalang galang na po. May bisita po kasi si Sir Kit."
Humarap ako kay manang, nakita ko sa likod niya si Denise.
Lumakad ito papasok ng kwarto ko pero hindi tuluyang pumasok. Dad, excused himself para mabigyan kami ng privacy.
I know I need to apologize to Denise. I acted like a total jackass to her. Hindi niya deserve ang ginawa kong pambabastos sa kan'ya when all she did is to take care of me. We've been friends since we were still an infant, wala pa mang muwang sa mundo ay kami na ang magkasangga. Kaya hindi tama ang inasal ko sa kanya.
I extended my arms widely, it was like I'm inviting her to run in between my arms to hug her just like the old times. Lumipad ang kamay niya sa bibig nang makita ang ginawa ko. Mabilis ang ginawa niyang pagtakbo palapit sa akin at saka isiniksik ang sarili sa dibdib ko.
"Oh my God Kit, I'm sorry. I'm really sorry. I didn't mean to be the reason for your break up. I just want to make sure that you are safe, I just want to take care of you dahil alam kong if I am the one in that situation you'll definitely do the same for me."
Niyakap ko si Denise ng mahigpit. I caressed her hair and comforted her.
Hindi na niya kailangang humingi ng tawad dahil wala naman siyang ginawang masama. Hindi niya kasalanan ang nangyari sa amin ni Grace, dahil sa simula pa lang ako naman ang nagdesisyon na magsinungaling. I didn't trust my girlfriend, pinagdudahan ko agad ang kakayahan niya at pinili kong maging duwag. Walang kasalanan si Denise, this is all on me because I am a coward jerk.
"Shh Den, wala kang dapat ihingi ng patawad. It was my all my fucking fault. Biktima ka lang ng mga maling desisyon ko. I am sorry Denden."
Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Naramdaman ko ang pagkabasa ng t-shirt ko dahil sa luha niya pero hindi ko na ito inalintana.
"No Kit, hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo. Hindi mo naman kontrolado ang mangyayari, you just tried to make a counter measure to save Grace from falling apart. Minahal mo lang siya at natakot kang masaktan siya. Huwag mong sisihin ang sarili mo."
I thank God for the life of the people He placed in my life. Napakapalad ko dahil mayroong mga tunay na nagmamahal sa akin. Despite my unfortunate weak heart condition, I still found myself as one hell of a lucky bastard. I have mom, dad, Grace, and Denise.
"Do you need my help? I can go with you to Canada. I'll talk to Grace and explain everything to her. Let me help, huh?"
Wala na akong mahihiling pa dahil pakiramdam ko ay nasa akin na ang lahat. Many people mistook Denise and me, being in a relationship because of the closeness we have.
There will always be this someone who holds a special place in your heart, and that's Denden for me.
"No, Den, kailangan niyo nang bumalik sa Spain. Hindi puwedeng magpaiwan ka sa parents mo. Ang sabi ni tita ay babalik na kayo sa isang linggo. And I don't want to bother you anymore, baka mamaya niyan ay magselos pa ang señor ng buhay mo," I tease her and pinch her nose playfully.
She just rolled her eyes. Mabuti at tumigil na siya sa pag-iyak, pinupunasan pa niya ang kaunting luha sa pisngi kaya tinulungan ko siya. I wiped the wet side of her eyes using my index finger.
"Damian will understand, I'll make him understand. Please let me talk to Grace."
"There's no need for that Den, malaki na ang tulong na naibigay mo sa akin. Isa pa, gusto kong ako ang umayos ng gusot na ginawa ko."
Denise is like a little sister to me. I love her and respect her just as how much I love my family. Wala namang dapat ikabahala sana si Grace dahil alam namin ni Denise ang limitasyon namin, we're just friends.
Hindi dahil sa bawal o ayaw naming masira ang friendship na mayroon kami, kundi dahil hanggang doon lang talaga. No romantic feelings involved. Kahit na itinutulak kami ni mom and tita para mangyari kaming dalawa ay parehas lang namin itong iniilingan. We're not incest.
"B-But Kit..."
"No buts Denden, huwag matigas ang ulo. Kaya ko ito, tiwala ako dahil hinding-hindi ako babalik dito sa Pilipinas nang hindi kami nagkakaayos ni Grace."
She then pouts her lips and nodded. Para pa rin talaga siyang bata.
"Fine. But promise me you'll be safe. Babalik ka rito ng ligtas at sa susunod na taon ay lilipad ka naman kasama si Grace patungong Espanya. Magagawa mo iyon dahil by that time ay maayos ka na, strong and healthy."
I pulled her close to give her a tight hug once again. Gusto ko mang mangako sa kan'ya na tutuparin ko ang hinihiling niya'y hindi ko ginawa. I don't want to make promises that I can break. Ayokong paasahin siya sa isang bagay na wala akong kasiguraduhan dahil hindi ko naman hawak ang buhay ko.
"I'll try to fight as long as I can, Denise. I can't promise you anything but I will try, really hard."
With that, muli na naman siyang humagulgol. Nitong mga nakaraang araw hobby ko na yata ang paiyakin ang mga taong mahal ko.
"Nakakainis ka Kit, nakakainis ka. Ang galing mo talagang magpaiyak hano?!"
"I'm sorry Denise."
How I wish my heart isn't this weak. Sana ay naging mas malusog na lang ako para wala akong nasasaktang mga tao. Dahil sa karamdaman kong ito ang daming nahihirapan.
Pakiramdam ko ay para akong naglalakad sa buhangin, at ang bawat hahakbangan ko ay maiiwanan ko na may marka, isang masakit na bakas mula sa akin and I hate myself for that.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro