Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kit: Part IX

Lahat ng mga sumunod na pag-uusap namin online ay puro mabilisan na lang, lagi kaming nagkakasaliwa. Kung hindi siya ang abala sa buhay niya sa Canada ay ako naman dito sa Pilipinas. Nakailang balik kasi ako sa ospital sa mga nagdaang linggo dahil sa mga check-ups ko. Madalas ang paninikip ng dibdib ko kaya dumami ang scheduled days ko sa doktor.

Tumaas ang dosage ng mga iniinom kong gamot at dumalas ang sumpong ng pananakit ng ulo ko. Side effect daw iyon ng mga iniinom kong gamot, hindi naman pwedeng babaan ang dosage dahil hindi na ito tinatanggap ng katawan ko.

"He needs to undergo an operation as soon as possible Mr. De La Vega, kung hindi ay baka mas lalo lang malagay sa delikado ang anak ninyo."

Malungkot na nilingon ako ng doktor. Binalot ng hagulgol ni mommy ang apat na sulok ng silid, nanginginig ang balikat niya habang nakayakap sa dibdib ni dad.

"Wouldn't it be dangerous, doc? Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nahahanap na donor niya, ang tagal na naming naghihintay at umaasa," pagod na sambit ni dad.

The doctor once told us that they can start operating me for a temporary alternative sa heart transplant, hindi man kayang pigilan ng operasyon ang paglaki ng butas ng puso ko ay kaya naman nitong pabagalin iyon. But the doctor said that it is very risky, especially since we still don't have a heart donor in case there's a need for an emergency transplant.

They recommended me to take medicines, that would be less risky though mas effective sana ang operasyon. My parents were desperate. They are willing to take the risk, gusto nilang subukan ang operasyon pero hindi ako pumayag.

Ayokong pumayag noon dahil mas bibilis ang panghihina ng katawan ko, and I needed to stay at the hospital for at least a month for my recovery. Kung pumayag ako noon, siguradong hahanapin ako ni Grace, she'll look for me at hindi ko alam kung paano siya haharapin sa oras na malaman niyang nasa ganitong kalagayan ako.

Nang gabing napaaway ako, nasa ospital kami ng mga magulang ko no'n kaya naman hindi ko narereplyan nang maayos ang mga messages sa akin ni Grace. That was the time that my parents were convincing me to take a risk, but I said no. Mas lalo kaming magkakalabuan ni Grace dahil ilang buwan na lang ay aalis na siya noon. Masasayang ang isang buwan ko sa ospital kung pumayag ako kaya hindi ako nagsisisi sa desisyon ko, I still believe that I made the right decision.

"We have to do something, Miguel, we need to find a donor as soon as possible. Hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa anak natin, hindi ko kaya!"

"Don't say that 'my, we're doing our best to find one. Kung kailangang libutin ko ang lahat ng ospital sa mundo makahanap lang ng donor ni Kit ay gagawin ko."

My heart aches ten times more every time I hear dad's shaken voice, his masculinity doesn't match his red, weary eyes. I wish I can do something to my fragile heart. I am eager to find a donor not because I desperately want to perform the transplant, but solely because I can't stand watching my parents like this.

I don't think I will ever feel better upon hearing my mom's cries. I don't want to put my hopes up that anytime soon, I'll have a donor, lagi na lang ganoon. May darating pero mawawala rin.

To hope is to welcome pain in your life, dahil kaakibat ng pag-asa ang pagkabigo, and I am telling you that I am not strong enough to handle failures.

"Mabilis na na-iimmune ang puso ni Kit sa gamot, halos wala nang epekto ang mga ito dahil bumibilis pa lalo ang paglaki ng butas sa puso niya. Kahit gaano kataas na dosage ang ibigay ay mawawalan lang din ng saysay. Two weeks lang at tataas na ulit ang irereseta sa kan'ya, we can't let his body depend on the meds, Mr. De La Vega, we need to perform the operation as soon as possible."

"Hindi kami humihinto sa paghahanap ng donor niya, doc. Kahit na maghirap kami sa pagbili ng mga gamot as long as there is an assurance that he'll get better, I don't fucking care!"

Lumingon sa akin si Dr. Sandoval, and he gave me a weak smile.

"We need to secure the patient's heart; he needs to be very cautious. I advice you, Kit, to stay in the hospital, we can't let you go home and take a risk in case there's a need for an emergency operation."

Kalagitnaan pa lang ng sinasabi ng doktor ay umiiling na ako. I can't stay here, paano ko matatawagan si Grace kung nasa ospital ako? Kailangan kong umuwi.

"Another round of heart attack would be fatal, Kit. Think about how vulnerable your heart is. Maawa ka sa magulang mo," the doctor said before he dismissed our appointment.

I sighed when I realized that I don't have a choice but to stay here. Siguro ay tatawagan ko na lang si Grace sa halip na makipag-videochat.

I never told Grace about my congenital heart disease, walang nakakaalam na may sakit ako sa school maliban sa mga kamag-anak ko. Even my friends just found out about it recently, but I don't have plans on telling her. She'll be worried, sick and that will make her feel anxious. Hindi ko yata kakayaning makita ulit si Grace sa ganoong kalagayan nang dahil sa akin.

Nang makaalis ang doktor ay lumapit na sa kama ko si mom, she grabbed my hands and kissed my cheeks. Umiiyak pa rin siya, para bang hindi niya mapigil ang pagtulo ng luha kaya kahit na anong punas niya rito ay hindi siya nagtatagumpay.

"I'm sure we'll find a donor this time, anak, huwag kang mawawalan ng pag-asa, laban lang."

"Hindi pa ako sumusuko, mom, kahit nahihirapan ako ay tuloy ang paglaban para sa inyo ni dad. Isa pa, magpapakasal pa ako sa babaeng mahal ko," I said then showed them my warm smile.

"Have you told her about your condition, anak? She has the right to know, you can't keep your sickness from her forever. In one way or another, she'll find this out at alam kong mas lalo siyang masasaktan dahil itinago mo ito sa kan'ya ng mahabang panahon."

Dad's right. Grace needs to know this darkest part of me, pero hindi ko pa kayang sabihin ito sa kan'ya ngayon. Hindi pa ngayong sinusubukan pa lang niyang buuin ang sarili niya, I can't destroy her while she's doing her best to regain her lost self.

"I know dad. I'll tell her, I promise. Pero hindi muna ngayon, hindi niya pa kaya."

"How about you? Kaya mo pa bang itago ito sa kan'ya?" Marahan akong tumango.

Mahihirapan ako pero kakayanin ko. This is what's best for us, for her.

"I don't know how long I can keep it from her dad. I was always honest with her. Nahihirapan din akong itago ito sa kaniya," pag-amin ko sa aking ama.

Karapatan niyang malaman ito pero hindi ko alam kung paano sasabihin. I don't want to break her heart. I'd rather die alone than to see her weeping because I am dying.

Pasensya na, mahal. Hayaan mo na lang akong mag-isa sa laban na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro