Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Grace: Part XIII

The last two chapters will be Grace's point of view. This is a short novel only, thank you so much for reading up to this point. Sana ay ipagpatuloy ninyo hanggang sa katapusan ng istoryang ito, salamat!

~•~

"I'm really sorry Grace, I... I didn't mean to cause misunderstanding between the two of you."

Kasalukuyan kong dinarama ang malamig na ihip ng hangin sa balkonahe ng k'warto ko. Halos mapapikit ako nang tumama sa mukha ko ang panibagong haplos ng hangin.

"I should've told him that-" Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Chance galing sa kabilang linya.

Habang nakatayo sa balkonahe at nakikinig sa malamig na boses nito ay nakatulala ako sa kawalan. Madilim ang buong paligid, ang liwanag galing sa bituin lamang ang nagsisilbing tanglaw sa akin.

"He has nothing to worry about. It's all my fault Grace, please forgive me."

I want to open my lips and tell Chance that it's not his fault. Wala siyang kinalaman sa nangyari sa aming dalawa ni Kit. Problema namin itong dalawa at nadamay lamang siya.

Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko nang muling maalala ang ginawa kong pagtaboy kay Kit kanina. He was begging me to come with him. He even flew here in Canada just to fix our problem but I treated him like shit, ni hindi ko man lang siya pinagbigyan na makapagpaliwanag sa akin.

Gusto kong marinig ang paliwanag niya. I want to fix all the misunderstandings but I am not yet ready. Masyado pang sariwa ang sakit na ibinigay niya sa akin nang dahil sa pagsisinungaling niya.

Kung hinayaan ko ang sarili kong sumama sa kaniya kanina ay siguradong mas lalala lamang ang away namin. We're both at the peak of our emotions, we can't talk peacefully and think rationally. Paniguradong pangungunahan lamang kami ng aming mga emosyon.

"No Chance, it wasn't your fault. Ako ang nagdesisyon na hindi sumama sa kaniya dahil hindi pa ako handang harapin siya, I'm sorry if I kinda used you to throw him out," sambit ko nang mahina.

I know that was a selfish move. I used Chance to get away from Kit, despite knowing the feelings Chance has for me. Yes, Chance confessed that he liked me. He wanted to snatch me from Kit but I clearly told him that I can never be snatched because my heart was not with me anymore. It's with Kit.

Nagulat na lang ako nang makita ko si Kit kanina. He was hysterical and extremely mad, I knew he was ready to punch Chance. Sa takot ko na mangyaring muli ang pananakit niya kay Chance ay pinili kong ipagtabuyan na lamang siya. I didn't want him to hurt my friend and I am not ready to see his violent side, again.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ang pag-uusap namin ni Chance. I told him not to feel sorry, hindi ako galit sa ginawa niya kanina. In fact, I am thankful that he was there for me when it felt like my world was shattering. Chance was the one who wiped my cheeks and dried my eyes when my tears were flowing like a river.

"G-Grace?"

Nangangatal na boses ng isang babae ang narinig ko nang sagutin ko ang tawag mula sa hindi kilalang numero. I was hesitant to pick up the call but when I thought that it might be Kit's number, I immediately answered.

"Speaking...uhm, May I know who am I speaking with?"

Nagulat ako nang marinig ko ang paghagulgol ng babae sa kabilang linya. I don't have any idea who's the caller but my heart frantically beat like crazy when I sensed desperation from her.

"This is Denise." Awtomatikong bumukas ang bibig ko sa pagkabigla nang malamang si Denise ito. "I am sorry to call you at this hour but-"

Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil sa lubusang pag-iyak. Unti-unting binabalot ng kaba ang puso ko dahil sa hindi matigil niyang pagtangis.

Did something happen? Why would she call me this late if everything's fine?

"H-Hey calm down Denise," I said while trying to pull myself.

"I know Kit will be very mad at me for calling you, I promised him to shut my mouth b-but I can't." What's happening?

May nangyari bang masama habang wala ako sa Pilipinas? Bakit pakiramdam ko ay maraming gustong sabihin sa akin si Denise pero hindi niya lubusang mabanggit ito. Para bang pilit niyang pinipigilan ang sarili na sabihin ang isang sekreto. What the hell would it be?

"Denise please, sabihin mo na sa akin kung ano 'yon. I'm shaking here, why the hell are you crying? B-bakit magagalit si Kit? May itinatago ba kayo sa akin?!" galit na tanong ko.

I am losing my patience. Hindi ko na kayang kumalma kung ang kausap ko sa kabilang linya ay naghi-hysterical na!

"He's dying. Grace, Kit is fucking dying at the hospital right now and he doesn't want you to know," umiiyak na utal nito.

Halos hindi ko maunawaan ang mga sinasabi niya dahil sa sobrang garalgal ng kanyang boses. Gusto kong sumigaw para kumalma siya, pero ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko.

"He's an idiot. I told him to call you but he refused." Pakiramdam ko ay nabingi ako sa aking narinig. Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Denise, that's not a good joke. I'm... I'm not in my best mood to listen to your absurd jokes, please stop whatever you're doing."

Is she pranking me? Anong sinasabi niya? Kit is fine. He is absolutely fine, kanina lang ay nakita ko pa siya.

"Sana nga ay nagbibiro lang ako, sana ay isa lang itong masamang panaginip Grace."

Mas lalong lumakas ang hagulgol ni Denise. Ramdam ko ang pagkabasag ng puso ko. I don't believe her fucking joke, but hell, why am I crying now?

"Stop please." Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses sa panghihina. My tears are falling hard. Fuck, why are you crying Grace? Hindi totoo ang sinasabi ni Denise. She's just delusional. Don't let yourself be tricked!

"Kit is dying. He has a congenital heart disease that's killing him. He was trying to fight this battle alone. He was always positive that he will live but right now-"

Shit, totoo ba ito? Bakit hindi ko alam? Bakit wala man lang akong ideya sa bagay na ito? Kahit kailan ay hindi ko nakitaan ng panghihina si Kit. He was always cheerful with me.

We were always together. I never felt anything wrong while I was with him. Everything was so perfect!

"H-he said he is now ready to go. Grace, he is giving up, he's willing to leave us!"

Nanginginig man ang tuhod ko'y pinilit kong tumayo. I need to rush in the hospital, kailangan kong pumunta sa kung nasaan si Kit.

"Can you please help me to convince Kit to fight? Grace, I am begging you. Please ask him to live. He needs to stay alive, he can't die!"

No, tangina hindi ko kaya.

Hindi ko kakayanin kung mawawala sa akin si Kit. He was there for me when I needed him the most, but where the hell am I when he needs me?!

Hindi ko na pinahaba pa ang usapan namin. Walang pasabing pinatay ko ang tawag at tumakbo patungong kwarto nila Tita Gladys. Mahimbing na ang tulog nito nang kinatok ko nang paulit-ulit. Hindi ko na inisip kung mabulabog ko ang tulog ng buong sambahayan. I need to get the keys. I need to hurry.

"Grace? Why? May nangyari ba?"

Mabilis ang kilos ko nang pumasok sa k'warto nila tita. Nakasunod ito sa akin habang pilit akong pinapakalma.

"I need to borrow your car tito," paalam ko sa asawa ni Tita Gladys. "Kit is in the hospital, I need to hurry. I'll call you later tita." Mabilis na humalik lamang ako sa pisngi ng tiyahin ko.

Walang salitang lumabas ako ng bahay at dumiretso sa garahe. Patuloy ang pagpatak ng luha ko, kahit anong punas ay hindi natutuyo ang pisngi ko.

"Grace, let your Tito Arthur drive. It's not safe for you to drive," pigil sa akin ni tita na hindi ko na pinansin. Nang sandaling makapasok na ako sa kotse ay nagmamadali ko nang pinaandar ang makina at mabilis na pinatakbo ang kotse. Walang oras na dapat masayang. Kit needs me right now!

Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit. Ang tanging suot ko lamang ngayon ay pajama at black jacket na nadampot ko sa k'warto nila tita.

"Kit... Kit please, hintayin mo ako. Lumaban ka hon," 'yan ang paulit-ulit na bulong ko habang nagmamaneho. Ilang beses akong muntik na maaksidente subalit hindi ako nagpapigil. Mas dinoble ko pa ang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan.

Walang lubay sa pagtunog ang cellphone ko dahil sa dami ng mensaheng natatanggap. Nang binalingan ko ito saglit ay nakita kong nag-flash ang pangalan ni Tito Miguel, Kit's dad.

Pinili kong hindi pansinin ang bawat tunog ng cellphone ko and focused on the road. I need to hurry, kailangang makarating ako sa ospital ngayon. Kung hindi ako titingin sa daan ay siguradong maaaksidente ako, ngayong magulo ang isip ko't punong-puno ng luha ang mga mata ko.

"Damn!" sigaw ko nang maipit ako sa traffic.

Ilang beses kong sinaktan ang sarili ko nang bumalik sa akin ang mga sinabi ko kay Kit kaninang umaga. I told him to leave, and I even threw him many hateful words. Sinabi ko pang magiging masaya ako kung hindi ko na siya makikita pang muli!

Walang hiya ka Grace, kasalanan mo ito!

Sana ay naging malawak ang isip ko. I shouldn't have doubted him in the first place. Dapat ay sinubukan kong tanungin na lamang siya. Kit never gave me any reason to doubt him, he's always telling me how much he loves me. Anong katangahan ang pumasok sa isip mo Grace at pinagdudahan mo siya?!

"How dare you to invite yourself here?! You are not welcome here bitch, umalis ka!"

Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagdating ko sa k'warto ni Kit. Tita Katarina is fuming mad at me. She is crying hysterically while her eyes are reaping me apart.

Disgust, rage, pain and sadness. Ito ang mga emosyong sumasalubong sa akin sa t'wing dadapo ang tingin ko sa mga mata ni Tita Katarina. Galit na galit ito sa akin, ako ang sinisisi niya sa kalagayan ni Kit ngayon. Masakit man pero tanggap ko ang galit ni tita. I know where she's coming from, her rage is valid.

"I'm sorry po."

If I was in her shoes, I would never let the girl who put my son in this situation to step foot to where my son is and would probably throw her away. Hinding-hindi ko mapapatawad ang walang hiyang babaeng nanakit sa anak ko.

"I didn't know. Wala po akong ideya sa kalagayan ni Kit, k-kung alam ko lamang po ay hindi ko na siya iniwan pa."

Muling pumatak ang panibagong luha sa aking pisngi. Ang bawat pagpatak nito ay katumbas ng ilang libong boltahe ng kuryente na unti-unting pumapatay sa puso ko.

"Matagal ko ng sinabihan si Kit na iwan ka, pero ni minsan ay hindi ito nakinig sa akin. Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo na nga ang anak ko sa pag-alis mo, pinatay mo pa siya nang habulin ka niya rito!" Galit na tugon ni tita habang nakaturo sa akin ang nanginginig na daliri.

"Mahal na mahal ka ng anak ko, hindi niya kailan man inisip ang kalagayan niya kung ikaw ang maaapektuhan. He even refused to perform an operation just so he could stay by your side. Walang ibang inisip si Kit kundi ang kapakanan mo, napakawalang-utang na loob mo!"

Ngayong isinasampal sa akin ang kawalang hiyaan ko ay para akong sinasaksak ng ilang beses sa puso. Hindi kahit na kailan inisip ni Kit na iwan ako. Kahit na sobrang daming rason na para talikuran niya ako, hindi niya ginawa. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang napaluha. Pero ni minsan ay wala siyang isinumbat sa akin, nagawa pa niyang itago ang karamdaman niya para lang mailayo ako sa sakit.

But look what I've done to him. Isang maling hinala lang ay iniwan ko na siya. I even told him so many fucking hurtful words that even I can't bear to hear! Tama nga yata ang sinabi niya noon, sa aming dalawa ay siya ang higit na nagmamahal.

I am sorry Kit. All this time you were suffering alone. Sa halip na magpagaling ka ay pinili mo pang manatili sa tabi ko para alagaan ako. Why do you have to be like that? I don't deserve to be treated like a queen, Hon. Bakit laging ako ang inuuna mo?

"And what did you tell him nang makita mo siya kanina? You want him to leave you alone right? You want him to never bother you anymore, kung ganoon pala ang gusto mo why are you still here? Kulang pa ba ang ginawa mong pananakit sa anak ko? Talaga bang hindi ka titigil hangga't nakikita mong humihinga pa ang nag-iisang anak ko?!"

Sobrang sakit marinig ng mga salitang naririnig ko. Gusto kong magsalita at depensahan ang sarili ko dahil nasasaktan na ako sa mga ibinabatong salita sa akin ni tita.

But do I have the right to fight back? Kung totoo naman ang lahat ng ibinabato niya?

"I am very sorry po." Paulit-ulit na iyon lamang ang naisagot ko kay tita.

Galit na nagtungong muli sa harap ko si tita nang makitang bahagyang gumalaw si Kit. Ilang sandali na lamang ay magigising na ito!

Mariing hinatak ni Tita Katarina ang braso ko. Itinapon niya ako sa labas ng kwarto ni Kit habang patuloy ang pagpatak ng luha niya. Her rage towards me is radiating in the air. Sobrang lamig ng paraan ng pagtitig nilang dalawa sa akin ni tito. Hindi ko akalaing darating ang panahon na tititigan ako ni Tito Miguel ng ganito, he was always warm at me.

"Umalis ka na lang Grace, we don't want Kit to see you here when he woke up. His heart is very fragile, he won't make it if he experiences another arrest," malamig na sambit ni tito.

No, fuck no! I can't leave. Hindi ko pwedeng iwan si Kit ngayon, I need to stay no matter what! They can't just throw me out of this hospital.

Unti-unti kong iniluhod ang tuhod ko sa malamig na sahig. Iniyuko ko rin ang aking ulo at pinilit kong hawakan ang kamay ni tita kahit na ilang beses niyang inalis ang hawak ko. Nandidiri siya sa akin, she doesn't want me to touch her.

"Tita Kat, please let me stay. Kahit na hanggang sa maka-recover lang po si Kit, let me stay here," pagmamakaawa ko habang diretso ang tingin sa nagliliyab sa galit na mata ni tita.

"Kahit anong galit at mura po ninyo sa akin ay tatanggapin ko, just please let me be with Kit. He needs me right now, I can't leave him," hirap na hirap na pakiusap ko.

"Bakit ngayon lang Grace? Bakit ngayon mo lang naisip ang bagay na iyan? Ang tagal ka nang kailangan ng anak ko, pero ngayon mo lang naisip na mag-stay? Ngayon lang kung kailan mamamatay na siya?!"

Umiling si tita habang hinahagod ni tito ang likod niya para pakalmahin ito.

"Umalis ka na, hindi namin gugustuhin na mapabilis ang pagkamatay ni Kit."

Iyon ang huling binitawang salita ni tita bago padabog na isarado ang pinto ng k'warto ni Kit. Patuloy ako sa paghagulgol sa labas ng silid, marami mga matang nakatingin sa akin at nakikiusisa pero wala akong pakealam.

Talagang hindi ako aalis kung wala lamang dumating na mga naka-unipormeng gwardiya na humawak sa braso ko. Sapilitan ako ng mga itong itinayo at kinaladkad palabas ng ospital. Walang paghihinay na itinapon ako sa entrance ng malaking pasilidad.

Panginoon, pakiusap huwag niyo po munang kuhanin sa amin si Kit, bigyan niyo pa siya ng mahabang panahon para mabuhay. Kung kailangang isugal ko ang buhay ko para lamang mabuhay siya ay gagawin ko.

Marami pa akong dapat na sabihin sa kaniya. Sana ay hindi pa huli ang lahat.

Mahal na mahal kita Kit, please fight for your life my love. Hindi ko kaya kung pati ikaw ay iiwan na rin ako, hindi ko kakayanin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro