Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Grace: Part VII

Talagang mapaglaro ang tadhana, hindi natin alam kung ano ang susunod na gagawin nito sa atin. Gaano man katindi ang bilis ng pagtakbo na gawin natin ay hindi natin matatakasan ang mga nakatakdang mangyari.

"I should have trusted you more. Hindi sana nangyari ang lahat ng iyon kung mas naging matatag ako."

July 3, 2021

Ito ang nakatakdang araw na lumipad ako kasama ang tita ko. Mabilis na lumipas ang panahon, halos hindi ko naramdaman ang bawat paglipas ng araw. Nagising na lang ako na paalis na ako ng bansa.

Nakailang lingon na ako sa glass door dito sa airport, hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na susunod si Kit para makita ako sa huling pagkakataon. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko, they decided to see me off.

Kanina pa umiiyak ang mga ito, namumugto na nga ang mga mata ni Mariel habang si Joyce ay namumula na ang ilong. Napakabigat ng dibdib ko pero pilit kong itinatago ito sa pamamagitan ng pagtawa.

"Huwag na nga kayong umiyak, para namang ihahatid niyo ako sa huling hantungan ko n'yan eh. Mga baliw na ito babalik naman ako, I won't live there for too long!" sabi ko sabay bungisngis.

Umiling lang ang mga ito at saka ako kinabig para yakaping muli.

"Bruha ka, talagang babalik ka rito 'no. Subukan mong hindi umuwi at susugod kami roon para hatakin ka pauwi rito sa Pilipinas!"

Sabay-sabay kaming natawa nang marinig ang sinabing iyon ni Mich. Akala ko'y hindi na kami nito magkakaayos nang dahil sa nangyari sa pinsan niya. Ngunit lumipas lang ang halos dalawang linggo kong pangungulit sa kaniya ay napatawad naman niya ako. She was just shocked at what happened, hindi niya rin nagustuhan ang inasal ni Kit. But when she realized that it wasn't my fault she accepted my apologies and said she was sorry too for venting her frustrations and anger on me.

"Grace, 10 minutes and we need to go to the departure area. Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo, pupunta lang ako ng restroom at pagbalik ko ay aalis na tayo," sabi ni tita bago umalis.

Muli akong napalingon sa pinto, maraming mga naglalabas-masok pero wala kahit anino ni Kit ang nakita ko. Siguro nga mas pinili na lang niyang maghiwalay kami nang ganito, without proper closure and communication.

I never thought we would end up like this, matapos ang gabing iyon ay hindi na nabalik ang dati naming turingan. Naging malayo sa akin si Kit pero kahit na ganoon ay hindi ko siya sinukuan. No matter how far he ran from me, I will always find a way to caught up with him as long as I can.

"Hindi na ba talaga susunod si Kit?" malungkot na tanong ni Maica nang makitang nakatingin ako sa glass door.

Bumagsak ang balikat ko nang dahil sa tanong na iyon, mas lalong sumikip ang dibdib ko at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha. Ang sakit lang na ganito pala ang magiging wakas naming dalawa. Nagdesisyon akong umalis para buuin ang sarili ko nang sa gayon ay magawa kong maging karapat-dapat sa kaniya because he deserves nothing but a completely healed Grace. He never deserved a fractured piece of me, kaya naman ito ako at aalis para higit kong maiparamdam sa kaniya ang pagmamahal na dapat niyang maramdaman mula sa akin.

"Do you think I'm being selfish because I decided to heal myself alone and leave?" nanginginig ang balikat kong tanong sa kanila.

Tinitigan ako ni Maica sa mata habang hinihimas ang balikat ko na tila pinakakalma ako.

"Of course not, Grace. Naiintindihan naming mahirap ang kalagayan mo. Ayaw mo ring umalis pero ito ang dapat para sa sarili mo."

"I... I just want to be perfect for him. G-gusto ko lang na ako naman ang mag-aalaga sa kaniya pero paano ko gagawin iyon kung sarili ko nga hindi ko magawang alagaan?"

Ayokong umiyak ngayon dahil ayokong makita ng mga kaibigan ko ang mga pesteng luhang ito. This will be the last moment we will see each other after a long time. All I want them to remember is my smiles and happy memories kahit na nagpapaalam kami sa isa't isa, but then, I failed.

"Don't worry Grace, habang wala ka ay kami na ang bahalang magbantay kay Kit. Hinding-hindi namin hahayaang may makaagaw ng puso nya, Kit is a private property of our friend Grace Revamonte and no one is allowed to touch him."

I saw how sincere they are when they told me that I have nothing to worry. Tiwala naman akong gagawin nila ang ipinangako nila, I know it's one selfish move of me to agree and hope that when I'm finally fine nariyan pa rin si Kit para sa akin. Walang kasiguraduhan ang lahat bago ako umalis.

Wait for me mi amore, I will come back and I promise that when I do... I will never leave you again.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro