Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Grace: Part VI

"Umuwi na tayo," wika ko at mabilis na niyang hinawakan ang kamay ko't hinatak palayo.

Sumakay kami sa kotse niyang nakaparada sa labas ng gate, mabilis siyang umikot para makasakay na rin. Sandali lang ang byahe namin pauwi ng bahay, buong byahe ay nakalingon lang ako sa bintana. Hindi ako sumulyap sa kanya dahil pakiramdam ko ay iiyak lang ako once na makita ko ang mukha niya, hindi maalis sa isipan ko ang itsura niya kanina.

Huminto ang kotse niya sa labas ng gate namin, hindi pa niya naipapasok ang sasakyan ay pinatay na niya ang makina. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse pero naka-lock iyon.

"We need to talk," malamig na sambit niya sa akin.

Dahan-dahan akong tumango bilang pagsang-ayon. Tama si Kit, kailangan naming mag-usap na dalawa. Habang tumatagal ang hindi pagkakaintindihan namin ay mas lumalaki ang lamat sa pagitan naming dalawa. Ayokong dumating sa punto na masyado na kaming malayo sa isa't isa.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon kay Chance, walang ginawang masama ang tao." Pagod ang boses ko nang bitiwan ko ang katagang iyon.

My emotions tonight drained all my energy. Halos pumikit na rin ang mata ko sa antok. Nahihilo rin ako, siguro ay dahil sa dami ng nainom ko kanina. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa backrest ng upuan para maibsan ang nararamdamang pagod.

"The bastard deserves it, kung hindi mo lang ako pinigilan ay talagang hindi ko lulubayan ang tarantadong lalaki na iyon hanggang sa malumpo siya." Ramdam ko ang galit niya sa bawat salitang binibitawan niya.

"Why did you do that Kit? Hindi ka naman dating ganito. You don't punch anyone just bec-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang hinampas ni Kit ang manibela ng sasakyan niya.

Napadilat ako dahil doon at lumingon sa kaniya nang nakakunot ang noo. Bakit ba nagiging bayolente siya? Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi siya ang lalaking nakilala ko noon, hindi siya ang Kit ko.

"Tangina naman Grace. Sinong matinong lalaki ang hindi magagalit kapag nakita niyang may humahawak at humahalik sa girlfriend niya? Nakita mo rin ba kung gaano kalagkit ang tingin niya sayo? Fuck, I really want to pull his fucking eyes off him." Patuloy niyang hinahampas ang manibela.

Tila sumabog na ang nararamdaman ko nang marahas kong tinanggal ang seat belt sa akin at hinampas naman ang bintana ng kotse niya. Galit na galit na rin ako, kanina ko pa pinipigilan itong galit ko pero hindi ko na kaya.

"Tumigil ka na Kit, kung ano-ano na lang ang naiisip mo. Walang ginawang masama si Chance, he was just there to-" Muli na naman niyang pinutol ang pagsasalita ko.

"To what? To flirt with you? Hindi ba alam ng tarantadong iyon na may boyfriend ka? Ah, baka naman kasi hindi mo sinabi."

Kapwa mabigat ang paghinga naming dalawa, matalim ang tinging ipinupukol niya sa akin samantalang nangingilid naman ang luha ko sa sobrang inis.

Humawak siya sa dibdib niya at saglit na pumikit, huminga ito ng malalim na tila pinakakalma ang sarili.

"Kung ganoon anong pinupunto mo? Na gusto kong makipaglandian sa kanya? Iyon ba ang iniisip mo sa akin Kit? Haliparot ba ako sa paningin mo?"

Hindi ko na mapigilan ang panginginig ng katawan ko, pakiramdam ko ngayon lang ako nagalit nang ganito. Punong-puno ng hangin ang baga ko at masyadong mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa galit.

"I never think that you're like that Grace alam mo iyan. Maybe you're too guilty para maisip mong ganiyan ang inisip ko." Kalmante ngunit malamig na saad ni Kit.

Hindi makapaniwalang umiling ako sa kanya.

"Ilang beses kong sinubukang tumawag sayo pero hindi kita ma-contact, nakapatay ang phone mo. Nang pumunta ako doon para i-check ka, iyon ang maaabutan ko? If you were on my shoes, won't you pull the hair of the girl who's flirting and kissing me, huh?"

Nanunubok ang tono ng pananalita niya, halos magsalubong na rin ang kilay niya sa sobrang pagkakakunot. I closed my eyes and took a deep breath, I need to calm down. Walang mararating ang pag-uusap namin kung kapwa galit ang nangingibabaw na emosyon sa pagitan namin.

I slowly shook my head and turn to face him, ngayon ay mas kontrolado ko na ang boses ko.

"Of course I'll get mad but I will never hurt the girl just because I'm jealous. I will think logically and try to confront you about it, I know that hurting people just because I am hurting won't do me any good."

Huminga muli ako nang malalim, sinubukan kong hawakan ang braso niya subalit inilayo niya ito sa akin. Hindi pa rin siya kumakalma, mas lalo lang nag-igting ang panga niya nang dahil sa sinabi ko. Hindi ko ipinakitang nasaktan ako sa ginawa niyang pagtaboy sa kamay ko nang muli ko siyang hawakan, ngumiti lang ako sa kaniya.

"Hon please, let's not fight anymore," nanlalambing kong sambit.

Umiling siya sa akin na tila hindi makapaniwala sa sinasabi ko. Pumikit siya nang mariin at padarag na isinandal ang ulo niya sa backrest tulad ng pwesto ko kanina.

"Tangina ang sakit pala kapag harap-harapang sinabi sa 'yo ng babaeng mahal mo na hindi ka niya ipaglalaban sa iba. Bakit ayos lang sayo kahit na may manlandi sa aking iba? Kahit na may humawak at humalik sa akin ayos lang sayo? Fuck, I can't even stand watching any guy gawking at you!"

Napaawang ang labi ko nang dahil sa sinabi niya, kitang-kita ko ang sakit na dumaan sa mga mata nya habang nakatitig nang diretso sa akin. I didn't mean to hurt him, tila nagbara ang lalamunan ko nang makitang lubos ko ngang nasaktan ang damdamin niya.

"Kung sa bagay, I don't have the right to be demanding. Malinaw naman noong simula pa lang na between the two of us, it is me who's loving you more."

Nanlaki ang mga mata ko nang pumatak ang luha sa mata niya, this is killing me. I can't stand watching him crying again. Kaya naman pinilit kong buksan ang pinto ng kotse niya, nakakailang hakbang pa lang ako ay naramdaman ko na ang mainit na yakap sa akin ni Kit.

"Hindi ko na alam kung ano bang gagawin ko sayo Grace, mahal na mahal kita at halos mabaliw ako sa t'wing naiisip kong magkakalayo tayo. Hindi ko kaya. Natatakot akong kapag nagkalayo tayo ay maagaw ka sa akin ng iba."

Naramdaman kong may pumatak na luha sa balikat ko, halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap ni Kit. Maya-maya lang ay sinabayan ng malamig na ulan ang pag-iyak niya.

"T-That's never gonna happen Kit, I devoted myself to you. Wala na akong ibang mamahalin bukod sayo kaya hindi ko maintindihan kung saan mo nakukuha ang ideyang ikaw ang mas nagmamahal at kayang-kaya kitang iwan."

Kapwa kami nababasa ng ulan subalit hindi namin ito inalintana. Wala na akong pakialam kung magkasakit ako, all I want is to assure him that I love him so much and no one can ever change that.

Siguro ay may pagkakamali talaga ako. He became so insecure about my love for him and doubted it simply because I never assure him that I only belong to him. Samantalang walang lumilipas na araw na hindi niya sinabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. He's doing everything to prove to me that my mere existence is enough for him to be happy.

"I apologize because you feel like I don't love you enough or I can't equate the love you're pouring on me. Sorry because I was too busy trying to pretend that I am fine and completely healed when the truth is, I am not."

Bumuhos na rin ang luha ko, ngayon inaamin ko sa kanya na mahina pa rin ako. Sa pangalawang pagkakataon, ipinapakita ko sa kanyang I am still vulnerable and just like a ticking bomb, I will explode any time. Unfortunately, this is the time.

"I am still the girl who can't sleep at night, not unless I exhaust myself from crying. I'm sorry because I am weak and I'm only depending on you. You felt like I don't love you just as how you love me, but that's not true. I may not be vocal every single day but believe me when I say I am willing to offer my life just to extend yours, if anything happens."

Iniharap ako ni Kit sa kaniya at hinawakan ang pisngi ko, pilit niyang pinapawi ang luhang nasa mukha ko. Kung ako ang papipiliin, ayoko ng umiyak sa harap niya. Alam kong higit siyang nasasaktan sa tuwing nakikita niyang nahihirapan ako.

Pero ano nga bang magagawa ko? Kailangan kong magpakatotoo sa nararamdaman ko. Hindi ako magiging maayos kung hindi ko aamining nasasaktan ako. No wound would heal without applying the right treatment.

"Shh, baby please don't say that. I will never let you do that."

Umiling ako sa kan'ya. Inalis ko ang kamay niyang pumupunas sa basa kong mukha. I held his hands and placed it on my chest. Alam kong ramdam niya ang mabilis at malakas na pintig ng puso ko.

"I will never hesitate to end my life if that's the only way to save you. I am willing to let you go and I can bear to watch you fall in love with someone else if that will make you happy." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi pero hindi ako nagtagumpay.

"Fuck Grace, stop saying that nonsense. I will never give you my approval for doing that."

Isang mainit na halik ang iginawad niya sa akin. Umiling siya nang marahas para ipakita ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko. Nanginginig ang katawan niya, hindi ko alam kung dahil ba sa lamig o dahil sa umaapaw na emosyong nararamdaman tulad ko.

Tumagal ng halos dalawang minuto ang halik niya sa akin. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko matapos bumitiw sa halik at saka muling inilagay sa mukha ko ang kamay at tinitigan ako nang mariin gamit ang napakaganda niyang mga mata. Para akong hinihila sa ibang dimensyon habang nakatitig din ako sa mga mata niya. Halos hindi ko na rin maramdaman ang lamig na dulot ng pinagsamang ulan at hangin dahil masyadong mainit ang katawan ni Kit na nakalapit sa akin.

Pinilit kong ibuka ang bibig ko para ipagpatuloy ang sinasabi ko.

"You've been here with me through thick and thin, you endured a lot of pain and heartaches na dapat ay para sa akin pero lahat ng iyon ay sinalo mo. Anong karapatan kong ipagdamot iyon sa 'yo kung ang kapalit naman ng sakit na mararamdaman ko ay kaligayahan mo? You deserve to be genuinely happy, Kit."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro