Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Grace: Part V

Muling naglakbay ang isipan ko sa nakaraan. Matapos ang gabing sabihin ko kay Kit ang plano kong pag-alis ay naging mailap siya sa akin. Hindi pa naman ako aalis agad. Tatapusin ko muna ang huling taon ko sa hayskul bago sumama kay Tita Gladys sa Canada para doon mag-aral.

Mayroon pa kaming halos 2 buwan para magkasamang dalawa. I plan to spend those remaining days with him peacefully. I want to make memories with him. Iyong babaunin ko sa Canada para sa t'wing mamimiss ko siya ay may babalikan akong alaala.

Patapos na ang klase nang muli kong nilingon ang upuan ni Kit. Diretso lang ang tingin niya sa guro habang nakikinig. Hindi siya sumulyap sa gawi ko kahit na isang beses. Maraming haka-haka ang nabubuo sa isipan ng mga kaklase namin na maaaring hiwalay na kami. Kaya naman marami na rin ang sumusubok na lapitan si Kit sa pag-asang mapapansin na sila nito.

Sanay na naman akong may mga nagpapapansin sa kan'ya kaya naman hindi na ako nangangambang may aagaw sa kan'ya mula sa akin. Dahil kahit na kailan ay wala siyang pinansin na ibang babae, maliban sa barkada ko at sa akin. Kahit na masama ang loob sa akin ni Kit ngayon ay hindi pa rin siya gumagawa ng bagay na ikasisira ng relasyon namin.

Nang matapos ang klase ay nagmamadali siyang tumayo at naglakad. Mabagal akong kumilos sa pag-aayos ng aking gamit dahil umaasa akong lalapitan ako ni Kit. Narinig kong inaya siya ng mga lalaking kaibigan niya na mag-basketball ngunit mabilis na tinanggihan niya ang mga ito.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako kinakausap ng mga kaibigan ko. Bagsak ang balikat ko habang nakatitig sa pinto at hinahabol ng tingin ang papalayong si Kit. Nagulat pa ako nang maramdaman ang kamay ni Maica na humawak sa balikat ko para tapikin ako.

"Hey Grace? Ano sasama ka ba?" Napatingin ako sa kan'ya at bahagyang ikinunot ang noo. Hindi ko kasi nasundan ang sinasabi niya.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko e, tulala ka na naman at wala sa sarili. Ano ba kasing problema niyo ni Kit ha? Pag-usapan niyo na yan hindi ka rin naman non matitiis," sambit ni Joyce sa akin.

Tumango ang mga kaibigan pa naming nakapalibot sa akin. Sana nga ay madali lang pag-usapan 'tong problema namin. Hindi ko pa nababanggit sa kanila ang naging dahilan ng hindi pagkakaunawaan namin ni Kit dahil wala pa rin akong lakas ng loob na magpaalam sa kanila.

"Pasensya na. Ano nga ulit 'yong sinasabi niyo Maica?" Sinubukan kong ibaling ang atensyon sa kanila pero hindi ko talaga maiwasang hindi lumipad ang mga iniisip ko sa problema namin ni Kit.

Halos isang linggo na kasi niya akong iniiwasan. Habang patagal ito nang patagal ay pakiramdam ko nauubusan kami ng oras para sa isa't isa. Sa halip na gumagawa kami ng alaala'y nasasayang ito sa ganitong bagay.

"Inaaya tayo ni Mich na pumunta sa kanila dahil anniversary ng parents niya. Tinatanong namin kung game ka ba," sambit nito.

Marahan kong iniiling ang ulo ko bilang pagtanggi. Alam naman kasi nilang hindi ako pinapayagang umalis ng gabi ni lola lalo na't ako lang mag-isa. Pumapayag lang naman si lola kapag ipinagpapaalam ako ni Kit, hatid-sundo kasi ako no'n.

"Sorry, girls, hindi ako makakasama. Alam niyo naman si lola, hindi ako pinapalabas ng gabi no'n lalo na ngayon."

Nakuha na nila ang ibig kong sabihin. Walang Kit na kakausap kay lola para kumbinsihin ito.

"You know we can drop off muna sa bahay ninyo bago kami umuwi. Ipagpapaalam ka namin kay lola at kami na rin ang bahala sa pag-uwi mo. Sumama ka na Grace, you need this," pangungumbinsi sa akin ni Mariel.

"Isang linggo ka nang stress dahil sa inyo ni Kit. Isa pa, Sabado naman bukas walang pasok. Kung gabihin tayo masyado, papayagan ka naman siguro ng lola mo na mag-overnight lalo't nasa bahay naman si Tita Gladys mo 'di ba?" dagdag na tanong pa nito sa akin. Itinaas-baba pa nila ang kanilang mga kilay para lamang kumbinsihin ako.

Sa huli ay napapayag din nila akong sumama. Umuwi ako ng bahay kasama sina Mariel para maipagpaalam nila ako kay lola. Nang pumayag ito ay umuwi rin muna sila para makapagbihis.

Mabilis akong nagtipa ng mensahe kay Kit para ipaalam sa kan'ya na may lakad ako ngayong gabi. Kahit naman hindi kami ayos ngayon ay karapatan niya pa ring malaman ang mga gagawin ko. Makalipas lang ang halos isang oras ay dumating na rin sina Mariel. Nakagayak na rin ako at may baon ding damit na pamalit para sa overnight namin.

"Happy anniversary Tita Anne and Tito Mike!" Isa-isa kaming magbabarkada na bumati at humalik sa pisngi ni tita at tito.

Inilibot ko ang paningin ko sa palagid. Maraming bisita tulad ng inaasahan ko dahil kilala ang pamilya nila Mich dahil nasa politika si Tito Mike. Narito rin pala ang mga pinsan ni Mich at ibang kamag-anak. Nakita ko hindi kalayuan ang umpukan ng mga kalalakihang halos kasing edad namin na napabaling sa gawi namin nang dumating kami. Maingay kasi ang barkada ko kaya naman nakaagaw kami ng pansin. Ngumiti na lang ako sa mga nakamasid sa amin at nag-iwas ng tingin.

"Enjoy the party girls. I will allow you to drink since dito naman kayo matutulog sa amin. Pinapayagan na ba kayong uminom ng parents n'yo?"

Mas lalong umingay ang mga kasama ko nang dahil sa sinabi ni tita. Pinapayagan na rin kasi kaming uminom pero hindi yung mga hard drinks. Kaya naman matapos naming kumain ng dinner ay si-nerve-an na rin kami ng mga drinks at mas lalong nagkaingay sa table namin.

Panay ang tingin ko sa aking cellphone sa loob ng halos dalawang oras ko rito kila Mich. Hindi pa rin kasi nagrereply si Kit. Kadalasan ay tumatawag iyon sa akin kapag alam niyang iinom ako para paalalahanan. Kahit masama ang loob no'n ay hindi kailan man niya akong hinayaang uminom na wala siya. I admit, umaasa akong pupunta siya rito para pagbawalan ako but I guess masyadong masama talaga ang loob niya para magkaroon siya ng pake sa kung anuman ang ginagawa ko ngayon.

Panglimang buntong hininga ko na ito sa loob ng limang minuto. Napansin kong napapalapit ang mga pinsan ni Mich sa table namin. Nakangisi agad ang mga kaibigan ko nang makitang sa amin nga patungo ang mga kalalakihan. Narinig ko pa ang kinikilig na usapan ni Mariel at Maica, mukhang natipuhan pa nila ang pinakamatangkad at may pagka-chinito na pinsan ni Mich.

Agad na tumayo si Mich para magtawag ng kasambahay para magdagdag ng lamesa sa amin. Ipinakilala niya isa-isa ang limang pinsan niya. Halos hindi ko nasundan ang mga pangalan ng mga ito dahil naging abala ako sa cellphone ko nang makitang may mensahe si Kit.

"Sige." Iyon lang ang laman ng message niya. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa at agad na nangilid ang luha ko nang mabasa ko iyon.

Sige?! Iyon lang ang masasabi niya matapos kong sabihin na umiinom ako at dito matutulog kina Mich? Ni wala man lang siyang paalala sa akin o hindi man lang niya itinanong kung sinu-sino ang mga kasama namin! Ganoon ba kasama ang loob niya sa akin at tila nawawalan na siya ng pakialam sa akin?

Dahil sa sama ng loob, tatlong magkakasunod na inumin ang nilagok ko. Hindi ko tiningnan kung ano iyong ininom ko. Basta kung ano ang mahawakan ng kamay ko ay diretso kong nilalagok. Naramdaman ko na lang na tila may mainit na likidong gumuguhit sa lalamunan ko matapos ang huling lagok. Pinatay ko ang cellphone at padarag na inilagay ito sa bag.

B'wisit ka Kit! Kung wala kang pakialam sa akin, fine! Wala na rin akong pakialam sayo!

"Got a problem with your boyfriend, miss?"

Nakakunot pa ang noo ko nang nilingon ang nagsalita. Ito yung pinsan ni Mich na kinakikiligan nila Maica. Anong ginagawa nito sa tabi ko? Hindi ko namalayan na umupo pala ito sa aking tabi dahil siguro sa dami ng iniisip. Nilingon ko ang upuan nina Maica at Mariel at nakita kong nakikipagtawanan na ito sa isa pang pinsan ni Mich.

"Yeah." Tipid kong sagot. Wala kasi ako sa mood na makipag-usap kahit na kanino. I just want to drink all these liquors and get drunk, then sleep peacefully.

"Hmm, so what did he do to piss off his beautiful girlfriend?" nakangising tanong niya sa akin. Parang aliw na aliw siyang titigan ang busangot kong mukha ngayon dahil sa paraan ng pagtaas ng gilid ng labi niya.

Wala sa sariling napa-irap ako sa kaniya. I did not want to be mean and to look like a snob and rude, but there's something with his attitude that's pissing me off. I don't know him, and I don't have any intention of knowing him. Gustong-gusto ko na siyang paalisin sa tabi ko para tahimik akong makapaglasing dito pero tila nag-e-enjoy siyang kausapin ako.

"Okay, lemme guess. You caught him cheating?" Itinaas-baba pa niya ang kilay niya na parang alam na alam niya ang dahilan kung bakit masama ang loob ko.

Chismoso, guwapo pa naman sana.

Iniling ko ang ulo ko bilang sagot. Kit will not do that. He will never cheat on me, even in my widest dream.

"He is not that kind of guy," seryosong sambit ko at saka muling lumagok ng alak.

"I am sorry to break this to you but, in reality, no guy can resist temptation. Do not trust your guy too much, masasaktan ka lang. Anyway, I am Chance Villegas and you are?"

"Grace," simpleng sagot ko. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at dalhin ito sa labi niya.

"Nice to meet you, Grace," sambit niya at saka kumindat at ngumisi sa akin.

Isang malakas na tilian ang nangyari matapos bumulagta ni Chance sa damuhan. Hindi ko alam kung anong nangyari basta't nakita ko na lang na nakatoob ang lamesang kanina lang ay may lamang mga pagkain at inumin. Nasa damuhan si Chance at nakapaibabaw sa kaniya si Kit na nagpapaulan ng suntok.

"Oh my God! Pigilan niyo si Kit baka mapatay niya si Chance!" iyak ni Mich nang makitang halos nakapikit na ang pinsan niya at hindi makalaban kay Kit dahil nakadagan ito.

Galit na galit si Kit. Maging ang mga humahawak sa kan'ya ay sinusuntok niya. Nang mailayo siya ng dalawang pinsan ni Mich ay pilit siyang kumakawala sa hawak ng mga ito at sumusugod pa sa walang labang si Chance. Hindi ako halos makahinga habang nakatayo lang sa puwesto ko, nakalagay ang dalawang kamay ko sa bibig sa sobrang gulat. Nanginginig ako sa takot, ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Kit.

Nang makawala siya sa hawak ng mga lalaki ay muli siyang sumugod kay Chance. Doon pa lang ako natauhan nang maramdaman ko ang sampal ni Mich sa akin.

"Ano ba Grace, papanuorin mo lang ba si Kit na maging mamamatay tao? Pigilan mo 'yang boyfriend mo at baka mapatay niya ang pinsan ko!" Umiiyak na ngayon pati ang mga kaibigan ko. Puro tilian ang naririnig ko habang nakatingin kami kay Kit.

Patuloy sa pambubugbog si Kit. Wala itong planong tumigil kahit na lumapit na ako at nakiusap sa kaniyang tumigil. Hinawi niya ang kamay ko at mabilis na ibinaling sa akin ang ulo niya.

"Tangina Grace, lumayo ka muna at papatayin ko 'tong gago na ito!" Pulang-pula ang mukha niya at kitang-kita ang mga ugat sa leeg at maging sa braso.

"Tama na Kit, please tumigil ka na!" iyak ko sa kaniya pero hindi pa rin siya tumigil kaya naman lumapit ako at buong lakas na itinulak siya palayo sa kawawang si Chance.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang mailayo siya kay Chance. Mabilis siyang pinalibutan ng mga kalalakihan at tulong-tulong na hinatak palayo. Tumulong na rin ang ibang bisita, itinayo nila si Chance at agad na dinala sa loob ng bahay nila Mich para gamutin. Sumunod sa kanila ang mga kaibigan ko maliban kay Joyce na nanatili naman sa tabi ko at inalo ako.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Gusto kong kausapin si Kit pero mas nangingibabaw sa akin ang kagustuhang sumunod kay Chance para tulungan siyang gamutin at humingi ng tawad. Kasalanan ko kung bakit siya nagkaganoon kaya naman responsibilidad kong gamutin siya.

Hiyang-hiya ako sa buong pamilya ni Mich at sa mga kaibigan ko. Itinaas ko ang paningin ko para salubungin ang mga mata ni Kit. Nando'n pa rin ang galit at tila mas lalong sumiklab ito nang makita niyang tumalikod ako at umambang maglakad papasok ng bahay.

"Subukan mong humakbang kahit isang beses at makikita mo Grace. Tutuluyan ko ang lalaking iyon!" Napahinto ako sa paglakad at napapikit dahil sa malakas na sigaw ni Kit.

Tila ulan sa pagbagsak ng mga luha ko. Ano bang nangyayari at bakit umabot sa ganito ang lahat? Kanina lang ay maingay at punong-puno ng tawanan ang buong paligid, ngayon ay puro nag-iiyakan na lang ang naririnig ko. Malas yata talaga ako pagdating sa mga handaan dahil palaging ako ang nagiging dahilan ng pagkasira.

"Gago siya, sinong nagbigay sa kaniya ng karapatan na halikan ka? Ni hindi ko pinahihintulutan ang mga lamok na dumapo sa'yo tapos ang hayop na iyon ay dumampi pa ang labi sayo? Tangina niya."

Nanginginig ang buong katawan ko, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Gulat, takot, lungkot, hiya at sakit. Naramdaman ko ang kamay ni Joyce sa balikat ko. Inalalayan niya ako nang makitang muntik na akong mabuwal sa sobrang panghihina.

"Ang mabuti pa, bes, umuwi na muna kayo ni Kit. Kailangan ninyong mag-usap na dalawa. Kami na ang bahala kay Chance, maging kina tito at tita para sayo," bulong sa akin ni Joyce habang hinahagod ang braso.

Marahan akong tumango at humingi ng paumanhin. Dahan-dahan akong lumapit kay Kit at nang magkaharap na kami ay inaya ko na siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro