twenty third dream
I slowly open my eyes, and the plain white ceiling greeted me with awe. My heart immediately pounded so fast, upon realizing this wasn't my room. The familiar vibe that it gave doesn't help either into calming myself. I tried to scan the entire area. But just like every places I used to spend time with, its forsaken.
My eyes watered at the realization. I am indeed lying in this hospital bed, all alone. Not even a single soul was here to wait for me!
I couldn't help my sobs as I tried my hardest to sit down. But just like everyone, my strength was nowhere to be found too.
I harshly breathe, letting out all the frustration I've got. I felt hopeless. Desolated and pathetic.
The universe knew how I hated to be here again, how I hated hospital since then, but why am I even here? And why am I experience the exact same thing that my mother did before she died?
"Lola bakit sila ganoon? Bakit hindi nila dinadalaw si mommy? B-bakit pati si daddy hindi manlang nagpakita?" halos lumabo na ang mga ko dahil sa mga luhang tumutulo dito. Ni hindi na nga ako maka hinga ng maayos kahit pa hinahaplos naman ni lola ang likod ko.
"Busy siguro sila apo."
Mas lalo akong napapatyak. "Pero nagmakaawa po ako kay daddy. Araw araw po akong pumupunta sakanya, nagmakaawang dumalaw naman siya, na ipaglaban naman niya si mom, na magkaroon naman sana siya ng pakealam kay mommy, pero bakit wala? Ni-reject niya ako lola, bakit ganoon? Bakit parang hinahayaan niya lang na mamatay si mom?"
Sinubukan niya akong pakalmahin at itali ang mahaba ko pa noong buhok ngunit nagpupumiglas na ako.
"Bakit pati 'yong mga taga suporta ni mom, wala? Nasaan na po ang mga kaibigan niya? Bakit nila siya hinahayaang mag isa dito? Bakit hinahayaan nila tayo dito? Pati sina ivan tinalikuran ako kanina!" sinamaan ko ng tingin ang kalangitan.
"Hinabol ko sila, sabi ko kailangan ko sila ngayon, pero bakit? Hinayaan nila akong mag isa? Bakit parang walang nakakarinig sa 'kin? Ilang ulit akong humiling ng tulong pero bakit lahat sila tinatalikuran kami dahil lang hindi na kami katulad ng dati?"
My mom was diagnosed with ischemic heart disease or coronary artery disease. Tatlong buwan ang inilagi niya sa ospital bago siya binawian ng buhay.
Ang nakaka gago lang, doktor tatay ko at nasa iisang ospital lang sila ni mommy. Pero ni isang beses, hindi manlang niya ito dinalaw.
Galit na galit ako noon saknaya siyempre, kasi hinayaan na nga niyang burahin mg yawaka city lahat ng pangarap at pinaghirapan ni mom, tapos ni hindi manlang niya pinakitaan ng kahit na katiting na pakealam si mommy kahit nasa bingit na ito ng kamatayan.
Ang laging sabi ni mom noon, hayaan ko nalang si dad at ang importante naman ay kasama niya kami ni lola. Kaso hindi pa rin e. Galit pa rin ako.
Kinamuhian ko so daddy ng todo, na pati sila ivan na mga kaibigan ko ay hindi na ako nakayang intindihin, na pati kami nag-aaway at nagsasagutan na, hanggang sa huli ay iniwan nila ako habang nasa ospital si mommy.
Uugod ugod na si lola noon kaya nagpi-prisenta akong lumiban sa klase at ako na mismo ang magbantay kay mom. 14 years old pa lang ako noon, pero sa araw araw na riseta ng doktor ng gamot, araw araw din akong nagpupunta sa may kalayuang botika para lang makumpleto lahat ng gamot na kailangan.
Matapos kong magmaka awa kay dad pati kila ivan, pinangako ko sa sarili kong hinding hindi ko na 'yon uulitin ulit. Sinabi kong kaya ko kahit wala sila at kung hindi man, kakayanin ko pa rin.
Galit ako sa kanila noon at pati ang mismong ospital na ilang buwan kong inuuwian ay isinumpa ko na.
Kasi isasampal lang naman nito sa 'yo kung gaano ka ka-walang importansya para sa mga tao sa paligid mo. Akala ko nga dati si mommy lang ang nakakaranas ng ganoon, na kaunting tao lang ang dumadalaw.
Pero nang marinig ko sa mga nurses na may isang lalake sa icu na walang pamilyang dumadalaw. Para akong nagpupuyos sa galit noon at mas lalo pang isinumpa nag lahat.
Kasi naman, na sangkot daw ito sa car accident kasama ang mga kapatid niya at siya lang ang naka survive. Sa kasamaang palad, comatose ito at nasa icu. At oo, kahit isa na kapamilya niya ay walang dumadalaw dito. May binabayaran lang silang tao para mag monitor at mag bayad para sa mga gamot at hospital bills niya.
Nakaka gago e. Kasi bakit naman may mga taong ganoon? Bakit may mga taong katulad ni daddy?
Kahit kailan hindi ko siya mapapatawad at ipinangako kong hinding hindi ako magiging katulad niya. Kaya ayon, napagdesisyunan kong ako nalang ang magsisilbing pamilya doon sa lalake sa icu at dinalaw ko siya.
Simula din ng araw na 'yon ang pinangako ko sa sariling hinding hindi ko hahayaang may ibang tao pa ang makakaranas ng sakit na pinadanas ni daddy kay mommy.
Doon ko din napagtanto na marami palang mga tao ang katulad namin. Mga taong, sa iba't ibang dahilan ay nade-drain ang mga tao sa paligid nila, kaya sa huli ay iniiwan nalang silang mag isa. Kaya sinusubukan ko silang kausapin, sinusubukan ko silang damayan.
Pero sa kabila 'non, sinumpa ko ring hindi hindi ako magpapa confine sa putang inang lugar na 'to kahit na anong mangyari.
Mamatay kako ako, wala akong pakealam basta hinding hindi ako hihiga sa hospital bed. Ayokong ako ang nakaratay at makasaksi kung paano ako talikuran ng lahat.
Pero heto ako ngayon, nakahiga at luhaan.
Marahas nalang akong nag punas ng mukha, susubukan ko na sanang tumayo ulit ngunit biglang bumukas ang pintuan ng private room.
Agad akong natigilan at halos mamanhid na sa sobrang kaba, bahagya pa akong nabuhayan ng loob, ngunit ganoon nalang ang dismaya nang makitang nurse lang pala 'yong pumasok at may dala ng mga gamot.
Sabi niya, dalawang araw daw akong tulog, fatigue at insomnia daw ang dahilan.
May mga pinagsasabi pa siya 'non ngunit para na din akong nabingi, at nanatiling naka tingin sa naka sarang bintana sa harapan. Tumatango lang ako at nang iwan na niya ang nga gamot sa mesang malapit sa 'kin, nagpaalam na itong lumabas.
And once again, naiwan ulit akong nag-iisa.
Nakakatuwa't dito din sa yawaka city hospital nagtatrabaho si dad bilang neurologist, pero ni hindi manlang din niya ako nadalaw dito. Kahit bilang tatay nalang sana.
Pero ano bang inaasahan ko, asawa niya nga hindi niya din nagawang tignan, ako pa kayang bunga lang naman ng pagkakamali nila ng isang gabi?
I sighed and bleakly laugh with myself.
A few years ago, I was a walking hatered, and when wrath devoured me enough, I was left with nothing but emptiness. I then walk for years in this city as someone who's good as dead.
Kapag kasi pala itinuon mo lahat ng emosyon mo sa iisang bagay at naubos ka nito. Wala nang matitira sa 'yo, pati emosyon.
I almost forgot how it was like to be a human that when markian and dennis tried to reach out to me again, I ended up pushing them away. I ended up loving the darkness that comes with solitude because I thought they're the ones who pushed me this far, in the first place.
I ended up staying with the ruins of my shattered self that no matter how hard I tried to heal myself a few months later, it wouldn't work anymore. Nothing seems to work anymore.
And once again, I feel like a a star who exploded into the endless sky, and hell, maybe I was meant to be like this anyway.
A black hole who's bound to be on its own so it wouldn't drain everyone around.
Napabuntong hininga ako at itatapon na sana ang mga gamot nang bigla may kumatok sa pinto.
Ngunit hindi katulad kanina ay matamlay nalang akong napalingon sa direksyon nito at nanliit ang mga mata.
"Nainom ko na po 'yong gamot," mapakla kong saad sa pag-aakalang 'yong nurse lang ulit ngunit laking gulat ko nang si orion ang iniluwa ng pinto.
Para akong natuod sa kinauupuan at hindi namalayan ang maiinit na luhang umagos ulit sa mga mata ko. Ni hindi ako naka galaw nang tinakbo niya ang nalalabing distansya sa pagitan namin at mahigpit akong niyakap.
"Sorry, sorry talaga."
Paulit ulit niyang saad ngunit halos hindi din ako makasagot dahil sa patuloy na pag-iyak.
"A-akala ko walang dadating."
Napayakap ako sakanya pabalik habang sinusubukang pigilan ang paghikbi.
"Akala ko hindi ka na babalik?" dagdag ko pang tanong ang ibinaon ang mukha sa dibdib niya.
"Hahayaan ba kitang mag isa dito? Amaria magkaibigan tayo, siymepre babalik ako para sa 'yo."
Magkaibigan.
"Diba sabi ko, orion ang isa sa pinaka madaling hanaping konstilasyon sa kalangitan. Hindi ka mahihirapan at malaman mo agad na andito lang ako palagi. Hindi ako mawawala." hinaplos niya pang ang ulo ko at sinubukan akong patahanin.
Nang mahimasmasan ako ay napansin kong nagpalinga linga ito sa paligid. Napa kunot naman noo ko at ginaya siya. "Bakit?"
"May tao ba sa banyo?" takang tanong niya at nagalakad patungo sa direksyon nito. Doon ko lang napansing umaandar pala ang gripo sa loob nito, may mahihina pa ngang bulong na para bang may kung anong pag-aalay sa demonyo ang nagaganap sa loob.
Akala ko kanina ang aircon lang ang loloko, ngunit dahil sa seryosong ekspresyon ni orion ay pati ako'y nahawa na.
Mabilis niyang binuksan ang pinto ng banyo at halos mapatakip ako ng tenga nag may sunod sunod na nagmura mula sa loob ng banyo.
"Gago, isara mo ang pinto! Tumatae ako!"
Sa isang iglap ay bahagyang nawala ang bigat ng pakiramdam ko at nadatnan ang sariling tumatawa.
Halos mapatalon naman si orion sa gulat at mabilis nang isinara ang pinto "Pasensya na markian, akala ko multo! Bakit kasi para kang nag-oorasyon d'yan sa loob?"
"Nagko-consentrate ako, ayaw lumabas!"
•••
"Orion, andito ka!" bulalas ni markian matapos makaraos sa banyo. Aktong lapapit ito kay orion para bumati ngunit napa atras lang ang huli.
"Hoy ang arte, nagsabon ako, ano!" napasinghal nalang si markian at bumaling sa 'kin. "Mabuti naman at gising ka na," naka ngiti nitong bati dahilan para umusbong din ang ngiti sa labi ko.
Halos mangilid ulit ang mga luha sa mata ko ngunit agad sinubukan ko itong pigilan. "Sandali naman daz, bakit ka umiiyak? Nag sabon na sabi ako!"
"Sira ulo!" tinapunan ko ito ng unan at pinunasan nalang ang mga luha sa pisngi. "Akala ko kasi wala akong kasama dito kanina pag gising ko, nasa banyo ka lang pala."
Bahagya itong natawa. "Hahayaan ba naming mangyari 'yon? Daz, siyempre hindi na. Actually sila tita gina at shine talaga ang nagbabantay dito, pina uwi lang namin para kahit papaano makapag pahinga, lalo na si shine." sumandal ito sa upuan at napasinghal na animo'y may naalala.
"Saka hayop kasi 'yong si chenzo, pinatikim niya sa 'min 'yong adobo na niluto niya kaninang tanghali, malay ko bang may sa demonyo 'yon? Kaya heto, sumama ang tyan ko," napahawak pa ito sa tyan niya.
"Goodluck nalang talaga kila dennis at rui kung matitibay mga sikmura nila."
Bahagya akong natawa at napahinga ng maluwag. Sakto naman bumukas ulit ang pinto at iniluwa noon ang namumutlang rui, at tawa ng tawa na nath.
Kapwa naman sila natigilan pagka kita sa amin at sa isang iglap ay nagtatakbo si nath palapit kay orion.
"Akala ko hindi ka na babalik? Bakit ka umalis? Bakit hindi ka namin ma-contact!" agad na pinaulanan ng mga tanong ni nath ang kaptid. Wala tuloy ibang nagawa si orion kundi suyuin ito.
To think of it, doon palang sa bahay nila dennis, napansin ko nang magmukha sila. Nang halughigin kasi ni nath ang kwarto kung nasaan kami noon para hanapin ang kanyang cellphone, tinanggal nito ang salamin sa sobrang stress, tinutulungan siya nila orion noon at nang magtabi sila, doon ko napansing medyo hawig sila.
Ang katamtamang ilong, ang hugis mata at mukha. Kuhang kuha, kahit nga sa back feature ay halos pareho, hindi ko nalang masyadong binigyan ng pansin 'yon noon kasi baka dahil lang din naman 'yon sa kakulangan ng ilaw at namamalik mata lang ako.
"Hala sandali lang, kung hindi ka namin ma contact lahat, paano mo nalamang na-ospital si daz?" bigla namang tanong ni rui dahilan para mabalik ang tingin ko kay orion.
Sa isang iglap ay natahimik ang lahat at naka tuon lang ang atensyon sakanya.
Bahgya pa nga itong natigilan at napatitig sa 'kin. "Ki-nontact ako ng daddy ni daz."
•••
Hindi ko naman kailangang mag wheel chair pero dahil makukulit ang mga asungot at ayaw kuno nila akong mapagod, pinilit nilang iupo dito.
Hindi na din ako pumalag dahil matapos pakainin ay hinayaan naman nila kaming makapag usap ni orion. Dinala nga ako nito sa rooftop at dito, tanaw na namin ang kulay kahel na kalangitan.
Humahalik sa 'min ang simoy ng hangit ngunit kapwa naman namin itong sinalubong.
"Magkakilala kayo ni dad?"
Tumango lang siya at napatingin sa kalangitan. "Doktor ko siya dati."
Napatango naman ako at hindi inalis ang tingin sakanya. "Alam niya ang contact number ni mom at 'yon ang tinawagan niya para ma-contact ako. Sabi niya, baka kako pwede akong bumalik dito sa yawaka city para hintayin kang magising."
"May kakaiba sa boses niya noong gabing 'yon, para bang puno ng pagsisi at sakit, at alam nating parehong hindi ganoon ang natural niyang ipinapakita sa lahat."
Napatango ulit ako at muling pinigalan ang mga luha. Ni hindi ko alam na gagawin 'yon ni dad. Ni hindi ko alam na may pakealam siya sa 'kin.
Napabuntong hininga ako. "So bumalik ka dito dahil nagmaka awa si dad?"
Hindi ko mapigilang maalala kung paano ako nagmaka awa sakanya dati para dalawin si mom, ngunit hindi naman niya ginawa. Pero heto siya, humihingi ng pabor sa iba para dalawin ako. Para ibigay sa 'kin lahat ng bagay na hindi niya ginawa kay mommy noon.
Nakaka gago.
Hindi ko alam kung mai-insulto ako o ma-ta-touch e.
Napayuko nalang ako't pinigilan ang mga hikbi. "So bumalik ka lang ngayon dahil nakiusap si daddy?" sinubukan kong hindi magtunog bitter ngunit mukhang walang epekto.
"Alam mong hindi totoo 'yan amaria."
Mapakla akong natawa dahil sa naging sagot niya. "Hindi ko na alam orion, ka nga ako nagtatanong."
Napabuntong hininga ito at seryoso akong tinitigan. Nagulat naman ako nang I-lebel nito ang sarili niya sa 'kin at bahagyang hilahin ng wheel chair ko palapit sakanya.
"Bumalik ako dito dahil gusto ko."
Mapait akong napangiti at muling nilunod ng mga luha. "Pero aalis ka din diba?"
Hindi siya naka-imik at pinantayan lang ang mga titig ko.
"'that's what my fate is, amaria. Aalis at aalis ako dito. Maiiwan at maiiwan kita sa lugar na 'to." seryoso niyang saad at sinubukan punasan ang mga luha sa pisngi ko.
At sa pagkakataong 'yon, alam naming pareho na hindi sa canada ang totoo niyang destinasyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro