Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

twenty-second dream

It's friday and I found myself curisng the neon lights for almost blinding my sight, as I approach my bandmates. They're next to the mini stage, enjoying the music from chazaqiel's band while waiting for our turn. They're vibing with the crowd so much that I couldn't even reach even one of them.

I sighed and was about to leave the ocean of people but imagine my surprise when chenzo suddenly pushed me towards orion!

Bumangga ako sa likod nito at halos magwala na ang puso ng lumingon siya sa direksyon ko.

"And for our last song in this session, we'll be covering, I want to be with you by chloe moriondo."

Mukhang nang-aasar pa ang kalawakan at nang magtama ang mga mata namin ay kapwa din naman napaiwas. Idagdag pa ang kantang tinutogtog nila, halos hindi ko na nga alam kung saan dadaan para hindi na tumayo at mag mukang timang sa harapan niya.

Paano ba naman kasi, napaka likot ng mga tao sa paligid. Everyone was busy dancing with their partners and such that nobody noticed the growing tension between us. We're definetely facing each other, with those sweet melody and flashing lights. None of us said a single word and let the music mend our silence.

But before chaz's vocalist finish the chorus, orion suddenly took his leave.

Nilagpasan na nga niya ako at naki-soundtrip kila rath na parang walang nangyari.

And I was there, standing still, trying my hardest not to fall apart.

•••

When the nimbostratus finished their session, we immediately fill in and do our part. After setting the instruments up, we again greeted the audience with our first track of cover songs.

Sinubukan kong mag focus sa pagkanta at hindi kailan man nilingon si orion na nasa tabi ko. Itinuon ko nalang ang buong pansin sa mga manonood at sa reyalidad.

Since kailangan kasi namin ng exposure at pera, para kahit papaano ay maging katanggap tanggap ang pinili naming landas. Hindi namin tinanggihan ang alok ng tatay ni rocky na pag-performin kami sa rock bottom, ang nigh club na pagmamay ari nila.

Matatagpuan ito sa likod ng yawaka university, kaya hakot costumer talaga mula sa mga college students na stress na stress na dahil sa mga course na pinili.

Kadalasan ay mas matanda ang mga audience namin, at habang naka tungtong ako dito sa mini stage, nakikita ko ang iba na nakikisaya sa tungtog namin, pilit kinakalitaan kahit pansamantala, ang mga problema na dala dala.

May iba ngang natutulog na doon sa couch sa gilid at may iba pa ngang bigla nalang nagwawala at nag-iiyakan. May magkakasuntukan pa nga't kulang nalang ay magpatayan.

Everyone express their feelings differently and it will always have its corresponding consequences. No matter what's their reasons behind.

I tried to smile as we reach the second verse.

At sa ilang session na ginawa namin dito, napagtano kong minsan, hindi naman pala talaga dreamy ang mga pangarap ng tao. Mas nagmumukha pa itong bangungot na may kaunting rainbow dahil sa mga sama ng loob na matatamo. Pero kahit ganoon, nakikita kong pursigido pa rin naman silang mgpatuloy.

Magrereklamo at iiyak lang ang mga 'yan pero magpapatuloy parin sila.

At sana balang araw, maging sapat pa ang mga dahilan na mayroon ako para magpatuloy parin.

•••

"Ikaw 'yong anak ni irony 'di ba?"

Matapos ang gig, kanya kanya na kaming ligpit ng mga gears at naghahanda nang umuwi. Ang akala ko nga ay sila orion at rath nanaman ang dudumugin nila kaya hindi ko inasahang may magtutuon ng pansin sa 'kin ngayon.

"Ako nga," tanging sagot ko at bahagya pang napa iwas ng tingin.

Napangiti naman 'yong lalake at sa isang hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng ilang.

Nakausot ito ng plain white shirt at maong pants. May katangkaran ito na kinailangan ko pa ngang tingalain habang kinakausap. Nakaka pagtaka lang at hindi naman siya paniguradong college student, pero ba't ganoon ang vibe niya? Halos magka edaran nga lang siguro sila ni dad pero bakit ang cool niya?

I mean, hindi naman siya mukhang problemadong adult na walang choice kundi pumasok sa pinaka sukusuklaman niyang trabaho. Ni hindi nga siya mukhang haggard!

"Bakit, kilala mo ba siya?" tanong ko nalang na agad naman niyang tinanguan.

"Paps! Mabuti nagpunta ka!" agad namang nagtatakbo si chenzo palapit doon sa lalake at kulang nalang ay tumalon ito at magpa karga.

Just what the hell?

"Ah, guys, by the way ito nga pala si paps gio! Tatay ni rui, nakiki tatay lang ako talaga. Hehe."

Sa isang iglap ay nagsilapit din naman sila hope, rath at orion at binati ito. Halos hindi nga matapos ang asaran nila ni chenzo, ngunit kahit ganoon ay kalmado pa rin naman ito na animo'y walang kaproble-problema o hindi nakapag bitaw ng kaproble-problemang salita.

Anak nga niya si rui.

To think of it, parang pamilyar ang pangalan niya. Hindi ko lang alam kung saan ko ito nabasa o narinig.

"Ano nga palang ginagawa mo dito lods?" tanong naman ni rath maya maya, na para naman talagang hindi for public ang night club!

Gusto ko sanang mapasapo sa ulo ngunit tinawanan lang ito ni tito gio. "Wala naman, gusto ko lang manuod ng banda, na miss ko na ring maki jam e." pakag ulit itong natawa ngunit pansin ko ang pagbabago ng mga mata niya.

"May banda ba kayo dati?" hindi ko alam kung bakit 'yon agad ang unang lumabas sa bibig ko, ngunit sa kabila nang mga tugtog mula sa pangatlong banda sa line up namin, hindi ko maiwasang mapansin ang pamilyar din niyang boses.

Ngumiti lang ito at tumango. Mangha namang nagsilapitan lalo sila rath at tinanong ito nang kung ano ano ngunit mukhang alam ko na ang sagot.

"Gitarista ako ng mooncalf mavens dati. Kabanda ko ang nanay ni daz."

Ngumiti ito at may inilabas na papel.

"Alam ko kokontrahin din kayo ng ibang mga taga yawaka city. Paparatangan nila kayong misfit at mababalewala lahat ng pinaghirapan niyo, at kapag nangyari 'yon, tawagan niyo lang ako. Hindi ko hahayaang gawin nila sa inyo ang ginawa nila sa banda namin dati."

Ibinigay niya ang papel kay rath na siya ngayong pinaka malapit sakanya at halos mag kislapan na ang mga mata nito. "Huwag mong sabihing magiging manager ka namin?"

"Hindi ko talaga sasabihin, kasi hindi naman 'yon 'yon." pasimple lang na napailing si tito gio at ginulo pa ang buhok ni rath. "Tawagan niyo kako ako kapag naging official na kayong misfit, may kakilala akong makakatulong para hindi kayo I banned sa yawaka city."

Bahagya akong natawa nang pansamantalang madismaya ang mga ito at agad din namang nabuhayan ng loob pagkatapos.

Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon, nahagip ng mga mata ko si orion. Tahimik lang na nakatingin sa 'kin ngunit agad din naman itong bumalik sa paglalaro ng zipper ng guitar case niya nang mahuli ko.

Tignan mo nga naman ang isang 'to.

Nagpaalam na si tito gio at naiwan naman kaming nag-asaran parin. Ngunit sa gitna ng mga pekeng pagtawa at pakimisama, hindi ko parin maipagkaila na hindi ako komportable.

Kasi sa totoo lang, ayoko namang ganito kami ni orion. Ni hindi nga ako sanay na hindi na niya ako kinakausap.

Mabuti pa dati noong wala pa akong inamin, atleast noon kahit hindi pa malinaw ang lahat e pinapansin niya pa ako. Kahit papaano ay ramdam ko parin na magkaibigan kami.

Pero ngayon, ni hindi ko na nga alam kung magkaibigan pa ba kami.

Hindi naman siya ganito.

Hindi naman- "Daz, ako na ang maghahatid sa 'yo!"

Bahagya akong nagitla ng bigla akong akbayan ni chenzo, at dahil nga mas matangkad ako sakanya, halos mapayuko pa ako dahil sa pagakbay nito.

Hayop na 'yan.

"Aray ko naman," suminghal ako at itinapon ang kamay niya palayo sa 'kin.

Gusto ko na nga sanang balewalain ang tahimik na paglalakad ni orion palabas ngunit hindi din nagawa nang bahagya itong lumingon sa 'min.

"Sige chenzo, rath, una na ako." nakangiti pa nitong saad ngunit hindi manlang ako nito tinapunan ng tingin.

"Hope, alis na ako." kumaway pa ito kay hope at heto nanaman ako't sinusubukang hindi magpa apekto.

"Anong problema niyo?" hindi ko maiwasang mapa buntong hininga nang lapitan ako ni hope at magtanong.

Tanging iling lang ang isinukli ko dito kasi kahit ako, hindi ko na din alam kung anong problema.

Dahil ba sa sinabi kong gusto ko siya?

•••

"Pwede ba tayong mag-usap?" seryoso kong bati sa kanya kinabukasan. Inagahan ko talaga ang pagpasok sa school para maharang ko siya sa gate.

Pinagtitinginan na nga ako ni manong guard dahil kanina pa naman ako andito pero hindi parin pumapasok.

Tumango ito at nadatnan namin ang mga sariling kapwa nakupo sa waiting shed. Tanging tunog lang ng mga sasakyan ang maririnig na ingay at pakiramdam ko nga ay nakalimutan ko nang huminga.

Nagdadalawang isip pa ako kagabi kung gagawin ko 'to pero natalo nanaman ako ng damdamin. Pero kasi si orion 'to. Kaibigan ko siya, kahit hindi niya ako kinakausap ngayon, siya pa rin 'yong orion na napagsabihan ko ng mga bagay na dapat sinasarili ko nalang.

Siya pa rin 'yong orion na walang sawang nakinig sa mga walang kabuluhan kong pilosopiya sa black hole at mga bituwin.

Siya pa rin 'yong orion na laging lumilitaw kapag kumakanta ako, at kapag halos pakiramdam ko wala na akong kakampi sa mundo.

Siya pa rin naman 'yong orion na madaldal kapag kaming dalawa lang pero ubod ng tahimik kapag kasama ang barkada. Siya pa rin naman 'yong orion na kinu-kwestyon lahat ng bagay sa mundo at siya pa rin 'yong orion na mabait sa lahat, kahit sa taong tulad ko na hindi naman karapatdapat.

I was so cold before he came, and if it wasn't for his wamrth and weird ways, I wouldn't have realized half of the things I just did. I would still be the same emotionless girl who's dubbed as someone who doesn't give a shit, about anyone, about everything.

I wouldn't realize either that I wasn't always like that in the first place. Because I give a shit, about anyone and everything, and here I am, willing to take the first move so we wouldn't fall apart.

"Ayos ka lang ba? Ayos pa ba tayo?" pinutol ko na ang mahabang katahimikan. Nakatingin lang ako sa mga sasakyang dumadaan habang hinihintay ang sagot niya.

Ngunit nang wala akong marinig na tugon ay bahagya ko siyang nilingon.

"Orion, huwag mo naman sana akong iwasan dahil lang sinabi kong gusto kita. Hindi naman kita ino-obligang gustuhin din ako. Happy crush lang naman siguro 'to, mawawala din to next month." napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti.

"Let's be civil, okay. Hindi na tayo bata."

Wala. Hindi pa rin siya umimik.

Ni hindi nga dumako sa 'kin ang tingin niya at nanatili lang ding naka tingin sa mga sasakyan.

"Orion..." tawag ko dito ngunit agad na siyang tumayo at tinalikuran ako.

"Sorry."

•••

Dumaan ang maghapon at para akong naka lutang sa ere. Ni wala ngang pumasok na kahit anong lesson sa kukote ko, maliban nalang sa huwag magpapadalos dalos sa pag amin.

Dahil baka ikaguho pa 'yon ng lahat ng pinagsamahan niyo 'nong tao.

Napabuntong hininga ako at sinusubukan na sanang matulong ngunit halos mabulabog naman ang buong bahay nang may walang pakundangang nagdo-doorbell sa labas.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at dali dali akong nagtatakbo palabas. Umaasang makikita ko siya sa labas ng bahay namin, nagaantay at babawiin ang sinabi niya.

Kaya ganoon nalang ang dismaya ko nang mamataan si ice bear na nakatayo sa labas.

"Ikaw?"

Hindi ko mapigilang mapa irap at pangangaralan na sana ito dahil sa pangde-distorbo niya sa buong pamilya ko, ngunit agad ding natigilan nang may iabot itong sobre sa 'kin.

"Ano 'to?"

"Papel."

Napasinghal ako at sinamaan ito ng tingin. Aktong magsasalita na nasa ako ngunit nang talikuran ako nito ay hindi ko na napigilang mainis. "Bakit ba ganyan kayo? Uso na ba ang pagiging bato at kina-kareer niyo na?"

"Galing 'yan kay orion. Paki basa daw," tanging sagot niya lang kaya mabilis kong inagaw sakanya ang sobre.

"Talaga? Salamat!"

Ni hindi ko na naitanong kung bakit siya ang pinabigay at halos sa kalagitnaan pa ng gabi. Matapos makapag pasalamat ay dali dali ko nang binuksan ang sobre at binasa.

Sa isang iglap, halos manghina ang mga tuhod ko, sumasakit ang lalamunan ko at mabuti at bahagya akong naalalayan ni ivan upang hindi tuluyang matuba.

Nag abot pa ito ng kulay puting panyo dahilan para mangilid ang mga luha ko.

•••

Dear amaria,

I'm sorry about everything, but I think you should find another lead guitarist. Masanay ka na rin sana na wala ako because I'll be living this town for good. Isasama ako ng foster parent ko sa canada at doon na kami maninirahan. Kung nababasa mo 'to ngayon, paniguradong naka lipad na kami. You're still a friend to me and I treasure every memories I spent with you. It will always be in my heart, and I will always be your number one fan. Please continue to make those baby steps until it'll become a bigger step.
Wag kang mag alala, may makikinig na sa 'yo maliban sa mga patay na bagay at abandonadong lugar.

Saka alam mo ba kung bakit orion ang pangalan ko? Kasi 'yon ang pinaka madaling makilala at mahanap na konstilayson. And just like that constillation, I'll always be connected with you. Whenever you feel lonely, just look up the sky and you will always find me easily. I will always be there. Sana maka tulog ka na ng maayos. Kindly take care of nathalie for me too. Hehe. Again, I'm sorry for everything and I'm glad you exist.

Thanks for everything. Nice meeting you, the girl who's good at not giving a shit.

Sincerity yours,
The guy who
Question everything.

•••

Ilang buwan matapos umalis si orion at wala na kaming narinig na balita tungkol sakanya. Naka deactive nga ang mga account nito sa social media at halos hindi na rin ma contact 'yong number niya, at bumalik nanaman ang insomnia ko.

Lumala pa nga ata ngayon.

Madaming kaguluhan ang nnagyari, noong nakaraang buwan ay iyak nang iyak si nath kasi kakakita pa nga lang nila ulit pero umalis din agad si orion. Kahit ako nga ay diskumpyado sa sulat na 'yon. Madami kong mga katanungan ngunit hindi ko alam kung kanino magtatanong.

Kinulit na naman si ivan tungkol dito pero ang tanging sinabi niya lang, inutusan siya ni orion na ibigay sa 'kin 'yong sulat sa eksaktong oras na 'yon.

Hindi din daw niya ito ma-contact at wala din daw kaming magagawa kung hindi na namin ito makakausap.

Nakakainis nga kasi gusto ko siyang pigilan, gusto ko siyang maka usap, kahit isang beses pa pero hindi ko alam kung paano.

Nakahanap kami ng ibang gitarista pero hindi parin kami buo. Kumakanta ako ngunit hindi katulad dati, wala ng orion na biglang sumusulpot na parang tinawag ito sa oija board.

Maging sila markian nga ay naging matamlay din ng ilang araw. Pilit man niyang mag ingay at tumawa pa rin katulad ng dati, alam kong wala ng totoo sa mga 'yon.

Habang naka tambay sa abandonadong bistro, kung saan una ko siyang nakita ngayong taon, hindi ko maiwasang mapalingon sa paligid at umasang makita ko siya ulit.

Na baka bumalik pa siya.

Kasi sa totoo lang, madami pa akong hindi nasabi at nagawa. Masyado pang-"Daz, cheers."

Nabalik ako sa reyalidad at napalingon kay dennis. May hawak itong chuckie at matamlay akong nginitian.

"Cheers," sabi ko nalang din ay iti-noast dito ang chuckie na hawak. Naalala ko pa tuloy noong mga bata pa kami at kada umiiyak kami ni dennis ay ito lagi ang ibinibigay ni ivan sa 'min para kumalma. Nadala ito ni dennis hanggang sa paglaki at ito din ang ibinibigay niya sa 'kin kapag alam niyang malungkot ako.

Saka ito lang din naman talaga ang comfort food ko kapag malungkot ako.

At oo, sa pagkakataong 'to, kasama kong tumambay dito sa abandonadong lugar ang mga kaibigan ko.

Sina dennis, nath at markian nga lang ang andidito. Hindi naka sama sina rui at chenzo dahil parehong may mga responsibilidad.

Sumipsip nalang ako sa straw ng chuckie at pinagmasdan ang konstilasyon na kapangalan niya. Ni hindi niya sinabi ang dahilan kung bakit siya umalis. Pero alam ko naman talaga ang totoong dahilan non.

At sana nasabi ko 'yon sakanya. Sana napigilan ko siya. Sana hindi niya pinili ang landas na 'yon. Napabuntong hininga ako at napagdesisyunang umupo nalang din sa sahig, katulad nila markian.

Isinandal ko ang ulo ko sa railing dahil medyo sumasakit na din ito. Kapwa naman kami natahimik at tanging mga kuliglig lang ang nagsisilbing musika ng madilim nating gabi.

O nagdidilim lang talaga ang paningin ko?

"Baka kaya tayo iniiwan, kasi hindi naman talaga palaging by pair ang happily ever after?"

Rinig kong halos mabuga pa ni dennis ang iniinom nang biglang magsalita si nath. Kita ko pang nakatitig lang din ito sa kalangitan na animo'y malalim ang iniisip, ngunit hindi ko na nagawang makasagot.

Mas lalong nagdilim ang paligid at halos umikot na sila sa paninhin ko.

"Daz? Ayos ka lang?"

"Daz?!"

Hindi ko na marinig ang iba nilang mga sinabi at tuluyan na akong mawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro