twenty first dream
Did I just confessed and got rejected?
Thoughts keeps on bombarding my mind and I couldn't even wander around to unwind. Baka kasi makita ko lang si orion doon sa abandonadong night club o sa kung saan.
At ayokong mangyari 'yon!
Sa tingin ko nga wala na akong mukhang maihaharap sakanya pagkatapos 'nitong gabing 'to e.
Kung bakit ba naman kasi...
"Argh!"
Napa talukbong nalang ako ng kumot at umasang makatulog pa rin sana ako ng maaga, para kahit panandalian lang sana ay makalimutan ko muna 'yong nangyari.
Kaso wala e. Hindi talaga ako mahal ng kalawakan.
Parang sirang plaka pang nagpapaulit ulit sa utak ko 'yong sinabi niyang kapatid lang din ang turing niya sa 'kin, hayop na 'yan.
Saka, actually, matagal na akong may hinalang mas matanda siya sa 'min. Pero hindi ko naman akalaing bata pa ang tingin niya sa 'kin!
Like, hello, kaka 18 ko lang noong nakaraang araw!
Tuluyan na akong napaupo sa kama at nag in-on nalang ang phone upang makapag libag. Ngunit mukhang nananadya ata ang tadhana at sa kaka swipe ko ng mga stories ay napindot ko ng 'di sadya ang angry react. At sa kasamaang palad, sa bagong my day pa talaga ni orion!
Like what the hell?!
Orionion
1 minute ago
Xori o(╥﹏╥)o
•••
"Daz, baka gusto mo ng hopia?"
Natigil ako sa pagsusulat at mahigpit ma napa hawak sa ballpen ko. Dahan daan akong lumingon kay markian at agad namang napa atras nang panlisikan ko ito ng mga mata.
"Hala, bakit? Nag aalok lang naman ako ng pagkain e."
Sinubukan kong kalmahin ang sarili at malalim nalang na napa buga ng hangin. "Saka hanggang kailan mo balak I-vandalize 'yang likod ng notebook mo? Para kang si rui!" natatawa nitong saad at pinakita pa ang braso niyang puno ng sulat ng ballpen.
Bahagya naman akong natawa at nang mapansing mayroon ding mansta ng ballpen ang blouse ni rui, ay tuluyan nang napa iling.
Paniguradong nag gantihan 'tong dalawang 'to.
"Saka tumayo ka na d'yan, sabay tayong magla-lunch." tinanguan niya pa ako ngunit sa isang iglap ay bumalik tuloy sa alaala ko ang usapan namin ni ivan kagabi.
"Sandali mark may tanong ako," tanging sambit ko at inilagay na sa pusa kong backpack ang mga gamit ko sa armchair. Nang magtama ang mga mata namin ay gusto na sanang kumalawala ng mga salitang 'yon, ngunit agad nalang akong tumayo at nilagpasan na siya.
"Wag nalang pala." sinubukan kong ngumiti nang bahagyang humarap dito. "Saka hindi ako sasabay sa inyong kumain, may kailangan pa kasi akong gawin."
"Bawi nalang ako next time." kumaway pa ako dito bago naglakad palabas ng classroom.
Habang tinatahak ang daang puno ng mga ka eskwela, hindi ko maiwasang itanong sa sarili kung kailan ba 'yong next time na tinutukoy ko, o kung mangyayari ba 'yon.
Sa ngayon kasi hindi ko talaga alam kung kaya kong maka harap si orion. Parang mas gusto kong hindi magkrus ang mga landas namin kahit pa malabo naman 'yon dahil nasa iisang banda kami.
Nang maka rating sa section malapit sa hagdan kung saan itinulak si nath, sinubukan kong magtanong tanong at napagdesisyunang dito nalang muna ilaan ang atensyon ko.
"Pasenysa na, tulog ako 'nong mangyari 'yon, pero si valdrich. Baka alam niya." turo nung babaeng pinagtanungan ko sa lalakeng naka upo sa pinaka likod, sa gilid ng bintana.
Kinawayan pa ito noong babae at tinawag. Mabuti naman at napalingon ito agad sa direksyon namin at naglakad na palapit.
Nagpasalamat ako doon sa babae at tumango naman ito nang iwan kami. Bumaling naman ako doon sa valdrich at sinimulan ang imbestigasyon ko.
Ang weird lang kasi, sira ang kaisa-isang cctv kung saan makukuha sana ang angulo nung hagdan. Nakakapagtaka rin na wala manlang nakapansin doon sa di umano'y naka maskarang salarin, at mabilis kuno itong nakapag blend in sa mga estudyante.
Parang hindi 'yon basta trip trip lang e. Para ngang masusi 'yong pinagplanuhan. Saka sa tingin ko may mga kasabwat 'yong salarin na 'yon.
"Uhm, excuse me, pwedeng magtanong tungkol sa nangyaring pagtulak kay nath?"
Agad akong napalingon sa pamilyar na boses at doon nadatnan si orion. Napapagitnaan kami noong valdrich kaya huli na nang mapansin niyang andito din ako.
Bahagya pa kaming nagkatinginan ngunit agad na akong nag-iwas ng tingin.
"Ah, magkasama kayo? Sige ayos lang. Tanong lang kayo. " sagot naman ni valdrich ngunit agad na akong napa yuko at nadatnan ang sariling lumalayo.
"Naku hindi, si orion nalang ang sagutin mo. May nakalimutan pala ako sa classroom, una na ako!" pagdadahilan ko at sa isang iglap ay nagmadali nang maglakad palabas ng building.
Great. Andito na pala ang bago kong classroom ngayon.
Napabuntong hininga nalang ako at inilapag ang pusa kong backback sa bench. Ito rin 'yong kaparehong bench malapit sa likod ng building namin. At nakakainis lang dahil naalala ko la tuloy lahat ng kadramahan na pinag-iisip ko noong araw na 'yon.
Saka ano ba namang klaseng timing 'yon? Akala ko pa naman makakaiwas ako sakanya kapag hindi ako sumabay sa pagkain ng barkada. Partoda, mukhang pareho pa kami ng iniisip e.
Wait, scratch that. Baka naman hindi niya naman naisip na iwasan ako at hands on lang talaga siyang mapanagot ang salarin sa nangyari kay nath.
Lalo pa't hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakalalabas sa ospital.
Although wala namang nakitang major injuries, at pwede na namang I discharge, pero nag insist si orion na papahingain pa doon si nath ng isang araw pa.
"Daz, ba't mo daw iniwan si markian?" agad akong napalingon nang marinig ang boses ni rui. Napangiwi naman ako ng madatnang may bandage parin ito sa noo at 'yong mga bakas ng ballpen ni mark sa uniporme niya.
Ka ganda gandang babae pero napaka dungis tignan.
"Anong iniwan?" sagot ko nalang at susubo na sana ng kanin ngunit bigla niyang inagaw ang kutsara ko.
"Hoy ano ba!"
"Naghihimutok si mark kanina kasi sinabihan mo daw siyang may itatanong ka, pero agad mo namang binawi. Alam mo ba daw kung gaano nakaka overthink 'yon?"
Napasinghal ako at inilapag ang baonan sa bench. "So ikaw na pala ang spokes person niya ngayon?" natatawa kong saad at makikipag agawan na sana ng kutsara pero agad ding natigil nang mapahawak ito sa benda niya.
"Aray, sandali."
Agad akong lumapit at pina upo siya sa bench. "'yan kasi, napaka likot." panenermon ko pa at sinamaan ito ng tingin.
"Ano ba kasi talagang nangyari d'yan?"
"Wow. You're dubbed as someone who doesn't give a shit, but you definitely does."
Pinanliitan ko ito ng mga mata. "Wag mong ibahin ang usapan, ruinasyon, napano nga 'yan?"
"Wala lang 'to, nasapak lang ng baseball bat."
Napasinghap ako at kunot noo itong pinukol ng tingin. "Anong wala lang? Bakit ka sinapak? Sinong may gawa?"
Nag kibit balikat lang ito na animo'y napaka normal na bagay lang at pinag-uusapan namin. Nagawa niya pang sumandal at magdi-kwatro!
Akala mo talaga hindi naka palda e.
"Noong nakaraang araw kasi, diba nagi-gig na kayo nila chenzo? Kami naman noon ni nath ay sabay na nag antay ng electronic jeepney sa waiting shed." napabuga ito ng hangin.
"Kaso hindi kami naka sakay agad kasi nagkwentuhan pa. Sakto dumating si lana at mga alepores niya. Tapos pinagsabihan ng kung ano ano si nath. Hindi ko alam kung anong past nila pero nakita ko na kung paano ma trigger si nath, at ganoon na ganoon ang gustong mangyari ni lana kaya pinigilan ko. Kaso ayon," muli itong nag kibit balikat at kinuha pa 'yung isang shrimp sa baonan ko!
"Nauwi sa away at pisikalan. Malay ko bang baseball player 'yong isa sa mga kasama niya. Although sinita kami ng guard pero pinagbantaan pa nila kami."
Agad kong napagdugtong dugtong ang mga pangyayari at na alerto. "Alam na ba 'yan ni orion?"
She just nodded. "Yup, huli ka na sa balita. Pinagusapan nga namin 'to doon sa kwarto ni nathalie kahapon. Sila din ang pinaghihinalaan talaga namin. Hindi mo nga lang narinig dahil ang tagal mo doon sa labas."
Napabuntong hininga nalang ako at tumabi nalang din sakanya sa bench bago niya pa ubusin ang ulam ko.
"Ganoon ba?"
"Oo. At nagpunta talaga ako dito kahapon para balaan ka. Kasi alam nilang magkaibigan kayo ni nath, at baka ikaw na ang isunod nila."
•••
I wasn't usually scared with threats but upon walking my way to our classroom. I couldn't help but trust no one and become more observant.
Baka mamaya kasi bigla nalang din akong hatawin. Mahirap na, kulang ako sa tulog. Kapag sinapak ako sa ulo, diretso na ako panigurado kay san pedro.
Maging sa klase ay sinusubukan kong obserbahan lahat at matagumpay na nga sanang makakalimutan ang tungkol sa pangre-reject sa 'kin ni orion, kung hindi lang sana iniluwa ng lupa si markian.
Matapos kasi ang klase ay kinaladkad na niya ko palabas ng classroom at kulang nalang ay itago pa ako nito sa braso niya!
"Ano bang problema mo! Bitawan mo nga ako!"
"Manahimik ka. Sabi ni orion protektahan ka namin." tanging saad niya lang dahilan para matigilan ako.
Aba talaga naman.
Hindi ko maiwasang mapa irap at ginawa ang lahat upang makawala sa braso niya. "Paki sabi kay orion. Kung gusto niya akong protektahan, siya ang gumawa."
Sa isang iglap ay humagalpak ito sa katatawa, di nga alinta dito kahit pababa kami sa hagdan o kung mahulog siya. "Naks. Parang inamin mo na ding mas gusto mo siya kaysa sa amin. Ay oo nga pala, inamin mo na!" nakangisi nitong saad dahilan para mapasinghal ako.
Mapangasar ang mga titig niya sa 'kin na animo'y may nalalaman siyang kung ano.
Kung minamalas nga naman. Huwag mo sabihing narinig niya?
"Huwag kang mag alala. Kami lang naman ni chenzo ang naka rinig sa pagtatapat na 'yon daz. Your secret is safe with us!" humalakhak ulit ito ng pagka ingay ingay dahilan para mas lalong kumulo ang dugo ko.
Anak ng pitong tupa!
•••
Dumaan ang mga araw at napansin ko ang pagiging mailap sa 'kin ni orion. Ni hindi na nga niya ako madalas kinakausap at maski-tignan ay halos ayaw niya pang gawin. Akala ko nga noong una ay ako lang ang umiiwas. Siya din pala. Same vibes nga naman.
Napa iling ako at pilit na ilayo kay orion ang isipan. Bigla ko tuloy naalala na wala pa namang naka maskarang nilalang ang humahataw sa 'kin ng base ball at wala na din naman itong ibang biniktima.
Nakaka inis lang dahil iginigiit parin noong lana na hindi daw siya ang may gawa. At wala din namang matibay na ebidensya ang mag-uugnay sakanila sa nangyari. Kapwa lusot ang mga alibis niya kaya hindi pa rin sila magawad gawaran ng parusa hanggang ngayon.
"Oh, heto. Isang shot pa." natatawang saad ni markian at inabot sa 'kin ang chuckie. Hindi ko nalang ito pinansin at katulad ni dennis ay ininom nalang din ang chuckie ko.
Since wala kasi kaming gig kapag tth, plano ko na sanang umuwi agad, kaso hinatak ako nila markian at dennis papunta dito sa playground katabi ng kindergaten namin nuon.
Naka upo sa magkakatabing swing na halos ilang dekada na ding hindi napapalitan ng pintura.
"Tigilan mo ang kaka video sa 'min mark, sasamain ka sa 'kin," napalingon naman ako sa kanan nang magbanta si dennis, ngunit kapwa lang din kami natawa ni mark nang makita ang itsura nito.
Sinusubukan niya kaming sindakin sa pamamagitan ng pagdidilat ng mata kaso mas nagmukha lang siyang panda! Who is he kiddling anyway?Dennis is such a baby. Takot nga siya sa kakambal niyang si demise e.
"Ito naman. Isesend ko lang 'to kay nath para may mapagtawanan siya. Nakakagaan kaya ng loob na hindi na siya nag-iisa sa rejected club." natatawa pa ring sagot ni markian ngunit sa puntong 'yon ay sinamaan ko na siya ng tingin.
Ilang sandali pa ay at dinama ang malamig na hangin. Papalubog na ang araw at para kaming nabalik sa pagkabata dahil sa pag-upo namin dito. Wala si ivan dahil busy daw siya sa project niya sa cpar, pero dahil sa napag usapan namin sa ospital noong nakaraan, pakiramdam ko ay ginagawa niya lang 'yong dahilan para hindi maka sabay.
Wala e. Para sakanya wala ng pag-asa ang pagkakaibigan namin... At ayoko naman siyang pilitin sa isang bagay na sinukuan na niya.
Teka nga, ba't tunog chenzo na ako kung maka hugot?
Naiimpluwensyahan ba ako ng mga hindot na 'to?
"Bakit ba kasi hindi na kayo nagpapansinan ni orion?" napalingon ako kay markian nang mag tanong ito at napa buntong hininga.
"I mean, magkaibigan naman kayo, pero bakit biglang parang hindi na, dahil umamin ka?"
"Ewan ko. Saka kapatid turing 'non sa 'kin, hindi lang kaibigan." napa iling ako.
"Daz."
Nabaling ang pansin ko kay dennis nang ilahad niya ang kamay na may hawak ng chuckie para sa isang toast.
Walang pagaalinlangang nakipag cheers din ako dito ng hawak kong chuckie.
"Rejected, cheers."
Sa puntong 'yon ay hindi na namin pinansin ang pang aasar ni markian at hinayaan pa ito. "Rejected, cheers." sabay pa naming ulit ni dennis at tinaggap nalang ang pangaasar ni mark.
Ilang sandali pa'y binalingan ulit ni dennis ang kaibigan at seryoso itong tinitigan, wala na ang mga matamlay na ngiti na kanina lang ang suot niya.
"Makakarma ka rin markian, itaga mo 'yan sa betlog mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro