Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

twenty fifth dream


"Alam mo?" hindi niya napigilang magtaas ng boses at umigting ang panga. Actually, kanina niya pa 'yan paulit ulit na tinatanong. Nakarating na nga't umakyat sa bubong ng saradong funeral parlor ng mga mondevilla, hindi pa rin siya tumitigil.

I just sighed.

The wind blew a breeze that somehow sent chills down my spine. However, I just disregarded it, and scanned orion's feature. Those fierce eyes and pointed nose, and sinful lips.

"Sagutin mo naman ako, kailan mo pa nalaman? Akala ko hindi mo ako nakilala?" namumula ang tenga nito dahilan para hindi ko na napigilang matawa.

"I'm serious, amaria."

Napa buntong hininga naman ako at ibinaling ang atensyon sa tahimik na kapaligiran. Habang naka upo sa bubong kung saan halos tanaw namin lahat, isang ngiti ang sumilay sa labi ko bago nag salita.

"Actually, noong una kitang nakita d'yan sa may abandonadong night club," sabi ko at tinuro pa ang kahrahap naming establisimento. "Hindi kita namukhaan agad, kasi naman naglalakad ka na, nagsasalita at nakikita ko na ang mga mata mo." mapait akong napangiti.

"Akala ko nga hindi na kita makikita ulit." halos pabulong kong saad at binalingan siya.

"Kahit noong nagte-text ka sa 'kin, akala ko talaga wirdong nilalang ka lang na may sayad at ako ang pinagti-tripan. Kaso habang tumatagal, napapansin kong napaka pamilyar ng prisensya mo. Alam mo 'yon? Ngayon alam ko na kung bakit lagi akong nagpapatangay sa 'yo kung saan saan." I tried to chuckle.

"Saka ang dami kasing butas ng mga palusot mo sa 'kin, sinong hindi magdududa?" bahagya akong natawa at inisa isa ang mga 'yon.

Simula sa dahilan kung bakit alam niya na may mga lyrics na naka vandalize sa kisame ng kwarto ko, kasi una sa lahat. Hindi ako umiinom.

Sinanay kami ni ivan noong mga bata pa kami na chuckie at gatas ang gawing comfort drink, at kahit hindi na kami nagpapansinan noon, nakasanayan ko pa rin 'yon. Nilalagay ko nga lang dati sa bote para mas feel mo magdrama kaso hindi naman 'yon alak. Saka iisang tao lang ang pinagsabihan ko ng bagay na 'yan.

Tapos 'yong mga tanong niyang sinasadya ko naman talagang hindi sagutin pero kinabukasan o susunod na mga araw, e siya din naman ang dadaldal at sumasagot na para bang alam na alam niya lahat.

Because he indeed knew everything, kinwento ko 'yon sakanya noong tulog pa siya tatlong taon na ang nakararaan, ni hindi ko nga akalaing maaalala niya pa 'yon.

"Mas lumakas ang hinala ko noong huling beses na andito tayo sa bubong ng funeral parlor," pagpapatuloy ko.

"Katabi kitang naka higa dito noon, may mga panahong pumipikit ka habang nakikinig sa litanya ko tungkol sa black hole, at sa pagkakataong 'yon, bigla kong naalala 'yong lalakeng comatose sa icu. Although bloated at puno ka pa ng aparatos sa katawan noon, hindi ko mailagkakaila ang pagkakahawig niyo at ang pagkakahawig ng ganoong eksena." halos mangilid nanaman ang mga luha sa mata ko ngunit ibinaling ko nalanga ang pansin sa kalangitan.

"Ang pagku-kwento ko sa 'yo ng kung ano ano kahit pa mukha kang tulog, ang kaibahan lang ay wala na tayo sa ospital noon at hindi na ako bata."

Halos pakana niya nga lahat. Pwera nalang talaga doon sa part kung saan nasapak si nath ng baseballbat sa ulo. Ibang usapan 'yon dahil gago ang may gawa 'non.

I was about to explain further but I was distracted when he suddenly grab my hand and pulled me closer. At dahil nga pareho kaming naka upo, halos mapakandong ako sakanya nang hilahin niya ako.

"Orion..."

"Hindi ba ako effective na undercover agent?" sinubukan niyang ngumiti ngunit hindi natatakpan noon ang lungkot sa kanyang mga mata.

Umiling lang ako at hinayaan siyang ibaon ang mukha niya sa leeg ko, bago pa tuluyang tumulo ang luha nito. I just hugged him back. I played with his hair and let him tried to vent his tears out.

Nang magkausap kami ni ivan sa opsital noon at pinapasabi niya kay orion na ayaw na niya daw. Doon ko din napagkune-kunekta lahat ng hinala ko sa mga kawirduhang nangyari sa 'min noong nakaraang buwan.

Ang dahilan kung bakit biglang nagsulputan uli sila ivan sa buhay ko, ang prank sa bahay nila dennis na kasabwat si orion, maging sa kung bakit biglang sinusubukan ni markian na bumawi at pinaparamdam sa 'kin at iba, na palagi silang belong, at hindi sila mag-iisa.

Pati na kung bakit madalas itong mang trip sa 'min at pingvi-videohan kami kahit kailan niya trip.

"Kinunsabo mo ba sila markian para kausapin ulit ako?" hindi ko napigilang magtanong, na tinanguan niya naman. Maya maya pa ay iniangat niya na ang mukha mula sa pagkakasandal sa balikat ko at mabilis na inayos ang sarili.

"Pero desisyon nilang gawin 'yon."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman kaya napatango nalang ako.

Ilang sandali pa ay doon ko lang ulit napagtanto ang pusisyon namin kaya agad akong namula. Aktong aalis na sana ako sa pagkakakandong sakanya ngunit mas lalo niya lang hinila palapit.

"Kung kilala mo naman pala ako, e bakit kuya ryan ang sinabi mong pangalan ng first love mo?" ramdam ko na ang hininga niya sa mukha ko ngunit hindi ko magawang mag iwas ng tingin.

He was gently holding my jaw as if examining my features and I couldn't help but gulp and be melted with his every touch. My heart almost skip a beat when he leaned closer, making a way for his lips to plant soft kisses on my neck.

We're like actually crying a few seconds ago!

I tried to bite my lower lips when his other hand traveled into my waist and pulled me, even closer. I was intoxicated by his moves but this dumb brain of mine still wanted to answer his question earlier, however, my voice only came out as a fucking moan.

"K-kasi..."

"Kasi?" his whisper brought chills through my spine but I tried my hardest to resist.

Marahas akong napa iling at agad siyang itinulak palayo.

"Kasi magkatunong naman! Saka 'yon talaga ang pagkakarinig ko 'non dati! Isa pa nakakahiya!" hindi ko mapigilang mapasigaw at agad nang tumayo at binigyan ng eksaktong distansya ang isa't isa.

Pakiramdam ko nga'y ngayon lang ako naka hinga, dahil halos kumawala na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Anong nakakahiya 'don amaria?" bahagya siyang natawa at tumayo na din.

"Kasi sira ulo ka!" bigla ko tuloy ulit naalala lahat ng kagagahang ginawa ko ilang buwan na ang nakakaraan at itong mga pinagagawa niya sa 'kin ngayon. Ni hindi ko na pinansin ang mga nag liparang ibon dahil sa boses ko at dinuro siya.

"Sinabi ko lang naman na kuya ryan, dahil akala ko aaminin mo sa 'kin na ikaw 'yon! Akala ko nga na amnesia ka kaya sinubukan kong ipaalala, kaso nagpanggap ka lang rin pala na hindi mo kilala kung sino ang tinutukoy ko kaya nag mukha akong tanga na kinu-kwento ka sa sarili mo!" napasinghal ako.

"Ayoko namang aminin na alam kong ikaw din 'yon dahil nga nakakahiya! Kaya nag panggap nalang din akong hindi ko alam na iisa lang kayo!"

"Bakit ka sumisigaw, amaria? Ayos lang naman tayo kanina lang a?" sinubukan niyang hindi matawa nang hawakan ako ngunit agad ko na itong winagli.

"Tapos noong umamin ako sa'yo! Sabi mo kapatid lang turing mo sa 'kin! Na magkaibigan lang tayo! Partida, may kaibigan bang naggagano'n, ha?" nagulat naman ako ng sa pang ilang beses sa sa gabing ito ay hinigit niya ulit ako palapit sakanya.

"Anong naggagano'n, amaria?" nakangisi nitong saad at unti-unting inilapit ang mukha niya. "Ganito ba?" bulong pa nito ng ilang pulgada nalang ang layo ng labi niya sa 'kin.

I held my breath tightly when he caress my cheecks and nudge his lips into mine.

My heart was in chaos that I couldn't even move for a second. But when he pulled me closer once again, I found myself responding to his soft kisses and even wrapped my hand around his neck. 

Hell, how could his lips taste so sweet yet painful?

•••

Weeks have passed and we tried to live with its every moment. I know what the future might bring, but I shouldn't stress myself with it.

I still have him today. We still have this moment, the present. And I should be glad that he's still with me, playing his electric guitar with those eyes that only seems to shine when he's doing what he really love.

And hell, I've been anxious about what tommorow will brought to the surface almost my entire life, the reason why I am overthinking with my dreams and what I wanted to do with my life so much, that I ended up having nothing.

Aside from my trauma with the past, maybe the other reason why I thought I don't have a dream was because I was too busy looking forward to the future, forgetting to cherish what I still have at the moment.

And many things made me realize that I should focus more on where I am, what I have and what I can do at this very moment so I can make my baby steps towards what I want to do. To make those past as a stepping stone so I can live for today, and so that I can align myself into a better future.

And what do I have at this very moment? Insomnia.

That's exactly the main reason why orion named our band like that. Dahil sa naging reply ko sakanya noong unang beses naming mag text. Mukhang tanga nga e. Pero hinayaan ko nalang. Gusto ko rin naman at aprobado naman sa iba pa naming miyembro.

"Baby."

Nabalik naman ako sa reyalidad nang bigla akong yakapin ni orion mula sa likod. Hindi katulad noon na halos paliparin ko palayo ang kamay niya, hinayaan ko lang siya, ibinaling pa ng ulo ko sa kaliwa upang mabigyan siya ng espasyo ng halikan ako balikat. 

"Bakit naka kunot ang noo mo d'yan, ganoon na ba ka panget si chenzo?" natatawa niyang saad at itinuro pa si chenzo na nasa may harap lang namin at nakiki jam sa sumunod na banda. Katatapos lang kasi naming mag perform at kasalukuyang naka tambay sa mesa malapit sa mini stage.

"Mga sira ulo, narinig ko 'yon!" bahagyang napa lingon sa direksyon namin si chenzo at kulang nalang ay natanggal ang mata nito sa pag irap nang makitang naka akbay sa 'kin si orion.

"Ang lalandi niyo." suminghal ito bago ibinaling nalang ulit ang pansin sa harap.

Kapwa naman kami natawa. Ilang saglit pa ay binalingan ko si orion at nginitian ito.

"Bakit?"

"Kung alam ko lang na ganito ang magiging kapalaran natin, sana niyakap nalang kita noong unang beses tayong nag kita." bahagya lang siyang natawa at marahang hinaplos ang buhok ko. "Bakit, kailan ba tayo unang nagkita?"

"Sa abandonadong night club?" bigla tuloy akong napaisip nang umiling ito. "I mean, hindi kasi counted 'yong sa ospital 3 years ago kasi tulog ka 'non."

"Hindi pa rin."

"Talags? Edi saan?"

"Secret."

•••

Alam ng squad ang tungkol sa kalagayan ni orion, ngunit sinubukan nilang hindi ipahalata dito ang kalungkutan. Noong nasa bahay nga ulit kami nila dennis noong nakaraan, pinanuod namin 'yong mga video na ni-record ni markian sa 'min.

'yong sanang pang project lang namin sa school pero nauwi tuloy sa isang napaka habang compilation.

May mga video pa nga sina ivan na nakanganga habang natutulog. Pati si rui hindi nito pinalagpas. Pati nga 'yong mga tulala moments ni dennis nang ma-reject siya ni ma'am lopez andodoon, pati na 'yong pag-iinom namin ni dennis ng chukie  habang nagmumukmok ay nasali niya pa. Pati mga kapalpakan namin ni orion on stage ay nahagip pa ng camera niya.

Gayonpaman ay kahit papaano ay natuwa naman ako dahil may nakikita akong masayang alaala namin, kahit gaano pa ka liit o ka babaw ang mga ito.

"Hindi mo kasama si orion?" tanong ni dad nang maka pasok ako sa bahay.

Sinubukan ko namang ngumiti bago sumagot. "Hinatid niya lang po ako dito, tapos dumiretso na siya kila nathalie."

Magpapaalam na sana ako ditong aakyat na sa kwarto ngunit agad ding natigilan nang tawagina ko ulit ni dad.

"Bakit?"

Sa isang iglap ay agad itong napa iwas ng tingin. "Wala."

Napa buntong hininga naman ako at hinayaan siyang magtungo sa kusina. Ilang linggo na kaming ganito. Parehong may gustong sabihin pero nauuwi sa "Wala" ang lumalabas sa bibig.

Pero atleast naman kahit papaano ay may progress na dahil hindi na kami araw araw nagtatalo. Mga every other day nalang.

Napailing ako at tatahakin na sana ang daan patungo sa kwarto ng mag vibrate ng phone ko. Agad ko namang itong binuksan nang makitang si nathalie ito.

Nath ynterested
Alam mo ba?

Dazen givashyt
Ang ano?

Nath ynterested
Na binalak magpa
Euthanasia ni kuya
Noong nawala sila
Few months ago?

Para akong natuod sa kinatatayian at halos mabitawan na nga ang phone dahil sa nabasa. Biglang sumikip ang dibdib ko at halos mangilid nanaman ang mga luhang ayaw ko na sanang bumuhos ulit.

Sinisikap ko namang magpakatatag, sinisikap kong tanggapin na ilang buwan nalang naming makakasama si orion, pero bakit naman ganoon?

•••

"Bagay sa 'yo." tukoy niya sa itim na leather jacket na ipinasuot niya sa 'kin.

Tumango naman ako at hawak ang kamay niya'y tinahak ang daan pauwi, matapos makapag usap doon sa abandonadong night club.

Nang sabihin niya kaninang kaya niya talaga ako niya ako nireject noon at sumama sa canada, ay dahil gusto niyang sundin ang suhestyon ng adoptive mom niyang mag undergo ng eu​tha​na​sia, mas lalong lumubog ang puso ko.

Kasi bakit naman hihikayatin ng adoptive mom niya na mag undergo ng mercy killing si orion?

Saka bakit ganoon? Kung hindi ba tumawag si daddy sa mommy niya noon, wala na ba siya dapat ngayon?

Saka bakit... Bakit, hindi nalang kami hayaan ng kalawakan na maging masaya? 

Sinubukan kong tatagaan ang sarili at pilit iniwawagli sa isipang handang handa namana siyang mawala, at ako lang ang hindi. Na umpisa pa lang ay naka plano na naman ang paglisan niya, pero hindi ang magiging reaksyon namin kapag wala na siya.

Kaso hindi ko kaya.

"Itutuloy mo pa rin ba ang euthanasia?" tanong ko nang nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin.

Bahagya siyang napayuko.

"Depende kung hanggang saan kakayanin ng katawan ko."

Tumango lang ako ulit at seryoso siyang tinitigan sa mga mata.

"K-kaya mo pa ba?"

Muling tumulo ang mga luhang sawang sawa na akong makita, ngunit marahan niya lang akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Kaya ko pa."

"Hindi katulad dati na halos ikahiya ko pang huminga sa oxygen tank na binabayaran ng taong nag-aantay lang na mawala ako, mas may dahilan ako ngayon para mabuhay pa."

His night-like eyes stared into mine, as his lips formed into a genuine smile. "Salamat at kinausap mo ako noong mga panahong akala ko mag-isa lang ako." marahan niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Salamat dahil kinwentohan mo ako ng kung ano ano."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro