sixth dream
6: Figures of Fucking Speech
Ang akala ko ay nang-aasar lang siya nang sabihin niyang Nath ang pangalan niya, ngunit nang tawagin siyang "Nathalie" ng mga kaibigan niya para magpunta sa canteen, doon ko na-kumpirma. Delikado nga ang ranggo ko.
She even invited me to come with them but I refused. Mas minabuti ko nang manatili dito sa upuan kong nasa pinaka likod at malapit sa bintana. Mapayapa kong binuksan ang balot ng sandwich na pina-baon sa 'kin ni Shine kanina.
Rinig ko man ang napaka lakas na tawa ni Markian sa 'di kalayuan, at mukhang nagkaroon na nga agad siya ng kaibigan sa section ko, hindi ko na lang 'yon pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Bahala sila, basta susulitin ko ang recess ko nang makatulog na ako pagkatapos.
"Diba Daz?"
Kunot noong binalingan ko si Markian at doon nadatnan ang apat na pares ng mga mata na naka tingin na sa 'kin.
"What?" I uttered uninterestingly.
"Noong grade 1 pa tayo, diba gusto niyo ni Ice Bear ang isa't isa?"
Agad nanliit ang mga mata ko dahil sa tinuran niya at tinapunan ito ng malamig na tingin.
"Since kinder 'yon, tanga."
"Goddammit Dazzle Amaria! At talagang hindi mo di-neny?" bulalas niya at napatayo pa mula sa pagkakaupo.
Sa lakas ng boses niya ay nagsilingunan na nga sa amin ang mga ka-klase kong hindi parin ako pamilayar, naghiyawan pa nga 'yong mga kausap niya na para bang nanalo sila sa lotto. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi ko parin inaalis ang titig ko kay Markian.
"Oo gusto namin ni Ivan ang isa't isa. Gustong patayin." Napabuntong hininga ako.
"Hanggang ngayon naman," mahina ko pang sambit at napa-iling nalang.
Matapos ang pagkakagulo nila ng mga barkada niya dahil sa sinabi ko, muli nang umayos ng upo si Markian sa arm chair at humarap ulit sa mga kausap niyang nasa likod.
Katulad noong kinder kami, mahilig parin siyang gawing jacket ang uniporme niya. Imbis kasi na ibutones 'yon ay hinahayaan niya lang itong naka bukas habang ibina-balandra sa aming ang bandshirt na suot niyang naka pailalim sa long sleeved niyang white polo.
Feeling niya nga siguro ay model siya kaya kung mag lakad ito ay para bang pag-aaari niya ang buong kalsada. Mabagal, maukupa ng espasyo at taas noo.
At oo, naglalakad siya palapit sa 'kin.
"Daz, hindi ka ba lalabas? Malapit nang matapos ang recess, sabay ka nalang sa 'min."
Kunot noo ko itong tinitigan at sinipat sipat. Hmm. Mukhang ito pa rin naman 'yong brutal kong kababata. Hindi naman siguro siya sinapian ng holy spirit hindi ba?
"O kung may ipapabili ka sa 'kin sabihin mo lang, Ako na baba. Pero siyempre pera mo ipang ba-bayad ko! Hahaha!" Humagalpak ito sa sariling tinuran at aktong manghahampas nanaman kaya sinalag ko na.
Gusto ko sanang itanong kung required ba talagang manghampas kapag tumatawa ngunit napa buntong hininga nalang ako.
I just stared at him blanky as the phrases suddenly came out from my mouth.
"Seryoso Markian, nagsha-shabu ka ba?"
•••
Matpos ang morning session ay tinakasan ko na ang wirdong si Markian at sinikap na hindi maka salubong sina Dennis at Ivan. Baka kung ano nananaman kasi ang gawin at sabihin nang mga 'yon.
Bahala sila sa mga buhay nila, hindi parin ako kumbinsido sa bigla bigla nilang pagbabalik sa buhay ko.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga isipin. Habang naka higa sa picnic blanket na lagi kong dala, sinubukan kong silipin ang asul na kalangitan na nahaharangan ng mga dahon at sanga ng accacia tree.
Dumadampi sa balat ko ang sariwang hangin mula sa mga puno dito sa abandonadong parte ng Somber High.
Sa totoo lang, ito talaga ang isa sa mga paborito kong tambayan kapag lunch break dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napagagaan nito ang pakiramdam ko. Dadalawin na nga sana ako nang antok nang bigla ko ulit maalala ang pinaggagawa ng tatlong 'yon simula kahapon.
I mean, okay, they're my childhood friends, pero hindi na naman kasi kasing close noong dati. People outgrow other people and we're cool with that concept, actually.
Kung ayaw na, edi wag na.
Kaya nakakapagtaka lang na talagang inantay pa ako nila Ivan kahapon sa labas ng room namin para isauli ang picnic blanket na naiwan ko pala sakanila. It's just strange.
Lalo na ang mga pinagsasabi ni Dennis kahapon tungkol sa pagtakas ko sa bahay kapag gabi, paano niya 'yon nalaman? Why the hell are they treating me like they used to?
May hindi tama dito e.
Napabuntong hininga nalang ako at napagdesisyunang maupo. I just shrugged off the thoughts of them at muling binalingan ang gitarang katabi ko sa picnic blanket. Kasama nito ang ballpen at notebook na pinagkopyahan ko ng mga lyrics ni mom.
Noong nakaraan kasi ay pinagpi-picturan ko nalang lahat ng pahina sa notebook niya, sa awa naman ng Diyos ay kaunti na lang ang mga kailangan kong i-transfer.
May strumming pattern at chords na rin naman kasing naka lakip sa mga lyrics kaya hindi na ako nahihirapang aralin ito. Mabuti nalang talaga at tanda ko pa ang tono ng iba niyang mga kanta.
I was just absentmindedly staring at my notebook when the wind blowed the pages of the it and stopped on one of mom's last songs. A slit smile then formed into my pale face as I recognized that it's the lullaby that my mom used to sang me to sleep with.
And it seems like the universe wanted me to have a concert in the middle of these dead threes, so who am I to refuse? I cleared my throat, grab my guitar and tried to recall how it sounded. "Simile is, the world is like bullshit. People is the bull and that's the metaphor, we can not just ignore."
"My head is a mess and it's going to explode, and no I think that's not a hyperbole-it's just, the hurtful truth." A weak smile formed into my lips upon uttering those phrases. Indeed, I think I can relate.
"Because, when life seems to fuck us hard, should we bite our lips? Or cry? Or moan?"
"Anong klaseng kanta 'yan Amaria?" agad akong napa angat nang tingin at doon ko nadatnan ang pamilyar na lalakeng may patay na mga mata.
"It's entitled as Figures of Fucking Speech." Ngumiti ako at inayos ang upo. Mabuti nalang at nag kumot ako ngayon.
"At marunong ka palang ngumiti?" natatawa nitong saad at naglakad palapit sa akin.
Gusto ko mang barahin 'yon ay hindi ko narin nagawa nang mas maaninag ang kabuuhan nito. Sa isang iglap ay muling lumakas ang ihip nang hangin dahilan para magsasayaw sa ritmo nito ay medyo may kahabaan niyang buhok.
Dapat na ba akong kilabutan dahil mukhang nasu-summon ko nga siya sa pagkanta ko? Dinaig niya pa nga ang espirito na natatawag sa ouija board e.
"Ba't nga pala hindi mo nanaman suot ang leather jacket mo? Ha, Orion?" tanong ko nalang at nagsimulang ayusin ang mga gamit.
Bahagya itong natawa na para bang hindi maka paniwala sa tinuran ko. "Like seriously? Amaria nilalabhan ko ang jacket ko."
"Saka sinong sira ulo ang paulit ulit magsu-suot ng jacket na hindi nilalabhan aber?" dagdag pa niya na parang napakalaking insulto sakanya ang narinig.
Well, marami akong kilala.
Napa-iling nalang ako at napatingin sa digital wrist watch na suot. Malapit na nga ang afternoon session.
Napagdesisyunan kong tumayo at tupiin ang kumot at picnic blanket mo. Tinulungan naman niya ako kaya mas napadali ang trabaho.
Nang matapos ay seryoso ko muling ibinaling sakanya ang atensyon. Mas matanggad siya ng ilang inch sa akin ngunit hindi ko nalang iyon pinansin at pinantayan na ang mga titig niya. "Seriously din orion,what the hell are you doing here?"
"Uhm, kasi nga hindi ako natanggap sa dream school ng parents ko? Kaya heto, dito nalang ako sa Somber High magse-senior?" sarkastiko nitong saad na para bang dapat alam ko ang tungkol sa bagay na 'yon.
•••
It turns out, si Orion pala ang ipinalit ng adviser ni Markian sakanya kaya ito nalipat sa section namin. Pinagigitnaan ng room namin ni Mark, pati ng room nila Dennis ang section kung saan pumapasok si Orion.
Sayang lang dahil wala siyang naging ka-klase kahit isa manlang sa mga bears. Paniguradong magkakasundo sila nang mga 'yon. Pero mukhang madali lang naman siyang pakisamahan kaya hindi na rin siguro siya mahihirapang mag adjust sa section niya.
Nakaka pagtaka lang talaga dahil magka-batch pala kami. Well, akala ko kasi talaga ay college na siya.
Don't get me wrong, hindi naman siya mukhang matanda, actually he's cute...in a gloomy way, pero hindi rin naman kasi siya mukhang ka-edad namin. Well, if that make sense.
Or maybe that's the reason why? Because he looked like a walking melancholia with a cheerful personality?
Okay, that doesn't make sense either.
Napasinghal nalang ako at nagpatuloy sa pagwawalis. Bahala siya, buhay naman niya 'yon.
"Excuse me Daz, padaan." agad akong nag bigay daan kay Nathalie nang magsimula na niyang ayusin ang mga upuan.
Para nga itong hotdog na nilalaga sa corning ware dahil pawis na pawis na nga pero hindi parin naman gini-give up ang suot niyang denim jacket.
Sinabihan ko na siya tungkol d'yan kanina pero ayaw maniwala. Parang mas mahal niya pa ang jacket niya kaysa sa feelings niya. Balewala kahit mainitan siya.
Pero bahala rin siya, buhay niya rin naman 'yan.
"Cellphone mo ba 'yong tumutunog?" muli akong napalingon kay Nath nang ituro niya ang direksyon kung nasaan ang bag ko.
Doon ko lang napansin ang mahinang pagtugtog ng ringtone kong Miss Nothing ng The Pretty Reckless.
Kinuha ko ang phone ko mula sa pusa kong back pack at agad itong sinagot.
"Dazzle Amaria, umuwi ka dito sa bahay ngayon na," matalim na sambit ni Dad sa kabilang linya dahilan para manliit ang mga mata ko.
"Okay po, tatapusin ko lang muna nag paglilinis dito sa classroom," sabi ko nalang at tutulungan pa sana ang mga kapwa ko cleaners sa pag arrange ng mga upuan, ngunit nagsalita uli si Dad.
"Hindi mo manlang itatanong ang dahilan kung bakit kita pinapauwi?"
Napabuntong hininga ako. Kahit anong isagot ko sa tanong niya ay ikagagalit naman niya kaya bakit pa ako magsasalita?
"Ang kapatid mo, tumakas sa bahay! Nawawala si Shine kaya umiwi ka dito at tulungan mo kaming maghanap!" singhal na nito sa kabilang linya nang hindi ako kumibo. And with that, agad na akong dinapuan nang matinding kaba.
"Y-yes Dad, on the way na."
What the hell, saan nanaman kaya nagsu-suot 'yong babaeng 'yon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro