seventh dream
7: Don't Tell Me to Smile
Hindi na ako nakapag palit ng school uniform at nagmadali na kami ni Dad sa paghahanap kay Shine. Plano na nga sana naming galugarin ang buong Yawaka City ngunit hindi rin naman natuloy nang magreply si Shine at sinabi ang lokasyon niya.
I was about to keep it to myself honestly, just to protect Shine's happiness but Dad immediately snatch my phone away. Napa buntong hininga nalang ako at napa sandal sa upuan. Wala e. Wala din akong magagawa dahil nag umpisa na itong magmaneho patungo sa Yawaka City Mall.
It's quarter to five when we arrived on Shine's location. Nang maka baba sa kotse ay agad na akong namangha sa mini stage na naka set up outdoor. Nagkukumpulan na din ang mga tao sa paligid at mukhang nag-aantay na sa battle of the bands na gaganapin.
I then remembered how Shine was fangirling about this local band called Bitchcraft and Bullshitry. May narinig na nga rin akong mga original songs mula sa banda na 'yon at hindi ko maikaka ilang magaling sila.
Nag lakad na ako palapit at agad nang iniligid ang paningin sa paligid, sa bandang kaliwa malapit sa stage, doon ko nadatanan ang pamilyar na babaeng naka school uniform pa at pinaibabawan ito ng dilaw na hoodie.
Aktong maglalakad sana ako sa kabilang direkssyon at doon dalhin si Dad, kaso nagdire-diretso lang ito papunta sa kung nasaan si Shine!
Anak naman ng tupa!
Agad akong humabol at sinubukan itong pigilan at pakiusapang pag bigyan nalang si Shine na manatili. Kaso, tulad ng lahat ng paki-usap na ginawa ko simula noon, hindi niya ito pinakinggan.
Nababangga na nga namin ang ibang mga tao ngunit wala siyang pakialam. Ako nalang ang humingi ng tawad sa mga 'yon at nagpatuloy sa pagsunod.
"Shine, umiwi na tayo."
With that, agad nang hinablot ni Dad si Shine at kapwa na kami walang nagawa nang hilahin siya ni Dad palabas sa venue. Halos kargahin na nga niya ito para lang maipasok sa kotse.
Balewala lahat ng pagmamaka awa nito at mukhang balewala lang din ako dahil nang maipasok na ni Dad si Shine sa kotse ay agad na niya itong pina andar.
Baka nga umalis na agad sila at makalimutan na talagang kasama niya ako. Mapakla naman akong natawa.
Nice, mukhang maiiwanan nanaman ako dito pag nagkataon.
Napabuntong hininga lang ako at imbis na magmadaling sumunod sakanila papunta sa parking lot, nanatili lang ako crowd katabi ng stage, kasama ng ibang mga audience ng gaganaping battle of the bands.
Although hindi ko inaalis ang tingin ko sa direksyon ng parking lot kung nasaan sila, hindi rin naman ako gumalaw upang habulin si Dad.
Well, kung makalimutan naman ako ni Dad at maiiwan, ayos na lang rin naman sa 'kin, hindi naman ito ang pinaka unang beses na ginawa niya 'yon.
"Malayo sa bituka. Hindi naman masyadong masakit." mapakla ulit akong natawa.
"Ni hindi nga 'yan nakamamatay." Nag kibit balikat ako nang talaga ngang pinaharurot na ni Dad ang kotse nang hindi ako kasama.
Great, mukhang ako nalang siguro muna ang makiki-jam ngayon sa mga local bands ng Yawaka City. Mabuti nalang talaga at nakuha ko ulit ang phone ko sakanya kanina.
Fuck yeah!
Mula sa parking lot, agad kong ibinaling ang pansin sa stage kung saan gaganapin ang mga performances. Inihanda ko nalang rin ang cellphone ko para kuhanan ng video ang mga pagpe-perform mamaya.
Atleast naman may mapapanood si Shine, kahit hanggang screen nalang.
Binalewala ko na ang mga matang nakatingin parin sa 'kin at sinubukang mag focus sa pagse-set up ng stage. Maka ilang ulit na nga akong nag delete ng files at picture para lang masigurong may enough space ako para sa mga video na ire-record.
"Wait, Amaria is that you?"
Agad akong natigilan. Kunot noong napa lingon ako sa nagsalita at doon nadatnan ang isang pamilyar na babae.
She's wearing an oversized grey sweater that matches her grey contact lense. It was partnered with black tattered pants and black converse. May pagka abo din ang tight-length at wavy nitong buhok. Medyo nakaka inggit nga dahil imbis na magmukhang bruha dahil sa ganoon kahabang buhok ay mas nag mukha lamang itong dyosa.
Hindi rin maipagkakailang mas matangkad siya akin ng mga ilang inch lang naman.
"Chazaqiel," mahina kong sambit sa pangalan nito.
"Oh my puffy clouds, ikaw nga! Why the hell did you cut your hair?" singhal nito at aktong tatakbo na palapit sa 'kin ngunit nang mapansing naka sukbit sa balikat niya ang isang electric quitar na naka saksak pa sa amp., agad itong natigilan.
Marahan niyang pinakawalan ang sarili mula sa gitara, iniabot ito sa ka-banda niya at tuluyan na ngang nagtatakbo palapit sa 'kin.
"So ano? Gusto mo nang sumali sa banda namin?" abot tenga ang ngiti nitong sambit at halos magtatalon na sa tuwa nang nasa harapan ko na.
"Did you finally change your mind? Did you really change your mind? Ompc! Yey! Alam mo nalang tatanggapin ka talaga namin sa Nimbostratus!" halos magningning na ang mga mata niya at halos makakita na nga rin ako ng mga umiikot na bitwin dahil sa walang pakundangan niyang pagyuyugyog sa 'kin.
Magsama nga sila ni Markian at ni Nathalie. Pareho, parehong mga brutal.
Halos maglingunan na nga sa amin ang ibang mga tao sa venue ngunit katulad noong magka-klase pa kami sa Junior High, wala pa rin itong pakealam sa mga matang naka masid at nagpatuloy lang sa pagpapakita ng kan'yang kagalakan.
Agad akong napakagat sa labi. Damn. How should I tell this?
"Sorry Chaz, but I still won't change my mind. Hindi parin talaga ako sasali sa mga banda. Sorry talaga," pilit ang ngiti kong sambit at gaya nang inaasahan ay napalitan ng simangot ang kanina lang ay ngiti ng kanyang mga labi.
"Ouch. Ikaw lang talaga nagre-reject sa 'kin ng ganito. Haha." napa iling lang ito at muli nang ibinalik ang ngiti sa pisngi. "Pero sige, ayos lang, basta ha, tatanggapin ka parin namin sa banda kahit anong mangyari. Or kung gusto mong gumawa ng sariling banda, support pa rin naman kami."
"After all, the world still needs to hear you Amaria, the daughter of Yawaka City's Punk Rock Queen."
"Lol, I doubt that." Napaiwas ako ng tingin.
•••
Nang matapos mag perform lahat ng banda, halos may nagsabunutan pang audience dahil sa pagtatalo sa mananalo. Matunog ang Nimbostratus pati na ang Bitchcraft and Bullshitry sa mga manonood.
Parehong babae ang bokalista ng dalawang banda kaya bahagya akong napangiti. Atleast naman ay mayroon nang gustong makinig sakanila ngayon.
Hindi katulad noong kapanahunan nila Mom na dinadaan daanan at pinagtatawanan pa.
I then sighed and stared at the sky. Well, this is where mom started, and this is something that I don't want to start yet. However, I am still glad to witness young dreamers pursuing what they love.
"And the winner is, Nimbostratus!"
Agad nang hiyawan at palakpakan ang mga tao, maging ako ay nakipalakpak na rin at kinawayan pa si Chaz na na kasalukuyang nasa stage. Tinanggap na ng vocalist niya ang price at nakipag shake hands na rin sila sa kabilang banda.
Naka pulang clown mask ang vocalist ng B&B kaya hindi ito makilala. Ngunit kahit ganoon ay masigla pa rin itong nakipag interaksyon sa mga kasama sa stage at kinamayan pa sila Chaz.
I then mentally noted to ask Shine about the identity of B&B's mysterious vocalist, but immediately frown upon remembering Shine herself.
Bigla ko tuloy naalala kung paano nawala ang mga ngiti niya kanina nang makita niya si Dad.
Nakakalungkot at 16th birthday na niya sa susunod na week kaso mukhang walang kahit ni isa sa mga bagay na gusto niya ang makukuha niya.
•••
"Sweet sixteen Sunshine," bati ko sa kanya pagpatak pa lang kanina nang alas dose ng gabi. Perks of having the same room with your sister, talagang naka double deck pa, edi sinilip ko nalang siya mula sa pwesto ko sa taas.
Minsan may magandang naidudulot rin pala ang insomnia. Atleast, palaging ako ang nauunang bumati sa mga tao ng happy birthday.
Bahagya nalang akong natawa at nagpatuloy sa pagliligpit sa mga naiwang kalat sa bahay nang matapos ang pagdidiwang.
Sabado ngayon kaso nakaka lungot lang dahil hindi pinayagan ni Dad na pumunta sila Mark, Ivan at Dennis, dahil kaibigan ko daw ang mga 'yon at hindi ni Shine. Lalo't ang pagdidiwang ay para daw kay Shine.
And ironically, halos lahat ng mga inimbitahan niya ay mga family members naming hindi din naman malapit sa loob ni Shine.
The fucking shit.
Saka sa totoo lang, maka-ilang ulit na nga rin akong sinita ni Dad tungkol sa mukha ko. Na kesyo mas lagyan ko pa daw ng buhay ang mga mata ko o maski lakihan manlang ang mga ngiti sa labi ko.
Sinubukan ko naman actually, pero napaiyak ko lang 'yong anak ni Tito Kurtis kanina dahil sa ngiti ko. Ang resulta? Mas lalo akong sinamaan ni Dad ng tingin.
"Saan ko 'to ilalagay?" napalingon ako kay Shine na naka dilaw na sundress, may bitbit itong mga golden foil balloon at may party hat pa nga sa ulo. Grabe, masayang masaya ang theme ng birthday party niya pero namumugto ang mga mata niya.
Things that her smile can't conceal.
Napabuntong hininga ako. "Ako na ang mag-aasikaso n'yan, mag pangiha ka na doon sa kwarto."
Aktong aagawin ko sakanya ang mga mga lobo ngunit iniwas niya lang ito sa 'kin.
"Come on, hindi nakamamatay ang mag deflate ng foil balloon. Ito na nga lang ang maitu-tulong ko sa inyong lahat, ipagkakait niyo pa." napanguso ito. "Ito na ngalang ang ambag ko e."
"May ambagan ba?" ibinaba ko ang platong hinuhugasan at hinarap ito.
"Shine, hindi naman kami gumagawa ng mga bagay para lang isumbat sa 'yo kapag hindi tayo magkasundo. Don't worry okay? Sige na, magpahinga ka na, mukhang kanina kapa pagod."
"Pero..."
"Ay oo nga pala, pwede mo bang isabay sa pagtutupi ng mga dilaw mong damit ang mga bandshirts ko? Napasok ko na sa kwarto ang mga 'yon kanina. Pahinga ka na pagkatapos."
Mabuti at hindi na siya nag pumilit pa sa mga balloons at nagtungo na sa kwarto.
Samantalang ako, muli ko nalang ibinaling ang pansin sa mga hugasin ko sa lababo.
Hindi naman sa nagre-reklamo ako, pero sana kasi paper plates nalang ang pinagamit ni Dad sa mga bisita. Para atleast naman hindi masyadong nakakapagod.
"Dazzle Amaria, halika nga dito!"
Hindi ko alam kung ano nanamang nagawa ko pero nang marinig ko ang boses na 'yon ni Dad, lalo na ang buo kong pangalan, alam kong pauulanan nanaman ako ng sermon nito.
•••
Nadatnan ko si Dad sa sala, naka upo sa couch habang may pinagmamasdan na kung ano sa phone niya. Hindi parin siya nakakapagbihis mula sa suot niya kaninang polo. May suot pa nga itong birthday hat na katulad sa suot ni Shine.
Well, hindi talaga siguro alintana sakanya kahit magmukha siyang katuwa tuwa basta ba para sa mga taong mahal niya.
And oh, Mom and I were excluded.
"Yes po?" tanong ko nang tumayo sa harap nito.
"Look at this group photos that your cousin posted," ma-otoridad nitong saad at iniharap sa akin ang phone niya.
"Hindi ka naka ngiti. Mukha kang hindi masaya sa pagdiriwang nang kapatid mo, ano nalang ang sasabihin ng ibang mga tao?"
"Well, fuck their opinions, that doesn't matter all the time."
Napasinghal si Dad at mas lalo akong pinandilatan ng mga mata.
"What the hell is wrong with you Amaria?" nagngingitngit nitong saad at tumayo na mula sa pagkakaupo.
Seryoso nito akong tinitigan na animo'y babalatan na niya ako ng buhay. Resulting for me to just gave him a weak smile in return. "Everything, Dad. Everything is wrong with me."
"Is this still about your Mom's issues?" bulalas na nito at napasapo sa ulo. Ngunit kahit pa siguro mag apoy na siya sa galit sa harapan ko, hindi pa rin naman ako magre-react.
Bahala siya, buhay niya naman 'yan.
"Why the hell can't you just move on? Why can't you just get over it? Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo, wala ka nang magagawa tungkol doon."
"Saka bakit ba kung maka asta ka ay parang dala dala mo na lahat ng problema sa mundo? Tignan mo 'yong mga mahihirap na tao sa lansangan, naka simangot ba sila? Tignan mo 'yong mga may kapansanan, halos mas mukha pa silang okay kaysa sa'yo." Tinuro ang direksyon ng kwarto ko.
"Tignan mo si Shine. Amaria, tinaningan na siya ng doktor pero hindi siya nag pa-apketo doon. Marunong pa rin siyang ngumiti. Si Shine 'yong may malubhang sakit, pero kung maka asta ka parang ikaw na ang pinaka malas na tao sa mundo. Why can't you be like other people? Why can't you atleast-"
"Does their being okay define mine?" putol ko sa sinasabi niya at tinapatan ng nanggagalaiti niyang mga titig.
"Kapag ba mukha silang okay ay gumaya na lang rin ako para magmukha rin akong okay? Dad, as far as I can remember, happiness is a feeling, and not an acting."
"I am not happy and I'm not going to smile if I don't want to. I'll do that if it's genuine." I exhaled harshly as I tried to stop the tears from pouring down my face.
Sinusubukan ko naman e. Pero hindi ko kayang maging kapareho dati. Hindi ko na kayang ngumiti katulad ng dati. Saka partida, ang dami ko nang kasinungalingang sinabi sa mundo, hayaan naman sana nila akong maging honest sa sarili ko, kahit sa nararamdaman ko nalang.
Matamlay nalang akong natawa dahil sa lahat ng kagaguhang 'to at napairap . "And plot twist, everyone's not okay, Dad. Everyone is going through shits, they all feel shits, even Shine. Wala ako sa pusisyon para isiwalat ang mga hinanakit ng tao sa mundo pero alam ko, hindi rin naman sila palaging okay..."
"It's just that, they're more talented at hiding their pains kaya hindi nahahalata. You know, looking okay is different than feeling okay. And if people preferred to mask their pain than being honest with it, I respect that. Buhay naman nila 'yon." muli ko siyang tinitigan sa mga mata.
"And if I can't function the way they do, atleast, respect that too."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro