Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

second dream


2: Where do insomniac persons go?

You:

how the hell did
you get my number?

Unknown
Photographic
memory 

You
wtf?

Unknown
Naka vandalize sa
gitara mo, sira. 

At akala niya close kami? Kung maka sira sa 'kin eh kagabi ko nga lang 'to nakilala. At oo, siya 'yong lalake sa veranda ng nightclub, at take note, hindi ko nga pala siya kilala. 

You
kaya pala titig na titig ka
sa gitara ko! irereport kita
sa pulis 

Unknown
Why so mean? buti 
i'm an aspiring cop

i report mo nalang 
ako sa sarili ko kapag
naka graduate na ako.
hahaha. 

but unfortunately i failed
the entrance exam sa dream
school ng parents ko

mukhang hindi na nila 
ako su-suportahan sa
pangarap ko. 

You
do i look like i care?|deleted
uhm, okay?  

Unknown
Oo okay lang ako,
salamat sa concern

you:
nasabi ko nabang sira ulo ka?

Unknown
kasasabi mo lang. Hehe. 

oi

by the way, how about you, 
what are your dreams? 

You:
i don't have dreams.

Unknown
why? 

You:
i have insomnia

Unknown
Wtf hahaha
you're funny

You
hindi ako nagbibiro, tanga 

Unknown
hahahahahshhs

You
you really think that's
funny? wait until you see
my life choices

Unknown
So you want me to be 
a part of your life? 

that's flattering. 

You
ew.

Unknown:
But seriously, if you're
really not joking, how
about sleeping pills? 
that would help. 

You
allergies. 

Unknown
Sad. How about milk? 

You
how about stop texting
me so i can try to sleep? 

Unknown
How about stop replying
with my text so you
can try to sleep?

Napakurap kurap ako dahil doon. 

Oo nga ano

A sigh made its way into my mouth and rolled my eyes. I then tried to shrugged off the thoughts of him as I position myself to sleep again. But as I was about to close my eyes, all of a sudden, I remembered the conversation i had with that guy the other night. 

"It's an original composition right?"

"The lyrics that you vandalize on your ceiling, was it your own composition too?" 

In an instant, a weak smile formed into my lips upon feeling the sudden pang on my chest. I can do nothing but stare at the many lyrics on my ceiling, the reason why despite being dreamless, I still continue to breathe... the lyrics who kept me alive.

"Yes, it's an own composition, but it wasn't mine, it's from my deceased mother." I murmured to myself as tears suddenly fell on my cheeks. 

I can't help but to bite my lips just to stop myself from sobbing. "It was from her notebook that I kept stealing from my father."

Amidst of the moment, my phone suddenly vibrated. And as fast as I can, I tried to dry my tears before turning it on, but the heaviness I felt on my chest didn't cease. However, upon reading the text messages from that unknown guy, an idea quickly came across my mind. 

Unknown
I'm at the abandoned 
night club, I don't know
why, maybe I can't sleep too?

•••

"Umiyak ka ba?" bungad sa 'kin ng lalakeng 'to ngunit agad ko na siyang kinwelyuhan. 

"Sabihin mo nga, paano mo nalaman ang tungkol sa lyrics na nasa kisame ng kwarto ko?" walang bahid ng kahit anong emosyon kong saad. 

Hindi ko na pinansin ang reyalidad na wala na siya sa taas ng veranda ngayon at naka sandal lang sa pader, habang naka pamulsang tinititigan ang kalangitan bago ko siya sinugod. Bahala siya sa buhay niya. 

"Pinaglihi ka ba sa sama ng loob? Chill lang okay, nakwento mo 'yon sa 'kin noon." Bahagyang napaluwang ang hawak ko sakanya. 

"What do you mean by that?" 

"Lasing ka ata noon kaya hindi mo naalala. Pero nag mukha ka kasing pulubing wala nang nagmamahal noong mga panahon na 'yon. Nakaupo dito sa sahig at nakasandal sa pader ng store na 'to, kaya lumapit ako. hehe." 

Kunot noo ko siyang tinitigan at napasinghal na talaga. 

"Are you serious?" 

He smiled sheepishly as he nodded. 

Anak ng pitong tupa, kaya pala feeling close tong lalakeng 'to sa 'kin, kilala naman pala talaga niya ako!

"Umamin ka, anong mga sinabi ko sa 'yo noon?" Muli ko itong kinwelyuhan ngunit parang wala lang naman ito sa kanya. Nakangiti lang siya na parang timang. 

"Secret," saad niya lang at marahang kumawala sa pagkakahawak ko. Ni hindi ko nga alam kung paano niya nagawa 'yon. 

"Nangako ako na walang pagsasabihan ng mga sama ng loob at kahihiyan mo sa buhay, kaya tutuparin ko 'yon. Hindi ko rin sasabihin sa 'yo," seryoso niyang saad bago ngumisi nanaman ng parang tanga. 

Dear God, pwede ko ho bang paslangin ang taong 'to? 

I sighed aggressively as I stared at his entire existence, trying to divert my annoyance. 

Okay, he's not wearing his leather jacket but his lip peirce is still on. He's wearing a... what the hell, is that a Boys Like Girls shirt parted with a black ripped jeans?

So rakista pala talaga ang kumag na 'to?

Damn. He still has those somehow-long messy black hair and an eyes who's as dead as I, which I found weird. I mean, mukha naman kasi siyang sira, pero ba't ganoon ang mga mata niya? 

"Saka bakit ko nga naman sasabihin sa 'yo." Agad namang nabalik sakanya ang atensyon ko nang magsalita ito ulit at ganoon nalang talaga ang pagsinghal dahil sa sumunod niyang sinabi. 

"Akala ko ba you're good at not giving a shit, and you can do that for the rest of your life? Kaya sige, bye." 

What the actual fuck? 

Okay, binabawi ko na 'yong iniisip ko kanina. He's eyes cannot be compared to mine, adik talaga siya.

Napairap ako at akmang makikipag bardagulan pa sana ako sakanya ngunit hindi ko rin nagawa nang biglang literal na magdilim at mag-iikot ang pangingin ko. 

Halos hindi na nga ako maka balanse at hindi na maihakbang ang paa sa sahig. Napahawak ako sa pader upang hindi tuluyang matumba habang sinusubukan paring makakita sa kabila ng pag-iikot ng paligid.

"Hoy, ayos ka lang?" Rinig kong bulalas ng lalakeng 'yon at naramdaman ko nalang ang pag alalay niya sa 'kin. Ni hindi ko nga akalaing nilingon niya pala ako. 

Aktong magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako pagkalam ng sariling tiyan, at partida, mukhang hindi lang ako ang naka rining nito. 

"Hindi ka pa ba kumakain? Ano ka ba, anong oras na!"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hilahin papunta sa kung saang direksyon. 

"T-teka saan mo ako dadalhin?" halos pabulong ko nalang na sambit dahil sa panghihina. 

"Where do insomniac persons go?"

•••

"Seriously? 7/11?" Pinanliitan ko ito ng mga mata ngunit ginantihan niya lang ito ng isang nakakalokong ngiti.

But I must admit, I enjoyed spending time with this guy. At least hindi naman siya serial killer na nambibiktima ng mga babaeng hindi makatulog sa gabi. And thank God he's not a sort of fuckboys who'll ask weird questions like "Where do insomniac persons go?" with an answer "To my bed." 

Hindi ko nga alam kung sure ba siyang sa 7/11 nagpupunta ang mga insomniac na tao, pero hindi ko na ito kinulit tungkol doon. Nilibre kasi niya ako ng pagkain.

Saka gustuhin ko mang mahiya ay hindi ko na lang rin ginawa dahil kanina pa nag wawala ang mga bulate ko sa tyan. Babawi na lang siguro ako sa kanya sa susunod. 

Bahagya akong napailing. Ni hindi ko nga rin alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya to the point na nagreply at nagpatangay ako sakanya sa kung saan saan.

I mean, ganito na ba talaga ako ka walang patutunguhan at pati taong hindi ko kilala ay dinadaldal ko na sa mga bagay na dapat sinasarili ko nalang? Na pati sa estranghero ay sumasama na ako? 

Well, kilala niya na siguro ako dahil sa dami ng pinagsasabi ko sakanya pero paano ako? Pangalan lang ang alam ko sa kanya tapos sumama parin ako.

I sighed.

Buti nalang talaga at hindi siya masamang loob.

Marahas akong napa-iling iling dahil doon at ibinalik nalang ang sarili sa reyalidad. Sinubukan ko nalang din na alisin sa isipan ang lalakeng 'yon at itinion ang pansin sa sarili. 

Standing in front of the mirror, I stared at my reflection as I finished dressing up for school. With my shoulder leveled messy hair, pale skin, healthy eyebags and dead eyes, I really think I'm ready for my class.

"Hala, sabog ka nanaman ba, Daz?" rinig kong singhal ni Shine na nasa tabi ko lang pala. But instead of batting her an eye, I just shrugged my shoulders. 

"I'm okay, kaya kong matulog ng patago sa room." I even assured her saka kinuha ang itim kong pusa na backpack. Aktong lalabas na ako sa pinto ng tawagin niya akong muli. 

There, I stared at her, wearing the same white blouse, coated with long-sleeved fitted black vest, it was paired with an above the knee, black pleated skirt that I am also wearing. Our school uniform. Also, she wore an over the knee white socks that complemented her black shoes. 

Magmumukha na nga ata kaming kambal kung hindi lang hanggang baywnag at brownish ang kan'yang buhok. 

"Sino 'yong lalake na kasama mo sa 7/11 kagabi?"

Halos mabulunan naman ako sa sariling laway dahil sa naging tanong niya. "What?"

"Sino 'yong lalakeng kasama mo—" 

"Oh, so hindi ka na rin pala sumusunod sa rules ni Dad ngayon, Goody Two Shoes?" tanong ko nalang pabalik. Mukhang tumatakas na rin si Shine kapag gabi ah.

"Fuck rules, I'll die anyway." She giggled but I remained still. Now fuck that. 

That wasn't funny. 

She was telling the truth. A fucking lung cancer. May family history kasi ang side nila Tita Gina at sa kamalas-malasang resulta ay namana niya ito. 

"What? Stop staring at me like that, it's not that serious," nakangiti niya paring saad ngunit hindi ako kumibo. 

"Come on, ikaw nga mukhang eyebags na nagkatawang tao. It's not a big deal, okay? Mukhang tayo rin kasi talaga nagbabayad sa kasalanan ng parents natin." 

Okay, I'll just pretend I didn't hear that. 

Muli ko siyang pinagmasdan na naka suot ng parehong uniporme na suot ko, hindi dahil papasok siya sa school, kundi dahil gusto niyang pumasok pero hindi pwede.

Because of her condition, mas minabuti nila Dad at Tita Gina na home schooled nalang si Shine. However she still likes to wear her uniform kahit sa bahay lang siya nag aaral, dahil feeling niya daw kasi cute siya. And even if it hurts, Dad said it's for the better. Na mas safe at mas mabantayan namin si Shine kapag andito siya sa bahay. 

'Yon nga rin ang dahilan kung bakit magkasama kami sa kwarto, para bantayan ko siya. And realizing that again, mukhang kailangan ko na atang itigil ang paggagala ko sa gabi. Mukhang nagagaya ako ng babaeng 'to e. Mahirap na baka mapahamak siya. 

"So ano na, who's that mysterious guy that you're hanging out with, huh?" 

Napabuntong hininga nalang ako nang magsalita siya uli, mukhang wala na ata akong choice kundi magsalita. 

"Uhm his name is Orion, sinabi niya 'yon sa 'kin kahapon. Although he's a weird guy, but I think he's harmless."

Inayos ko na ang bag ko at muli siyang nilingon. "Sige, Shine. Pasok na ako sa school." 

••• 

The breeze of June lingers to my entire being as I pace my way towards my classroom. Although it wasn't my first day, I am still walking the hallway with nothing but my shadow. 

I've crossed paths with familiar faces but I choose to walk with my heads down. Not wanting to catch a glimpse of their stares or whatsoever. 

Ngunit sa kayuyuko ko, hindi ko tuloy napansing may kasalubong pala ako pagka liko sa hagdan. Agad naman akong humingi ng tawad ngunit natigilan din nang mapagtanto kung sino ang mga ito. 

Sandali pang nagtama ang mata namin ng isa sa kanila ngunit agad na akong nag iwas ng tingin at dumiretso sa classroom ko. 

Nang maka upo sa paborito kong pwesto sa room, sinubukan kong kalitaan ang pagkakasalubong namin ulit at itinuon ang atensyon sa klase. Ngunit nakaka tatlong subject na nagdaan ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga alaalang pilit ko na sanang kinalalimutan. 

"Sandali lang please wag niyo akong iwan. Kailangan ko kayo." 

"Please. Please, please. Huwag naman kayong gumaya kay Daddy. Kayo nalang ang mayroon ako."

"Girl at the back, pay attention."

Muling nabalik sa klase ang pansin ko nang sitahin ako ng Sir namin sa CPAR. 

May ilang napalingon sa direksyon ko ngunit hindi ko nalang ininda at hinayaan si sir na magpatuloy sa discussion. Doon ko lang din napansin ang makukulay na slides sa powerpoint presentation nito, pati na ang maaliwalas na ngiti niya sa mga labi. 

"Okay so as I said, since HUMSS ang pinili niyo, hindi na siguro mahirap sa inyo ang gumawa ng essay right?" pagpapatuloy ni Sir na naging dahilan ng kakaunting bulungan ng mga kaklse ko. Nagsi-tanguan at sagutan naman ang iba kaya napasandal nalang ako sa kinauupuan at napa buntong hininga. 

Mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapang ito. 

"So for your activity, I want you to introduce yourself and your dreams in mind." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro