ninth dream
9: Cold yet Peaceful
It's been a while since the last time I visited Montoya's residence. Though, it still look like a greyish haunted house, especially if their garden and healthy bermuda grass weren't there to contradict their house's vibe, I am still low-key glad that I was able to see this again.
The place where we used to play when we were kids, the place that witnessed my genuine smiles when I used to be motivated. The place that witness my lively soul when I was younger and still have dreams to chase.
I sighted as I passed through their old fountain with Medusa's scultpure.
Man, it was two human sized sculpure of her; the beatiful lady that she truly was, and the snake-head that she become when athena punished her. Magkatabi lang ito sa walang tubing na fountain, nakatayo, medyo hindi nalilinisan at naka harap sa mataas nilang gate.
"Shit that statue is creepy." Rinig kong bulong ni Nath dahilan para malalingon ako dito.
Kung hindi siya nagsalita ay tuluyan ko na sanang makakalimutan ang pagpilit niya sa 'king samahan siya papunta dito. Pati na rin ang kamay niyang kanina pa naka kapit sa sleeve ng sleeve ng uniform ko.
Well, for someone who likes horror movies, she's kinda weird. Ramdam ko na kasi ang bahagyang panginginig ng kamay niyang naka kapit sa 'kin e, ngunit nang magtama ang mga mata namin ay pilit niya lang akong nginitian.
"Ano? Hinahawakan lang kita kasi baka natatakot ka sa sculpure. Tara na nga." Tuluyan na niya akong hinila at nauna na sa paglalakad.
Bahagya namang nakunot ang noo ko at pinagmasdan itong hilahin ako.
I was about to ask something pero nang makarating sa likod na bahagi ng bakuran, agad nang nawala ang isip ko sa inakto ni Nath nang tumambad sa amin ang nagkakagulong mga asungot.
Nakapamewang na pinagsisigawan ni Markian ang iba naming groupmates. Nang makita kami ni Nathalie, mas nag usok lang ang ilong nito at pinagalitan na rin kami dahil sa pagiging extra late.
Sa huli, naging script writer kami ni Nath habang ang iba naming ka grupo ang gaganap. Si Mark nama'y kina-reer na talaga ang pagiging direktor at kanina pa dada ng dada na parang boss. Napagalitan niya pa nga 'yong camera woman namin dahil puro lang daw ito selfie.
Habang pinagmamasdan silang bigyang buhay ang script namin, napa buntong hininga nalang ako at ginawang komportable ang sarili sa swing na kinauupuan.
Para silang mga sira.
"Orion, tara dito!"
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at agad napalingon sa may pintuan.
I squinted at the sight of a familiar guy with those eyes that resembles the night sky. Although he's not wearing his leather jacket, he's aura was enough for him to become an epitome of darkness. Cold yet peaceful.
And oh, he's with other three boys wearing the same uniform's logo as ours.
"Naks naman Markian, feel na feel pagiging master ah?" natatawang saad noong lalakeng hanggang balikat lang ng mga kasama niya dahilan para pansamantalang maalis ang tingin ko kay Orion.
Damn, mas maliit pa ang lalakeng 'to kaysa kay Dennis.
Mula sa backdoor kung saan sila iniluwa, naglakad na sila patungo kila markian na malapit sa may pader ng bakuran at acacia tree. Nadaanan na nila kami pero ni hindi manlang ako nilingon ni Orion.
"Siyempre naman Chenzo, baka gusto mong ako nalang din maging direktor ng video presentation niyo?" rinig ko pang sagot ni Markian at inayos ang pulang bandana niya sa ulo.
Nagtawanan pa sila at nagbatuhanan nanaman nang mga salita ngunit nanatili na ulit ang mga titig ko kay Orion.
Well, I guess I'm right. He'll easily get along with other people, kita mo may mga kaibigan na siya agad, isang araw pa lang siya sa school namin.
And actually, hindi na rin naman 'yon kataka taka dahil magaan naman talaga siyang kasama. His smile alone can make you feel assured and safe.
Wait, what the hell am I even thinking?
I just sighed and shook off my head. Binalingan ko nalang si Nath na naka upo din sa katabing swing. Hindi ko nalang din pinansin ang abot tenga nitong ngiti habang nagtataas baba ang swing niya.
"Anong ginagawa ng mga taga kabilang section dito?" pabulong kong tanong dito.
Nagkibit balikat lang ito at nagpatuloy sa pagduduyan sa sarili. Ni hindi manlang nito tinapunan ng pansin sina Markian kahit na 'yong mga bagong dating naming schoolmates.
Akala ko nga ay hindi na 'to sasagot kaya ibabaling ko na sana pabalik ang atensyon ko kila Orion kaso bigla itong nagsalita.
"Malay ko. Kayo magbarkada nina Markian at Dennis diba? Sa 'ting dalawa, ikaw dapat nakaka-alam 'non."
Agad akong napangiwi.
"Saka hinintay lang naman kita kanina kasi alam mo ang daan papunta dito. Medyo na-a-out of place na nga ako e, kasi parang magkakakilala na kayong lahat," dagdag niya pa dahilan para mapakla akong natawa.
Atleast naman straightforward siya.
Kumapit nalang ako sa magkabilang tali ng swing at sinubukan na ring igalaw ang sarili mura dito. I then scanned the entire backyard to see if her statement were legit, only for my eyes to furrow for the only person I recognize was Markian and her.
"Anong akala mo sa'kin, friendly?" sabi ko nalang at napatingin ulit sa direksyon nila markian.
Ba't parang may kulang?
Nang mapagtantong wala nga doon si Orion, agad namang nanliit ang mga mata ko.
Saan ba—
"Is that Jason Voorhees?"
A gasp escaped my lips upon hearing a familiar voice. Maging si Nath ay nagitla rin, kaso lang ay agad itong napahiwalay sa kinauupuang swing at nasapak sa mukha si Orion.
Sa isang iglap, natahimik ang paligid. Para kaming natuod sa kinalalagyan at nakatitig pa rin sa kanilang dalawa na pinagigitnaan lang ng swing.
Bakas sa mukha ni Orion ang gulat at inosenteng tinitigan si Nath, ang huli nama'y agad ring nanlaki ang mga mata nang ma-realize ang nagawa niya.
Here we go again.
"Hala, nako! Sorry kuya, ayos ka lang? Bakit kasi bigla kang sumulpot sa likuran namin?" tarantang bulalas ni Nathalie at imbis na marahang hilahin palapit ay marahas niyang nakwelyuhan si Orion.
"T-teka Nathalie, wag mong ibigti si Orion!" sigaw naman ni Dennis na nagtakbo na pala palapit sa 'min. Dahil kasi sa paghila ni Nath ay lumusot ang mukha ni Orion sa pagitan ng tali ng swing, mabuti nalang at agad rin naman niyang nabitiwan ang lalake.
Noted. Hindi magandang ginugulat si Nathalie.
Halos mamutla naman si Orion nang makawala at agad na napatingin sa 'kin.
"Amaria!" agad nitong bulalas at parang batang nagtatakbo palapit.
Maglalakad na sana ako palayo dahil mukha nanaman siyang timang, ngunit agad akong natigilan ng salububingin niya ako ng yakap.
Shit.
H-he really hugged me.
And this time, hindi ako naka ilag.
"That pastel girl is dangerous," seryoso niyang saad at sa isang iglap ay nasa likuran ko na.
"And she's creeping me out." Marahan itong kumapit sa magkabila kong balikat na para bang ginawa ako nitong human shield.
Right then, a realization hitted me.
Napasinghal ako't winagli ang kamay niyang naka hawak sa 'kin. Sinamaan ko ito ng tingin at magsasalita na sana, ngunit napatikom lang rin ulit nang marinig ang nakaka-asar na pag "Tsk." ni Ivan.
Muli kong nilingon ang magkatabi na ngayong sina Nath at Dennis, at tama nga ako, nasa likod lang ni Dennis ang Ice Bear. Baka naka sunod lang sakanya kanina nang iluwa rin siya ng backdoor.
"Takot ka sa pastel goth, pero hindi ka takot sa black lady?" mapaklang saad pa nito at pinasadahan pa ako ng tingin.
Napakunot naman ang noo ko.
Aba. Kung makapang asar 'to ah, anong akala niya magkaibigan na ulit kami? Ni hindi pa nga rin ako kumbinsido sa bigla nilang pagbabalik e.
Napasinghal ako at aktong sasagot na sana nang bigla akong hilahin ni Orion at itago mula sa direksyon nila ivan.
"Hoy, hindi kaya black lady si Amaria!" taas noong saad nito at hinaharangan ang pagitan namin ni Ivan, animo'y pinoprotektahan niya ako mula sa pang-aasar ng Ice Bear.
"Isa siyang walking dead!" dagdag na saad ni Orion dahilan para manliit nalang ang mga mata ko.
Okay, binabawi ko na. Wala pala akong kakampi dito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro