Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

his last dream

Warning:
This contains sensetive topics.
Trigger warnings ahead!

Additional note:
Sa mga taong nagi-epilogue first bago umpisahan ang kwento, mag bagong buhay kana kapatid. Bumalik ka sa first dream. Hindi ka matutuwa dito. Charet.

•••

"Nay ako nalang po. Ako nalang po ang ibigay niyo kapalit ng pera."

Dahil sa kagipitan, nagprisenta ang noo'y limang taong gulang pa lang na si orion upang hindi na kunin ang kanyang kapatid. Wala namang nagawa ang kanyang ina kundi ang tumango at tanggapin ang perang ipapalit sakanya.

Gusto man ni orion na pigilan siya ng pamilya niya sa tatahaking landas, na protektahan din sana siya nito at huwag silang pumayag na ipaampon siya, niligwak na lamang niya ito sa kanyang isipan at pinangatawanan ang naging desisyon.

Simula kasi nang malaman niya ang plano ng kanyang ina na ibenta ang nakababatang kapatid na si nathalie, halos lukubin nito ang puso niya. Kaya nang dumating na ang araw ng paglisan ng kapatid ay agad siyang tumutol at nakipagpalit ng pwesto.

Na siya nalang kako ang kunin kapalit nito.

Oo, naiisip naman niyang mas mabuti na sigurong ibigay ang kapatid niya sa mga taong mas may kakayahang palakihin ito, para hindi niya maranasang mag hanap sa basurahan ng makakain nila sa hapunan at imbis na laruan ay mga bote at bakal ang hawak nito para kumita kahit papaano ng pera.

Kaso hindi naman kasi marangyang pamilya ang mga asteranza.

Isa sila sa noble family ng yawaka na nag-oopera ng illegal na mga negosyo, marami na silang pinatahimik na mga tumutuligsa sa kanila. At kahit nga'y mahigpit ang batas ng yawaka city para sa mga misfits na katulad nila, walang nag-lakas loob na parusahan sila.

Dahil isa ang pamilya asteranza sa mga may hawak ng batas sa lungsod.

Sa makatuwid, sila pa nga ang nagpapataw ng parusa para sa mga misfits na mas mababa naman ng di hamak ang kasalanan kaysa sakanila. Sa mga misfits, na hindi naman katulad nilang kriminal, pero kumakalaban sakanila.

Isa sila sa mga pamilyang naglulunsad ng mga batas at nagsisilbi ring gobyerno ng lungsod.

Samakatuwid, maraming naririnig na baho si orion sa mga asteranza, ngunit wala siyang magagawa, para sa pamilya ay magiging asteranza din siya.

Lumipas ang mga taon ay sinanay ni lancelot si orion sa pakikipaglaban. Isa daw kasi 'yon sa mga kakailanganin niyang matutunan kung gusto niyang tumagal sa mundo nila.

Maliban sa mga pasa at pagpipilit sakanyang patahimikin at saktan ang mga taong inuutos ni lancelot, maayos naman ang trato nito kay orion. Mas naging malapit pa nga ito sakanya kumpara sa mga totoo niyang anak na sila lukas at lawleit.

Paano ba naman kasi, si orion na halos ang naging kanang kamay nito. Sa murang edad ay namulat siya sa dahas at katiwalian dahil wala naman siyang ibang magagawa. Hawak siya ni lancelot sa leeg, at pinagbantaan pang kapag hindi siya susunod ay ipapatumba niya ang pamilya nito.

Oo nga't pinag-aaral at pinapakain siya ng mga asteranza ngunit ni minsan ay hindi naging magulang ang trato sakanya ni lancelot, lalo na ng asawa nito na si esmeralda.

Mula sa matataas na bakod na naka paligid sa mansyong nagsilbi niyang kulungan, tanging ang mga naging kapatid niya na sina lukas at lawleit ay baka tuluyan na itong nawala sa tamang katinuan. Tanging ang dalawa lang ang naging kakampi niya sa bahay na 'yon habang nagsusumikap siyang makapagtapos.

Ang plano lang kasi ni orion sa buhay ay ang makapagtrabaho, maka ipon at maka alis sa puder ng mga asteranza. Nangako siya sa kapatid na si nathalie na babalikan niya ito. Kaya kahit anong mangyari ay tutupadin niya 'yon.

Ngunit nang tumungtong siya sa edad na sampo at inaatasan pa din ni lancelot ng kung ano anong krimen, natagpuan ni orion ang sarili sa isang night club sa pinaka dulong parte ng yawaka.

Katabi ito ng noo'y bukas pang funeral parlor ng mga mondevilla, pati na ng amusement park na dinadagsa pa ng tao. Gusto mang mamangha sa lugar ay idinaan niya na lamang 'yon sa iling at pumuslit papasok sa nasabing night club, upang tugisin ang pakay niyang babae na nagngangalang irony granger.

Ang utos sa kanya ni lancelot ay takutin ito upang hindi na I-release ang noo'y unang studio album ng banda nila.

Nakakatawang isiping na pati local band ay pinupunterya at gustong patahimikin ng mga sindikatong katulad ni lancelot. 'yon ang nasa isip ni orion noon, ngunit nang tuluyan siyang maka puslit patago sa loob ng night club kasama ang isang batang babae, doon niya napagtanto kung bakit tagret ito ng ama amahan niya.

Dahil ang mga kantang isinulat ni irony granger, maging mg banda niya ay tumutiligsa sa kung anong klaseng tao si lancelot. Mga gago.

Bawat liriko ay may naka tagong mensahe at sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa murang isip noon ni orion ay naintindihan na niyang ang mga taong katulad ni lancelot ang pinupunto ng mga kanta nila.

Bahagya niya pang nakalimutan ang ipinunta niya doon at natagpuan ang sariling naka ngiti at nakiki jam sa musika ng banda nila. Hindi niya maitago ang kislap sa kanyang mga mata at ma-imagine ang sarili sa ganoong sitwasyon.

Na balang araw, gusto din niyang tumungtong sa stage at gawin ang bagay na gusto niya. Na balang araw, gusto niya ding maging malaya katulad ng musika.

Sa ilang taong itinagal niya sa mga asteranza, kung saan kailangan pino ang bawat kilos at hindi basta basta nagsasalita, ngayon lang napukaw ang interes niya sa isang bagay. Ngayon niya lang napagtantong maliban sa makalaya sa pagiging tuta ni lancelot at maka balik sa totoo niyang pamilya, may isa pa siyang gustong gawin.

Ang tumugtog at gumawa ng banda. Ang maging isang malayang musikero.

Gusto niya balang araw, hindi na sana sandata at patalim ang hawak niya, kundi isang gitara. Balang araw, sana hiyawan na ng audience ang maririnig niya kapag tutogtog siya, at hindi hiyawan ng mga biktima ni lancelot na kailangan niyang patahimikin.

"Ang galing ng mommy ko 'no?"

Agad na nabalik sa reyalidad si orion ng magsalita ng batang kasama. Base sa suot nitong uniform ay nag-aaral ito sa yawaka's kinderhouse. Gusto nga sanang matawa ni orion dahil sa suot nitong hairpin na bungo ngunit agad ding matigilan nang mapagtanto ang tinuran ng bata.

"Ano kamo? Nanay mo ang bokalista ng mooncalf mavens?"

Buong ngiting napa tango ang batang babae na animo'y proud na proud ito sa ina. "Oo! Tapos paglaki ko gusto ko ring maging katulad niya!" masigla niya pang saad dahilan para bahagyang mapangiti si orion.

Bigla niyang naalala ang nakababatang kapatid na mukhang kasing edad lang ng batang babae. Naisip niya, ano na din kaya ang ginagawa ng kapatid niya noong mga panahong 'yon at kung ano din kaya ang pinaka unang pangarap ang naiisip niya.

Agad na lamang itong napailing at pabirong ginulo ang buhok batang babae bago nagsalita. "Aasahan ko 'yan ha."

Ngunit lingid sa kaalaman nila ay 'yon na pala ang huling pagkakataong nagkaroon ng pangarap ang batang babae na 'yon.

•••

Lumipas ang ilang oras at nang masiguro ni orion na wala nang tao sa bistro ay nag umpisa na ito sa kanyang trabaho. Labag man sa kalooban ay binuhusan niya ng gas ang buong lugar, kasama niya noon ang dalawa pang tauhan ni lancelot. Na sina crispin at bruno.

Pagkatapos masiguradong nabuhusan lahat ay sinindihan na ito ni orion at tumalilis palayo.

Kinabukasan ay nabalita sa buong lungsod ang nangyari. Maging ang recording studio kung saan naka sign ang banda nila irony ang hindi pinalagpas ni lancelot. At walang magawa si orion kundi ang sumunod ng sumunod.

Bagamat patago siyang nag-aaral na tumugtog ng gitara at makinig ng mga kanta ng mga misfit bands, wala siyang magagawa kundi ang maging tuta ni lancelot at sirain ang mga bagay na gusto niya din sanang maging.

Ilang taon pa ang nagdaan at natagpuan ni orion ang sarili sa yawaka university bilang freshmen sa kursong criminology.

Pinagtawanan pa nga siya ni lancelot dahil sa kursong pinili ngunit hindi din naman ito pinigilan.

"Gusto mong maging pulis?"

Tumango si orion.

"Pwes, gawin mo ang lahat para mapatumba ako. Kung kaya mo."

Sino ba naman kasing sira ulo ang magsisiwalat na gusto niyang maging alagad ng batas, sa bahay mismo ng pamilyang umaabuso dito.

Ngunit sa kabila ng kanilang samahan, sa pagkakataong 'yon ay napansin ni orion na hindi naman siya pinagbabantaan ni lancelot. Samakatuwid ay para niya pa nga itong hinahamon at hinihikayat na magpatuloy.

Sa hindi malamang dahilan ay ikinatuwa 'yon ni orion. Pakiramdam niya kasi ay kinikilala siya ni lancelot bilang kung ano siya, at hindi lang bilang tuta nito.

Para bang tatay sa anak nito. Alam niyang imposible 'yon pero hindi niya parin maiwasang matuwa. Kasi kahit caswal lang ang trato ni lancelot sakanya, siya pa rin naman ang nagtayong ama amahan nito sa loob ng ilang taon.

Ngunit ang lahat ng galak na 'yon ay napalitan ng pighati nang ilang buwan lang ang nakakalipas ay napatay sa engkwentro ng mga pulis si lancelot. Halos hindi maka paniwala ang buong pamilya sa nangyari. Parang isang bula na nawala sakanila ang padre de pamilya at siyang nagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.

Labing pitong taong gulang palang si lukas noon habang si lawleit naman ay mag ki-kinse pa lang. Hindi alam ni esmeralda, ang asawa ni lancelot kung ano ang gagawin.

Bagamat sinanay na nila si lukas bilang susunod na mamumuno sa illegal nilang negosyo, masyado pa ring maaga para dito.

Hindi pa siya handa at ilang gabi lang ang nakakalipas ay binalak nitong tumakas sa mansyon gamit ang kanilang itim na kotse.

Sinubukan itong pigilan ni orion ngunit agad nang pinaharurot ni lukas ang sasakyan. Nagtatalo sila habang nasa loob, dahil gusto ni lukas na si orion nalang ang mamuno sa negosyo, ngunit mas lalong ayaw naman ng huli.

Ang gusto ni lukas ay mamuhay ng normal samantalang ang gusto naman ni orion ay maka balik sa pamilya nito at maging malaya. Nagpapasa pasahan sila sa trono noong una, ngunit nangahimasmasan ay parang gusto nalang din ni orion na tumakas mula sa mansyon na 'yon.

Hindi kasi katulad dati noong buhay pa si lancelot, hindi na ngayon mahigpit ang seguridad sakanila, dahil nga walang namumuno.

Nasa kalagitnaan ito ng pag-iisip nang mapansin niyang may gumalaw doon sa likod. Kapwa sila napalingon at nadatnan si lawleit na nagtatago pala sa backseat.

Hindi pa man nila napo-proseso ang nangyari, biglang may nakasisilaw na liwanag ang humaharurot patungo sa direksyon nila. Isang malakas na busina ang kasunod nito, ngunit dahil sa taranta ay hindi nagawang iwasan ni lukas ang paparating na truck at bumangga dito.

•••

Wala nang buhay si lukas nang madatnan, samantalang sina orion at lawleit nama'y naisugot pa sa ospital. Parang pinagsakluban ng langit at lupa noon si esmeralda dahil sa sunod sunod na mga trahedyang nangyari sakanila.

Walang ano-ano'y ibinuntong niya agad ang sisi kay orion. Simula pa lang kasi noong dalhin ng asawa niya si orion sa mansyon nila ay hindi niya na ito gusto. Bukod kasi sa masyado daw itong bait baitan at sipsip sa asawa, inaagawan daw niya ng pwesto ang mga anak niya.

Mukhang mas malapit pa nga ang loob ni lancelot kay orion kumpara kila lukas at lawleit.

At nang tuluyang bawian ng buhay si laweit tatlong araw pagkatapos masugod sa ospital, sumidhi lalo ang galit ni esmeralda kay orion at iniwan na itong mag isa doon sa icu. Hindi niya kasi maatim na tignan ang dahilan kung bakit nawala sakanya ang pamilyang pinakaiingatan niya.

Naisip nga niyang ipadispatsa nalang si orion, ngunit agad naman itong nabalik sa katinuan nang maalala ang habilin ni lancelot sakanya noong ito'y nabubuhay pa.

"Huwag mong pababayaan ang mga bata, lalo na si orion."

At ngayong si orion nalang ang natitira sa mga bata, hindi naman niya kayang baliin ang ipinangako sa yumaong asawa kaya't kahit sukdulan ang galit na mayroon ang puso niya para dito ay hinayaan niya itong mabuhay.

Hinayaang mabuhay sakabila ng mga katanungang kung bakit ba daw kasi si orion pa ang nakaligtas at hindi nalang si lawleit. At kung bakit ba daw kasi ang pamilya niya pa ang nawala at hindi nalang si orion.

Sa huli ay tinawagan niya si crispin, ang isa nilang tauhan na halos kaedaran lang din ni orion. Inatasan niya itong magmonitor sa ospital. Samantalang nagkulong naman si esmeralda sa mansyon nila at nagluluksa pa rin sa lahat.

•••

Bagamat inatasang magbantay kay orion, wala namang pakealam si crispin dito at ginagawa lang ang trabaho niya bilang taga monitor at taga bayad. Ni hindi nga niya ito dinalaw sa icu kahit isang beses.

Kung kaya't ganoon nalang ang gulat niya ng isang araw ay bigla siyang tinapunan ng bulaklak ng isang dalaga. Naka suot pa ng high school uniform at base sa eyebags sa mata nito, mukhang ilang araw na itong hindi nakakatulog ng maayos.

Ang nakaka asar lang ay may kasamang ugat at kakaunting lupa ang mga bulaklak na itinapon ng dalaga sakanya.

"Ano bang problema mo?" sumimghal si crispin.

"Ikaw diba 'yong nagmo-monitor sa lalake sa kwartong 'yan?" turo ng dalaga sa icu.

"Pwede mo ba akong payagang dumalaw sakanya? Wala ka kasing kwenta."

Halos masamid sa sariling laway noon si crispin at gusto din sanang makipagtalo. Ngunit sa huli ay bagsak ang balikat na pumayag na lang ito, ipinagpaalam siya sa mga nurse at hinayaan siyang dalawin si orion.

"Hi, ako si dazzle amaria, madalas dazzle, daz o dazen givashyt talaga ang tawag ng mga kaklase ko sa 'kin pero mas gusto ko ang second name ko. Wala lang, si daddy lang kasi ang tumatawag noon sa 'kin, pero hindi na kami bati kaya pwede niyo nalang din akong tawagin sa second name ko."

Araw araw ito doon at walang palya sa pagkwento ng mga magagandang bagay, kahit pa wala din naman talagang magandang bagay ang nangyayari sa buhay ng dalaga.

Siya ang nagsilbing musika sa madilim na noong mundo ni orion, ang tanging boses na naririnig niya noong mga panahong akala niya wala nang magmamalasakit sakanya, ang tanging kamay na humawak sa kamay niya noong mga panahong akala niya ay binitawan na siya ng lahat.

Ilang buwan ang lumipas at medyo nahimasmasan na si esmeralda at gusto nang iuwi si orion sa mansyon nila at doon nalang kako ipagpapatuloy ang gamutan dito.

Gamit ang air ambulance, isinakay nila ang comatose paring si orion at inuwi sa mansyon. Hindi ito naabutan ni amaria noon at ganoon nalang ang panpulumo ng hindi manlang niya naipakilala ang sarili.

Tatlong taon ang lumipas at sawakas ay muling nagising si orion mula sa napaka habang pagtulog. Ilang linggo pa ang itinagal bago ito tuluyang maka recover ngunit sulit naman.

Pakiramdam niya nga ay kakagising niya lang mula sa isang napaka gandang panaginip, isang panaginip kung saan may taong sawakas ay may nagmalasakit sakanya ng totoo at hindi siya pinabayaan, isang panaginip kung saan sawakas ay naramdaman din niyang may halaga siya para sa iba.

Isang napaka gandang panaginip na pansamantala siyang inilayo mula sa bangungot niyang reyalidad.

Ngunit ang akala'y tuluyang paggaling ay magiging panibagong dagok lang din pala nang madiskubre ni doctor gomez, ang neorologist ni orion, na mayroon siyang glioblastoma.

Isa ito sa pinaka delikadong uri ng brain tumor. Tinatayang 12-18 na buwan lang ang itatagal ng may ganitong uri ng karamdaman. Bagamat hindi parin alam ng mga ekperto kung ano tunay na pinaggalingan ng sakit na ito, sa kaso ni orion ay dahil sa head trauma nito ilang taon na ang nakakaraan.

Halos gumuho ang mundo ni orion noon. Hindi mawari kung bakit sakanya pa nangyayari ang ganitong mga bagay. Ang gusto lang naman kasi niya ay umuwi. Umuwi at maging malaya.

Ang hirap ba noon?

Gusto na nga sana niyang maupo sa isang tabi at hintayin ang kamatayan, lalo pa't hinihikayat siya ni esmeralda na magpunta nalang sa canada. Kesyo kung ayaw na niyang mahirapan pa ng ilang buwan ay mag undergo nalang ito ng euthenasia doon.

Mukhang tanga lang dahil illegal naman ang mga negoyso ng pamilya asteranza pero hinihikayat siya nitong magpunta sa canada kung saan legal na mercy killing.

Gusto na nga lang ding pumayag ni orion noon, ngunit agad siyang natigilan. Imbis na tumango ay naglunsad ito ng kahilingan.

"Pwede po ba akong mag enroll sa somber high?"

Napasinghal si esmeralda. "Mamamatay ka na nga lang, gusto mo pang bumalik sa high school?" napailing ito. "Diba college ka na dapat ngayon?"

Napakamot naman ng batok si orion at sinubukang nguniti sa kabila ng lahat.

"Gusto ko lang po sanang tuparin ang mga pangarap ko noong bata pa ako, bago ako tuluyang mawala."

•••

May iba nang namamahala ng illegal na negosyo ng asteranza, at mas lalong ayaw naman niyang ibigay ito kay orion kaya naman ay pumayag siya sa hiling nito.

Kung pwede nga lang na iwan niya si orion ay matagal na niyang ginawa. Kaso nangako siya e. Nangako siya kay lancelot na hindi niya pababayaan si orion at kailangan niyang tuparin 'yon.

Malas nga lang dahil ang kahulugan ata ng hindi pababayan para kay esmeralda ay ang hindi idispatsa si orion, pero hikayatin at suportahan namang dispatsahin nito ang sarili niya.

Ngunit para kay orion na kakaunting pag-asa nalang ang nakikita sa buhay, kapasa-pasalamat pa rin ito. Halos maiyak pa ito sa tuwa at ilang araw bago mag balik iskwela ay sinimulan na niyang isaalang alang ang mga plano niya.

Una, humingi ng tawad sa lahat ng nabikima niya noong mga panahong nagta-trabaho pa siya kay lancelot. Pangalawa, bumalik sa senior high para hanapin ang kapatid at pamilya niya. Panghuli, hanapin at pasalamatan ang nagmamay ari ng boses na tumulong sakanya upang maka-recover.

At pagkatapos maisakatuparan ng lahat, sasama pa rin naman siya kay esmeralda sa canada. Walang makaka alam sa pamilya o kaibigan niya, walang makaka pigil, walang paalaman na magaganap at mas lalong wala dapat siyang makakarelasyon para mas maging madali lang ang paglisan nito.

Simple lang naman ang plano.

Ngunit nang makita niya si amaria sa abandonado na ngayong night club, nang marinig niya ang napaka pamilyar na boses ng dalaga na kinakanta ang napaka pamilyar ding awitin na original na likha ng nanay nito.

Biglang naalala ni orion ang isa pang pangarap na halos naibaon na niya sa limot, isang pangarap na nagmula sa bangungot niyang reyalidad at isang napakagandang panaginip.

"Gusto kong gumawa ng banda kasama ka."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro