Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

fourth dream


4: The Return of the Bears

I really thanked the universe dahil hindi namin naabutan ang mommy ni Orion noong nakaraan. Although, hindi naman sa ayaw kong makipagkilala sakanya pero parang ganoon na nga.

Don't worry it's not her, it's definitely me.

Iniisip ko palang ang mga tanong na ibabato niya sa 'kin ay pinanghihinaan na ako ng loob e. Especially when the whole world said that the one rule in order to have a great conversation with someone is to ask them about themselves. 

And unfortunately, everything about me will lead them to questions like "What the hell is wrong with you?" and "Why are you like that?" 

I sighed and shook off my head. Perhaps that's the reason why I keep distancing myself from everyone? Because maybe I am the negative person that the social media keeps telling everyone to stay away from... and I'm afraid I am everything I couldn't heal from. Ni hindi naman ako pinalaki ni Mom na sinungaling.

Fuck this. 

"Nakabusangot ka nanaman?" 

I was dragged out from my reverie when a not-so-tall guy wearing our varsity jacket suddenly popped out in front of me. I stared at him blankly as he sat on the blanket next to mine. 

And although his presence triggered some memories from the past, I tried to shake it off with my dead stares.

"Anong ginagawa mo dito, Dennis?" 

"Ice Bear pahingi ng pagkain!" 

Nanliit naman ang mga ko ng hindi ako sinagot nito at bigla nalang nagkakaway sa kung sino mang Poncio Pilatong papalapit sa amin. 

Ibang klase. Nagpunta na nga lang sa kadulu-duluhang parte ng Somber High para mag hasik ng hinanakit ko sa mundo, matulog at sulitin ang lunch break, tapos may mga mangde-destorbo pa. 

"Buy your own food, idiot," malamig na saad nung Ice Bear ngunit naglakad rin naman papalapit sa bermuda grass na tinatambayan namin sa ilalim ng acacia tree. 

When the strange-looking guy finally reached our spot, doon ko lang napagtantong si Ivan pala ito. Dahilan upang bahagya ko itong pinanliitan ng mga mata.

When did his nickname become Ice Bear? 

"Talagang hindi mo ako bibigyan? Ang sama naman nito, isang piraso lang e!" protesta ni Dennis at sa isang iglap ay nag agawan na sila sa cheese flavored Piattos. Sakto naman may mga nalaglag na mga piraso sa dala kong picnic blanket kaya kinain ko na. 

Bahala sila. 

Sinubukan ko nalang ulit na i-pwesto ang sarili ko sa kinalalagyan nang bigla akong abutan ni Ivan nang isang puting hoodie. Mukhang tapos na ata silang mag agawan. 

Kunot noo ko lang itong tinitigan at muling ibinaling ang atensyon sa kanya. Doon ko napagtantong kaya pala hindi ko siya agad nakilala ay dahil iba na ang kulay ng buhok niya. Kulay puti ito. Pero hindi naman mukhang trying hard dahil bumagay naman sa maputi niyang kutis lalo't may katangusan din kasi ang ilong. He's also wearing his rounded glasses with eyes whose seemingly tired.

"Anong gagawin ko dito sa hoodie mo?"

"I didn't expect you to be someone who doesn't have common sense." 

Aba naman talaga. His eyes really are tired. Tired of everyone's bullshit. 

"Then expect more, make your standards higher," I replied blankly and rolled my eyes.

"Come on Daz, wag mo nang patulan si Ice Bear. Alam mo na ngang ang ikli ng palda niyo tapos hihiga higa ka pa dyan. Concern lang 'yung tao." Si Dennis na ang sumagot habang hawak-hawak ang supot ng Piattos na tagumpay niyang naagaw kay Ivan kanina. 

Dahilan upang mapa buntonghininga ako. "Sino ba kasing nagsabi na pumunta kayo dito at panoorin akong matulog? Isa pa, may shorts ako," I said nonchalantly pero nagpatuloy lang si Dennis sa pagkain. Habang si Ivan nama'y nahiga lang sa bermuda grass at nakatanaw sa kalangitan. 

Great, mukhang wala nga silang planong tantanan ako. 

"You know, you don't always need to isolate yourself from us, kaibigan mo parin naman kami." 

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Dennis kaya mabilis napadako sa direksyon niya ang tingin ko. He just smile as his eyes disappeared upon doing so. 

"You don't always have to walk those lonely streets on your own. Andito naman kami, pwede mo kaming tawagin. We can walk those road, alone together! Hindi lang ikaw ang nag-iisang taong hindi nakatutulog sa gabi, you have us. Lalo na si Ice Bear, hindi rin 'yan natutulog. Hehe!" 

"Ano bang pinagsasabi mo?" pamaang kong tanong at napaiwas ng tingin. How did he know? 

Sa isang iglap ay parang nanubig ang mga mata ko. Para ngang gusto ko na nga lang ding gumuho at bumalik sa piling nila. Aminin sakanila ang lahat. Bumalik sa kung ano kami dati. Ngunit bago pa man nila mapaghalataan ang bahagyang paglambot ng ekspresyon ko ay pasimple nalang akong lumunok ng laway at blangkong tinapatan ang mga titig ni Dennis. 

Hindi ako pwedeng umiyak sa harap ng kahit na sino. Kahit pa sa harap ng mga kababata ko. 

"Nga pala, birthday na ni Shine sa darating na Sabado," pag-iiba ko nalang ng usapan at napatingin sa asul na kalangitan.

"Baka gusto niyo kakong pumunta. Matutuwa 'yon," dagdag ko pa at sumandal sa punong nasa likuran ko. Grabe, ang bigat bigat ng pakiramdam ko. 

Ngunit nang mapagtanto ko kung anong sinabi ay agad lang ding nanliit ang mga mata dahil sa sarili. 

Naks naman. Umiiwas nga ako sakanila tapos i-ninvite ko pa sa bahay namin. Great job, Dazzle Amaria. 

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagtanaw sa kalangitan. Bahala na nga, hindi ko nalang babawiin. 

As if din naman kasi pupunta sila, e palagi naman silang wala. 

Sina Dennis at Ivan kasi, mga kaklase ko sila sa kinder kaya naging magkakalaro narin kami noong bata. Kulang pa nga sila nang dalawa dahil nasa guidance office ngayon si Markian at mukhang may ginawa nanamang kalokohan. Samantalang si Bella naman, lumipat na sa Deighville.

At ayon na nga, nabarkada na din naman sila kay Shine noong sa bahay na namin tumira ang step-mom ko kasama ito. Mas close na nga sila, actually saka—

"By the way, Panpan."

Sa isang iglap ay kapwa kami napalingon ni Dennis nang magsalita si Ivan. Kanina pa kasi ito tahimik at seryosong nakatitig lang sa kawalan.

"Hmm?" 

"Consist of four members 'yong activity natin sa Komunikasyon diba? Pipili lang ng members kaya gurpo nalang tayo Pan. Mamaya na rin naman ipe-present."

Anak ng pitong tupa. Akala ko pa naman kung anong importanteng bagay na, about sa school works parin naman pala.

Well, at least some things didn't change and it's Ivan's vibe. 

At salamat naman at may iba na kaming mapag-uusapan.

Dahil doon ay mabilis ko itong binalingan at pilit binabalewa ang mga pinagsasabi ni Dennis kanina. Doon ko lang napagtanto ang isa sa mga sinabi Ivan.

My eyes furrowed. "Pan? Panpan?" tanong ko at nagpalipat lipat ng tingin sa kanila.

"Huwag niyo sabihing dahil ikaw si Ice Bear ay itong hindot na to ang Panda Bear?" kunot noo kong tanong kay Ivan at tinuro si Dennis. Actually, gusto ko lang talaga sanang ibahin ang usapan at magpanggap na hindi ako apektado sakanila, pero takte naman kasi talaga 'yong Panpan at Ice Bear. 

"Kadiri." Suminghal ako na marahan namang pinagtawanan ni Ivan. 

"Mas mandidiri ka pag nalaman mo kung sino si Griz. Hehehe!" bungisngis pa ni Dennis at siya na itong na higa sa picnic blanket na dala ko. Para ngang mahal na mahal niya ang naging nickname niyang panda, kaya may pa gulong gulong pa itong nalalaman habang abot tenga ang mga ngiti. 

"No thanks, mukhang alam ko na kung sino. Nga pala, sa grupo niyo nalang din ako sa Komonikasyon ha," sabi ko nalang ngunit mas lalo pa silang nagatawanan. 

Ngunit imbis na mabanas ay mas nanaig sa 'kin ang kakaibang pakiramdam habang pinagmamasdan sila. Ilang taon na ang nagdaan pero napaka bigat pa rin nito. Na para bang naipon lahat ng mga bagay na hindi ko sinasabi at dinadaganan nito ang kaluluwa ko. Hindi pa rin nagbabago si Dennis, isip bata pa rin siya habang si Ivan naman ay katulad lang ng dati, napaka seryoso sa buhay. 

"Daz baka nakakalimutan mo, hindi ka namin ka-klase." 

Sa isang iglap ay naurong lahat ng emosyon na mayroon ako. 

"Holy cow!" singhal ko nang mapagtanto ang bagay na 'yon at agad napatayo.

"Wow, ngayon ka lang nag-react ng gan'yan, it must be serious? Huwag mong sabihing wala ka paring kaibigan sa section niyo?" mapaklang saad ni Ivan na mas lalong nagpaakyat ng dugo ko sa ulo.

Fuck. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro