fourteenth dream
While they were celebrating the achievement that we just got, I remained silent and observe everyone with with those laughter and smiles again. Unlike me, nath and ivan immediately adapted with the surrounding and vibe with everyone.
And I am indeed glad for it, however, there's this part of me, who envied them somehow. I don't know, maybe because I can't function the way they do?
And no matter how I convince myself that I should be okay with it, a part of me still wished to be like that. To spark again. To be able to shine again after the clouds passes by.
But what can I do? Maybe every person around where still like stars that I am currenly gazing at this glass window. Maybe majority of people can still be able to regain the lights no matter how the universe took it away from them. They can shine again, they can pretend to live again, despite of being dead inside.
And a black hole like me can't relate. I was used of being a lonewolf and to feel nothing but emptiness. Yet, at this rate, despite of the fact that I'm starting to feel strange emotions again, I couldn't still even smile quickly.
I couldn't even be as lively as everyone around. A part of me was still trapped in a void and I can't help it. Sure thing the difference is I am now with lively people.
And honestly, I am trying to smile and to live with them but a portion of my soul had died few years ago. I am trying to be happy when they're around but my insomnia kept on reminding me how empty I really am.
I sighed and come up with the conclution that maybe I really am a personification of black hole. A walking dead.
Unlike other people who can still shine like stars despite of being dead inside. I couldn't. I still feel empty and I couldn't even fake it.
I will always end up destroying everything if I won't stay away from—
"Ay butete!"
I immediately snapped back from the reality when rui suddenly appeared out of nowhere.
Kamuntikan na pala itong ma-slide at masagi ang vase na malapit sa bintana. Mabuti't naka balanse pa ito at naka-iwas.
"Daz, ano pang ginagawa mo dito? Ang sabi ni markian kumuha ka ng bote dito sa kusina pero ba't naka tunganga ka na d'yan sa may bintana?"
It then hitted me. Hala, oo nga pala.
Nagmadali akong nagtungo sa may kabinet sa lalabo pero pinigilan lang ako ni rui at sabi'y hindi na daw kailangan dahil may nakita nang bote si orion sa veranda.
"Saka naglalaro na sila ng spin the bottle doon," dagdag niya pa at nakisilip na din sa glass window.
Nanliit naman ang mga mata ko at pinasadahan ito ng tingin. "Eh bakit ka andito?"
She just smiled and shrugged her shoulder. "Wala e, hindi ako magaling magsinungaling at hindi rin naman maganda ang mga katotohanang lumalabas sa bibig ko. Makakasira lang ako ng kalooban."
In a sudden, I found myself being relived.
Damn, I really thought I was the only one.
"Hoy ano pang ginagawa niyong dalawa d'yan? Tara na dito! Walang tatakas, lahat tayo sasali!"
Kapwa kami napalingon nang marinig ang boses ni markian na para paring naka lunok ng mega phone, wala na din kaming nagawa nang kaladkarin niya kami papunta sa may veranda nila.
•••
Nasa pagitan ako ni dennis at nathalie habang naka pabilog kami sa may sahig. Mayroon namang mga unan at banig kaya hindi masysdo malamig.
Tanaw dito ang madlim nang kalangitang tanging ang buwan at mga bitwin lang ang nagbibigay liwanag. At oo, mukhang patay kami sa mga parents namin dahil gabi nanaman kaming makaka uwi.
Kanina pa nagpapaikot ikot ang walang lamang bote at kaunti nalang kaming hindi nalalagas.
Ni hindi naman ako takot sa truth or dare, pero dahil sira ulo ang mga kasama ko, mukhang nakikinita ko na tuloy kung ano ang magiging kahinatnan nito.
Tahimik ang lahat habang hinihintay nila ang bote na huminto, at sa kamalas malasang resulta ay mukhang sa 'kin pa ito tuturo. Nagsisigawan na sila at nagmumurahan ngunit natawa nalang ako nang lumagpas ito sa 'kin.
"Hala ang sama!" reklamo ni dennis na siyang naturo nito.
Napangisi naman agad si markian at nagtaas agad ng kamay, mukhang gustong gusto niyang siya ang magtanong sa kaibigan kaya hinayaan na namin.
"Truth or dare!" buong lakas na sigaw ni markian dahilan para sikuhin pa siya ng katabing si ivan. Kahit kailan talaga napaka lakas ng boses ng isang 'to.
"Dare." taas noo namang saad ni dennis kahit pa namumula na ang tenga nito.
"I dare you to confess your feelings bukas sa teacher natin sa physical science!"
Mula sa pigil nitong pag hinga kanina, ngayon naman ay malaya na siyang natawa at napa-iling iling. "Sama ng loob lang naman ang mayroon ako doon, griz."
Agad namang napakunot ang noo ni mark at napahawak sa baba. "Ay mali! Sa creative writing pala natin na teacher!" bulalas nito agad at napangisi ng pagkalapad lapad. "I dare you to confess your feelings tommorow sa creative writing natin na teacher! Diba crush mo si ma'am?"
Agad namang nang asar sila orion at nath kaya nakisabay na rin ang iba.
"Kaya pala walang nilalanding classmate, kasi ang teacher ang gusto!" panggagatong din ni chenzo at nagasaran nanaman sila. Sa huli ay wala nang nagawa si dennis kundi ang sumuko at pumayag na.
Nagpatuloy sila sa pag-iikot ng bote hanggang sa walang mintis at ako na talaga ang naituro nito.
Agad naman akong natuod sa kinauupuan nang magsi tinginan silang lahat sa 'kin. Majority ang pumili kay chenzo para magtanong kaya no choice.
Halos kaharap ko nga lang siya at kanina pa siya bumubungisngis habang naka tungin sa 'kin. Animo'y may masama itong binabalak.
Agad naman akong nanlamig at napalunok ng laway.
Nako naman.
"Dazzle amaria. Since kakakilala lang natin sa bahay nila dennis at maliban sa lampa ka ay wala na ata akong ibang alam na bagay tungkol sa 'yo," pag-uumpisa niya at seryoso akong tinitigan. Nagpipigil pa nga ito ng ngisi dahilan para manliit ang mga mata ko.
Mukha siyang isda.
"May I know what's your first love's name?"
Mas lalo ko itong pinanliitan ng mata at mapaklang natawa. "Sira ulo, hindi mo pa ako pinapili kung truth or dare."
Agad namang nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ito at napasinghal. "Hala oo nga pala!"
Napuno ng tawanan ang buong lugar ngunit napa iling lang si chenzo at pilit pinapaglaban ang dignidad niya. "Sandali, ganoon pa rin naman 'yon! Kung truth ang pipiliin ni daz edi sasabihin niya ang pangalan ng first love niya, kumg dare naman, uutusan ko pa rin siyang sabihin ang pangalan ng first love niya!" pangangatwiran niya pa. Ngunit halos hindi na sila magkamayaw dahil nagtatanawanan pa sila orion, nath at rui.
"Alam ko kung sino! Si ice bear!" halos sabay pang bulalas nila dennis at mark kaya napasinghal nalang talaga ako.
Hindi naman totoo ang sinabi nila pero ba't ako kinakabahan ng ganito? Lalo pa't biglang natahimik ang paligid at mukhang hindi nila inaasahan ang sagot na 'yon.
Nagpalipat lipat naman mg tingin si chenzo sa 'kin at kay ivan at unti unti nanamang pumorma ang nakakaloko nitong ngisi. "Totoo?"
"Hindi!" sabay pa naming saad ni ivan, dahilan para pagtinginan pa tuloy kami lalo ng may pang-aasar.
"Seryoso hindi talaga—"
"Anong hindi? Magkababata tayo daz, ramdam namin ang pagtingin mo kay ivan. Actually m.U. Talaga sila dati!" putol ni markian sa sinaaabi ko at nagsigawan nanaman sila. Ngunit hindi katulad kanina ay hindi nakisali sina nath at orion.
Mas lalo tuloy akong naasiwa at halos gusto nang pag-uumpugin ang ulo nila dennis at markian na hindi parin tumatahimik. I know I'm not a violent type of person but even I, myself, can't understand why am I having this urge to defend the spot.
I breathe harshly and stood up. I wanted to silence everyone, I wanted them to hear me out. I wanted them to believe me.
"It wasn't ivan. I swear to the universe, it wasn't him. Ni hindi nga kami talo!" giit ko na mabuti naman at sawakas, ay pinakinggan ni chenzo.
"Kung ganoon sino?"
In instant, I was lost of words. A realization then hitted my mind and immediately bit my tongue.
Why am I defending my first love? Who the hell am I even defending?
"Kung hindi si ivan, edi sino? What's his name?" nakangising tanong ni chenzo na mukha na atang sinapian ng demonyo.
Muli akong napalunok ng laway at kung minamalas pa'y bigla pa tuloy akong napa tingin sa direksyon ni orion. His night-like eyes was already staring into mine and unlike every other time, his stares doesn't comfort me at all.
Its more likely a reason why I'm eager to defend someone's place, and the very reason why panicking like this.
His eyes. His stares.
It made me anxious and I don't like it.
Agad na akong napa iwas ng tingin at hindi nalang pinansin ang kaba sa sistema ko. I took a deep breath and try to calm myself.
"M-maybe it was kuya ryan." agad akong napayuko.
"Sino 'yon?" naka pamewang nang tanong ni chenzo kaya sa pagkakataong 'yon ay idinaan ko nalang sa mapaklang tawa ang lahat at bumalik na sa pag upo.
"Ang sabi mo lang ay sabihin ang pangalan. Hindi mo sinabing kasali ang personal information at biography."
Mabuti naman at sinalba ako ni rui at sumang ayon sa 'kin. Siya na rin ang nagpa ikot ng bote para sa iba naman matuon ang spotlight.
•••
Alas siete na akong naka uwi sa bahay at hindi naman pinagalitan ni dad. Mukhang tulog na nga siya nang maka rating ako at ang tanging nadatnan ko lang sa sala ay si shine, nakangiting nag aantay sa pag-uwi ko.
"Dazeng! Halika sabay na tayo kumain," masigla nitong saad at sinabayan nga ako sa pagkain pagkatapos kong makapag bihis. Ikinwento ko naman sakanya ang mga nangyari sa school ngayong araw, katulad ng lagi kong ginagawa bago kami nagtungo sa kwarto.
Akala ko nga ay makakatulog na ako ng maaga ngayon ngunit mali ako. Katulad ng nakasanayan ay mukhang magbibilang nanaman ako ng mga tupa bago dalawin ng antok.
Napabuntong hininga nalang ako at binuksan ang phone. Aaliwin ko sana ang sarili ngunit agad din namang dinapuan ng matinding kaba nang mapagtantong may isa pala akong unread message mula kay orion.
Unknown Number:
Sino 'yong kuya Ryan? 🙂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro