Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

fifthteenth dream

In instant, my heart started to pound rapidly as if it was trying to escape from my ribcage. Not even the scariest movie can compare to what I am feeling. I took deep breath and upon noticing that I haven't still add his number to my contacts, I immediately added it and change his contact name.

The boy who
questions everything

Sino 'yong kuya Ryan? 🙂

Kakilala ko na
Hindi ako nakilala.

Pano nangyari 'yon?

See? Napapangatawanan niya ang contact name niya. I just shook off my head as a weak smile formed into my lips. Well, ano pa nga bang magagawa ko? Mukhang kailangan kong sagutin ang mga tanong niya.

Sa ospital ko siya
Nakilala 3 years ago.

Tapos?

Halos magkatabi lang
Kasi 'yong room nila
Ni mom kaya dinadalaw
Ko rin siya minsan kahit
Comatose siya.

14 palang
Ako noon kaya nagpipitas
Ako ng kung ano anong
Bulaklak sa labas ng
Hospital para sana ilagay
Sa kwarto niya. Para kako
Pag gising niya ay may
Makikita siyang maganda.

Kaso bawal pala ang mga
Bulaklak sa icu kaya tinago
Ko nalang muna sa bahay
At inipon. Ibibigay ko nalang
Kako kapag apag magaling
Na siya at nagising na.

Talaga?

Oo, kaso isang araw,
Nalaman ko nalang
Na iniuwi na pala siya.
Hindi ko tuloy naibigay
'yong mga bulaklak pati
Naipakilala 'yong
Sarili ko.

Uhuh?

Teka nga, bakit
Parang galit ka?

Hala? Hindi ah,
Ganito talaga ako
Mag type. Hahaha

Hindi ka kaya
Gan'yan nong
Huli tayong nag text.

Panong hindi ganito?

Mukha kang galit
Ngayon. Para mo
Akong inaaway.

Ehh???
Nagtatanong lang
Naman ako kung sino
'yong Ryan.

Lol

Ikaw lang ata kakilala
Kong gamit ng gamit ng
Lol pero hindi naman
Natutuwa o(╥﹏╥)o

Sinong nagsabing
Hindi ako natutuwa?

Bakit? Masaya ka
Na sa'kin??

Oo.

Talagaaa?

Natatawa ako sa
Mukha mo. Para
Kang meme.

ಥ⌣ಥ

•••

The next day, I hurridly pace my way towards our classroom just to make it on time. I tried dodging every students and teachers on the process as I really don't want to make an extra reason for being late.

After winning the ladder quest, I didn't waste a single second and enclose the remaining distance betwee the room. I was about to reach our back door, when someone from the other section suddenly opened their front door.

Dahil magkatabi ang classroom namin, at sakto't nagmamadali ako, hindi ko tuloy naiwasan ang pintuang naka bukas at bumangga ako doon.

Dammit. Mukhang magkaka bukol ata ako!

A sighed escaped my lips as my brows forrowed. However, I just tried to keep my composure still, especially when the culprit panickly check if I was okay.

And well, it's orion.

Unlike every other day, his semi-long hair is now tied and some strand of his bangs where even showing up to his forehead. He somehow reminds me of season 4 eren yeager, and it suits him well.

He's also wearing a black facemask while his left hand is holding a feather duster. With those, I almost forgot about my head and was about to compliment how tying his hair suits him more, but words where nowhere to found upon realizing where his right hand is heading.

I didn't have the time to escape when he envelope me with it and caress my head like I was a baby.

"Hala, sorry! Ayos ka lang? Masakit ba?" alala nitong saad at nagpatuloy sa pag haplos sa ulo ko.

Mabilis kong nawagli ang kamay nito at agad napalayo. Mukhang kapwa kami nagulat sa naging reaksyon ko kaya halos sabay din kaming humingi ng tawad.

Damn, when will I get used of someone hugging me?

Pinilit kong ngumiti at tumango. "Ayos lang ako, salamat," giit ko pa at nagpaalam na.

Hindi ko na siya nilingon pa at agad nang pumasok sa section namin. Pagdating ko sa loob, naka upo na ang lahat sa kanya-kanya nilang mga upuan, habang ang balahurang markian naman ay naka pwesto sa upuan ko. Sa pinaka likod sa tabi ng bintana.

Pansamantalang nawala sa isipan ko si orion at pinanliitan ng mata si markian.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo d'yan?" tanong ko at inilapag ang pusa kong backpack sa armchair.

"Ang ganda palang maupo dito noh? Mapapa tulala ka nalang bigla habang nagbabalik tanaw sa masalimuot na nakaraan, hahaha!" humagalpak ito sa katatawa at pinagsasapak ang dingding na katabi.

Napangiwi naman ako at pinasadahan ito ng tingin.

"Sana ayos ka lang," kusa 'yong lumabas sa bibig ko habang inaantay pa rin siyang umalis sa pwesto ko. Mabuti nalang at wala pa ang first subject teacher namin.

"Kay dennis mo dapat sinasabi 'yan!" katulad kanina ay malakas nanaman itong natawa kaya napa buntong hininga nalang ako. Oo nga pala at ngayong araw magtatapat si dennis sa teacher niya.

Paniguradong na reject ang isang 'yon. Kawawa naman.

"Kahit kailan talaga markian, napaka kulit mo, bakit kasi 'yon ang ginawa mong dare kay dennis?" muli kong baling dito at inaksyunan itong lumayas na sa upuan ko.

Kaso mukhang hindi ako uubra kaya napa irap nalang talaga ako at naupo sa bakanteng armchair sa tabi niya.

Ka-asar.

"Para may mga memories tayong pagtatawanan sa future?"

Agad akong natigilan dahil sa naging sagot niya at seryoso itong tinitigan.

To think of it, markian was the master mind behind all of the happenings this past few days. Ang rason kung bakit nagmukha kaming characters sa horror movie noong nakaraan, at kung bakit kami nawawalan ng dignidad dahil sa truth or dare kagabi.

Is he doing that to cherish every moments? And to have something to remember when we get older?

Si markian?

"Ano? Bakit gan'yan ka maka tingin sa 'kin? Wag mo sabihing ako talaga ang first love mo?" pinanliitan niya ako ng mata at bahagyang napalayo.

Gusto ko sanang masamid ngunit napa iling nalang ako at ibinaling ang tingin sa harapan.

"You changed," mahina kong saad na sakto lang para marinig niya.

"We're supposed to. Daz, and you also do."

The atmosphere suddenly changed, and right from the moment, we knew we're now talking seriously. For almost a long time, a genuine smile then slit right into my lips and it somehow made me at ease.

"So ano, after three years, babalik ka na ba sa 'min? Magkaibigan na ba tayo ulit?"

I nodded. "S-sorry, natagalan."

Hindi katulad ng malakas at nakakarindi niyang tawa, he just chuckled and smile genuinely.

"Ano ka ba, ayos lang. You can always have your own pace."

"Guys! Announcement!" agad nang naputol ang momentum sa pagitan namin ni markian nang sumigaw ang class president namin.

Mabilis naman kaming napatingin sakanya na kapwa ito pinanliitan ng mata.

"Approved na ng principal ang aquintnace party para sa grade 11!"

•••

Matapos ang announcement na 'yon ay nagkagulo ang buo naming section. Kanya kanya na sila ng plano sa mga susuotin at mga gagawin.

Nanatili naman ako sa kinauupuan at tahimik silang pinagmamasdan. Lumipas ang buong morning session at maugong pa rin ang gagamapin na aquintance party. Napangiwi nalang nga ako habang tinatahak ang daan pababa ng building kasabay si markian.

Well, inaya niya kasi ako na sumsbay sakanilang mananghalian at damayan na din daw namin si dennis dahil sa pagiging broken nito.

Minsan nga—"Dazzle amaria!" agad akong napalingon dahil sa pamilyar na sigaw na 'yon ngunit huli na ang lahat upang pigilan ito sa pag damba sa 'kin.

Dahil nga hindi ako pinagpala sa katibayan ng katawan, kapwa kami nasubsob sa hallway.

"Anak naman ng tupa, nath." suminghal ako at pinasadahan ito ng tingin.

"Sorry! Magtatanong lang naman sana ako kung anong susuotin mong dress sa aquintance party. Hehe."

"Malamang 'yong pang black lady na short hair. Parang 'yong gothic version ni mikasa!" natatawang sagot ni rui na dadaan lang sana hagdan para bumaba, kaya ayon, hinila na rin namin ito. Napamura pa siya nang ilang beses ngunit tumumba rin kasama namin sa hallway.

"Tangina, baka nakakalimutan niyong maikli ang palda niyo? Anong kala niyo sa mga sarili niyo mga bata?" bulyaw ni markian at dali dali na kaming nilagpasan at bumaba sa hagdan. Ni hindi manlang kami tinulungan!

"Sorry naman, master," bungisngis ni rui nang maka tayo na kaming tatlo.

"Ikaw nath anong isusuot mo?" baling naman nito kay nathalie at sa isang iglap ay mukhang magkasundo na sila sa pinag-uusapan.

"Uhm... Since masquarade ang theme natin, gusto ko sigurong mag suot ng pink bodycon dress with fishnet stockings, tapos maskara ni ghostface! Muwahaha!" buong ngiti nitong saad at nagtatalon pa sa tuwa.

Bahagya din akong natawa sa ideya niya at napa iling. Ilang sandali pa ay bumaling ako kay rui at tinanong ito sa isusuot niya ngunit isang ngisi lang ang itinugon niya dito.

"Secret!"

Agad na itong naglalakad pababa ng hagdan at pinagtatawag pa si mark, wala naman kaming nagawa kundi ang sumunod sakanila at maka salubong ang isa naming kaklase.

"Ang dami mong babae markian ah!" nangaasar nitong baling kay mark na nauna nang maka baba.

"Hindi ko sila type. Sila 'tong sunod ng sunod sa 'kin," agad namang sagot naman ni markian dahilan para mapasinghal ako.

Well, some things surely change but he's still the markian that I grew up with.

Mahangin pa rin siya.

Nang maka alis 'yong kaklase namin ay bigla nanamang nagtatawa si markian at binalikan kami. "Charot lang haha! Tara na nga, sabay sabay na tayong mananghalian." kapwa niya kami inakbayan ni nath at pinaggugulo ang buhok habang sinubukan naman ni rui na makatakas.

Ngunit hindi na niya ito nagawa dahil nang bitiwan kami ni markian ay agad naman niyang nadakip si rui at siya naman ngayon ang pinaggugulo ang buhok.

"My hair!" palag pa nito ngunit talo pa rin.

Hindi na kami nagpakaladkad sakanya at kusa nalang na sumunod hanggang madatnan namin sa may pastilan malapit sa somber high si dennis. Patuloy ito sa paglaklak ng chukie, habang kasama sila ivan, orion at chenzo sa pahabang mesa.

Dito pala sila laging tumatamlay kapag break time, habang nagpi-picnic ako doon sa kakahuyan ng somber high at mag isang kumakain.

Well, I sincerly found solace in solitude, but I must admit, hanging out with friends is also good. And I miss this.

Three years ago pa simula noong huli kong naka sabay sila markian, dennis at ivan sa pagkain. Nakaka galak din sa loob dahil nadagdagan kami ng mga miyembro sa pagkakataong 'to.

Maging sa pagkain ay napag-uusapan parin nila ng gaganapin na party ng school. Sina rui at nath kasi ang pasimuno at mukhang exited na exited na. Dumagdag pa si chenzo't nagsabing magko-costume daw siya bilang batman kaya pinagkaisahan pa tuloy nila.

"Hindi! Mas bagay sa 'yo mag cosplay bilang si denji. Para ikaw na si chenzo man!" panggangatong ni rui kaya napa approve sign nalang si chenzo at pinanliitan ito ng mga mata.

"Nakakatawa 'yon rui?" sarkastiko nitong saad kaya napa-iling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Simula nang makilala ko sila kila dennis, palagi nalang talaga silang nag-aasaran at naggagaguhan. Pero noong akala ni rui'y nasa panganib si chenzo ay hindi naman ito nag atubiling tulungan ang kaibigan.

Mabuti nga at kahit halos magpatayan sila minsan ay hindi naman nila pinapabayaan ang isa't isa. It somehow reminds me of the friendship that I had with my childhood friends. But well, maybe friendships will really look like this, at some point.

"Ikaw den? Maliban sa bandshirt na all american reject, anong plano mong suotin sa gaganapin na aquintance party?"

Halos mabulunan naman sa pagpigil ng tawa sina chenzo kaya agad ko nang tinapakan ang paa ni markian na katabi ko sa upuan. Napagtripan ba nanaman si dennis, kitang nananahimik at nakatulala na nga lang sa gilid!

Kaya lagi siyang napapatawag sa guidance e.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro