Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

fifth dream


5: Potential Rival 

Dali-dali akong bumalik sa classroom at hindi na pinansin ang pagtawag nila Dennis. Gusto ko na nga sanang sulitin ang mga sandali para ilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan pero mukhang nawala na sila. 

Nawala na nga rin ang bigat na nararamdaman ko at napalitan na ng kaba. Dahil talaga 'to sa reyalidad na wala pa rin pala akong ka-grupo sa next subject namin e. 

And hell, for someone who doesn't have a dream, maybe I really am legendary. Takot ba namang hindi maka-comply sa activity. Ni hindi nga rin ako pumapayag na ma-late o maski bumagsak sa test.

I don't know. Maybe beacuse... 

"I have pride and I don't want to look pathetic!" 

Kapwa kami nangkatinginan nang babaeng nakasalubong ko. Gulantang kaming pareho sa presensya ng isa't isa e. 

Naka dutch braid ang buhok nito habang may suot na salamin na katulad kay Ivan. Ang kaso lang ay kulay pink ang frame nito. Honestly, she really looks so innocent and sweet. Maybe because she's wearing a denim jacket patched with stickers in pastel colors, or maybe because of the way she smiled at me kahit pa mukhang nahuli ko siyang kausap ang sarili niya. At partida, mukhang maling classroom ang pinasukan ko. 

"Dazzle Amaria! Hello!" bati ni Markian sa 'kin at kumaway pa. Nakaupo ito malapit sa pintuang kinaroroonan namin. 

Oo mukhang maling classroom nga ang napasukan ko, andito kasi si Markian. Mabuti at sa back door ako dumaan. 

"Oy, Mark, kamusta na? Long time no see, let's never meet again, okay? Punta na ako sa classroom ko," bati ko dito at kumaway. Akmang maglalakad na ulit ako ngunit bigla akong hinila nung babae papasok.

"Gaga, ito ang classroom mo," natatawa niyang saad ngunit hindi nalang ako kumibo kahit pa mamilipit na sa sakit. Damn, where did she get those strength? Halos masubsob na nga ako sa sahig kung hindi lang lumapit si Markian sa 'min! 

Muli ko itong tinapunan ng tingin at pinanliitan ng mga mata.

For someone who likes pastel colors, she surely is dangerous. 

Napabuntong hininga nalang talaga ako at imbis na magpaapekto ba ay  muli nalang na binalingan si Markian, ang ikatlong bear sa samahan ng mga hayop na may galit sa mundo. Panigurado, ito si Grizzly Bear.

"Kung classroom ko 'to e bakit ka andito?"

"Wala e, inilipat na ako ng adviser ko sa section niyo. Ipinagpalit niya ako sa isang transferee kaya ayaw na daw niya sa 'kin," bumaling ito sa direksyon namin. "Ni hindi man lang tinanong kung gusto ko ba siya," dagdag pa nito at humagalpak na sa katatawa. 

Aktong hahampasin na sana niya ako habang tumatawa pero agad na akong umiwas. "Kung gusto mong tumawa, tumawa ka lang, wag kang manghampas," malamig kong saad bago sila tinalikuran. 

But as I was about to take a step, muli akong hinila nung babae at sa pagkakataong ito ay napasubsob na talaga ako sa sahig. 

Anak naman talaga ang tupa.

"What the hell, ba't ba ang bu-brutal niyo?" mahina kong saad at agarang tumayo, kita ko namang nanlaki ang mata nung babae at mukhang hindi ata inaasahang matutumba ako dahil sa pag hila niya.

"Nako sorry!" agad niyang bulalas at lumapit sa 'kin. Gusto ko sanang ma distract sa hindi parin tapos sa pagtawang si Markian at talagang pinagsasapak na nga niya 'yong pader, ngunit hindi ko nalang ginawa at pinanatili ang walang emosyong mukha. 

Okay, edi ako na ang lampa. Tanggap ko 'yon. 

Later that afternoon, doon na namin nalaman na kaya pala panay ang hila sa 'kin 'nong babaeng 'yon ay dahil gusto niya pala akong aluking maging ka-grupo sa next subject namin. Dahil consist of 4 members 'yon, sinali nalang namin si Markian at nanghila nalang din kami ng isa pa. Buti naman at naka survive. 

Hindi ko nga lang alam hanggang kailan aabot ito ang survival luck na mayroon ako. 

"Can you atleast smile? Nasa harap tayo ng hapag kainan, Amaria," sita ba nan sa akin ni Dad nang mag-agahan kinabukasan.

I just nodded as I tried to grant his command, But well, it didn't last. Magaling lang talaga siguro akong magpanggap na okay sa essays pero hindi sa facial expression. 

Napailing nalang ako at pinagmasdan si Daddy. He's already wearing his white polo and such. Mukhang ready nang para pumasok sa ospital.

Sitting beside him on our rounded glass table is Tita Gina who's also wearing her mint green blouse as her uniform. Beside her is Shine who has a same outfit as mine. Pinagitnaan namin siya ni Tita Gina, habang si Dad naman ang nasa kanan ko. 

"Daz, how many times do I have to tell you, huwag kang bumusangot sa harap ng hapag kainan," seryosong saad ni Daddy at tinaliman na ako ng tingin. 

"Alalahanin mo malapit na ng birthday ni Shine. May mga bisita tayong dadalo at ayokong makita ka nilang naka ganyan." Tinuro niya gamit ng kutsara ang mukha ko. 

What? Hindi naman ako naka busangot. Saka sinisikap ko namang maging hindi nangmumukhang galit. 

"Stop that, Dazzle Amaria," dagdag niya pa maya maya dahilan para manliit na talaga ang mga mata ko. 

Okay, I'm done with this. 

Huminga ako ng malalim at ibinaba ang mga kubyertos na hawak ko. I then met his raging eyes with an insipid gaze. 

"Sorry about my face, okay? I was born with it." 

"Is that how I raised you, young lady?" singhal na nito at padabog na ibinagsak ang mga palad sa mesa. 

Kapwa nga napatigil sila Shine at Tita Gina sa pagkain ngunit hindi ko na ito ininda. 

"What? I just said sorry." I gave him a poker face but the indignation in his stare never ceases. Saka bakit ba kasi siya ako pinipilit na ngumiti eh hindi namang kasiya-siyang makita siya?

"It was sarcastic!" 

•••

After our breakfast na nauwi nanaman sa pagtatalo, I immediately made my way out of the house but this time, my acoustic black guitar is with me. 

Sumakay ako sa pinaka unang electronic jeepney na huminto at agad naupo sa pinaka likod.

I was busy relaxing my mind upon staring outside the window, when unexpectedly, I heard this familiar yet weird song that really creeps the hell out of me.

Sigurado akong hindi 'yon galing sa radyo ng jeepney dahil naka off na 'yon. Isa pa, sigurado rin akong nasa malapit lang ang nagpapatugtog. 

I quickly scanned the non-so-crowded vehicle only to see a familiar girl wearing its pink denim jacket patched with stickers in pastel colors. Nakaupo siya sa harap ko. Ganoon naling din akong napakurap kurap nang mapagtantong mukhang ito rin 'yong parehong jacket na suot niya kahapon. 

I was about to raise my hand and call out for her but as soon as something dawned on me, I immediately stopped halfway. Hindi ko nga pala alam ang pangalan niya. 

"Hey?" I hesitantly uttered in the end. Mabilis naman itong napalingon sa direksyon ko at napangiti ng malapad nang magtama ang paningin namin.

"Hey!" bulalas niya din at buong galak akong kinawayan. Hindi niya rin siguro niya alam ang pangalan ko. 

Sa isang iglap ay katabi ko na siya sa upuan habang ang mga ngiti ay hindi parin mawala sa kanyang mga labi.

Unlike the other day, naka lugay na ang mid-back length niyang buhok pero suot pa rin naman ang salamin niya. Ang kaso lang ay sumisilip mula sa kanang bulsa ng denim jacket ang phone na pinagmumulan ng nakakahilakbot na kantang 'yon. Para pa nga itong nang-aasar dahil mas napalapit tuloy ito sa 'kin. 

"Hala, ba't namumutla ka? Nakatayo din balahibo mo sa batok, oh?" 

Agad nabalik sa mukha niya ang atenyon ko. 

"Your music is creepy." Well atleast, I didn't lie. Nakaka proud. 

"Wait, what?" nanlalaki ang mga mata niyang bulalas. Kinunutan niya ako ng noo at halos hindi matanggap ang kanina lang ay tinuran ko. Halos ilayo na nga niya ang sarili niya sa 'kin na para bang isang kagaguhan ang sinabi ko. 

"Melanie Martinez is not creepy!" Suminghal ito at sinamaan ako ng tingin. 

Gusto ko sanang mag panggap na nasisindak ako sakanya pero wag nalang. Gagawin ko nalang siguro 'yon kapag mas matangkad na siya sa 'kin at wala nang light pink na ribbon sa buhok. 

Buong biyahe papuntang Somber High ay pinagdikdikan niya sa 'kin si Melanie Martinez at halos i-kwento pa ang buong biography nito.

Hangang makarating sa classroom ay hindi pa rin niya ako tinantanan at nag umpisa na ring magkwento sa iba niya pang paboritong artist.

Mukha ngang kampi sakanya ang kalangitan at absent pa ang first subject namin. Ibig sabihin, mas madami na siyang oras para daldalin ako.

Minsan nga gusto ko nalang siyang itapon palabas ng bintana. 

Pero on the other hand, hindi ko 'yon pwedeng gawin kasi kung tutuusin, ganito rin naman kadaldal si Shine sa bahay. Baka rin kasi katulad ng kapatid ko ay minsan lang ito may makausap kaya pinakinggan ko nalang. 

Ganito rin naman kasi ako. 

Saka nakagagaan kaya ng kalooban pag may napagsasabihan ka ng mga bagay bagay, living or non-living things man ito. 

At oo nga pala, ang dami dami na niyang pinagsasabi pero hindi niya pa rin sinasabi ang pangalan niya. Ni hindi ko nga alam kung alam niya na pangalan ko.

Muli kong ibinalik ang tingin sakanya at ganoon nalang ang gimbal nang may mapansing kung ano. "What the hell," seryoso ko pang saad at hindi parin inaalis ang pagkakatitig sa suot niyang jacket.

"Is that Jason Vorhees?" Hindi ko na napigilang mapabulalas at tinuro ang isa sa mga patched stickers sa denim jacket nito. 

Bahagya siyang natawa dahil 'don. "Ang tagal ko nang suot ang jacket na 'to ngayon mo lang napansin? Hahaha, well atleast may naka pansin!" buong ngiti nitong saad kaya halos malaglag ang panga ko dahil sa isang reyalisasyon. 

All this time, hindi lang pala basta basta stickers ang naka tahi sa jacket niya. It was horror villains in pastel vibe all along.

Like what the fuck?

Sinong nag bigay nang karapatan sakanyang gawing pastel at cute ang mga horror villains na minahal ko noong bata pa ako?

Look at Pinhead, mukha siyang fairy god motherfucker na hindi matanggap ang kapalaran niya sa buhay. Even my Freddy Krueger, nagmukha siyang nanghihingi ng tulong sa 'kin dahil ginawa na siyang unicorn ng babaeng 'to.

Holy cow, this is the real horror. This pastel girl is the real horror!

"What? Ba't ganyan ka maka tingin? Crush mo na ako? Oh, sorry, I'm Nath..." Inilahad niya ang palad niya. 

Napailing iling ako. At ngayon niya pa naisipang magpakilala?

"Do you even know that my name is Daz?" putol ko sa sinasabi niya. 

"Nath Ynterested." / "Dazen Givashyt." Sabay pa naming saad dahilan para kapwa namin sinamaan ng tingin ang isa't isa. 

Kung sa ibang tao namin sinabi 'yon edi plus points nanaman sana kami sa impyerno. Pero hindi e. Pareho naming nasupalpal ang isa't-isa.

Anak ng pitong tupa, mukhang bababa ata ang ranggo ko sa sangkayawaan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro