eighth dream
8: When you lose your spark
Sinabi ko sa sarili kong hindi na muna maggagala kapag gabi, pero heto ako ngayon, bitbit ang pusa kong back pack, tinatahak ang madilim at ma-hamog na daan patungo sa abandonadong night club.
Katapat ito nagsara ng funeral parlor ng mga Mondevilla at tanging liwanag lang mula sa mga bituin at buwan ang nagsisilbi kong ilaw.
Kung hindi kasi pundido ay nagpapatay sindi rin naman ang mga lamppost, napapangatawanan talaga ang titulo nito bilang haunted spot ng Yawaka City.
Daanan kasi talaga ito papunta sa Misfit Hills, ang lugar kung saan maraming kababalaghan ang nangyayari. Nakaka gaan lang ng loob dahil walang tao at hindi naman ako takot sa malignong gustong magpakita.
Mabuti nga't dinala ko ang itim kong accoustic guitar, mga ganitong oras kasi talaga magandang tumugtog at mag concert. Ramdam mo ang malamig na hangin ng gabi at may mga nagliliparang paniki sa kalangitan.
I just continued walking my way towards the abandoned night club while vibing with the entire night sky, however, upon reaching the streetlight behind my favourite place, napansin kong may lalake palang naka sandal doon at kanina pa naka tingin sa 'kin.
If it wasn't for his signature leather jacket, I'd mistaken him for a pale and insomnaic version of Freddy Krueger.
Damn.
"Bakit ba kung asan ako ay nandoon ka rin?" bulong ko sa sarili bago tinakbo ang nalalabing hakbang palapit sakanya.
I'm sure he doesn't hear what I said but he still greeted me with a smile. He even extended his arms as if waiting for me to reach his spot so that he can hug me.
Kaya ayon, agad akong umiwas.
"Sira, ano ba kasing ginagawa mo dito Orion? Alam mo bang malapit nang maghating gabi?" tanong ko nalang at mas humakbag pa paatras sakanya.
Bahagya lang siyang natawa at ginulo ang buhok ko.
"Where do insomniac persons go, Amaria?" nakangiting nitong tanong saka ako tinalikuran. Agad namang nakunot ang noo ko nang tahakin niya ang direksyon patungo sa likod na bahagi ng abandonadong nightclub.
Ako naman itong parang timang at sinundan din siya, pero paulit ulit na itnanong sa sarili kung sure ba siya na sa night club nagpupunta ang mga insomniac na tao. Parang noong nakaraan lang ay sa 7/11 niya pa kasi ako dinala.
"Hey."
Mabilis nabalik kay Orion ang atensyon ko nang bigla niya akong hawakan sa may pupulsuhan. "Bakit?"
Gusto ko sana 'yong wagliin ngunit hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya. It was actually gentle and kind. At nakakakonsesnya naman kung maharas kong itatapon ang kamay niya palayo sa 'kin.
Saka...
Wait, when the hell did I start having conscience?
"Baka kasi matisod ka, saka andito na tayo," aniya at inalalayan pala ako papasok sa loob ng abandonadong night club. Doon ko lang napansing hawak niya pala ang phone niya sa kabilang kamay at naka on ang flash light.
Doon lang din nag sink in sa 'kin na nakapasok ako sa loob ng night club at partida, naka akyat pa ako sa second floor at makakatambay pa sa veranda.
Like wtf?
"So all this time bukas pala ang backdoor?" I sighed. "Man, mukha akong pulubi na tumatambay sa labas for the past four years!" sambit ko nang maka rating kami sa veranda.
"Bakit kasi hindi mo tinignan lahat ng anggulo bago ka umupo sa isang tabi?"
Nauna na itong umupo sa sahig at isinuot ang paa sa pagitan ng mga railings ng veranda. Agad rin naman akong gumaya at inilibot ang mata sa paligid.
Ni hindi ko na nagawang sagutin ng tanong niya at tuluyan nang namangha sa tanawin. Kita mula rito ang tahimik na kalsada sa baba pati na ang mga atip ng ilang nga kabahayan. Gusto ko na nga sanang ngumiti dahil nang iangat ko ang paningin ay bumungad sa akin ang nagkikislapang mga bituwin sa kalangitan.
Ngunit naurong lahat ng iyon nang may maalala at nasamid pa tuloy ako sa sariling laway. "Tresspassing parin 'tong ginagawa natin, alam mo ba 'yon?"
Lumingon siya sa direksyon ko at ngumiti. "Wala namang makaka alam kaya atin atin nalang."
Bahagya akong natawa dahil doon. "For an aspiring cop, you surely has a criminal's mind," sabi ko tuluyan nang inilapag ang sukbit kong gitara.
I'm not sure if it's because of my oversized plain black shirt and black cargo pants that made me feel comfortable upon seating with him, but one thing is sure, being in this place makes me feel weightless.
It was as if, the confrontation with Dad didn't happen and the way I cried while running to this place was just an imagination.
Somehow, it eases the pain.
For a moment I enjoyed the solace I felt in the place. For a moment, it felt more like home than the house I live. Yet, the delightful vibe vanished in a blink as Orion turned on his the-guy-who-questions-everything-mode.
"And for someone who doesn't have a dream, you surely is talented. Kaya bakit nire-ject mo ang offer ni Chazaqiel na maging member ng banda nila?"
Napasinghal ako. "At paano mo nalaman ang bagay na 'yon? Sinusundan mo ba talaga ako kahit sa Yawaka City Mall?"
Napailing nalang ito at napahagalpak na sa katatawa. "Amaria, battle of the bands 'yon, kaya syempre andoon ako," turan niya na para bang isang kalokohan ang sinasabi ko.
Okay, he has a point. Sa ilang araw na pagka-kakilala ko sakanya, masasabi kong hindi siya ang klase ng tao na palalampasin ang mga music-related na mga events.
Tumango nalang ako at muling itinuon ang pansin sa mga bituwin sa kalangitan. Mom was right, they really were beautiful.
I was just busy gazing through the stars when I noticed that Orion was also gazing through my entire being.
Like what the hell?
Agad ko na itong sinamaan ng tingin. "What?"
"You didn't answer my question."
Bahagya akong natawa at napairap. "Seriously? Ganoon naman palagi ang ginagawa natin ah? Throwing questions that none of us are going to answer."
Natawa nalang din ito at ginulo nanaman ang buhok ko. Maya-maya ay sumandal ito sa railing at iniharap ang sarili sa 'kin.
"But I want you to answer that Amaria. If your mom is a rockstar, then why don't you dream to become like her?"
Silence illuminated the entire place as I was trying to formulate some words. However, I stayed staring through his dark eyes as none of the words wanted to came out.
Luckily he was kind enough to change the topic at inaya na akong magpunta uli sa 7/11 sa di kalayuan for midnight snacks.
Nang matapos makapili ay agad na kaming nag tungo sa cashier. Dala ko naman ang wallet ko kaya nagpri-sinta na akong magbayad. Kaso ang konstilasyon, hindi pumayag kaya mga ilang minuto pa kaming nagtalo. Na-badtrip na nga ata sa amin ang cashier kaya siya na ang diktang hati nalang kami sa bayad.
Sa huli ay ginawa rin naman namin at parang mga sirang nagtatawanan palabas.
Ang akala ko nga ay uuwi na kami, pero nag-uumpisa pa lang pala ang gabi para sa amin at nagliwaliw pa kami sa haunted street ng Yawaka.
Mula doon sa saradong hospital, pati sa abandonadong funeral parlor, pati na sa peryang wala nang natutuwang dumalaw, para kaming mga sira ulong nagko-concert sa gitna ng kawalan.
Siya ang may hawak sa gitara kaya wala akong nagawa kundi ang magpanggap na vocalist at ginawang microphone ang bottled water na hawak.
Grabe, noong mag-isa ko palang ginagawa 'to, akala ko normal pa ako. Pero ngayon, kumpermado, para pala talaga kaming mga timang.
Masasayang timang.
In the midst of cherishing the moment, I can't help but to stare at Orion as I realized that upon meeting him, somehow he made me forget how cold I always become. Somehow, his existence gave me warmth, and it made it harder not to answer his question earlier.
"Bakit?" tanong nito nang mapansing naka titig ako sakanya.
Kasalukuyan na kaming naka higa sa bubong ng abandonadong funeral parlor, nagpapahinga matapos kinakain ang mga pinamili namin, pero heto ako, lumilipad parin ang isip sa kung saan saan.
"I don't want to be a rockstar," sabi ko lang at napaiwas ng tingin.
"Hmm?" This time, ramdam kong tuluyan na siyang naka harap sa 'kin but I just smiled weakly as I focus my gaze into the starry night.
Kanina lang ay hindi ko sinagot ang tanong niya pero heto ako ngayon, mukhang dadaldal nanaman ng mga bagay na dapat ay sinasarili ko nalang.
Pero kasi, marami na rin naman siyang narinig na hinanakit ko sa mundo, ngayon pa ba ako mahihiya?
I pressed my lips together before letting the phrases out. "I don't want to be a rockstar because stars will eventually turn into black holes."
"Okay, kunwari na gets ko."
Gusto ko sanang matawa but the pain inside won't let me. Napabuntong hininga nalang ako at hinahanda ang sarili para sa mahabang salaysay.
"Ganito kasi 'yon, everyone love the stars right?" tanong ko pa at inalala ang naka ngiting mukha ni mommy.
"But when you lose your spark and starts to destroy everything around, when you became a black hole, who will love you the way they love the stars? Who will remember how you tried your hardest to shine like stars?"
Ramdam ko ang mga titig niya sa 'kin ngunit nanatili lang ang mga tingin ko sa patay na kalangitan.
"Lose your spark and everyone will hate the destruction that you'll become. Lose your spark and you'll realize how people only love your light but despise your whole being when you collapsed and can't function the way you used to."
Mula sa pagkakahiga sa bubong, iniangat ko ang kamay ko upang abutin kunwari ang mga bituwin.
"Stars will eventually turn into black holes, they will end up destroying themselves and everyone who got closer to them, and I don't want to be like mom." I sighed.
"I don't want to be a rockstar or any kind of star. Because I've lost my spark a long time ago. I can't shine the way stars do and I've been destroying everything who got closer to me eversince," a weak smile then formed into my lips.
"And I guess, I'll be okay with that. I'll just be a black hole in peace."
•••
"Daz gising, nakatingin si Ma'am." siniko ako ni Nath pero halos hindi ko parin maibuka ang mga mata ko para sa klase.
Ang sakit ng ulo.
"Hindi ko na talaga uulitin 'yon," bulong ko sa sarili at muling nabalik sa pagtulog.
Halos buong morning session akong sabog at napagalitan pa ng ilang mga teachers. Buti nalang talaga at naka tulog ako ng sapat sa tanghali kaya nakapag participate na sa klase noong hapon.
Hindi ko nahagilap si Orion sa paligid kanina, baka bumabawi rin ng tulog ang isang 'yon. Wag na nga namin itong ulitin ulit. That was too unhealthy.
Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng classroom at handa na sanang umuwi nang biglang hilahin nang kung sino ang back pack ko.
Wala tuloy akong ibang nagawa kundi ang madala sa pwersa nito.
"What?" kunot noong tanong ko kay nath na mukhang inaantay pa ata ako sa labas ng room.
"Talagang hindi mo nabasa ang announcement ni Mark sa group chat natin?" nanlalaki ang mga mata niyang tanong at may diin pa sa bawat pantig nitong turan.
"May group chat tayo?" mas lalong nakunot ang noo ko.
•••
Group 5 sa hayop na video presentation
Master Markian:
Siguraduhin niyong
kumpleto kayo mamaya!
Tandaan niyo para to sa
Kinabukasan natin!!
Mag record lang tayo ng
Video at maka kapag
Pahinga na rin tayo
Sawakas!
At bawal malate!!!
Nath Ynterested:
Yes boss, kalma lang
Sa exclamation point
Baka ma high-blood ka.
Ayefa K. Ebryteng
Cause of death: galit at
Poot hahaha
Master Markian:
Hindi ako galit! Pero
Sumasakit na ulo ko sa
Inyo, asan na ba kayo ha?!
Kanina pa ako dito sa
Bahay nila Dennis!!
Dazen Givashyt:
Chill Mark. Otw na. Ba't kasi
Sa dami ng pwedeng itanim ay
Sama ng loob pa ang napili mo?
Wait, who tf changed
My nickname?!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro