eighteenth dream
18. I should be happy, right?
"Ang cute ng kapatid mo."
Agad kong sinamaan ng tingin si Chenzo dahilan para matigil ito sa pagsubo ng biscuit at mabilis na nagtago sa likod ni Orion. Natatawa namang lumapit si mark at tinapik sa balikat si Chenzo. "Mag hanap ka nalang ng iba, mukhang hindi magandang maging bayaw si Daz."
Grabe, kapag nakakatabi ni Chenzo ang ibang mga lalake, nagmumukha siyang Junior High. Idagdag pang naka naka attire ito bilang batman, nagmumukha tuloy siyang anino ni Orion na nag ala Dracula dahil sa pangil na sinuot niya.
And even if we already arrived, I couldn't still believe that they dragged me to this haunted amusement park. Malapit nga lang ito sa abandonadong night club na palagi kong tinatambayan, at ewan ko ba sakanila at gusto daw nilang mag ghost haunting kasabay ng birthday ko.
Nang makarating malapit sa puno ng abong carousel, doon ko nadatnan ang may kalakihang picnic blanket na mayroong mga itim na lobo, maliit na cake at dalawang regalo.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kaya muli ko nalang silang tinitigan isa isa, suot ang mga costume nila. "B-bakit?"
"Anong bakit? Birthday gift mo 'yan. Pasensya na at hindi normal, pero hindi ka rin naman normal kaya ayos na siguro-" agad siniko ni Rui si Markian kaya bahagya akong natawa.
"Anong ayos na siguro? This is actually more than enough," buong ngiti kong saad.
Tanging sila Rui, Chenzo, Markian at Orion lang ang kasama ko, may curfew day kasi sila Nath at hindi pinatayan ang iba. Gayonpaman, hindi naman 'yon naging hadlang upang magkatuwaan parin kami.
Nag group video call na nga kami kila Nath, at sinama na din namin si Shine. Ilang ulit ko na nga ding pinandilatan ng mata si Chenzo dahil sa paulit ulit niyang pagpapa cute sa kapatid ko!
"Dito ka humarap," utos ni Markian nang matapos naming pagpiyestahan ang cake at napagdesisyunang mag photoshoot.
Ako ang pinagtripan nito't ginawang model, at hindi naman ako naka palag dahil ako naman daw ang birthday girl. Hindi rin ako naka ligtas sa pangaasar nila dahil hindi ko na daw kailangang mag costume dahil natural na daw sa 'king magmukhang zombieng black lady.
Matapos ng mga solo shots ko, isa isa na din silang nagpakuha ng lirato at 'di nagtagal ay nag groufie na kami sa kung saan saang parte ng haunted amusement park. Mukhang gumana nanaman nga ang pagka direktor ni Markian at noong nasa may mga estatwa kami ni Mickey Mouse ay nag-umpisa nanaman ito sa pagbi-video.
•••
"Thank you."
Naupo ako sa sirang upuan sa Ferris wheel at tumabi kay Orion. Hinayaan sila Rui, Markian at Chenzo na gumawa ng vlog sa 'di kalayuan.
"Para saan?" tanong nito na katulad ko ay naka masid lang kila Rui na naka make up pa as Pennywise at Markian na naka Frankenstein shirt at may mga guhit guhit pa sa noo.
"Sa lahat. Sabi ni Mark ikaw ang nagplano ng surprise party na 'to." Rinig ko ang pagtawa nito at ginulo ang buhok ko. His smile was contageous that I found myself smiling with him.
Those synthethic fangs suits his pale skin and night-like eyes, in fact, he seems to be a modern day vampire. Sleep deprived and anemic.
But wait, why does it always turn out like that? Everytime I'm describing him, I always found some pieces of myself within his existence. Like what the hell?
I then shrugged.
Who am I kidding anyway? Maybe that's exactly the reason why I kinda like him.
Because he's like my other half.
"Actually, kami ni Shine ang nagplano nito."
Agad akong nabalik sa reyalidad dahil sa naging sagot niya at napa kunot ang noo. "Magkakilala kayo?"
Bahagya naman itong natigilan nang pansamantalang magtama ang mga mata namin. "A-ah oo, bago lang. Ki-nontact niya ako sa messenger para planuhin itong surprise party." Mabilis itong nag iwas ng tingin.
Sa isang iglap ay nag iba ang ihip ng hangin. Hindi ko alam kung ano ang ire-react kaya ibinalik ko nalang ulit ang pansin kila Chenzo.
"By the way, magkakaroon na tayo ng gig sa night club nila Rocky diba?" Pag iiba ko nalang ng usapan at pilit na binalewala ang mabigat na pakiramdam.
"Oo, at ini-invite pala ni mom ng dinner ang buong band the night after the aquintance party," dagdag pa niya kaya wala sa sariling tumango lang ako.
Unlike when we where on the graveyard, our silence wasn't soothing this time. Ni hindi ko nga alam kung bakit kami biglang nagka ganito e dapat nagse-celebrate ako.
"May tanong ako." sa puntong 'yon ay napalingon na ako sakanya. "Why did you suddenly want to chase your childhood dreams? I mean, don't get me wrong, pero bakit ngayon?"
A weak smile then formed into my lips as I diverted my attention to the haunted place.
"Because everything that we've been through this past few days, leads me to a realization that childhood dreams matters." I tried to keep my composure still and focus on the topic.
"Childhood dream matters too." I said even with a hole in my chest.
•••
"Teka ano? Magdi-dinner sa bahay nila Orion bukas?" sigaw ko habang naglakad papasok sa hall.
"Ang sabi ni Orion, nasabi na niya 'yon sa 'yo?" tanong pabalik ni Hope, ang rhythm guitarist namin. Naka suot ito ng off shoulder dress na kulay asul at maskarang kumo-koresponda dito. Nang mapagtantong tama siya ay napatango nalang ako. "Oo nga pala"
Sa Yawaka City Mall ginawa ang aquintance party ng school namin since may convention hall naman sa loob nito. Ang dami na ngang estudyante ang nagagarbohan dahil sa mga suot nilang suits at dresses.
Ni hindi ko nga makilala ang iba dahil sa mga eleganteng maskarang nagtatakip sa mukha nila, and ironically, this is supposed to be an acquintance party.
Ewan ko ba sa principal ng Somber High at pinayagan niya ang ganitong theme. Sabi naman ng mga kaklase namin ay para may twist daw.
Like what the hell?
"Kung hindi ako sinundo ni Chenzo sa bahay, baka maligaw ako sa dami ng taong hindi ko mamukhaan," pabulong kong saad kay Hope nang makarating na kami sa baknateng table. Kung hindi ba naman sira si Chenzo at iniwan kami.
"Ang sweet, mag jowa pala kayo? Akala ko si Orion-" bago pa niya matapos ang sinasabi ay punutol ko na ito ng mapaklang tawa.
"Hala hindi. Gusto lang talagang pumunta ni Chenzo sa bahay namin para makita niya ang kapatid ko."
Dahil sa malakas na music ay hindi kaagad magkakarinigan ang mga nag-uusap. Ganoon na nga lang ang ngiwi ko nang matagpuan kami ni Markian at dinaldalan ng kung ano ano.
Mabuti naman at mukha na siyang disente ngayon.
"Ngayon lang kayo dumating? Sila Dennis at Ivan ay andoon sa kabilang dako ng convention hall, i-text ko nalang na magsipunta dito." sabi niya pa kaya nagsitanguan nalang kami.
Although ayos lang sa naman sa 'king maglakad ng ilang kilometro pa, dahil naka rubbe shoes naman ako sa ilalim nitong mahabang at itim na a-line, spaghetti strapped tulle dress.
Pero kawawa naman si Hope na pagod na pagod na kalalakad suot ang stiletto kaya hinayaan ko nalang si Mark.
"Hindi pa dumadating sila Nath at Rui?" tanong nito at agad nagpa linga linga nang matapos makapag tipa sa phone.
Nagkibit balikat naman ako. "Ewan ko ba sa dalawang 'yon at gusto ata ng grand entrance," pahayag ko at nagsimula na ding magpalinga linga sa paligid.
"Kahapon nga nagkasundo na silang mag mukhang stripper at gawing maskara 'yong maskara ng hold uper," dagdag ko pa at inalala kung paano nag search ng nga pictures sa pinterest ang dalawang demonyo, gamit pa ang cellphone ko.
"Mabuti naman kung ganoon."
Kapwa kami napalingon ni Mark kay Hope at ganoon nalang ang gimbal nang may sinsero itong mga ngiti sa mukha.
"Mabuti naman at gusto nilang mag mukhang stripper?" halos sabay pa naming bulalas.
Bahagya lang itong natawa. "Hindi. Mabuti kako at kasundo na ni Nath si Rui," nakangiti nitong saad kaya mas lalo kaming napa kunot ng noo.
"Hindi ba sila magkasundo dati?" tanong ni Markian at kulang na lang ay dumugin na niya si Hope dahil sa sobrang lapit.
"Hindi naman sa ganoon, pero takot kasi si Nath kay Rui."
"Grabe naman 'yong takot, bakit daw?" bigla namang suplot ni chenzo mula sa kung saan at lumapit din kay hope.
I sighed. Kaya pala ganoon ka ilap si Nath kay Rui noong nasa bahay kami nila markian at gusto pa akong ilayo dito.
•••
Kinuhaan kami ng pagkain nila Ivan dennis nang papalapit ito sa amin, nakakahiya nga si Rocky at halos tangayin na 'yong tray na may lamang lupia!
Kung hindi lang talaga ang pamilya niya ang may ari ng night club kung saan kami nagi-gig. Tsk.
Napailing nalang ako at napatingin sa mga nagpe-perform. Hindi parin namin alam kung saang lupalop ng mundo napadpad sila Orion, Nath at Rui ngunit wala naman akong magawa dahil napaka ingay nila Markian at Chenzo na halos magmukha nang sports announcer sa isang basketball game.
Detail per detail kung maka narrate ng nagaganap sa stage e. Para namang wala kaming mga mata.
"Next to perform is Ruination with the special participation of Princess Nathalie Del Puerto."
Sa isang iglap ay agad akong napasilip sa stage. Halos malaglag pa nga ang panga ko nang makita ang dalawang hindot na naglalakad paakyat doon.
Kaya pala hindi namin sila mahagilap, may gagawin palang production number!
"Hala bakit hindi niyo sinama si Daz? Dark triad kayo remember?" sigaw ni Markian, at nasundan na din ito ng cheers mula sa section namin.
Hindi ko na pinasin ang sinabi ni Mark at naka hinga ng maluwag. Good thing they weren't dressed as strippers at kapwa naman diseste sa suot na dresses.
Bigla tuloy akong natawa. Parang kahapon lang Pennywise pa ang attire ni Rui, tapos ngayon ay elegante na siyang tignan dahil sa suot niyang spaghetti strapped na dress. Kulay rose gold ito kaya kahit papaano ay kalapit lang sa pink na halter top na dress ni Nathalie. Nga lang, suot niya pa rin ang pastel themed niyang denim jacket.
Nang maka rating sa stage ay naunang lumapit si Rui sa microphone at taas noong iniligid ang mata sa paligid. Nang magtama ang mga mata namin ay bigla itong napangisi dahilan para kilabutan ako.
Just, what the hell?
"Are you a piece of crap who's tired with everyone's, even with your own bull... Crap? Have you consider that fact that maybe you're the negative person that social media post kept telling everyone to stay away from?" paguimpisa nito kaya naghiyawan tuloy ang mga ka batch namin.
Natawa nga sina Chenzo dahil kahit hindi naman daw halata ay atleast pinigilan ni Rui na mag mura!
At saka teka nga, ba't pamilyar 'yang linyang 'yan?
Naka ngiting ibinigay ni Rui ang mic kay Nath at siya naman ngayon ang pinagtuonan ng pansin ng lahat.
"Have your dreams shattered right before your eyes? Do you ever feel miserable because other's nightmares end upon waking up, while yours doesn't? Do you have sleepless nights asking why weren't you enough and why the hell should you be enough in the first place? Well, grief and laugh with us, this band will be your alley!" she screamed with all her might resulting for everyone to applaud and cheer with her.
"Let me introduce you to my favourite local band, Fuck dreams, I have Insomia!"
Halos mabingi ako sa sigawan ng lahat at laking gulat nang sambitin niya ang bandname namin.
Kapwa kami nagkatinginan nila Chenzo at Hope at ganoon nalang ang gimbal nang mamataan sina Orion at Rath, 'yong drummer namin na papaakyat na sa stage.
Anak ng pitong tupa, akala ko ba sila Rui ang magpe-perform? Bakit tinatawag nila kami?
"Ehem." Orion nodded when Nath handed her the microphone and immediately search the crowd. When our eyes met, he gave me a sheepish smile.
"I'm calling out for my other bandmates to kindly proceed to this stage. We'll have a mini-concert to perfom."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro