Special Chapter
##########
[MEANWHILE AT EZEA HIGH]
AKALA NI Sir. Etienne ay magiging madali ang pananatili ni Xynos dito lalo pa't nasa kanila ang panig ng kalangitan at nawala pa ang mga alaala nito. Ngunit, hindi naman niya inaasahan na maaga siyang tatanda sa halos araw-araw na problemang dala ng batang iyon.
"Sir Etienne! Sumabog po yung Science Lab!" Biglang sabi ng humahangos na President ng SSG pagkapasok nito sa Headmaster's Office.
Hindi pa tuluyang naiinom ni Sir. Etienne ang kanyang kape pampatanggal ng stress, ngunit mayroon na namang problema ang dumating.
"Ano nangyari?" Tanong niya, umaasa na wala itong kinalaman sa pasaway na batang si Xynos.
"Si Xynos po, Sir! Sa sobrang inis niya dahil hindi daw effective ang ginawa niya ay hinagis niya ang kemikal!" Nagmamadaling paliwanag nito. "Mabuti na nga lang po't walang nasaktan sa nangyari."
Bumagsak ang balikat ni Sir. Etienne at pabagsak na sumandal sa kanyang swivel chair saka hinilot ang kanyang sintido. Ano pa ba'ng aasahan niya? Siya ang nagsabi na pakisamahan at panatilihin dito si Xynos, kailangan niyang panindigan ang naging desisyon.
"Ang batang iyon talaga! Walang araw na hindi niya ako binigyan ng problema!" Inis na singhal ni Sir. Etienne at ginulo ang kanyang buhok.
Matapos kasi umalis ng Elementalists ay doon na nagsimula ang paghahasik ng lagim ng pasaway na si Xynos. Noong una ay, examination day kung saan sinabihan niya ang mga estudyante na walang pasok ngayon at matulog nalang. Ang ending ay nagulat nalang ang mga teachers dahil walang mga estudyante.
Pangalawa, gagamitin ng mga varsity player ang gymnasium ngunit laking gulat nila ng buksan ang malaking pintuan ay lumabas ang parang baha na tubig at inanod sila! Hindi nila alam kung paano nagawa 'yon ni Xynos.
Pangatlo, ang water despenser na iniinuman ng mga estudyante ay nilagyan niya ng mga kemikal kung saan sasakit ang iyong sikmura.
Pang-apat, sa AVR kung saan itinali niya ang staff doon at ginamit niya iyon upang sabihin na nasusunog ang building. Tumunog ang fire alarm at nagsilabasan ang mga estudyante pati guro sa Ezea High.
At ngayon, ito ang pang-lima. Sumabog ang Science Lab! Hindi na alam ni Etienne ang kanyang gagawin.
"Baka naman ang sunod niyang pasabugin ay yung buong Ezea High?!" Singhal nito sa kawalan at lumabas ng kanyang opisina upang tingnan ang nangyari.
Maraming nagkukumpulang estudyante pagkarating niya. Nagsihawian ang mga ito nang makita siya. Nakita niya sa harapan ang ngumunguya ng bubble gum na si Xynos na parang walang nangyari, kasama ang Class-B at si Sir. Paulo.
Napasulyap si Sir Etienne sa gawi ng Sciene Lab at halos lumuwa ang puso niya ng makitang sunog nga ito! "Ano na namang ginawa mo?!" Inis na baling nito kay Xynos.
"Eh, peke naman yung binigay na ingredients sa'kin nung hukluban na 'yun eh! Di ko 'yan kasalanan!" Humalukipkip ito at ngumuso.
"Hay nako, wala ka na talaga pag-asa!" Mataray na asik naman sakanya ni Avery na nakataas naman ang kilay.
Pinabalik ni Sir Etienne ang mga estudyante sa mga room nito, at isinama si Xynos pati ang Class-B sa kanyang Headmaster's Office.
"Sir, wala kaming kinalaman d'yan!" Sabi agad ni Chase.
"Alam ko, Chase. Bukod sa pagsesermon na gagawin ko sa BATANG ito," Parinig niya kay Xynos. "May sasabihin din ako."
"Sermon na naman? Hindi ba kayo nagsasawang sermunan ako?" Sumimangot si Xynos at ngumiwi sa upuan nito.
"E'di sana hindi ka gumagawa ng kalokohan!" Sagot sakanya ni Avery.
"Hoy, kanina ka pa'ng ponytail ka, ah!" Duro ni Xynos kay Avery bago humarap kay Chase. "Hoy, Cheetah! Patahimikin mo nga 'yang kaibigan mo!"
Nanlaki ang mga mata ni Chase, "Cheetah? Alam 'kong mabilis ako dre, pero parang ang bantot naman pakinggan!" Sabi nito with feelings habang nakahawak sa kanyang dibdib.
"You're cheetah so you're just the cheetah!"
"H'wag mo nga kausapin 'yan, Chase. Kupal ka na nga, tas sasabayan mo pa ang isang kupal!" Sabi ni Avery.
"Sir. Etienne, maaari na ba naming pakinggan ang iyong sasabihin? Mukha kasing hindi matitigil ang usapang ito hangga't hindi ho kayo nagsasalita," Maginoong sabat ni Kaiden, isang levitator. Namuhay kasi ito dati sa mundo ng mga mortal kung kaya't gan'on nalang siya magsalita.
Tumikhim si Sir. Etienne bago ipatong ang kanyang dalawang siko sa kanyang lamesa. Tumingin siya kay Xynos na hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin sa kanyang kinauupuan. "Hindi na ako magtataka kung sumabog ang buong Ezea High," Ani Sir. Etienne.
"Hindi ako tanga para gawin 'yon!" Xynos shrieked with hand gestures. Napahagikhik si Chase.
"Naku, ikaw pa? Wala akong tiwala sa'yo!" Asik na naman sakanya ni Avery na nakaismid. Sinamaan lamang siya ng tingin ni Xynos.
"Okay listen, siguro ito na ang araw, Xynos, para isabak ka sa madugong training," Sabi ni Sir. Etienne at pinagsaklop ang kanyang mga daliri.
Xynos grinned in amused, "Kailangan pa ba 'yon? Eh, halos lahat na nga takot sa'kin, eh!"
"Oo, kasi walking-disgrasya ka!" Asik na naman ni Avery.
"Hoy, ponytail! Baka gusto 'mong putulin ko 'yang nakakairita 'mong buhok?!" Inis na baling sakanya ni Xynos at dinuro ito.
"Teka, teka, wala tayong referee! Next week pa ang physical combat d'on kayo magpatayan!" Natatawang singit ni Chase at inilabas ang kanyang cellphone. "Pero bago kayo mamatay, mag-selfie muna tayo!" Pinindot nito ang bilog sa camera at kitang-kita ang mukha ng dalawang taong nagbabangayan. Mukha pa'ng tanga ang mga itsura nito.
"Bwiset ka, Chase!" Hinampas ni Avery si Chase.
"Maaari na ba kayong tumigil? Galangin niyo naman ang opisina ni Sir. Etienne!" Sabat nang naiinis na si Kaiden.
Tinawanan siya ni Xynos, "Ikaw pala, makata!"
Napahilot ulit si Etienne sa kanyang sintindo. Sa apat na batang nasa loob ng office niya, si Kaiden lang 'ata ang masasabi 'mong matino.
"Class-B! Kaya ko kayo pinatawag dito hindi para magbangayan!" Sermon sakanila ni Sir. Etienne at humarap kay Kaiden. "Since ikaw ang leader ng grupo, ipinapaubaya ko na sa'yo ang pasaway na batang 'yan. Simula ngayon ay kasama niyo na si Xynos sa grupo niyo. Pahirapan niyo kung gusto niyo pahirapan."
"Ano ba 'yan, Sir! Baka mamaya niyan puno na ng benda ang katawan namin?" Kumakamot sa buhok na ani Avery.
"Uunahin ko 'yang buhok mo!" Duro sakanya ni Xynos dahilan para mapahawak si Avery sa kanyang buhok.
"Ayos, bro! Pwede na tayong sabay maglaro ng pogs tapos jolen! Pwede rin tayong sabay magC.R---!"
Pinutol ng tawa ni Xynos ang sinasabi ni Chase, "Oo, bro! Pero hanggang pogs at jolen lang kasi....hindi pa ako handang pumatay ng bakla!" Sigaw nito sa mismong mukha ni Chase.
Tumawa si Chase at binatukan si Xynos, "Loko! Anong bakla? Bro, mahiya ka naman mas lalaki pa 'ata ako sa'yo!" Aniya at bumulong dito. "Ibig ko sabihin...sabay tayong pupunta sa C.R ng mga babae---"
"SIR, sinasabi ko na nga ba'ng hindi magandang ideya ito, eh!" Singit ni Avery na nilakasan pa talaga ang boses.
"Freaks. Hayaan mo sila, Avery. Mukhang nakahanap na si Chase ng isa pa'ng katulad niyang kupal," Nakangiwing ani Kaiden.
=====
PAGKAPASOK NI Xynos sa kanyang kwarto, nakita niya ang isang babae na nakaupo sa kanyang bintana. Binuksan niya ang ilaw at napasimangot. Si Chelle.
"Ikaw na naman? Kailan mo ba ako titigilan?!" Inis na singhal nito.
Tumayo si Chelle at bumuntong hininga. Ilang araw na si Chelle bumibisita dito sa kwarto ni Xynos, at nagpapasalamat siyang maayos na ito. Pero ang hindi niya matanggap ay ang pagkawala ng alaala nito.
"Xynos, I already told you. Sumama ka na sa'kin! Ilang beses ko pa ba'ng uulitin?" Sabi nito sa nagmamakaawang tono.
"Bakit naman ako sasama sa'yo? Malay ko ba kung isa ka lamang pulubi, edi namatay na ako sa gutom?!"
Bumagsak ang mga balikat ni Chelle. Hindi maaari ito dahil habang tumatagal ay nagiging dehado sila. Mas lalong nagagalit si Cyrus dahil hindi nito magawang pabalikin si Xynos.
"Isa ka sa'min! Isa 'kang Alkirvia!" Sigaw ng dalaga sa inis.
Sinamahan siya ng tingin ni Xynos, "Kung gusto mo pa mabuhay, umalis ka na!" Tinulak nito si Chelle kaya natumba ito sa sahig.
Napakagat ito sa kanyang ibabang labi bago punasan and namuong luha sa kanyang mata, "Hindi ako titigil. Tandaan mo Xynos! Alkirvia's will do everything, even if it means disaster."
*****
Proceed...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro