Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter

So it's our first day of school and I've decided to give you guys (Ezeans) an update! Medyo kabado ang lola niyo dahil critical ang strand na ni-take. Ayan masyado kasing bida
d>~<b share ko lang naman.

##########

[TWO YEARS AGO]

SOBRANG LAKAS ng ulan at wala akong ibang mapuntahan. Ayaw ako papasukin ni tanda sa loob ng bahay dahil wala daw akong kwenta. Pilit na sumasama sa'kin si Keya, pero sinabihan ko siya na h'wag na at manatili nalang sa loob. Panigurado namang ngayon lang 'to.

Bata pa ako. Labing-limang taong gulang lang ako pero ganitong hirap na ang dinadanas ko. Sabagay, hindi ako dapat magreklamo dahil wala naman akong pamilya bukod kay Keya, at isa lamang akong Vershiatist.

Hindi ko namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa loob ng Vershia Forest. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam ang palabas sa gubat na ito sapagkat ito palang ang unang beses ko na makapasok dito sa delikadong lugar na ito.

Buti nalang at may dala akong dagger upang maging panlaban sa kung ano mang nilalang ang aatake sa'kin.

Nakaramdam ako ng panghihina ng katawan at pagkahilo kaya naman ay naisipan kong sa itaas nalang ng puno matulog. Nauulanan pa 'rin ako pero wala na akong magagawa. Kahit papaano naman ay natatakluban ako ng mga dahon sa sanga.

Mabigat ang talukap ng mga mata ko at batid kong namumutla na ang labi ko. Madilim ang paligid pero kita ko pa rin mula dito ang kumikinang at lumiliwanag na kastilyo ng Ezea at ang paaralan nito.

Bigla tuloy akong napa-isip, ano kaya pakiramdam ng maging mayaman? Yung tipong hindi mo na kailangan magtrabaho at nagpapakasarap ka nalang sa buhay. Ano kaya pakiramdam na malakas ang kapangyarihan mo? Yung tipong kahit sino ang kalaban mo ay matatalo mo at handa ka sa lahat ng bagay.

Minsan naisip ko, isa naman sa Kaharian ang Vershia, pero bakit ang hirap pa rin ng bayan namin? Bakit walang namumuno sa'min? Bakit ang baba ng tingin nila sa mga Healers?

Nakakita ako bigla ng fireworks na nanggaling sa Ezea High. Mapait akong napangiti. Nagsasaya sila ngayon, habang ang mga katulad ko ay naghihirap...nagugutom. Nagsasaya sila ngayon habang ako ay walang mapuntahan na tirahan. How unfair this life could be?

I hate them.

Dito nagsimula ang inis ko sakanila sa hindi malamang dahilan. Naiinggit ako sa mga natatamasa nila ngayon. Naiinggit ako sa buhay nila, pero bigla ko rin naisip: Would they be considered powerful if they don't have us, healers?

Kami ang pinaka-importante sa lahat. Kasi kung wala ang mga kagaya namin ay wala sila sa mundong ito.

Pabigat ng pabigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa hindi ko na nakayanan. Ni di ko man lang magawang gumalaw. Bigla akong nakaramdam na mahuhulog ako pero parang may sariling utak ang katawan ko at hinayaan ko lang ang sarili kong mahulog.

Pero nagkamali ako...hindi ko naramdaman ang lupa dahil may isang taong naka-sweater ang sumalo sa'kin.

Napatingin ako sa kanya ngunit di ko masyadong maaninag ang kanyang mukha. Lumalabo ang paningin ko. Sino 'tong lalaking 'to?

Nalaman ko nalang na dinala niya ako sa isang kubo na ngayon ko lang nakita. Akala niya ay tulog ako, pero ang totoo ay alam ko ang ginagawa niya. I just have to know who he is.

Nakita 'kong hinubad niya ang kanyang sweater at isinuot sa'kin, bago siya kumuha ng unan at kumot. May unan at kumot sa kubong ito? Hindi kaya dito siya nakatira?

"Tss, stupid healer."

Gusto ko sana siyang sapakin kung hindi lang ako nanghihina. Inaapoy pala ako ng lagnat. Lintek, mukhang magkakaroon pa ako ng utang na loob. Sino ba kasi 'to?

Kinabukasan ay nagising ako. Wala na yung lalaki at nasa kubo pa rin ako. Hinipo ko ang leeg ko at nilalagnat pa rin ako. Bigla akong napahawak sa sweater na suot ko. Ito yung damit ng lalaki.

Hindi ko siya kilala kaya hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan. Aalis na dapat ako sa kubong 'yon nang may matapakan ako.

Isang kwintas. Isang kwintas na may pendant na krystal na gawa sa yelong hindi natutunaw at may nakaukit na...

Sage.

*****

Proceed...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro