Kabanata 9
Astra Dela Fuente
##########
KABANATA 9
The Cannibalist I
MAGANDA ANG tanawin dito at puno nang mga makukulay na bulaklak. Maaliwalas at maliwanag ang paligid na para bang nasa isang fairytale ka. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga nagliliparang alitaptap. Anong lugar ito? Ngayon ko lamang ito naki--
"Ouch! Ang bigat mo naman, Astra!" Boses ni Dara ang narinig ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na nasa ibabaw ako ni Dara at si Echo naman yung pinakanadadaganan namin. Kumabaga sa sandwich, si Dara yung palaman at kami ni Echo yung tinapay.
Agad na umalis ako sa ibabaw ni Dara at pinagpagan ang sarili.
"Sorry naman," Nakangusong sabi ko.
"OMYGOSH, ECHO! Nasugatan mo ako~!" Gulat na bulalas ni Dara habang nakatingin sa braso niyang may gasgas. Halatang halata ito lalo pa't sobrang puti niya.
"Ang arte mo, witch ah!" Napangiwi si Echo at nilibot nang tingin ang paligid. "Teka, nasaan tayo? Nasaan sila?!"
"Hindi ba obvious, bruha? Nahulog kaya tayo sa butas!" Sarkastikong sagot sakanya ni Dara.
Naalala ko. Natakbo kami nang bigla kong marinig ang sigaw ni Echo, at sa sobrang pagmamadali namin ay di ko namalayan na may butas pala doon. Ibig sabihin ba nito, nasa ilalim kami nang lupa?!
"Nasaan kaya sila Azriel?" Tanong ko sa sarili ko. Nahulog din kaya sila sa butas? Ang alam ko lang sa ngayon ay nagkahiwa-hiwalay kami. Humarap ako kay Dara na kasalukuyang nakangiwi sa sugat niya. "Use your telepathy."
Napatingin ito sa'kin, "Ha? Bakit?"
"Hindi ba obvious, witch? Syempre para malaman natin kung nasaan sila!" Sarkastikong sagot ni Echo sakanya. Nginiwian lamang siya ni Dara bago sumangayon.
"Makakausap ba natin ang bawat isa?" I asked.
"Oo naman. As long as malapit lang sila sa'tin," She said. "I'll try to reach their minds," Dagdag pa nito.
Mabilis kaming nakapagkonekta sa isip ng bawat isa. Naririnig ko na ang boses nila.
"Guys! S'an na kayo?!" Tanong ni Dara.
"We don't know this place," I bet that is Paige's voice.
"Nakakatakot dito! Masyadong madilim!" Fauna shrieked.
"Haha! Wala ka sa'min! Ang ganda!" Humalakhak si Echo. Mukhang kabaligtaran pa 'ata ang mga napuntahan namin.
"Magkakasama ba kayo??" Tanong ko naman.
"Yes, except for Cadell. Nandyan ba?" And that's Azriel, as usual with his bored tone.
"What?! He's not here!" Bakas ang pagaalala sa boses ni Echo. At ng tingnan ko siya ay wala ng duda. She's worried.
"Malamang nasa ere yon!" Si Dara.
"Okay lang ba kayo?" I tried to voice a bit worried. Alam kong hindi na dapat ako nagtatanong dahil alam kong makapangyarihan na sila.
"Of course, I'm okay. Ako pa?" Si Azriel ang sumagot. Nanlaki ang mga mata ko. Teka, hindi lang naman siya ang tinatanong ko eh! Bukod sa mahangin ka na, feelingero ka pa. At syempre, hindi na ako nagabala pang sabihin yon. Paniguradong uusok lang ilong non sakin.
Nadinig ko ang paghalakhak nila Fauna.
"Don't worry, Astra. We're perfectly fine," Hindi na ako nagabala pa'ng sagutin si Fauna. Bakit pa nga ba ako nagtanong eh obvious naman na okay sila?
"Let's just find each other. Contact us again if something happens," Azriel said.
"Waaah! Nakakatakot talaga dito! Huhuhu!" Narinig pa namin ang tili ni Fauna bago putulin ni Dara ang koneksyon sa isip namin.
"Find each other daw. So...San tayo maguumpisa?" Tanong ni Echo habang nakanguso.
I shrugged, "Tahakin na lang natin ang daan na'to."
The place is beautiful, yes. But we're not sure about the danger coming on our way. Kahit gaano pa kaganda ang lugar ay hindi mo masasabi na ligtas ka.
"Kapag nakakakita ako nang mga bulaklak, naaalala ko yung mga halimaw sa Queznowland! Gosh!" Biglang bulalas ni Echo. Napatingin kami sakanya.
"Maka-gosh ka naman! Baka kapag nakita mo yung totoong anyo ni Kuya Ozus ay maglaway ka?!" Nginisian siya ni Dara.
"Ozus? Ozus pangalan non?" Kunot noong tanong ni Echo.
"Kakasabi ko lang diba?"
"Alam mo, wala ka talagang kwenta kausap!" Sigaw ni Echo.
Napapikit ako. Bakit ba etong dalawang maingay pa na'to ang nakasama ko? Hindi ako palasalita kaya naman ay naririndi ako minsan sa mga madadaldal, ngunit dahil kay Keya ay nasanay na rin ako.
"Paniguradong magkasalungat ang diteksyon nang lugar na napuntahan natin at nila Azriel," Bigla kong sabi. Hindi kami maaaring magkasalubong gayong nasa isang madilim na lugar sila.
Nagtuloy kami sa paglalakad nang biglang may isang matandang babae ang nakita ko sa di kalayuan. Nakatingin ito samin at nakangiti na tila ba hinihintay ang aming pagdating.
"Gosh, may tao!" Bulalas ni Echo.
"Nakikita namin, duh?!" Lumapit si Dara sa matandang babae, "Magandang hapon po. Taga-rito ho ba kayo?"
"Hindi ba halata, witch? Kaya nga siya nandito, diba?" Sarkastikong sagot sakanya ni Echo. "Magtaka ka kung taga-ibang planeta yan."
"Ikaw kausap ko?" Nginiwian siya ni Dara.
Napapikit ako at bumuntong hininga saka humarap sakanila, "Pwede ba? Hindi ito ang oras nang lokohan," Pagalit na saway ko sakanila.
Nagkatinginan pa sila sabay sabi nang, "Lagot.."
"Mukhang naliligaw kayo," Dinig kong sambit nang matanda kaya nabaling sakanya ang aking tingin. Nakangiti ito samin. Her appearance captured my eyes. She's wearing a simple yet elegant dress for an old lady. She has white hair and probably looks like at the age of 80 something. Hindi siya maharlika ngunit hindi rin siya katulad ko na madumi.
Sa ilang segundo ay nagawa kong pagmasdan ang kabuuan niya. At kung susuriin ko ang pakiramdam ko sa matandang ito ay mukhang hindi naman siya tulad nang iniisip ko.
"Alam mo ba kung nasaan kami?" Tanong ko.
Tumango ito, "Oo. Nasa mahiwagang gubat kayo nang Azania."
Azania? Hindi pamilyar ang lugar na ito sakin at ngayon ko lamang narinig ang pangalan nito. Napatingin ako kay Echo ngunit umiling lamang siya, senyales na hindi rin niya alam kung anong lugar ito.
Kung narito lamang si Azriel ay paniguradong alam niya ang lugar na ito. Sa sobrang yabang ba naman non, wala siyang palalagpasin na kahit isang detalye.
"Alam niyo 'ho ba ang palabas dito?" Kunot noong tanong ni Echo.
"Oo, alam ko. Halika sumunod kayo."
Napabuntong hininga kami. Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag. Kung nagkataon na hindi namin nakasalubong ang matandang ito ay baka naliligaw na kami ngayon.
"Ayos!" Dara exclaimed with hand gestures.
Pinangungunahan ng matanda ang aming paglalakad. Ilang minuto na rin ang lumipas hanggang sa matanaw ko ang isang bahay na sobrang ganda at puno nang pagkain ang konstruktura.
"Woah! Ang ganda naman dito, tanda!" Namamanghang bulalas ni Echo, "Dito ka ba nakatira?"
"Oo. Dito ako nakatira," Nakangiting humarap samin ang matanda.
"Totoo bang pagkain yan? Nagugutom na ako!" Ani Dara habang nakahawak pa sa kanyang tyan.
"Kung gusto niyo ay tumuloy muna kayo sa aking bahay at ipaghahanda ko kayo nang mga masasarap na pagkain."
"Hindi na ho. Nagmamadali na rin ho kasi kami---" Pinutol nito ang sinasabi ko.
"Saglit lang naman dahil mukhang nagugutom na'rin ang iyong kasama," Nakangiting sabi nito. Napalunok ako nang simulang balutin nang kaba ang dibdib ko. Hindi ko gusto ang pagkurba nang kanyang labi sapagkat nagbibigay lamang ito nang kilabot sa aking sikmura.
"Oo nga naman, Astra!" Aniya Echo at humarap sa matanda, "Sige po! Gusto ko po yung masarap na pagkain ah!"
The old lady chuckled, "Oo naman.."
Wala ako nagawa kundi ang sumunod sakanila.
=====
BAGSAK BALIKAT akong naglakad habang nililibot nang tingin ang kabuuan nang loob nang napakagandang bahay na ito. Kung ano ang disenyo nang sa labas ay gayundin ang sa loob. Maliit lamang ang tinitirahan niya, sakto lamang upang magkaroon nang apat na parte nang bahay.
"Kayo lang ho magisa ang nakatira dito?" Dinig kong tanong ni Echo. Isang tango at ngiti lamang ang natanggap niya sa matanda.
"Woah! Ang daming pagkain, Echo!" Dara shouted with an amused on her face as she ran towards the kitchen's table.
My eyes bulged as I turned my gaze to the kitchen's table, only to see a dozen of delicious foods arranged perfectly. Hindi pamilyar sakin ang mas putaheng ito sapagkat tinapay at tubig lamang ang pagkain namin sa Vershia.
Bigla kong naramdaman ang pagkalam nang sikmura ko.
"Para sainyo ang mga yan," Narinig ko ang boses ng matandang babae sa likuran namin. Para samin? Nakapagtataka na nagawa niyang ihanda ang mga ito na para bang inaasahan niya ang pagdating namin.
"Talaga?!" Manghang tanong ni Dara, "Eh, ano pa bang hinihintay natin? Lamunan na!"
"Maraming salamat, tanda! Mukhang masarap--Teka, ano ito?" Tanong ni Echo habang nakaturo sa isang putahe.
"Cordon blue ala Azania kung tawagin ko iyan," Nakangiting tugon nito. "Huwag kayong mahiyang kumain. Inihanda ko yan para sainyo."
Tuwang tuwa na umupo ang dalawa sa maliit na lamesa, sakto lamang para sa anim na tao. Ako ang nananatiling nakatayo habang malalim ang iniisip. Pakiramdam ko ay may mali sa nangyayari.
"Hindi ka ba kakain, hija?"
Nilingon ko ang matandang nakangiti sakin at sinamaan ito nang tingin.
"Astra, kain na!" Anyaya ni Echo. Nilingon ko yung dalawa.
"Walang kakain."
Taka silang tumingin sakin. Si Dara ang unang nagsalita, "Pero gutom na kami! Masamang magutom ang mga magaganda, duh?!"
"Woah! Maganda ka? San banda?" Pangaasar sakanya ni Echo.
"Walang kakain. Tiisin niyo ang gutom niyo," Matigas at seryosong sabi ko. Bagsak balikat na ibinaba nila ang mga hawak na kubyertos at ngumuso.
"Sayang naman yung mga pagkain na niluto ni tanda, Astra," Nakangusong ani Echo.
"Hija, ano problema? Hayaan mo silang kumain kung nagugutom sila."
Nilingon ko ang matandang babae at nakipagtitigan sakanya. Siya ang unang nagiwas nang tingin kaya napangisi ako. Di mo ako maiisahan.
"Bakit hindi ikaw ang unang kumain?" Senyas ko sa mga pagkaing nasa lamesa.
Ngumiti ito, "Ngunit inihanda ko yan para sainyo lamang, mga hija."
"May problema ba, Astra?" Dinig kong tanong ni Dara sa likod ko.
"Mawalang galang na pero aalis na ho kami," Nilingon ko yung dalawa na nagtataka sa kinikilos ko, "Aalis na tayo."
"S-Sige..." Mahinang usal ni Echo, "M-maraming salamat, tanda. Mukhang may regla ang kaibigan ko ngayon."
"Bakit ba nagmamadali ka,Astra?" Tanong ni Dara pero hindi ko siya sinagot. Pinihit nito ang doorknob at kumunot ang noo, "Ayaw bumukas."
"Ha? Ako nga," Pinaltan siya ni Echo ngunit gaya nang reaksyon ni Dara ay kumunot din ang noo nito, "Bakit ayaw---"
"HAHAHAHAAH!"
Isang nakakakilabot at pangdemonyong tawa ang dumagundong sa loob nang bahay. Sabay naming nilingon ang matandang babae na ngayon ay mukhang halimaw na sa kanyang itsura.
Kung kanina ay napakainosente nang awra niya, ngayon ay hindi. Binalutan nang puti ang mga mata nito habang nakalabas ang dalawang matutulis na ngipin. Maging ang mga kuko nito ay humaba. Nagmukha siyang halimaw sa harap namin ngunit ang kaibahan lang ay bumata ang itsura nito.
"What the hell?!" Gulat na bulalas ni Echo. "Ano nangyari sayo, tanda?! Kanina lang matanda ka ah!"
"Sinasabi ko na nga ba eh!" Sigaw ni Dara. Alam niya? "Ginamit mo yung pampabata potion ko, no?"
Gulat akong napalingon kay Dara. Ano? Napatampal ako sa aking noo. Seriously?
"Oo nga 'no! Ikaw tanda ah, sumisimple ka," Nakangiting inaasar pa siya ni Echo.
Taena? At talagang isang biro pa ito sakanila o talagang tanga lang sila?!
"Umayos nga kayo! Kalaban yan!" Inis na suway ko sa dalawa.
"HAHAHAHAHA!" Humalakhak ang babae, "Walang nakakalabas nang aking tahanan sa oras na pumasok kayo mga hija."
"Edi, ibigay mo samin yung susi," Nilahad pa ni Echo ang kanyang palad.
Nagtatakang tumingin sakanya ang babae, "A-Ano?"
"Ibigay mo samin kako yung susi para makalabas kami," Ulit ni Echo.
"Bakit ko naman ibibigay? Ano tingin niyo sakin, tanga?!" Galit na sigaw nung babae at nagsimulang mamula ang mukha. Naapatras sa gulat ang dalawa kong kasama.
"Joke lang naman yon!" Pahabol pa ni Echo. Sinuway ko siya. Napakakulit. Mas lalo lang niya ginagalit.
Muli itong humalakhak na parang baliw, "Kung kumain nalang sana kayo ay hindi na kayo mahihirapan pa sa gagawin ko."
"Luh, si Astra kaya yon hindi kami," Turo pa sakin ni Dara. Inis kong hinawi ang daliri ni Dara at sinamaan nang tingin ang dalawa. Natikom naman nila ang kanilang bibig.
I'm being serious here. It's a matter of life and death! Kung mamamatay ako dito ay hindi ko na maliligtas si Keya.
"Dara, find the keys," Tiningnan ko si Dara at tumango naman ito. Hinarap ko naman si Echo, "Tayo nang bahala sa babaeng to."
"Aye aye!" Sumaludo pa ito bago nagpalabas nang Earth blades sa kanyang palad.
"Earth? Isa kang Elemental User?" Gulat na tanong nung babae. Akala ko ay natakot siya pero napawi ang nasa isip ko nang ngumisi ito,"No one can kill me. Not even an Elementalists."
"Anong ibig mong sabihin? Minamaliit mo ba ang kakayahan ko?" Inis na tanong ni Echo.
"I'm immortal," Tila proud pa nitong sabi, "And I'm a cannibalist. I eat users that comes in my house. I eat their power, dear."
Natigilan kami pareho ni Echo at nagulat. The ability to absorb one's power. Imposible. Madyadong espesyal ang kapangyarihan na iyon at mahirap hanapin.
"You have the ability of absorption?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Ngumisi ito, "What do you think?"
Yet, she's immortal? Hindi kaya isa siyang alpheniel?
"Sinasabi ko na nga ba't isa sainyo ang nagtataglay nang malakas na kapangyarihan. I would be very glad to have one of the elemental power," Nakangiti ito nang nakakaloko.
Kinakabahang napatingin ako kay Echo na mukhang kinakabahan na rin pero pinipilit niya maging matapang. Pag nagkataon na nakuha niya si Echo ay mapapasakanya ang kapangyarihan nang lupa. Hindi. Hindi maaari.
"Excuse me? Pero hindi ikaw si Echo para magkaroon nang Elemental Earth. Bitch please? Itago mo nalang yang sungay mo, tanda!" Pagtataray ni Echo bago nagsimulang umatake. Mabilis na nakailag ang babae sa nilikhang earth blades ni Echo.
"Huwag kang magpapahuli sa babaeng yan," Paalala ko kay Echo at mabilis na inilabas ang dagger ko. I can attack her even an inches away from her, though I should be still aware. Wala siyang mapapala sa healing ko at sigurado akong si Echo ang pupuntiryahin niya.
"Masyado kang matapang. Let me guess, you're a healer right? Powerless." Sabi nito sakin. Humigpit ang kapit ko sa dagger na hawak ko at mabilis na inatake siya, ngunit nagawa niya tabigin ang braso ko at sipain ako sa sikmura.
"Astra!"
Nagkamali ako. She's not the user of power absorption. Kayang kaya niyang hulihin ang braso ko at langhapin ang healing ko, ngunit di niya ginawa.
Isa siyang immortal. She's a witch. She can do spells like Dara. Kayang kaya niyang gumawa nang spell kung saan makukuha ang kakayahan nang isang light user.
But...how do you kill an immortal?
"Cut her head.." Wala sa sariling bulong ko.
Kahit lapitan siya ni Echo ay di niya basta basta makukuha ang kakayahan nito nang hindi dumadaan sa isang ritwal. Pero ano ano na ba ang kapangyarihan na nakuha niya?
Nakita ko kung paano kinalaban ni Echo ang babae. Wala siyang ibang ginawa kundi ang umiwas. Bigla pumasok sa isip ko ang laban naming dalawa ni Azriel.
"Always remember...never become the first attacker."
I KNEW IT!
"She's strong.." Hinahapong bulong sakin ni Echo sa tabi ko.
"Tired already? Ang bilis naman, mga hija," Natatawang sabi nito.
Astang susugod ulit si Echo nang pigilan ko siya sa braso, "Hanapin mo si Dara."
"What are you talking about?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Seryoso ko siyang tinitigan sa mga mata, "Makinig ka sakin. Your earth sword is our chance here. Kakalabin ko siya, at hahanap ka nang tyempo kung saan mapuputol mo ang ulo niya." Bulong ko, sapat lang para kaming dalawa lang ang makarinig.
"Astra.."
"Just do it, Echo. Hindi ako mamamatay, okay? Ililigtas ko pa ang kaibigan ko."
Wala ito nagawa kundi ang tumango at tumakbo sa ibang direksyon.
"Woah! Tinatakasan niyo na ba ako?" Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. Kailangan ko malaman kung ano ang mga kaya niyang gawin para maging handa ako.
"Hoy, tanda!" Tawag ko dito, "Ako ang kalabanin mo."
Napataas ang kilay nito at tumawa, "You're just a healer."
"I'm just a healer. Pero hindi ako ipinanganak na hindi marunong lumaban," Napangisi ako at napatingin sa pointed tip nang dagger ko habang pinaglalaruan ito, "Eh, Ikaw? Kaya mo bang lumaban nang hindi gumagamit nang kapangyarihan?" Nakataas ang kilay ko nang muli ko siyang tingnan, "No...because you're powerless."
Sinamaan ako nito nang tingin saka ngumisi, "You're a low class healer that can do nothing but to heal. And I'm not powerless! Marami ako kayang gawin!"
"Yes, I'm powerless. Pero kaya kong lumaban nang walang ginagamit na kapangyarihan. Eh, ikaw? Aasa ka nalang ba sa mga kapangyarihang ninakaw mo?" Napangisi ako nang makita ang talim sa kanyang mga mata,
"What a shame.."
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro