Kabanata 7
[BACK TO ASTRA's POV]
##########
KABANATA 7
The Guardian Angel of Yllva
NAMANGHA KAMI nang marating namin ang pinakadulo nang kwebang ito. May malaking butas dito na maaaring lagusan papasok sa ibang lugar. Tumingin ako sa dalawang kasama ko at maging sila ay namamangha.
The place is covered with gems and diamonds glued to each of giant stones, na sa aking palagay ay sakop nang katawan nang kwebang ito. There were also flowers on the ground. If only Vershiatists knows this place, malamang ay mayaman na ang bayan namin!
"Ano ba itsura nang Okuzami?" Tanong ni Echo.
"Bulaklak malamang," Sagot ni Fauna.
Napangiwi si Echo, "Alam 'kong bulaklak iyon. Sa dami nang bulaklak dito, malay ko ba kung alin dito 'yon?"
Kung pagmamasdan ay mga normal na bulaklak lamang itong mga nadadaanan namin. I bet these are not the Okuzami Flowers.
"Sa pagkakatanda ko, Okuzami's are white sampaguita flower-like that has light colors of mixed red and blue on each of its petals. Lumiliwanag din daw ito."
"Woaaah! How did you know that?" Namamanghang tanong ni Fauna.
"Nabasa ko lang dati sa lumang libro," Sagot ko nang nakangiti. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami talaga akong alam kahit hindi ako nagaaral. Hehehe.
"So, maaasahan ka pala namin pagdating sa mga ganitong bagay," Echo giggled.
"Not really," Sagot ko nalang.
"Sabi mo umiilaw to? Hindi kaya...ayun 'yon?" Sinundan namin ang tinuturo ni Fauna. There is a small passage at the end of the cave. Mayroon ngang liwanag at galing panigurado 'yon sa Okuzami.
"That's it!" Natutuwang bulalas ni Echo.
We walk our way through that light. Kung kanina ay namamangha kami sa mga makukulay na diamante, ngayon naman ay mas namangha kami sa dami at ganda ng mga Okuzami!
Lumiliwanag ang buong paligid dahil sa nilalabas nitong liwanag na mayroong iba-ibang kulay, ngunit di naman nakasisilaw. Ito ang una 'kong beses na makikita nang Okuzami, and it is indeed a capture to the eyes.
"Should we pick some?" Asked Fauna.
"Malamang! Para saan pa't pumunta tayo dito? Diba para kumuha ng Okuzami? Engot!" Tugon ni Echo. Inirapan lang siya nang pabiro ni Fauna.
Tiningnan ko ang mga Okuzami sa harapan ko. Sa sobrang ganda nila ay parang makokonsensya ka pa kapag pumitas ka nang isa. Napansin ko din sa bandang gilid ang ibang Okuzami. Unlike the others, this one is too different. It doesn't produce light at all, at nangingitim na siya.
"Hey guys, look at this! Bakit iba?" Mukhang napansin na din ni Echo.
"Napansin ko nga rin. Baka mga patay na Okuzami lang 'yan," Komento ko.
"Oo nga. Only if Paige is here, she can water these living things. Pero I wonder kung may nagaalaga ba sa mga 'to?"
Napaisip kami sa sinabi ni Fauna. Oo nga 'no? Parang yung ibang bulaklak lang din naman ang mga Okuzami. Hindi sila mabubuhay ng walang nagaalaga sakanila. Even if they can cure, hindi naman nila kayang buhayin ang sarili nila. They're still flowers anyway.
Sa dami kong iniisip, di ko na namalayan na pumipitas na pala si Echo ng Okuzami. Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam nang kaba. Tila ba bumagal ang takbo nang oras, at nakatulala ako sa bawat pagpitas ni Echo sa mga ito. Bakit ang bilis nang tibok nang puso ko? Ano nangyayari?
Minsan lang tumama ang hinala ko. At ayoko sanang isipin na may mangyayari hindi maganda. Bakit ba ako kinakabahan? Tsk! Napapraning na ata ako.
"Oh. Mas lalo silang umiilaw. Hihihi," Tuwang-tuwa si Echo sa nakikita niya.
Lumapit naman sakanya si Fauna,"Is this enough?"
"Of course. Ayoko naman ubusin ang mga Okuzami. Let's go?" Yaya ni Echo.
Hindi ko na lang masyado pinansin ang kabog sa dibdib ko at sumunod na lang sa paglalakad nila. Wala naman sigurong mangyayaring masama diba? Napayuko ako. Ganitong-ganito ang naramdaman ko noon nang makita ko si Keya na hawak ng isang Alkirvia. Napabuntong hininga ako at biglang natigilan nang makaramdam ako nang kamay na humawak sa braso ko.
Napaangat ako nang tingin at nakita si Echo at Fauna sa harapan ko na inaamoy-amoy pa ang mga Okuzami. My eyes bulged in fear when I felt someone's hands tightly holding my arm. If this is not them...S-sino to?!
Napapalunok akong unti-unting nilingon ang kamay nito na....m-mabalahibo?! Nagangat ako nang tingin at di inaasahan ang nakita ko!
"AAAAAHHHHH!!"
Anong klaseng nilalang ito?! Halimaw! Isa itong halimaw na mabalahibo at tinubuan nang malalakin sungay!
"Grrowwrrr!!"
"Astra!" Pinatamaan ni Fauna nang apoy ang halimaw na nakahawak sakin. Agad ako nitong nabitawan at umalulong. Nagsimula na akong kabahan. So this is what my feeling earlier is telling me!
"What the hevk is that?!" Echo exclaimed, holding a dagger on her hand and taking a step back.
"Guys, don't let your guard down. Padami sila ng padami. I don't know where they came from," Fauna said. Inihanda namin ang sarili namin. Mayroon sa kaliwa, kanan, harap. Lahat! Sa bawat sulok ay naroroon sila, and we're trapped! Maliban na lamang dito sa likod ko, kung saan maaari pa akong makatakas.
Pinagmasdan ko ang mga halimaw na nasa harap namin. They are twice bigger than a gorilla. At, ang panget at nakakatakot talaga ng itsura nila. I don't think that they're just wild animals.
"Wala akong dalang sandata. Shit!" Inis akong napatapak sa lupa. Yeah right. Ngayon ko lang napansin. I don't have anything! Healing lang naman ang kaya ko, at ni dagger ay wala akong dala!
"Puntahan mo si Paige, ngayon na!" Hindi ako nilingon ni Echo nang isigaw niya yon. Nananatiling nasa halimaw ang kanilang atensyon.
"Paano kayo?"
"Just go!"
Agad ko namang sinunod ang sinabi ni Echo. Bago pa man ako makalabas sa lagusan ay bigla namang nagsidatingan sila Azriel. Para akong nabunutan nang tinik. Sa wakas, dumating rin sila. Pakiramdam ko ay ligtas na kami lalo pa't nandito si Azriel.
Nagkatinginan kami at sinamaan niya ako nang tingin, "Tss, stay at our back," He said in a cold voice at nilabanan ang mga halimaw. Kasunod niya ay sina Cadell at Paige.
Pinanood ko silang makipaglaban sa mga ito. Hindi nga sila masyadong nahihirapan ngunit di maipagkakaila na magagaling din makipaglaban ang mga ito. Para silang tao kung makipaglaban.
"Please tell them to stop."
Napatalon ako sa gulat nang makarinig nang isang maliit at matinis na boses nang bata. Hinanap ng paningin ko ang boses na yun, at isang maliit na batang duwende ang nakita ko. Nanlaki ang mga mata ko at napalayo dito.
"S-sino ka?!"
Kinunutan ako nito ng noo at sinuri ang mukha ko habang tinatabingi pa ang ulo. Napapatabingi din tuloy ang ulo ko sa ginagawa niya.
"Parang pamilyar ka, pero di ko alam kung saan kita nakita. Ay ewan! Oo nga pala, ako nga pala si Dara. Ako ang napakagandang nilalang na iyong nakita at uulitin ko binibini, pakisabihan po sila na tumigil na dahil po ayoko po sumigaw. Masasayang boses ko."
Saglit pa akong natulala sa nakikita ko. A tiny voice, yet so cute. Hindi naman siya nakakatakot, ngunit nakapagpataka ang kanyang itsura at tangkad.
"Ba't ko sila pipigilan? Eh halimaw yung mga kalaban nila," Napataas ang kilay ko.
At talagang nagawa pa naming magkwentuhan habang ang mga kasamahan ko ay busy sa pakikipaglaban. Great. Just great
"Duh? Hindi sila halimaw. Sinumpa lang sila kaya ganyan itsura nila. At kung ayaw mong masayang ang enerhiya nila, pigilan mo na sila dahil mga immortal 'yang mga yan. Walang saysay ang powers nila."
Nanlaki ang mga mata ko at dagliang napatingin sa direksyon nila Azriel. Nakita ko si ito na gumawa ng ice spear at pinatama sa mukha ng halimaw. Nagkasugat ang mukha nito pero agad 'ding naghilom. Tama nga ang bulilit na ito.
"Pero pano ko sila pipigilan?" Nagkasalubong ang kilay ko nang muli ko siyang harapin.
"Edi sumigaw ka," She plainly said, shrugging her shoulders.
"Ano isisigaw ko?"
"Darna! Darna isigaw mo! Leche sigaw lang ate! Sigaw! Like stooppp! Like that Ha? Kaya go!"
Lakas makadarna nitong bulilit na'to ah. Kung di lang siya bata,baka nasapak ko na 'to.
"Oh eto," May inabot siya saking isang....k-kutsilyo? Ano gagawin ko sa kutsilyo?
I took the knife as I glanced at her with my questioning face, "What's this for?"
"Hehehe. Wala lang. Sige na,pigilan mo na sila," She shoo-ed her hands to me.
Kumunot ang noo ko at napapailing-iling na lang. Nagaalinlangan pa ako kung papagitna ba ako sa kanila o ano, pero dahil makulit at maingay itong nasa tabi ko, napilitan na lang akong pumagitna sakanila sabay sigaw ng...
"STOOOPP!!" Sigaw ko habang hawak hawak sa kaliwang kamay ang kutsilyo na binigay ni Dara. Para s'an ba 'to? Props?!
As expected, the battle stopped. They gave me their what-the-hevk-you-are-doing-look. Azriel gave me a death glare which I didn't mind.
Napatingin ako sa direksyon ni Dara na naka-okay sign pa sakin at ngiting ngiti. Why is she smiling at me revealing her creepy sharp chainsaw-like teeths?!
"This has to stop," I opened up. Even the furry monsters stopped as if they can understand. If my deduction is right, they're half human.
"What the fvck are you saying?!" A glimpse of irritation was recognized on Azriel's voice. I remember, ayaw nga pala niyang natatalo o may nangingielam sa ginagawa niya. He's the boss, as what the Elementals use to tease him.
"I heard they're immortals. Wala tayong laban sakanila, and we would be just wasting our energy if we continue this," I explained.
"DARA! Bakit nagsama ka ng mga Ezeans?!"
The bold and mascular voice came from that monster in the middle! Siya yung humawak sa braso ko. And...they can talk?! My deduction is getting right! What are they, exactly?
"Kuya Ozus, hindi ko sila sinama. Actually, dito daw sila nagpalipas nang gabi. Duh?!" Dara, on the other side, rolling her eyes. At pano naman nakilala ng bulilit na'to ang mga nilalang na ito?!
"You're the Alpheniels?" Azriel turned his attention to Ozus, as what I've heard. So they also have names, huh? At ano daw? They're the Alpheniels?
Nanlaki ang mga mata ko nang magsink in iyon sa utak ko. They're what?! Tiningnan ko sila nang maigi, and I can't help but to shiver in fear just by taking a single glance from them. Paano nangyari iyon? Ang alam ko ay tao sila at hindi halimaw. They are better than this!
Marahan namang tumango si Ozus, "We're the Alpheniels at ipinagbabawal namin ang kahit na sino ang pumasok dito lalong lalo na ang mga Ezeans at Alkirvias."
"Wait...how can you be the Alpheniels? What happened?" Paige asked, finally trying to fill my curiosity. Mukhang lahat kami ay hindi makapaniwala sa nakikita.
Hindi pa ako nakakasalamuha ng isang Alpheniel dahil sa pagkakaalam namin ay nagpakalayo layo na ang mga ito. And also, they are Alkirvia's ally.
"It's none of your business."
Hindi ko alam na pati halimaw ay marunong magsungit, pero di ko maipagkakaila na bumabagay sakanya ang gan'ong accent. If ever you know the beast on a Disney Princess movie, you'll probably imagine him as that.
"As I was saying, no one except Alpheniels are allowed in here. And you--" Sabay turo niya kay Echo na ikinagulat ng dalaga. "--Ibalik mo ang mga Okuzami na kinuha mo. They're dangerous."
"Dangerous? At bakit naging dangerous ang pagkuha sa mga bulaklak na maaaring maging cure sa mga sakit?" Asked Echo.
"Hindi para sa lahat ang bulaklak na iyan."
"And why do you care?" Fauna interfered, with her serious tone and furrowed brows. "I mean...you're Alkirvia's ally."
"Wag na wag mong maibabanggit ang pangalan ng Alkirvia na yan!" The scary beast reveal itself. Bumakas agad ang galit sa mukha nito na naipapakita ang matutulis na pangil. "They're a traitor! We can't trust anyone! Kaya kayo--umalis na kayo bago pa magbago ang isip namin!"
And we should really get going. They're impossible to kill, nor win over them.
"Aalis talaga kami dito!" Sabat ni Cadell. "Let's go. Hanap na lang tayo ng ibang cave. Di naman maganda dito eh, ang dilim-dilim!"
"Ano pa 'bang aasahan mo eh kweba to?" Echo sarcastically said.
"May bad spirit pa! Mukhang kailangan 'kong gumawa nang ritwal," Cadell doesn't even look like joking. Nauna siyang umalis na sinundan naman nung tatlong babae.
Sinamaan muna nang tingin ni Azriel si Ozus bago sumunod kila Cadell, "Astra let's go."
Nagkatitigan kami ni Ozus. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba iyon, o totoong nakita 'kong kumislap ang mga mata niya? I got a weird feeling that I know this person for so long.
"Ate, pwede ba akong sumama sainyo??"
Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. It was Dara. Kinakailangan ko 'pang yumuko para makita siya.
"Anong sinasabi mo Dara?! Kumakampi ka na ba sakanila?!" Sigaw sakanya ni Ozus.
"Wala akong kinakampihan kuya Ozus. Alam 'kong sa Dark Alkirvia ang punta nila at gusto 'kong mawala na ang sumpa sainyo."
Sumpa? So that explains why they looked like a monster! Pero paano nangyari iyon? At bakit? Nalilito ako. Hindi ko dapat binibigyan nang maraming katanungan ang utak ko na wala namang kinalaman sakin. At pano niya nalaman na papunta kami sa Dark Alkirvia? Sinabi ba nila Azriel?
Hindi ko magawang itanong kay Dara ang tungkol sa sumpa dahil kaharap ko pa ang mga Alpheniel.
"Dara, hindi ko alam kung pwede kang sumama. Masyadong delikado---"
"I'm aware of the danger, and I'm giving my life at risk. Wala akong pakielam, basta't mawala ang sumpa na iyan."
"Tandaan mo 'to Dara. We can't trust anyone! Not an Ezean, not a Lifars, not a Vershiatist and definitely not an Alkirvia! Hindi sila tulad ni Yllva!" Ozus shouted in anger.
And who the hell is Yllva? Iisang Yllva lamang ang kilala ko. That can't be. Imposibleng ang Reyna Yllva ang tinutukoy nila?!
"Pero nararamdam ko na mabait sila, Kuya Ozus. Mapagkakatiwalaan sila. After all, they're from Ezea," Dara tried to convince him.
"Bahala ka sa gusto mo! Kung aalis ka sa lugar na ito, wag na wag ka nang babalik!"
Nanlaki ang mga mata ko sa banta nito. Pa'no na si Dara pag nangyari 'yon? Pero sa nakikita ko ay mukhang buo na talaga ang desisyon ni Dara.
Napatingin ako sa mukha ng bata na nasa gilid ko. Nangingilid ang luha nito ngunit nagagawa niya pa'rin ngumiti. Na halatang-halata naman na peke.
Ayaw niya sigurong iwan ang mga ito, pero dahil gusto niyang mawala ang sumpa sa mga ito ay handa siyang umalis. Kahit gaano pa man ito kahirap at kasakit.
"Ipinapangako ko Kuya Ozus. That curse will eventually fade, and you'll go back to being normal."
=====
"WHAT TOOK you so long?!" Ang nakabusangot na mukha ni Azriel ang sumalubong sa'kin. Bumaba ang kanyang tingin kay Dara at sinamaan ako nang tingin. "At bakit kasama mo iyan?"
"Gusto niyang sumama," I answered, shrugging my shoulders.
Naningkit ang mga mata nitong tumingin sa'kin, "And you dare to bring an excess baggage?!"
"Grabe ka naman sa'kin!" Nakangusong sabat ni Dara.
"Teka, bakit mo kasama 'yan?" Lumabas mula sa likod ni Azriel si Cadell na kasunod yung tatlong babae.
Dara raised her brow, "Bawal ba?" Tila naghahamon ang boses.
"Oo, bawal ang bata!" Sagot naman ni Cadell.
"Duh? Baka nakakalimutan mo na---"
"Wait..who's this dwarf?" Fauna's brows furrowed and pointed her finger to Dara.
"Hindi nga ako dwarf! Mukha ba akong duwende? Duh?!" And of course, the overreacting Dara with her tiny voice.
Natawa ako sa pagiging defensive ni Dara. Hindi nga siya duwende but she look like one. Wag niya lang sana ipakita ang mga ngipin niya dahil baka matakot kami ng tuluyan sa napakaamo niyang mukha.
"We can't trust this kid. She's on the side of the Alpheniels," Azriel said habang seryosong nakatingin kay Dara.
"Sure, don't trust me. Pero naisisigurado 'kong hindi ko kayo sasaktan," Taas noong sabi nito. "At baka nakakalimutan niyo na ako ang guardian angel ng Queen Yllva ng Ezea?"
Our eyes glanced at Dara with a confusion and surprise on our face, except to Azriel and Cadell that probably already know something. Kung hindi ako nagkakamali ay matagal nang patay ang Reyna Yllva. So ibig sabihin, ang Reyna Yllva nga ang tinutukoy ni Ozus, pero ilang taon na itong patay! Paano makikilala ng batang ito ang Reyna?
Ngiting-ngiting nilapitan ni Echo si Dara at lumuhod pa para magkapantay sila nito, "You're her guardian angel? Pero bakit wala ka sa history ng Ezea?"
Guardian angel? Hindi kaya isa siyang immortal?
Napataas naman ang kilay nito, "Gan'on? Nasaan na ang gumawa ng kasaysayan ng Ezea! Hindi dapat kinakalimutan ang isang napakaganda, napakatalino at napakacute na tulad ko! Duh?!" Tila proud na proud pa siya.
"At napakayabang mo rin pala," dagdag ni Echo.
"At napakastraight forward mo din pala. Binibini, hindi kayabangan ang tawag d'on. That's what you called The truth. Duh? " She flipped her hair to the side and striked a pose. Hindi ko akalain na ganito kadaldal ang batang ito.
"Wait, are you coming with us?" Tanong ni Paige at tumango naman ito. "Masyadong delikado ang pupuntahan namin."
Wow. Akalain 'mong concern din naman pala siya.
"Paige's right. Bawal ang bata," Fauna seconded.
Tumawa si Cadell sa isang gilid dahilan para makuha nito ang atensyon namin,
"Di na bata yan. One-hundred years old na 'yan! Mas matanda pa yan sa'tin. Pfft!" Itinakip pa nito ang palad sa bibig para pigilan ang pagtawa.
"WHAT?! You're one-hundred what?!", Paige seemed so surprise. Di na ako nagulat, since I concluded already that she's an immortal lalo pa't nung sinabi niyang isa siyang guardian angel. Sandali, nalilito pa'rin ako. Anghel ba talaga siya o tagabantay lang?
Dara rolled her eyes, "Kailangan talaga pangunahan ako?" Sarkastikong Sabi nito kay Cadell bago humarap samin. "Bata pa ako 'no! Age is just a number but my face is nothing compared to any number. Hihihi. Baby face pa ako kaya wag na wag kayong magtatangkang tawagin akong lola kun'di, hay naku! Jombag abot niyo sa'kin."
Seriously, sa mukha niyang sobrang puti. Sa mga mata niyang malalaki na parang isang manika, mapulang labi at namumulang pisngi. Hindi ko akalain na ang tagal na niyang namumuhay sa mundo. And my questions in mind is slowly being solved. Kung gan'on ay nabubuhay na siya noong panahon pa ng Great Amarine.
"Tss, ang dami 'mong sinasabi!" Azriel's blood started to boil up. Mukhang naiinip na siya dahil kanina pa salubong ang mga kilay niya.
"Omygosh. Anong gayuma ang ginamit mo?!" Manghang tanong ni Echo.
"A-anong gayuma ka dyan! Hoy, natural to. Hindi kumukupas! Duh?!"
I see that she doesn't really like the word duh. Insert the sarcasm there.
"Do we even have to waste our time here? Ugh! Let the child, I mean, the old-looking-child join us. She might be a little help," Paige suggested at nagpaunang maglakad. Sumunod sakanya si Azriel.
"Old looking child? What the..Hoy babaeng tubig! I'm not old! I'm cute! Duh?!" Sigaw nito kay Paige na nagthree sign lamang ng hindi lumilingon sakanya. We should probably get going. Sumunod ako sa kanilang paglalakad at naglakad na rin sila.
"Ayiiiikkk...Kasama ka na sa adventure namin so meaning, tuturuan mo ako ng mga potions, ha?" Tuwang-tuwa na sabi ni Echo.
"Anong potions? Hindi ako mangkukulam!"
"Yeah whatever," Echo rolled her eyes at bumulong sakin. "If I know gumamit lang yan ng spell pampabata at endless life."
"Hoy narinig ko yon ah!"
Napabuntong hininga ako. This would be a very noisy day for us at sa mga susunod na araw pa. Hindi na ako magtataka kung makasundo agad ni Dara si Echo at Cadell.
*****
A/N: Welcome our new character, DARA (The Guardian Angel)! What would be her role to this risky adventure? Is she an ally, or an enemy?
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro