Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

##########

KABANATA 5
Longing

"NOW TELL me, are you willing to give up your own life?"

Buhay ko, kapalit nang pagkawala nang halimaw sa loob nang katawan ko. Mapait akong napatawa at napatingala. Akalain mo nga naman ang tadhana. Ang kaluluwa ni Keya at ang buhay ko. Kapalaran ko na ba mamatay sa ilalim nang mga Alkirvia?

"Sigurado ka na yon lang ang paraan?" I tried to hide my fear, and acted strong infront of him. Ayoko magmukhang mahina sa harap ng ibang tao. Lalong-lalo na sa harap ng isang Ezean na kagaya niya.

Matagal bago siya nakasagot, tila ba pinagiisipan ang sasabihin. Saka siya bumuntong hininga. Hindi ko alam kung namamalik mata ba ako, pero nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Azriel kasabay nang pagtiim nang bagang niya.

"Do you know someone related to my situation?" Hindi ko alam kung bakit naisipan ko iyon, ngunit mukhang tama nga ako dahil bahagya pa siyang nagulat sa tanong ko.

"Oo.." Lumunok siya. "That was two years ago..."

"Ano nangyari sakanya?"

Nagiwas siya nang tingin. Mukhang labag sakanya na pagusapan ito pero napupuno nang pagtataka ang utak ko, "She's dead. Nalaman ng Magic Council ang nangyari sakanya. She was sent to Lifarshia, the Alkirvia hunters, and...they killed her."

Hindi agad ako nakapagsalita at nanlumo. Ang Lifarshia ay ang pangalawang kaharian. They are the Amazons and Hunters. They know how to track an Alkirvia. Mamamatay ba ako kapag nalaman ito ng Magic Council? Malamang ay magagaya lang rin ako sa taong iyon.

"At yung lalaking umatake sayo. He was the same Alkirvia who attacked my former colleague, pero hindi ko siya nagawang iligtas. I was just a rookie that time and I hated myself," His fist formed into a ball and his jaw clenched, and the moment that I thought na namamalik mata lang ako nung nakita 'kong nagbago ang kulay nang mga mata niya, I was wrong. It happen again where his eyes turned into laser blue one. Ngunit nang pumikit siya at nagmulat ay nawala na naman.

"K-kaya ba hindi mo sinabi kila Echo yung nanyari?" Tanong ko at inilayo ang topic tungkol sa former colleague niya.

He nodded, "Unless you wanted to be killed."

Mabilis akong umiling at pinunsan ang naudlot 'kong luha, "S-syempre hindi....ang kaso..."

Nanlumo ako nang maisip ko na mahihirapan akong lutasan 'to. Habang buhay ko na 'bang dala-dala ito? Ano na mangyayari sa'kin sa mga susunod na araw?

"I won't let that happen. Unless you wish for it," He said in a serious tone.  "This conversation is between the two of us. Wala kang ibang pagsasabihan," Tumayo siya.

"S-saglit! B-bakit mo ako hinalikan?" Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko sa tanong ko. But I think I have the right to know!

"I gave you an antidote. A temporary one, that can save you for a moment."

That explains the heat inside my body. Pero kailan pa siya naging healer? At para saan ang antidote? Para namang maaalis n'on si Zed sa katawan ko.

"And why is that? Para saan?" Tumayo na rin ako.

"Sinabi ko na sa'yo na nagadvance reading ako, and that's the other thing that I can do. Pinagaralan ko 'yon simula nung nangyari iyon sa teammate ko," Natigilan siya at bumuntong hininga. "It can stop Zed for taking your body. It is my way to cover you up. Kada madaling araw ay lalabas siya, at papalitan ka sa katawan mo."

Napalunok ako at sinimulang kabahan, "and the ki--I mean, antidote? Ibig ba n'on sabihin..." Nanlaki ang mga mata ko sa naisip ko.

Shit. Araw-araw niya akong haha---

"Nope. I can't do that. The pain can kill you. I can only do that if needed..." Natigilan siya at ngumisi sakin, "You're not expecting me to kiss you everyday----"

"H-Hindi!" I cut his words. Nagiwas ako nang tingin. Nagkibit-balikat siya at ngumiti.

"Sa tingin ko ay 'yon na ang huling beses na gagawin ko sa'yo 'yon," Bigla siyang sumeryoso kaya napatingin ako sakanya. "The first time I tried it...you got almost killed. Muntikan nang di kayanin ng katawan mo," Umiling siya at ngumiti nang tipid. "I can't let you die."

=====

HANDA NA ang mga gamit namin. Mayroon kaming kanya kanyang bag na naglalaman ng mga pagkain, healing candies, proteksyon at sandata. We bid goodbyes to Sir.Etienne bago namin tahakin ang daan sa gubat.

"So we're gonna start from West side base on the map," Hawak ni Paige ang mapa na ibinigay ni Sir.Paulo. Kasing laki nito ang chessboard at kulay kayumanggi.

"Aabutin pa siguro tayo ng ilang linggo bago makarating sa lugar na yon," Cadell said, definitely talking about the Dark Alkirvia Land.

Nangunguna sa paglalakad si Paige at Cadell, sa likod naman nang dalawa ay si Fauna,Echo at Azriel. Sinadya ko na magpahuli dahil parang may narinig ako na kaluskos na unting unting nagpabagal sa lakad ko. Tiningnan ko ang paligid at hinanda ang sarili. Gubat pa rin ito at maraming mga mababangis na hayop.

"Astra? Are you okay?" Lumapit sakin si Echo at sinabayan ako sa paglalakad.

Nilibot ko ulit ang tingin ko sa gubat at inihanda ang tenga ko. Nagbabaka sakaling marinig ulit ang kaluskos na yun pero wala akong narinig.

"Ahh wala," Sabi ko nalang at nginitian siya.

"Sigurado ka? May narinig ka ba?"

"N-narinig mo rin ba?" Tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad. Ganun din siya. Imposibleng ako lang ang nakarinig non.

Umiling siya, "Nope. Nababasa ko lang sa mukha mo. Nililibot mo kasi ang tingin mo."

Pero kung wala silang narinig, baka guniguni ko lang yon? Napailing nalang ako at sinabi sakanya na wala lang yon. Ayoko namang pagalalahanin sila.

Ilang oras na rin kaming naglalakad at malapit nang lumubog ang araw. Mukhang malayo layo na rin ang nalalakad namin at mababakas ang pagod sa kanilang mga mukha, maliban sakin. Maybe because I'm used to it.

"I'm tired. Pahinga muna tayo," Umupo si Fauna nang hindi nilalapat ang pwet sa lupa habang ang kanyang kamay ay nakapatong sa kanyang tuhod.

"Let's find a cave here. Mag-gagabi na rin and we need shelter to sleep on", Paige suggested at uminom sa kanyang tubig.

"I think I saw something earlier. Let's go. Dito ko lang yun nakita eh," Sinundan namin si Cadell sa paglalakad hanggang sa tumambad samin ang isang malawak na kweba. Ito ang unang beses ko na makakita nang kweba at tila ba namamangha pa ako sa nakikita. Sobrang dilim sa loob at mukhang may mga paniki pa na naninirahan.

"Wait, I think I know this place. Nabasa ko 'to eh," Biglang sabi ni Echo na nakatitig pa sa kweba.

"Queznowland," Nagsalita ang kanina pa na tahimik na si Azriel kaya naman nilingon namin siya, "We're here at Queznowland," Dagdag niya.

"Ahh oo nga!" Pumitik pa si Echo with her bright face,"Eto yung Queznowland! Remember yung tinuro sa'tin ni Ma'am Jessica? May malaking cave dun at eto nga yun!" She seems so amazed and surprised. Napapangiti ako sa reaksyon niya. Mukhang ito lang rin ang unang beses na nakakita sila nang kweba. I wonder kung ilang beses na ba sila lumabas nang Ezea High para sa isang mission.

"Talaga?!" Gulat na tanong ni Fauna na tinanguan naman ni Echo.

So this is Queznowland. Pinagmasdan ko ito. Nabasa ko ito sa lumang libro na napulot ko lang. Nung bata ako,tanda ko pa na may kung ano ang nagtutulak sakin na pumunta dito kahit hindi ko Alam kung saan ang lugar na ito, at ngayon, nasa harapan na ako ng lugar na yun. Ang Queznowland. I don't feel anything special about this place but it seems weird when I felt the longing after seeing it.

"Psh. So what if this is the Queznowland? I don't want to stay here for one night my gosh! Can't you see those bats?!" Nandidiring tinuro ni Paige ang kweba. Inirapan naman siya nang sabay ni Fauna at Echo.

"Wala na tayong ibang matutulugan, Paige. And this is not just a Queznowland, this is history! Diba dito daw nagpalipas ng Gabi ang Queen Yllva ng maligaw siya sa gubat na ito?" Cadell's voice is full of amusement na para bang sabik na siyang matulog sa lugar na to.

"So we're now talking about History eh? Psh," Paige rolled her eyes.

"Let's just don't mind those bats. We have no place to go, and this is the only choice," Seryosong sabi ni Azriel kaya naman hindi na nakaangal pa si Paige.

At dahil pagod na pagod na kami ay sumalampak na kami sa loob. May mga paniki nga pero hindi na lang namin yun pinansin at lumayo nalang sakanila. Good thing that this cage is so huge na nakagawa pa kami nang bonfire at hindi naistorbo ang mga paniki. The bonfire serves our light made by Fauna's ability.

"Ahh! Finally makakapagpahinga na rin!" Ani Cadell.

"Just for one night guys. I cant stay here any longer," Si Paige. Hindi nalang namin siya pinansin.

Napansin ko ang pagdilim nang langit, at nagumpisa na akong kabahan. Mamayang madaling araw ay lalabas si Zed. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Naglatag sila ng mahihigaan nila at nagsimula ng matulog habang ako ay nakaupo lang sa isang sulok, nang maramdaman kong may taong umupo sa tabi ko. Si Azriel.

"Before midnight, I need to put ice cuffs on you," He whispered.

Nakuha ko naman ang pinupunto niya at agad na tumango. Mas mabuti nang nakakulong ako kaysa may masaktan pa ako. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari tonight.

Napabuntong hininga ako sa inis at napahilamos sa aking mukha. Kasalanan ito ng lalaking yon! Mas pinahirapan niya lang ang takbo ng buhay ko. Dinagdagan niya lang ang problema. Kung alam ko lang ay di ko na sana siya kinausap at tumakbo nalang.

"That might be probably painful."

Tiningnan ko siya, "Anong ibig 'mong sabihin?"

"I suggest you to prepare for the pain," Ngumisi siya nang hilaw. Tila ba nangaasar pa, ngunit mahahalata naman na nagaalala rin siya sa pwedeng mangyari.

"Shut up," Inirapan ko siya.

=====

HININTAY NAMIN na tuluyang makatulog ang mga kasama namin. Niyaya ako ni Azriel sa labas ng kweba upang doon mailabas ang dapat ilabas. Ibinigay ko sakanya ang kamay ko na nilagyan naman niya nang posas na gawa sa yelo. Napakagat ako sa labi nang maramdaman ko ang lamig na sinusubukan 'kong kayanin.

"I'll be watching you. You can't harm anyone with your hands handcuffed," He said in monotone.

I can feel my eyes trembling in fear. Ilang minuto nalang ay mararamdamn ko na ang sakit na sinasabi ni Azriel. Mas masakit ba ito kaysa d'on sa ginawa niya?

Suddenly, our gaze met. Maybe he felt the fear I'm feeling. He just nodded and took a step backward. I sighed and closed my eyes. 59 segundo...30 segundo...10 segundo....

"Astra..."

Napamulat ako, ngunit wala na ako sa gubat. Isang madilim na lugar. Madilim na madilim na halos wala na ako makita. Tiningnan ko ang kamay ko, nakikita ko naman ito ngunit hindi na ito nakaposas. Teka...'asan si Azriel?

I was about to take a step forward when suddenly I felt a pain inside me. Eto na siguro ang sinasabi ni Azriel.

"A-ahh.." Napangiwi ako at napapikit nang mariin. Hindi ko maintindihan yung sakit na nararamdaman ko. The pain is eating my body, my toes are trembling and I'm shaking! Napaluhod ako at napasigaw sa sakit. Damn it!

"A-aaahhhh!!"

Naibuka ko ang bibig ko. I feel like suffocating. I can't breathe. Every part of my body is at pain! As if I'm severely injured. Parang paulit ulit akong binubugbog. My head is not a problem, but my body is. I don't feel the heat that Azriel gave me. Ibang iba ito. Dito mo mararamdaman ang tunay na sakit. Para akong binabalatan nang buhay!

Gusto 'kong umiyak sa sobrang sakit! Gustong gusto ko!

"T-tama na...p-please...t-tama na..."

Hindi ko napigilan ang mga luha ko sa paglabas. No one can help me. I'll be suffering for the rest of my life. Kung ganito lang rin pala kasakit...bakit parang mas mabuti 'pang mamatay nalang?! Hindi ko kinakaya! My healing can't even help me at all! I'm dying!

"T-tulungan n-niyo ako..."

"Ikaw si Azriel?"

Napamulat ako. The unfamiliar voice of a man echoed in this place. Ngayon alam ko na...nakalabas na si Zed at dito ako dinala nang katawan ko. Pero bakit ganon? I can still feel the fuckin torture!

"Alam mo namang iisa lang ang paraan para mawala ako hindi ba? Why don't you kill me?" It's the same voice. "Oh. Ayaw mo? Osya, ako nalang ang papatay sayo"

"How can you kill me? The body you entered doesn't even have the ability to win over me. She's just a healer."

Narinig ko ang boses ni Azriel. There is a mock on his voice. Hanggang doon ay nilalabas niya ang yabang niya. I'm just a healer? Ha!

Naghintay ako ngunit ang mga boses na iyon ay hindi na nasundan pa. Nakakapagtaka dahil maski ang sakit na nararamdaman ko kanina ay biglang nawala.

"Astra..."

Saglit, ito yung boses na tumawag sa'kin kanina. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ang isang babae na napakaganda. Lumiliwanag ang kanyang katawan at ang kanyang mukha, na halos hindi mo na nakikita.

Natigilan ako nang makilala kung sino ito. Siya yung babaeng nasa Magic Mirror. Hindi ako pwedeng magkamali.

"We meet again," Sa tono nang boses ay batid 'kong nakangiti ito. Inalok niya ang kanyang kamay sakin upang tulungan akong tumayo. Hindi na ako nagalinlangan 'pang tanggapin ito.

"Marahil ay nagtataka ka kung bakit ako nandito."

Oo, at 'yan ang unang tanong na gusto ko sabihin. Tumango na lamang ako sakanya. Ang kaninang madilim na lugar ay napalitan nang isang maliwanag, maaliwalas, at magandang paligid. Nasa gubat kami. Sandali, ito ang gubat nang...

"Vershia Forest," Inunahan niya ako.

"Anong ginagawa natin dito?" Kumunot ang noo ko at di naiwasang magtanong.

"Inilayo kita sa madilim na lugar na 'yon."

"Sino ka ba talaga?"

"Hindi pa ito ang oras para malaman mo. Astra, Namimiss mo na ba ang iyong kaibigan? Ang bayang kinalakihan mo?"

Ang tanong niyang 'yon ang nakapagpalambot sa'kin. Natulala ako at napayuko. Ang kaibigan ko at ang bayan ng Vershia....gusto ko na makabalik. Gusto ko na bumalik sa dati 'kong buhay.

"Hindi mo akalain na ito na ang huling beses nang inyong pagkikita..."

Napaangat ako nang tingin at sinundan ang kanyang tinuturo. Bumilis ang tibok nang puso ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay babagsak ako sa panghihina nang tuhod ko.

Nasa bayan ako ng Vershia. At nasa harap ko ang kaibigan ko. Nakikita ko ang sarili ko na nakangiti habang kausap si Keya.

"Keya.." Lumapit ako at pinanood ang alaalang ito.

"Maligayang kaarawan, Keya" Niyakap ko si Keya at iniharap sakanya ang regalo. Isang kwintas na yari lamang sa kahoy, "Pasensya na kung 'yan lang ang nakayanan ko."

Ngumiti sa'kin si Keya at humiwalay sa yakap, "Sapat na sa'kin ang makasama ka. Walang silbi ang mga 'yan kung wala ka."

Nagumpisang mangilid ang luha ko. Itinaas ko ang kamay ko at hinawakan si Keya ngunit tumagos lamang ito sakanya.

"Ang hiling ko lang naman ay ang...wag 'kang malagay sa panganib. Hayaan mo Astr, hindi ko hahayaang magkawalay tayo."

At d'ib na bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko napigilan ang humagulgol at tumalikod. Naitakip ko ang aking kamay sa aking bibig at umiyak nang umiyak.

Patawad Keya...Patawad.

"B-bakit....bakit mo k-kailangang ipakita sa'kin 'to!"

Hindi ko alam kung sino siya at kung sinasadya ba niyang ipakita sa'kin 'yon para masaktan ako, pero kahit gan'on, kahit masakit, mas pipiliin 'kong balik-balikan ang mga alaalang 'yon.

Kahit hindi ko maaninag ang itsura niya ay alam 'kong nakatitig siya sa'kin, ngunit hindi siya nagsalita. Wala siyang sinabi. Naglaho siya at naiwan akong lumuluha. Ang mga alaalang iyon ay unti-unting nalusaw, hanggang sa naramdaman ko ang unti-unting pagmulat nang mga mata ko.

Napahawak ako sa aking pisngi. Basa ito at patuloy pa'rin ako sa pagiyak.

Naramdaman ko nalang ang paginit nang katawan ko nang yakapin ako ni Azriel. His hug became my weakness. I let out a flood of tears while he's comforting me and caressing my back.

"Shh...I'm here."

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro