Kabanata 47
##########
KABANATA 47
Identity
[ASTRA DELA FUENTE's]
KUNG TAMA ang pagkakaintindi ko sa mga narinig ko galing sa mga lintek na Alkirvia na 'to, binabalak nilang lusubin ang Ezea. Hindi nila ito magagawa kung maraming Knights ang naroroon kung kaya't pinasabog nila ang ilang bahagi sa Lifarshia.
Hindi ko alam kung mautak na sila ng lagay na 'yon. Sino ba nagplano n'on? Hindi ba nila alam na kahit anong gawin nila, wala pa rin silang laban sa Ezea?
"Kilala kita! Ikaw 'yung kasama ng mga Ezean!" Sabi nung isa sa'kin at tinuro pa ako.
"Oh tapos?"
Mabilis akong umilag ng magpalabas iyong isa ng dark magic. Para akong nagpagulong-gulong sa lupa. Mabilis akong tumayo dahil tatlo sila at alam kong di ko sila matatakasan agad.
Akmang sisipain ako ng isa sa tyan ng mahablot ko ang kaniyang paa at hinagis siya roon sa isa pa niyang kasama na pasugod din sa'kin. Sabay silang natumba.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kinuha ko ang aking dagger at tumakbo pasugod sa isa. Tumalon ako sa puno at sinipa sa mukha iyong isa. Ngunit sa kasamaang palad, nahuli nito ang paa ko.
Ngumisi siya sa'kin pero sinamaan ko lang ito ng tingin. Hindi nila ako pwede matalo rito!
Ginamit ko iyong isang paa ko na malaya at iyon ang ginamit pang sipa sakaniya. Ang nangyari ay tumambling ako pabaligtad.
Kita ko sa gilid ng mga mata ko na susugod iyong dalawa. Sinakal ako ng isa gamit ang isang kamay kaya sinakal ko rin siya at hinampas ko ang mukha niya sa aking dagger na nasa kaliwang kamay ko.
Napakagat ako sa aking labi ng tumalsik ang dugo niya at biglang natumba sa lupa. Tiningnan ko iyong isa at galit na galit itong nakatingin sa'kin.
Dalawa nalang ang kalaban ko. Nagtuloy-tuloy ang laban namin hanggang sa bigla na lamang ako natumba! Napapikit ako ng nagpalabas ng dark magic ang Alkirvia.
"'Wag niyo siya galawin."
Napalingon sakaniya yung dalawa. Hindi ko inaasahang makita si Nate dito. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag.
Nakatingin lamang si Nate sa'kin. Hindi mo kakikitaan ng kahit anong emosyon ang kaniyang mga mata.
"Nagsasayang lamang kayo ng oras at lakas niyo. Hindi niyo magagawang patayin ang isang immortal. Mabubuhay at mabubuhay din 'yan."
Kumunot ang noo ko. Ako ba ang tinutukoy niya? Hindi ko maintindihan. Ano bang pinagsasasabi nito? Tinatakot niya lang ata iyong mga kalaban.
"Nate," tawag nung isa at talaga nga namang nakakatindig ng balahibo ang boses nito.
Teka, paano siya nakilala ng mga 'to?
"Patayin mo na siya, Nate! Pinatay niya si Joseph!" Angil nung isa at pagalit na tinuro ako. Sinulyapan ako nito at inirapan ko naman siya.
Tiningnan ni Nate ang nakahandusay na si Joseph daw kuno. Napangiwi ako. Wala na iyong kaliwang mata niya at duguan ang mukha. Masiyado ata ako naging brutal.
Mahinang natawa si Nate, "As expected from a girl like her."
Naningkit ang mga mata ko. Imposible ito. Siya ang Kingsman ng Ezea, paano niya nagawa 'to?
"I-isa ka sakanila?" Nauutal na saad ko at dahan-dahang tumayo.
Tinaasan ako ng kilay ni Nate, "Ano sa tingin mo?"
Sumama ang mukha ko. Traydor pala itong bwiset na Nate na 'to! Ang tagal na niyang nagsisilbi sa Ezea, hindi mo nga naman akalain na isa siya sa Alkirvia.
"Paano mo nagawa 'to?"
Lumapit siya sa'kin habang nakapamulsa. Isang ngisi ang ibinigay niya sa'kin at sinulyapan ang dalawang Alkirvia na nasa kaniyang likod.
Napaatras ako ng bigla siyang magpalabas ng pakpak na gawa sa metal. May narinig akong pagbulasok ng matulis na bagay at nanggaling iyon sa likod. Nanlaki ang mga mata ko ng makita iyong dalawang Alkirvia na duguan ng nakahandusay sa lupa.
Mabilis akong napatingin kay Nate at tinutok sakaniya ang aking dagger. Pinatay niya iyong mga kasama niya!
Natawa si Nate, "Chill, Astra. Nandito ako para dalhin ka sa kaibigan mo."
Natigilan ako. Si Keya? Dadalhin niya ako kay Keya? Sa Alkirvia? Ni hindi ko nga alam kung paano siya maililigtas doon. Malabong mabawi pa ulit siya dahil kinuha na ng Alkirvia ang katawan ng kaibigan ko!
"Ano ang totoo, Nate? Isa ka bang Alkirvia?" Mariin kong tanong.
Ngumuso si Nate at tumingin sa taas na animo'y nag-iisip. Maya-maya pa ay ngumiti ito ng nakakaloko sa'kin, "Malalaman mo lahat, sumama ka sa'kin."
=====
BIGLANG NAG-IBA ang wangis ni Nate kanina. Akala ko ay may pakpak lang talaga siya, akala ko ay iyon lang talaga ang ability niya pero nagulat ako ng bigla siyang nagpalit ng anyo. Naging isang malaking agila siya.
Hindi na nga ako nakapalag pa ng isama ako nito sa himpapawid at dinala sa lungga ng Alkirvia. Sinamaan ko siya ng tingin ng bigla na lamang ako nitong inihagis sa malaking salamin, nabasag iyon at nagpagulong-gulong pa ako sa loob.
Napamura ako sa sakit. Takte. Lintek! Ang sakit non putspa, puro bubog ang katawan ko!
"May galit ka ba sa'kin?!" Sigaw ko kay Nate at hinayaang mag-heal ang sarili ko. Lumanding ito sa tabi ko at bumalik sa anyong tao.
"Healer ka naman, diba?" Mapangasar niyang sabi.
Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko, "Pero pwede pa rin akong mamatay 'don! Talaga bang gusto mong maubos ang lakas ko?!"
Bahagya siyang natawa at napailing. Tinulungan ako nitong tumayo pero tinanggihan ko ang kamay niya. Kusa akong tumayo.
Nagkibit-balikat siya, "Okay."
Nilibot ko ang aking tingin sa pinagbagsakan namin. Teka, kwarto ito ah. Puros itim at pula ang nakikita ko. Nang tumingin ako sa likod ko ay napaawang ang bibig ko.
Kitang-kita ng dalawang mata ko ang malaking portrait na nakasabit sa gitna, sa ilalim nito ay isang malaking kama.
"Si Axel," Mahinang usal ko.
Litrato iyon ni Axel na hindi man lang nakangiti. Gawa sa pagguhit ang litratong iyon. Hindi mo kakikitaan ng kahit anong emosyon ang kaniyang mukha. Mukhang medyo bata pa siya rito. Nakasuot siya ng itim at pulang damit na parang pang Prinsipe. Ang kasuotan niya rito ay halatang makaluma. Maging ang portrait mismo ay mapapansing marami na ring alikabok at naninilaw na rin.
"Gulat ka ba?" Tanong ni Nate na nasa likod ko.
"Isa siyang..."
"Tama ang iyong iniisip, si Axel ang Prinsipe ng Alkirvia."
Kung gan'on ay tama nga ang narinig ko mula sa mga Alkirvia. Hindi ko akalaing magagawang itago ni Axel sa'kin ang pagkatao niya. Ang sabi niya sa'kin ay anak siya ng isang kawal at pinatay ang kaniyang mga magulang. Sa anong dahilan siya nagsinungaling? Ano ba talaga ang pakay niya? Kung gan'on, hindi ba siya isang kakampi? Nilinlang niya lang ba kami? Alam ba ito ni Ozus? Ang daming tanong ang pumapasok sa utak ko!
"Marami ka pang hindi alam, Astra," Ani Nate. Tiningnan ko siya at binigyan ng nagtatakang tingin. "Alam mo ba kung bakit nagkakagulo ang lahat? Dahil iyon sa'yo."
"Ako talaga sinisisi mo? Nadamay nga lang kami ni Keya dito," Tanggol ko sa sarili ko. "At hindi ko na kasalanan kung sadyang demonyo kayong mga Alkirvia!"
Ngumisi siya, "At sino ba may sabing isa akong Alkirvia?"
"Kung hindi ka isa sakanila, paano mo mapapaliwanag iyong nangyari kanina?"
"Tsk tsk, kung isa ako sakanila, matagal na sana akong nakahimlay," Aniya at tinaasan ako ng kilay. "Isa akong Ezean, ikaw? Alam mo ba kung s'an ka nagmula?"
Nagsalubong ang kilay ko sa inis, "Ano ba'ng klaseng tanong 'yan?"
Naglakad ito ng dahan-dahan. Nililibot ng kaniyang tingin ang kabuuan ng kwarto habang ako ay sinusundan lamang siya ng tingin. Ibang-iba siya ngayon kumpara sa Nate na una 'kong nakilala.
"Ezea, Lifarshia, Alpheniel, Vershia," Biglang usal niya ng hindi nakatingin sa'kin. Bahagya siyang natawa, "Even Alkirvia. Ni isa sa limang kaharian na iyon, wala ka," Tumingin ito sa'kin.
Nilabas ko ang aking dagger at hiniwa ang pulso ko, ilang segundo lang ay kusa na itong humilom. "Kilala ko ang sarili ko, Nate. Isa akong healer. Isa akong Vershiatist at ito ang patunay ko."
Natawa ulit siya at naiinis na ako, "At sa tingin mo talaga nagmula ka sa Azmar?"
"Oo," Matapang kong sagot. Talagang nakipagtitigan ako sakaniya. "Kaya ako sumama para kay Keya. Nasaan ang kaibigan ko?"
Pumamulsa siya at naglakad palapit sa isang malaking pintuan. Nilingon niya ako at sinenyasan na sumunod. Lumabas kami sa kwarto at nagpatuloy sa paglalakad. Isang malawak na hallway ang sumalubong sa'kin. Medyo may kadiliman at puro torch ang makikita sa bawat dinaraanan namin.
"Isa ang kwarto ni Axel sa pinakaiingatan namin ni Cyrus dito," Aniya Nate sa gitna ng aming paglalakad. "Tanging kaming anim lamang ang maaaring makapasok doon."
Kumunot ang noo, "Kayong anim?"
Tumingin siya sa'kin, "Oo, si Cyrus, ako, si Axel syempre, si Chelle at si Xynos."
"Sabi mo anim, eh parang lima lang naman ang binanggit mo."
Bahagya siyang natawa at umiling, "Si Elix iyong isa."
Bigla akong natigilan sa paglalakad. Napatigil din si Nate at nagtatakang nilingon ako. Tinaasan ako nito ng kilay.
Elix? Pamilyar.
Napailing nalang ako at nagtuloy sa paglalakad, "S-sino si Elix? Parang di ko naman siya nakikita."
Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Nate. Narinig ko pa ang buntong-hininga niya.
"Matagal na siyang patay," Seryosong sagot niya.
Napauwang ang bibig ko at hindi na lamang ako nagsalita o nagtanong pa. Oo nga pala, si Keya ang pinunta ko rito. Hindi ako pwede magpa-linlang kay Nate. Baka mamaya ay patibong lang niya ito.
Nadaanan namin iyong main hall kung saan naroon iyong malaking hagdan. Hindi ko makakalimutan itong lugar na ito dahil dito kami naghabulan nung bwiset na Cyrus na 'yon.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hinayaan niya akong mabuhay. Kalaban siya, hindi ba? Gusto nila akong patayin pero hindi niya ginawa. Tanda ko pa iyong matinding galit na nakita ko sa mga mata ni Xynos. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.
"Something's bothering you?" Biglang tanong ni Nate kaya napatingin ako sakaniya.
Tiningnan ko siya ng masama, "Si Xynos, bakit galit na galit siya sa'kin? Bakit gusto ako patayin ni Cyrus?"
Ngumuso siya at nagkibit-balikat. Napansin ko na nasa isang laboratoryo na kami. Inilibot ko ang aking paningin sa maliwanag na paligid hanggang sa tumama ito sa bulto ng isang tao.
Nagtama ang mga mata namin ni Cyrus.
"Tinatanong mo kung bakit gusto kita patayin?" Aniya.
Tila nabato ako sa kinatatayuan ko at mabilis na napatingin kay Nate na nakatingin din sa'kin. Bahagya pa akong napalayo sakaniya.
Nilakasan ko ang loob ko. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginagawang masama sakanila, pero bakit parang ang laki ng galit ng Alkirvia sa'kin?
"Hindi ba dapat ako ang gumawa niyan dahil kinuha niyo sa'kin ang kaibigan ko?" Sinamaan ko ng tingin si Cyrus. "Pinatay niyo si Keya."
Saglit siyang nakipagtitigan sa'kin at sabay pa sila ni Nate na natawa sa sinabi ko. Nagsalubong ang kilay ko.
"Kung totoong kaibigan ang turing sa'yo ni Keya, hindi dapat siya naglihim sa'yo," Aniya Cyrus at umiling.
"Wala naman siyang dapat ilihim sa'kin."
Napangisi si Nate, "Wala ka talagang alam, ano?"
Naningkit ang mga mata ko sakanila, "Ano ba dapat 'kong malaman?" Bakit hindi nalang nila ako deretsuhin? Ang dami ng gumugulo sa utak ko. May hindi ba ako alam tungkol sa'min ni Keya?
"Sinasayang niyo oras ko. Bakit hindi niyo nalang sabihin?" Naiinis kong sabi pa, binalingan ko ulit si Nate. "Sabi mo ilalapit mo ako kay Keya pero nasaan siya?"
Naningkit ang mga mata ni Nate sa'kin, ngumisi siya na parang demonyo, "Keya? Bakit? Iyon ba talaga ang totoo niyang pangalan?"
"Hindi kita maintindi—"
Humakbang si Nate palapit sa'kin at malakas akong tinulak, "Ikaw ba? Hindi naman ikaw si Astra diba?! Ikaw si—!"
"Itigil mo na 'yan, Nate," Seryosong sabat ni Cyrus at lumapit sa pwesto namin. Pinaggigitnaan na nila ako ngayon. Tanging espasyo lamang ang naghihiwalay sa'ming tatlo.
"Kailangan niya malaman, Cyrus! Kailangan bumalik na siya sa dati para mapatay ko na siya!" Sigaw ni Nate.
Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari. Hindi ko na maipinta ang itsura ko. Sobrang naguguluhan na ako sa lahat.
"Papatayin mo ako?" Nakasimangot kong tanong kay Nate. Galit siyang tumingin sa'kin. "Bakit Nate? Ano ba'ng kasalanan ko sa'yo?"
"Ikaw! Hindi ka na dapat nabuhay pa!"
"Tangina naman Nate! Nagpapaligoy-ligoy lang tayo rito!" Galit na sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
Natigilan siya bigla at gulat na nakatitig sa mata ko, maya-maya pa ay ngumisi siya, "Ganyan nga, ilabas mo 'yung totoong ikaw."
Lumapit sa'kin si Cyrus at tiningnan ako. Napauwang ang labi niya. Hindi ko alam ang pumapasok sa utak nila ngunit isa lang ang sigurado ako, hindi ako ligtas dito. Masyado akong nagpakatanga para sumama kay Nate.
"Nangako ka na dadalhin mo ako kay Keya," Pigil galit 'kong sabi habang mariing nakikipagtitigan kay Nate na nananatiling nakangisi sa'kin.
"Gusto mo pa rin makita iyong taong nagkubli sa'yo ng katotohanan?"
"Wala na akong pakialam sa mga sinasabi mo, Nate. Ginulo niyo lamang ang buhay namin ni Keya."
"Ikaw ang gumulo sa buhay namin, Astra!" Galit na sigaw ni Nate. "Kinuha mo 'yung taong mahalaga sa'kin!"
Naalarma ako ng bigla niyang inilabas ang kaniyang espada, mabilis din ang kilos ko at kinuha ko ang espada ni Cyrus na nasa kaniyang gilid at sinangga ang espada ni Nate.
Ngayon ay mariin kaming nakikipagtitigan sa isa't-isa.
Tumawa si Cyrus, "Napahanga mo ako sa bilis mo, Astra. Mukhang hindi ka pa rin nagbabago," Tumingin siya kay Nate. "Ibaba mo na 'yan, Nate."
Huminga ng malalim si Nate at pagalit na ibinaba ang kaniyang espada. Ibinaba ko rin ang hawak 'kong kampilan. Hindi pa rin mawala ang galit sa mga mata ni Nate. Kung anuman ang hinanakit niya sa'kin ay wala akong alam doon.
"Akin na ang espada ko, Astra," Aniya Cyrus sa'kin. Nasa likod ko siya kaya naman humarap ako sakaniya. Nakalahad ang kaniyang kamay sa'kin, ngunit imbis na ibalik ko ang kaniyang kampilan ay itinutok ko ito sa kaniyang leeg.
Saglit siyang natawa.
"Sabihin mo kung nasaan si Keya," Utos ko sakaniya.
"Wala na si Keya."
"Sinungaling ka!" Sigaw ko.
Mapait siyang ngumiti sabay natigilan ng mapatingin siya sa aking likuran. Isang kaluskos ang narinig ko sa likod, huli na ng bigla akong tinulak ni Cyrus at hinawakan ang isang malaking lobo.
Nakasalampak ako ngayon sa sahig habang gulat na nakatingin kay Cyrus at sa lobo. Malakas na pinipigilan ito ni Cyrus. Batid kong si Nate ang lobo na iyon at galit na galit ito sa'kin.
"Umalis ka na!"
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo paalis. Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito kaya hindi ko alam kung paano lumabas. Himala at wala akong nakikitang mga Alkirvia rito. Marahil ay sumugod na nga sila sa ibang lugar, lalo na sa Lifarshia.
Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni Cyrus habang tinutungo ko ang daan. Ito ang pangalawang beses na hinayaan niya akong makatakas. Gusto niya ako patayin pero bakit niya ako pinapatakas?
"Astra!"
Gulat akong napatigil ng biglang lumitaw ang isang babae na nakasuot ng itim na cloak at ang kalahti ng mukha ay natatakpan itim na telang. Tanging mga mata lamang nito ang aking napagmamasdan.
Itinutok ko sakaniya ang espada na nakuha ko kay Cyrus. "Sino ka? Bakit kilala mo ako?"
"Hindi na mahalaga kung sino ako," Malamig ang kaniyang magandang boses. Nagulat ako ng hinawakan ako nito sa braso. "Kailangan mo pumunta sa Lifarshia. Sumama ka sa'kin."
Inalis ko ang kaniyang braso. Nagtangka pa siyang lumapit pero mas lalo kong itinutok sakaniya ang espada. "Hindi kita kilala para sumama ako sa'yo."
"Wala ng oras. Sasabihin ko sa'yo ang aking pagkatao, ngunit kailangan muna natin makaalis dito."
=====
[THIRD PERSON's POV]
NAGKAKAGULONG mga Hunters at Amazona maging ang ibang Lifars ang nadatnan ni Azriel ng puntahan nya agad ito matapos makarinig ng isang pagsabog. Ang lugar na kung saan nagkaroon ng pagsabog ay ang bayan ng Lifarshia, kung saan doon nakatira ang ibang mga Lifars na may kaniya-kaniyang pamilya, mga matatanda at bata ang karamihan.
Ang bayan na ito ay kalapit lamang ng Kaharian ng Lifarshia, malawak ito kumpara sa nasabing kaharian sapagkat mas maraming mga Lifars ang naninirahan dito. Sa lugar na ito pansamantalang nanirahan si Azriel ayon na rin sa bilin ng Haring Meros.
"Sige, pero sa isang kondisyon," Aniya Haring Meros.
"Tang—" Napapikit sa inis si Azriel at magmumura na sana ngunit mabilis siyang napigilan ni Fauna.
"Whatever it is, your Highness," Magalang na sagot ni Fauna. Mabigat ang pakiramdam ni Cadell at Echo, natitiyak nilang hindi basta-basta ang Haring Meros.
Ngumisi ang Haring Meros at tumingin kay Azriel na ngayon ay nagpipigil na ng galit. Ito ang unang pagkakataon na may isang taong tumingin sakaniya ng ganoon katalim, sapagkat isa siyang hari at dapat lamang siyang galangin. Ngunit hindi nito nagugustuhan ang pinapakitang ugali sakaniya ni Azriel.
"Papayag akong makapasok kayo sa kaharian kapalit ng paglimot niyo sa healer na iyon, kay Astra."
"Are you insan—" Tinakpan ulit ni Fauna ang bibig ni Azriel at pagalit itong tiningnan. Walang nagawa si Azriel kung hindi ang sumimangot at murahin ang hari sa kaniyang isip.
Si Echo ang nagsalita, "Hindi niyo maaari gawin 'yan. Astra is our friend. May karapatan kaming protektahan siya—"
"Protect her? Nagpapatawa ba kayo, Elementalists?" Idiniin pa ni Haring Meros ang huling salitang binanggit. "You don't protect a healer like her."
"Kung ganoon lamang po ang inyong kondisyon, sorry to say your Highness but we can't agree to that," Lakas na loob na sagot pa ni Echo.
Sumama ang mukha ng Haring Meros, nagiinit na ang ulo nito dahil ang titigas ng ulo ng Elementalists. Alam niyang hindi niya ito madadala sa mga ganoon lamang kung kaya't alam na niya ang nararapat niyang gawin.
"And if proven that she's guilty, kami mismo ang magpaparusa sakaniya. Even if it means death," Sagot ni Echo na ikinagulat nilang lahat. Hindi naman nagustuhan ni Azriel ang sinabi nito lalo pa't alam nilang lahat na si Echo ang pinaka malapit kay Astra. Hindi niya akalain na magagawa itong sabihin ng dalaga.
"Alam kong hindi kayo papayag sa nais ko, ngunit mas bibigyan ko kayo ng magandang kondisyon." Saad ni Haring Meros. "Kalimutan niyo na ang healer na iyon, at ipinapangako ko sainyo, palalayain ko siya at palalayuin sa lugar na ito at hindi na muling tutugisin pa."
Walang nakapagsalita sakanila. Ngunit sa likod ng isip ni Azriel ay hindi siya nagtitiwala sa maaaring ikilos ng Haring Meros.
"Kung sino man ang sumuway sa'kin, nararapat lamang na tanggalin siya sa posisyon bilang isang Elementalists at mamamayan ng Ezean." Saad pa ng Haring Meros at malamig na tumingin kay Azriel na masama na ang tingin sakaniya. "Siya ay ipatatapon sa ibang lugar. Bilang Hari ng Lifarshia, anuman ang naisin ko ang siyang natutupad."
**
"Azriel! Saan ka pupunta?!"
Walang kabuhay-buhay na nilingon ni Azriel si Paige na sumunod pala sakaniya. Nasa Kaharian na sila ng Ezea at kasalukuyang binibisita ng Elementalists ang kalagayan ni Haring Matsu. Hindi rin sila pinayagan na lumabas ng kaharian sapagkat iyon ang utos ng Hari ng Lifarshia.
"Tss, hindi pa ba obvious?"
Balak ni Azriel na hanapin si Astra. Isang araw palang ang nakalilipas magmula ng makulong sila sa loob ng kaharian ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maplagay ang loob ng Elementalists, lalong-lalo na ni Azriel.
"Get your shit together, dumbass. Mainit ang mata sa'yo ni tandang Meros. And you're gonna freakin' get us in trouble pag tinuloy mo ''yang binabalak mo," Mariing sambit ni Paige habang nakapameywang pa.
Mainit nga ang mga mata ng Haring Meros kay Azriel sapagkat alam nito na sa lahat ng Elementalists, si Azriel ang unang-una na magpaplanong tumakas upang hanapin si Astra. At hindi siya papayag na gawin nito ang nais nila.
Ibinigay na nila ang kanilang salita sa Haring Meros at hindi nila dapat iyon suwayin.
"Bakit? Ano binabalak niya?"
Napaayos ng tayo si Paige at gulat na napalingon sa taong dumating. Si Sam. Napapikit naman sa inis si Azriel at tumalikod. Astang maglalakad ito palayo ngunit biglang nagsalita si Sam.
"Hahanapin mo siya? That healer?" Tumawa si Sam. "Can't you still see, Azriel? She's a traitor! Tingin mo bakit siya sumama kay Axel? Hindi ba para tumakas? She had the chance to prove her innocence, pero sumama pa rin siya kay Axel 'cause she's guilty."
Napatigil naman sa paglalakad si Azriel na mas ikinagisi lalo ni Sam. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Wala ka ng magagawa, Azriel. She just commited treason. Then, alam mo naman diba na kamatayan lang din ang naghihintay sakan—"
"Kill me first before you can kill her." Malamig na sagot ni Azriel at naglakad na paalis. Natameme naman si Sam sa gulat sabay inis na napapadyak. Nakatingin lamang sakanya si Paige.
Napagtanto ni Azriel na ang kaniyang kasalukuyang tinitirhan ang siyang pinanggalingan ng pagsabog. Ngayon ay kitang-kita ng mga mata niya ang malalaking apoy na lumalamon sa kaniyang tinitirhan, maging ang mga kalapit nitong tahanan. Huli na dahil nagkalat na ang apoy.
Kasalukuyan din namang nakikipaglaban ang mga Hunters at Amazona sa mga Alkirvia na sumugod. Ang mga ito panigurado ang nagdulot ng pagsabog upang gawin ang kanilang binabalak na paglusob sa bayan ng Lifarshia.
Nag-init ang ulo niya sa galit dahil iniisip niyang sinadya ni Cyrus at Nate na pasabugin ang kanyang tinitirhan sa kagustuhan din siguro ng mga ito na pasalangin siya.
Hindi sapat ang Hunters at Amazona sa dami ng Alkirvia na sumugod sakanila ngayon. Ang ibang Hunters at Amazona ay magmumula pa sa Kaharian ng Lifarshia kung kaya't medyo matatagalan ang pagdating ng mga ito. Batid ni Azriel na hindi pa rin ito sasapat kung kaya't gumawa siya ng ice-fire phoenix at inutusan ito na magtungo sa Ezea upang dalhin ang kaniyang mensahe sa Elementalists.
Isang pagsabog na naman ang narinig ni Azriel sa di kalayuan at mas malakas ito kumpara sa nauna. Marami ng bata ang umiiyak at ito ang mga inuna niyang pinalikas.
Inilibot ni Azriel ang kaniyang tingin sa malawak na bayan. Nabibilang lamang ang mga Hunters at Amazona na nakikipaglaban sa pagkarami-raming Alkirvia. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at tumulong na rin sugurin ang mga ito.
HINDI NAMAN lubos akalain ni Astra na magtitiwala siya sa babaeng kakakilala pa lamang niya. Magaan ang pakiramdam niya rito kung kaya't pumayag siya na sumama. Nakalabas na sila sa Kaharian ng Alkirvia at ngayon ay tinatahak na nila ang gubat patungong Lifarshia.
Pinagmamasdan lamang ni Astra ang likod ng babaeng nasa harapan niya habang sila'y naglalakad. Ang suot nitong itim na cloak ay sumisimbolo sa Alkirvia.
"Isa ka bang Alkirvia?" Walang alinlangang tanong ni Astra. Tuloy pa rin naman sa paglalakad ang babae at hindi siya nililingon man lang.
"Kung isa man ako sakanila ay wala na iyon saiyo."
"Hindi iyon wala lang sa'kin. Ang sabi mo ay sasabihin mo ang iyong pagkatao kapag sumama ako sa'yo kaya may karapatan akong malaman," Aniya Astra na siyang nagpatigil sa paglalakad ng babae.
Tumigil din sa paglalakad si Astra habang ang babae ay unti-unti siyang nilingon. Ilang segundong nagtagisan ang kanilang tingin bago dahan-dahang tinanggal ng babae ang tela na tumatakip sa kaniyang ilong at bibig. Ngayon ay napagmamasdan na ni Astra ang kabuuan ng mukha ng babae.
Maliit ang mukha ng babae. Ang kaniyang labi ay manipis at mapula, matangos ang kaniyang ilong at ang kaniyang mga mata ay walang sing-ganda. Mala-dahon ang hugis ng mga mata nitong kulay berde. Mestisa ang dalaga kung kaya't tumitingkayad ang pagkapula ng kaniyang pisngi.
"Kilala mo ba ako?" Nakangising tanong ng babae kay Astra na ngayon ay nakakunot-noo na.
"Hindi kita kilala." Hindi nga naman niya kilala ang babae. Nasisigurado siya na ito pa lamang ang unang beses na nakita niya ito. "Pero bakit parang kilala mo ako? Bakit mo ako tinulungan?"
"Isa lang ang masisigurado ko sa'yo," Humakbang palapit sakaniya ang babae. "Hindi ako kalaban."
Umiling si Astra, "Hindi pa rin ako maaaring maging kampante."
Saglit na natawa ang babae at ibinaba ang hood ng cloak sa kaniyang ulo, "Talaga nga namang di ka pa rin nagbabago. Ako nga pala si Riann." Pagpapakilala nito sabay inilahad ang kaniyang palad kay Astra.
Bumaba ang tingin ni Astra sa kamay nito at humakbang paatras, "Sa tono ng iyong pananalita ay parang kilalang-kilala mo ako."
Kung gan'on ay Riann pala ang pangalan ng babae, ngunit sa tanang ng buhay niya ay wala siyang kilalang Riann. Hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig ang binigkas nito kanina. Parehong-pareho sila magsalita nina Cyrus at Nate na para bang matagal na siyang kilala ng mga ito. Ano ba talagang mayroon at pinalilibutan siya ng mga pangyayaring hindi naman niya inaasahan?
"Oo, tama ka. Kilala kita," Sagot ni Riann at ngumisi. "Kilalang-kilala kita."
Nanliit ang mga mata ni Astra, "Sino ka ba talaga? Kaano-ano mo ang mga lintek na kampon ng Alkirvia?"
Natawa si Riann dahil nababatid niyang si Cyrus at Nate ang tinutukoy ni Astra. Tumalikod siya at nagsimula ulit maglakad.
"H'wag tayo magsayang ng oras. Sasagutin ko 'yan pero magpatuloy muna tayo sa paglalakad."
"Sagutin mo mga tanong ko," Pagmamatigas pa ni Astra.
Napangiwi si Rianne at malalim na bumuga ng hangin. Humarap siya kay Astra na hindi man lamang umalis sa kinaroroonan nito. "Lahat ng taong nakapaligid sa'yo, Astra. Lahat sila ay naririto ng dahil sa'yo. Nangyayari ang mga bagay na ito nang dahil din sa'yo."
Kumunot ang noo ni Astra, "Sa'kin? Anong ginawa ko? Anong ginawa ko sainyo? Bakit galit na galit sakin si Nate? Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Gulong-gulo na ako. Nananahimik kami ni Keya sa Vershia pero bakit parang ako pa ang may mali dito?"
"Hindi ko masisisi si Nate sa galit niya sa'yo," Seryosong ani Riann at tumingala upang tingnan ang buwan na hindi na natatanaw dahil natatakpan ito ng mga ulap. "Sa muling pagsilip ng buwan, malalaman mo lahat."
Sarkastikong napatawa si Astra, "Bakit hindi mo nalang ako deretsuhin? Sa totoo nga lang hindi kita kilala eh! Pinaglalaruan mo lang ba ako?"
"Hindi mo maiintindihan kung sasabihin ko sa'yo—"
"Pa'no ko maiintindihan kung wala ka pa namang sinasabi sakin!" Inis na sigaw ni Astra.
"Dahil wala ako sa tamang posisyon upang—"
"Kung gan'on ay pinaglalaruan mo lang ako!" Sabat ni Astra na nanlalaki ang mga mata. Galit ang mga mata nitong nakikipagtagisan ng tingin kay Riann. Huminga muna ito ng malalim bago tuluyang iwan si Riann.
Ngunit bago pa man siya makalayo ay narinig niya ang huling binanggit ng dalaga.
"Ipagpaumanhin mo, Kamahalan."
ISANG ICE-FIRE Phoenix ang bumungad kay Cadell. Kasalukuyang nageensayo ang Elementalists pati na rin si Dara, kalaban ni Fauna si Paige habang si Echo naman ay nakikipag one-on-one physical combat kay Dara. Hindi naman akalain ni Echo na sa liit ni Dara ay magaling din ito makipaglaban sa pamamagitan ng pakikipaglaro.
Si Cadell naman ay kasalukuyang pinapanood ang mga kaibigan hanggang sa tumigil sa tapat niya ang isang ice-fire phoenix. Nanlaki ang mga mata nj Cadell at napatingin naman sa direksyon niya sina Echo.
Bumuga ng hangin ang ice-fire phoenix na siyang mas lalong ikinagulat ni Cadell at napatayo pa ito sa kaniyang kinauupuan. Mabilis naman na nagsilapit sakaniya sina Echo.
"Ice-fire? Galing kay Azriel?" Tanong ni Echo. Hahawakan niya sana ito ngunit bigla itong naglaho.
"Ano nangyari, Cadell? What did Azriel said?" Tanong ni Fauna sa binata. Tiningnan sila isa-isa ni Cadell. Batid nila na nagpadala ng mensahe sa Azriel gamit ang ice-fire phoenix at ginamit niya ito sa pamamagitan ng hangin. Air ang kakayahan ni Cadell kung kaya't sa kanilang lahat ay siya lamang makakarinig ng tinig ni Azriel na pinadala sa hangin ng ice-fire phoenix.
"We need to prepare ourselves. May kailangan tayong puntahan," Seryosong sabi ni Cadell at mabilis na tumakbo palabas ng training room. Hindi pa man alam nina Fauna ang nangyayari ay sumunod na lamang sila.
"AZRIEL!" NAPALINGON si Azriel sa taong tumawag sakaniya at nakita niya si Axel sa di kalayuan. Ilang segundo lamang ay sumulpot na agad ito sa harapan niya na hindi na niya ikinagulat. Alam niya ang kakayahan ni Axel. Alam niyang nagtataglay ito ng dalawang elemental: Tubig at Hangin.
Naningkit ang mga mata ni Azriel, "Anong ginagawa mo rito?"
Ngumisi si Axel at kalmadong inilibot ang tingin, "Mukhang kailangan mo ng tulong."
"I don't need your help."
"Hindi ito ang oras para pairalin mo ang galit mo. Ginagawa ko ito hindi para sa'yo, kun'di para kay Astra," Seryosong ani Axel na ikinatigil ni Azriel.
Natulala ito ng ilang segundo. Gan'on ba talaga kahalaga si Astra kay Axel para gawin nito ang lahat para sa dalaga? Naiinis siya sa kaniyang naiisip kaya naman napagdesisyunan niya na bumalik nalang sa laban.
Napailing na lamang si Axel bago tumingin sa ibang direksyon. Napatigil siya ng makita niya ang isang babaeng nakatayo sa harapan niya.
"Kuya."
"Chelle," Tugon ni Axel na hindi mababakasan ng kahit anong emosyon sa mga mata. "Bilang Prinsipe ng Alkirvia, inuutusan kita na itigil na ito."
Nanlaki ang mga mata ni Chelle at sumimangot, "Hindi, tinalikuran mo na kami! Ang utos ni Kuya Cyrus ang susundin—"
"Hindi ka dapat nangingielam dito!" Sigaw ni Axel. Dahan-dahan itong naglakad palapit kay Chelle. Mababakas ang takot sa mga mata ng dalaga dahil sa paglapit ni Axel.
"Pag hindi mo tinigil ito..." Aniya Axel habang unti-unti pa ring humahakbang palapit kay Chelle.Tumigil ito sa tapat ni Chelle, "...papatayin kita."
Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Chelle at nabakas ang labis na takot sa kaniyang mukha. Ngunit, kung magpapaapekto naman siya ay mayayari naman siya sa pagdating ng Dark Lady.
Malalim itong huminga at nagpakita ng matapang na ekspresyon, "Kahit ano pa'ng sabihin mo, hindi na ito maaaring itigil."
Sumama naman ang mukha ni Axel at naghanda upang labanan si Chelle.
NAGPAHANDA AT nagpadala ng mga ibang Hunters at Amazonas ang Haring Meros matapos niya mabalitaan ang nangyaring paglusob sa kanilang bayan. Mangilan naman sa mga healers ang pumaroon upang tumulong.
Hindi rin naman nagtagal at dumating na rin ang Elementalists upang tumulong sa Kaharian. Si Echo at Cadell ang siyang pumwesto sa labas ng Kaharian upang harangin at kalabanin ang sino mang Alkirvia ang magbalak na lumusob. Si Fauna at Paige naman ay nasa loob ng Kaharian. Maraming Alkirvia ang siyang sumugod dito. Balak talaga nila wasakinang Lifarshia.
Napatingin si Azriel kay Axel na siyang busy din naman sa pakikipaglaban kay Chelle. Todo atake ang ginagawa ng dalaga ngunit si Axel ay walang kapawis-pawis na iniiwasan lamang ang mga ito. Madali lanang para kay Axel na tapusin si Chelle sa ilang atake lamang ngunit hindi iyon ang gusto niyang mangyari.
"Azriel!" Sigaw ni Fauna na siyang nakapagpa-agaw ng pansin ni Azriel. "Protect the King!"
Napabusangot si Azriel at mabilis na nilingon ang kinaroroonan ng Haring Matsu. Galit na tinutugis ito ng mga Alkirvia. Labag sa loob niyang tulungan ito dahil sa ginawa nito sakanya. Hindi rin naman niya masisisi ang hari ngunit hindi rin naman naging patas ang naging desisyon nito.
=====
"ASTRA," TAWAG ni Rianne. "Kailangan pala nating magtungo muna sa Ezea."
Kumunot ang noo ni Astra. Noong una ay sabi nito na sa Lifarshia ang patutunguhan nila sapagkat ito'y inaatake. Ano naman kaya ang pumasok sa isip nito at biglang nagbago ang kaniyang pasiya.
Bigla ay naalala niya ang usapan kanina ng mga Alkirvia. Patibong lamang ang pagsugod nila sa Lifarshia at ang kanilang tunay na pakay talaga ay ang buong Ezea.
"Tama, kailangan ko balaan sina Sir Etienne sa plano ng mga—"
"Hindi iyon ang gagawin natin," Pagputol sakaniya ni Rianne. Nagtataka namang tiningnan siya ni Astra. "Kukunin natin ang crux pendant."
"Nahihibang ka na ba?" Naiinis na tugon ni Astra. "At talagang mas papadaliin mo pa para sa mga Alkirvia ang lumusob sa Ezea. Nag-iisip ka ba?!"
Hindi niya malaman kung kakampi ba itong si Rianne o ano. Bakit nga ba kasi siya nagtitiwala kung kani-kanino.
"Makinig ka, wala ng saysay ang crux pendant. Malapit na mag blue moon!" Asik ni Rianne na nanlalaki ang mga mata. Napatigil naman si Astra.
Saglit na napatitig si Rianne kay Astra. 'Pano ko ba mapapaliwanag sa'yo ang lahat? Ang hirap'
"Ano ba'ng sinasabi mo?" Nalilitong ani Astra.
Mabilis na hinawakan ni Rianne ang kamay ni Astra, ang muka nito ay nagmamakaawa, nawawalan ng pag-asa. "Magtiwala ka sa'kin. Sumama ka lang sa'kin para malaman mo...please."
=====
[ASTRA DELA FUENTE]
NAGING MADALI lang para sa'min ni Rianne ang makapasok sa Ezea High. Karamihan sa mga Ezean ay nagtungo nga sa Lifarshia. Bilang nalang yata ang mga Ezean na aking nakikita. Sa tulong ni Rianne ay nakapasok kami ng Ezea at hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Nakasuot ng itim na maskara at naka cloak na asul na siyang ipinausot sa'kin ni Rianne. Maski siya ay nakasuot ng damit na gaya ng akin. Cloak ito ng Ezea.
Kung tama ang aking hinala, maaaring isang Ezean si Rianne, pero... paano nangyari iyon? Paano siya napunta sa Alkirvia? Naguguluhan talaga ako! Hindi ko na alam ang nangyayari.
"Bakit parang alam na alam mo ang pasikot dito?" Tanong ko sakaniya. "Atsaka, hindi tayo basta-basta makakapasok sa palasyo, paniguradong mahigpit ang mga Knights na nagbabantay sa Mahal na Hari." Sabi ko pa.
Napatigil si Riann sa paglalakad kaya napatigil din ako, "Oo mahigpit nga sila, hindi talaga nila tayo papapasukin." Saglit itong nag-isip at tumingin sa'kin. "Ako nalang ang kukuha sa loob ng crux pendant. Antayin mo ko dito. Wag ka aalis."
"Teka lang, iiwan mo ko dito? Lakas naman ng tama mo. Ano, nagpasama ka lang? Paano kung mayari ako rito?" Kinakabahang asik ko sakaniya. Totoo naman! Paano kung maghinala sa'kin ang mga Knights at matuklasan nila na ako to, si Astra. E'di nalintikan na!
Napabuntong hininga naman siya. Naisip niya siguro na tama ako. Tama talaga ako, mas mabuti ng magkasama kami! Hindi naman sa natatakot ako, kaya ko lumaban pero ayoko gumawa ulit ng gulo rito. Ayoko dumagdag sa gulo na nangyayari sa Lifarshia.
"Saan ba nakalagay ang crux pendant?"
=====
"KUNG WALA ng saysay ang crux pendant, bakit pa natin kailangan kunin?" Tanong ko pa. Ngayon ko lang napagtanto yan ah. Pero teka nga, sino ba siya para magsabi na mawawalan ng bisa ang crux pendant? Baka nakakalimutan niyang ilang taon na yang nagiging proteksyon ng Ezea!
Oo nga pala, hindi ko na alam kung ano ang nangyari pero nag ala-ninja kami ni Rianne para lamang makarating sa malawak na library ng Ezea. Maraming bantay ngunit ang mga ito ay naroroon lamang sa malapit sa silid ng Haring Matsu. Ang ibang Knights ay nasa loob. Bilang lang din pala ang Knights na naririto sapagkat ang iba ay sa palagay ko, nagtungo sa Lifarshia.
Hindi alam ni Rianne kung nasan ang crux pendant kung hindi ko pa sasabihin na nasa library ito. Alam ko iyon dahil isang beses na itonb ipinakita sa'kin ng Haring Matsu.
"May saysay pa naman siya pero hindi na kasing-tibay ng dati," Sagot ni Rianne at tipid na ngumiti sa'kin. Sa wakas ay nakita na namin ang crux pendant. Nang titigan ko ito ay tila ba nanibago ako. Hindi na kasing tingkad ang kulay nito hindi gaya ng dati. Maaaring tama ang sinasabi ni Rianne.
Binasag ni Rianne ang glass na kinakapalooban ng crux pendant at kinuha ito. Nagdulot ng dugo ang kaniyang kamao sa ginawa niya. Biglang tumunog ng malakas ang buong library na siyang ikinagulat ko. Kinabahan ako at biglang nagpanic.
"Hindi ka nag-iingat! Malamang may security yan!" Sigaw ko sakaniya pero tila kalmado lamang siya.
"Nasa malayo ang nagmamay-ari ng crux pendant, ilang araw, linggo rin siya nawala at hindi kakayanin ng crux pendant na maglabas ng malakas na enerhiya kung ang kaniyang pinagkukuhaan ay wala sa kaniyang tabi."
Mas lalo ako naguluhan sa sinabi niya. Siya? Sinong siya?! Nagpapanic na ako dito dahil walang tigil ang pagtunog ng security. Naririnig ko na rin ang mga yabag ng paa na paparating sa kinaroroonan namin.
"Kailangan na natin umalis!" Sabi ko.
Seryoso lamang akong tinitingnan ni Rianne, maya-maya pa ay ibinigay niya sa'kin ang crux pendant.
"Ingatan mo, Astra. Ibigay mo sa nagmamay-ari. Ibigay mo kay Azriel."
**********
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro