Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 46

A/N: Babawi talaga ako guys, I know super lame ng update ko ngayon but I tried my best to refresh the scenes to my minds. Bitin pa sa muna ngayon dahil masyadong mahaba na yung words. Kabanata 47 to be published soon!

##########

KABANATA 46
Start

[ASTRA DELA FUENTE]

"Napaka-ganda pa rin. Walang kupas, hindi nagbabago. Ilang dekada na ang lumipas, ngunit heto pa rin siya, kumikinang pa rin sa ganda," Wika ni Axel habang hawak ang isang Okuzami.

"Hindi mo nga naman aakalin na sa likod ng nakaakit nitong anyo, siya namang nagtatago ng matinding lason---teka, nakikinig ka ba, Astra?"

Mabilis akong napakurap at bilog ang mga matang napatingin kay Axel. "H-ha? O-oo." Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na alam ang uunahin ko.

"Hindi ka naman nakikinig eh," Nakangusong usal pa niya at pinalutang sa kaniyang mga palad ang hawak na Okuzami. "Hindi mo ba natatandaan ito?"

Ngumiwi ako, "Natatandaan ko. Iyan iyong bulaklak na muntik ng pumatay sa'min nila Echo."

"Bukod doon?"

"Bukod doon wala na. Bakit ba? Tsaka, kanina pa tayo n'andito. Nasaan na ba kasi iyong taong iyon?" Nayayamot na saad ko at napakamot pa sa aking ulo. Kung hindi lang siya ang pinuno dito baka----

"Kamahalan!"

Mas lalo akong napabusangot. Okay, mukhang mas ayos pa pala na wala siya rito. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko si Axel na ngingisi-ngisi. Nang lingunin ko si Ozus ay ang malawak na ngiti agad nito ang sumalubong sa'kin.

Huminga ako ng malalim at nagsalita ng sa wakas nakalapit na siya sa'min, "Ilang beses ko ba sasabihihin sayo na h'wag mo akong---"

"Tawaging kamahalan?" Pagputol pa nito sa sinasabi ko na mas lalong nakapagpasimangot sa'kin. Pasaway na pinuno ng mga Alpheniel. Taliwas sa nakakatakot niyang ugali noong una ko siya nakita.

Isang buwan na ang nakalilipas at isang buwan na rin niya akong inaasar sa tawag na iyon.

Isang buwan na...

Isang buwan na pala.

"Oh, bakit bigla kang lumungkot?" Ani Ozus. "Teka, alam niyo na ba iyong balita?"

"Balita?" Tanong ni Axel. Bigla ay nagpantig ang tenga ko. Napangiti ako ng wala sa oras. Ito ang gusto ko kay Ozus eh, lagi siyang may hatid na magandang balita tungkol sa Ezea High.

"N-nabasa na ba ni Azriel yung liham ko? P-pupunta ba siya?" Umaasang tanong ko, ngunit ang malungkot na mukha ni Ozus ang mas lalong nagpakaba sa'kin. "H-hindi ba siya pupunta?"

Nakita kong seryosong napatingin sa'kin si Axel, habang si Ozus ay mukhang nagdadalawang-isip pa sa pagsagot. Bakit? Hindi ko gusto ang ekspresyon na pinapakita niya.

"Ozus..." Seryosong tawag ko sakaniya.

Isang buntong-hininga ang kaniyang nilabas, "Ano kasi...wala na daw si Azriel sa Ezea High."

Natigilan ako. Pakiramdam ko huminto bigla sa pagtibok ang puso ko. Hindi pwede...

=====

GAMIT ANG spell na ginawa ng mga Alpheniel ay maingat at maayos kaming nakatapak sa loob ng Ezea High. Madalas naming gawin ito kapag gusto kong makita ang Elementalists, ngunit ito pa lamang ang pang-apat na beses na ginawa namin ito. Mabilis rin kasi mawala ang epekto ng spell.

"Sabi sainyo, wala na si Azriel sa Ezea High," Dinig kong sambit ni Ozus sa tabi ko.

Isang buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Axel at hinawakan ang pulso ko. "Tara na."

"Saglit," Sabi ko ng hindi ako umalis sa pwesto ko. Masaya ako na nakikita ko pa rin sa mismong harapan ko na maayos ang lagay ng Elementalists.

Pero wala roon si Azriel. Iyong taong gustong-gusto ko makita.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang nag-iba ang hitsura ng paligid. Doon ko lamang napagtanto na nawala na ang epekto ng spell. Malungkot akong napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung bakit sobrang bigat sa pakiramdam.

"Astra..." Dinig kong tawag sa'kin ni Ozus, sabay patong ng palad niya sa balikat ko. "Mahigit isang buwan na ring wala si Azriel. Walang nakakaalam kung nasaan siya."

"Kung gan'on, hahanapin ko siya," Walang pagaalinlangan kong saad. Tama, hahanapin ko siya. Hindi ako pwedeng tumunganga lamang dito. Kasalanan ko kung bakit siya nawala.

Nagsalubong ang kilay ni Axel, "Hindi pwede, alam mo namang delikado. Alam mo namang hinahanap ka pa rin ng mga Lifars."

Hinarap ko si Axel. "Sanay na ako, Axel. Ano pa bang bago? Matagal na akong nabubuhay sa disgrasya."

"Ang kulit mo," Diin niya pa.

Dahil doon ay nagsalubong na rin ang kilay ko. Unti-unti n akong naiinis, "Wala ka na d'on," Sagot ko.

"Tingin mo magugustuhan ni Azriel na may mangyari sayong masama?"

Napaisip ako bigla. Hindi nga magugustuhan ni Azriel iyon. Paniguradong sisinghalan na naman ako ng yelong 'yon. Pero, hindi naman ako pwedeng tumunganga lang dito!

"Patawarin mo ako Astra kung nilihim ko sa'yo 'to," Biglang sabi ni Ozus kung napatingin ako sakaniya ng may nagtatakang mukha. "Iyong mga liham na ginawa mo para sakaniya, ni isa doon wala siyang natanggap."

Anong...

Sa lahat ata ng mga sinabi ni Ozus, ito yata ang pinaka hindi ko nagustuhan. Kung ganoon ba, hinayaan nalang ako ni Azriel? Kaya ba wala akong natatanggap na mensahe pabalik?

Wala ba talaga siyang pakialam sa'kin?

=====

SUMAPIT ANG ilang gabi at wala akong natatanggap na magandang balita mula kina Ozus. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala man lang ako magawa. Hindi ako pwedeng nagtatago lamang dito sa lungga ng mga Alpheniel. Ilang buwan na rin akong tinatago nila Axel at hindi ko man lang magawang hanapin si Keya!

"Kamahalan! Kamahalan! Pansinin mo naman ako oh!" Ungot ni Val, isang batang Alpheniel. Napsimangot ako. Bukod kay Ozus, halos lahat ata ng Alpheniel ay inaasar ako sa pagtawag sa'kin ng Kamahalan.

Unang tapak ko pa lamang dito ay grabe na ang trato nila sa'kin. Hindi ko alam kung sadya bang magalang sila, mabait, o baka naman talaga kung itrato nila ang isang dayuhan ay para bang may dugo itong bughaw. Kahit naman si Axel ay niyuyukuran nila kaya hindi ko na lamang pinansin.

"Kamahalan!"

Inis 'kong nilingon si Val at sinamaan siya ng tingin, "Ano ba 'yon?! Dedede ka ba ha?!"

Natahimik siya saglit ngunit maya-maya ay ngumiti na rin agad. Bwiset na bata 'to. "Hindi mo ako pinapansin 'eh! Kanina pa ako dumadaldal dito. Sino ba kasi iyang nasa isip mo?"

Si Azriel, si Keya, ang mga Elementalists pati na rin si Dara. Lahat sila iniisip ko. Lahat sila gusto ko na makita....

"Wala," Walang ganang sagot ko at tinalikuran siya. Nagsisitinginan naman ang ibang Alpheniel na nadadaanan ko. Lahat sila ay ngumingiti sa'kin at yumuyuko. Tipid na ngiti na lamang ang sinusukli ko sakanila.

"Saglit!" Dinig 'kong habol sa'kin ni Val. Gulat akong napaatras ng bigla-bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Okay, kalma Astra. Tandaan mo mga witch 'yang mga yan. May magic staff sila.

"Hulaan ko! Hmm...iniisip mo ang Kamahalang Axel ano?" Nang-aasar ang kaniyang tingin ng sabihin niya 'yon.

"At bakit ko naman siya iisipin?" Inis na sabi ko.

"H'wag ka na po magalala d'on. Ang sabi naman po niya sa'kin babalik din agad sila ni Kuya Ozus! Gagawa at gagawa daw siya ng paraan para bumalik 'yung mga alaala mo----oops..."

Kumunot ang noo ko at napatingin kay Val, "Anong sabi mo? Mga alaala ko?"

"A-ahh...hehe w-wala wala."

Mariin 'kong tinitigan si Val na hindi na ngayon makatingin sa'kin, "May alam ka ba na hindi ko alam? May dapat ba akong malaman ha?"

"A-ahh hinahanap na pala ko ni ate! Aalis na ako Kamahalan! Paalam!"

"Saglit---!" Pero huli na dahil ang bubwit ay bigla na lamang naglaho gamit ang kaniyang bwiset na magic staff. Hindi ako mapakali. Bakit pakiramdam ko may tinatago sila Axel sa'kin?

Mga alaala ko? Anong ibig niyang sabihin d'on?

"Hija?"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Isang matandang Alpheniel na nakangiti sa'kin. Ilang araw na akong namamalagi rio ngunit ngayon ko lamang siya nakita. Bakit may matanda rito? Akala ko ba mga immortal sila at hindi natanda?

"B-bakit ho?"

Maluha-luha itong nakatingin sa'kin na ipinagtataka ko. Nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Ikaw nga...ikaw nga 'yan," Naiiyak na sambit niya.

Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko.

"Buhay ka...nagbalik ka," Sambit pa niya.

"K-kilala ko ho ba kayo?" Naguguluhang tanong ko. Ang sakit sa dibdib. Bakit bigla na lamang ako nalungkot?

"Tinupad mo ang pangako mong magbabalik ka. At ngayon, pwede na akong magpahinga," Nakangiting sabi niya.

"Hindi ko po kayo maintindihan," Nakakunot noo kong sabi. Ayos lang ba 'to? Hindi ba siya baliw?

"Ikaw. Ikaw ang aming---"

"Imelda!" Sigaw ng isang babae na mabilis na tinungo ang kinaroroonan namin. Nanlaki ang mga mata nito ng makita ako at maya-maya ay yumuko.

"P-patawad kung ano man ang ginawang kalapastanganan ng aking kapatid. Wala siya sa kaniyang katinuan," Natutulirong aniya. Ni hindi man lang siya makatingin sa'kin ng deretso at para bang takot na takot.

"Wala sa katinuan?" Tanong ko at muling tiningnan ang matanda na nakangiti sa'kin. Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sakaniya?

"P-patawad. Hindi na muli siya makakalapit sa'yo," Aniya.

"D-Daisy....ang Kamahalan. D-dapat hindi siya n'andito. K-kailangan niya malaman ang totoo---"

"Imelda nababaliw ka na!" Galit na sigaw nung Daisy sa matanda. Malaman ang totoo? Anong totoo ba? Bakit parang ang dami kong bagay na hindi alam?

Umiling-iling si Imelda, "H-hindi, hindi ako nababaliw," Sabay tingin nito sa'kin. "Kailangan mo malaman ang totoo. Maraming buhay ang mawawa---"

"Imelda!"

"Anong nangyayari rito?"

Ilang segundo ang lumipas bago ko lingunin ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon. Si Axel iyon na kasama si Ozus habang naglalakad palapit sa pwesto namin.

"Astra," Tawag sa'kin ni Axel nang makalapit na siya.

Kumunot ang noo ni Ozus ng tingnan niya ako at sina Daisy, "Anong nangyayari? Bakit nakalabas si Imelda?"

Mabilis naman na yumuko si Daisy, "P-pasensya na Ozus, hindi ko kasi namalayan---"

"Bakit kasi hindi mo siya binabantayan ng ayos?!" Pagalit na sigaw ni Axel, maya-maya pa ay tumingin ito sa direksyon ko at muling umamo ang mukha. "A-Astra.."

"May problema ba?" Naguguluhang tanong ko. Gusto ko sana itanong kung anong nangyayari? Kung anong mayroon. Bakit sinasabi ng Imelda na iyon na buhay pa ako? Bakit sinabi ni Val na kailangan ng bumalik ang mga alaala ko?

Nakatitig lamang sa'kin si Axel. Tumikhim si Ozus at siya na ang bumasag sa katahimikan.

"Sige na Daisy, pagpahingahin mo na muna si Imelda," Aniya. Maya-maya pa ay itinaas ni Daisy ang kaniyang staff, bumulong ng mga kakaibang salita at maya-maya pa ay nakatulog na lamang si Imelda. Di na ako namangha ng may biglang sumulpot na white carpet na lumulutang at ito ang nagsilbing higaan ni Imelda.

"Sige na, magsipahinga na kayong lahat," aniya naman Axel sa mga Alpheniel na nanonood sa nangyayari. Napabuntong hininga ako at inis na nag-martsa paalis.

Nakakainis! Pakiramdam ko may tinatago sa'kin sina Axel. Ang dami kong bagay na gusto malaman dahil sa nangyari ngayong araw.

"Astra saglit!" Dinig kong habol sa'kin ni Axel. "Uy, hindi ka pa pwede lumabas!"

Napatigil ako at hinarap siya. Ngayon ko lang napansin na malapit na akong lumabas sa kweba ng Queznowland.

"Wala akong gana makipagusap ngayon, gusto ko mag-isip muna," walang gana kong sabi sakaniya. Ewan ko ba at bigla nalang ako nawala sa mood. Bumabagabag pa rin sa'kin ang sinabi ng matanda na iyon.

"H'wag mo masyado isipin ang mga sinabi sa'yo ni Imelda. Isa siyang baliw na Alpheniel na naparusahan ng mga dyos at dyosa kaya tumatanda siya," Paliwanag ni Axel.

Napailing ako at sarkastikong ngumiti. Hindi ko alam ngunit para bang ayaw kong maniwala sa sinabi ni Axel. Maaaring gan'on nga ang nangyari kay Imelda, masyado ko lang binibigyan ng problema ang sarili ko.

Muli siyang nagsalita ng di ako sumagot, "Alam mo, kailangan mo lang magpahinga tapos......."

"Tulong! Tulungan niyo ako!"

Kumunot ang noo ko. Tila ba unti-unting humina ang boses ni Axel hanggang sa di ko na narinig ang sunod niyang sinabi. Napatingin ako sa ibag direksyon ng dahil sa boses na narinig ko. Boses ng babae yon, hindi naman kay Axel 'yon.

"Tara na," Ani Axel sabay buntong-hininga.

"Saglit," Pigil ko sakaniya. "Narinig mo ba 'yon?"

Nagtaka siya bigla, "Ang alin?"

"Parang awa niyo na! Tulungan niyo ako!"

"May nanghihingi ng tulong," Wala sa sariling bigkas ko. Hindi ako nagkamali ng dinig. At paano nangyaring ako lang ang nakakarinig n'on?

"Ano? Wala naman---Astra!"

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko, ang alam ko lang ay umalis ako sa kweba, tumakbo upang puntahan ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

Alam kong delikado pa ang lumabas para sa'kin. Paano kung gawa-gawa lang ng isip ko ang boses na iyon? Aish! Imposible naman 'yon! Hindi naman ako baliw para makarinig ng kung ano-ano. Ewan ko ba! Dapat pala sinama ko si Axel---

"Ahh!!"

"Kuya! Kuya! May nahuli ako!"

Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit na nakapaikot sa aking paa. Bigla na lamang kasi ako napatigil sa pagtakbo dahil may trap ata na nakahuli sa'kin. Lintek. Akala ata ng bubwit na 'to na hayop ako. Ngayon, nakalambitin ako ng pabaligtad.

"Dale, hindi naman hayop ang nahuli mo, eh. Pakawalan mo 'yan."

Nagpantig bigla ang tainga ko. Pamilyar ang malamig na boses na iyon, ngunit nagingibaw pa rin ang sakit sa aking paa. Napasigaw ako ng bumagsak ako sa lupa. Iyong bagay na pumulupot sa aking paa ay matulis kaya naman nagdurugo ito ngayon. Napangiwi ako.

Napatingin ako sa harap ko ng makita ang isang kamay na nakalahad sa'kin. Natigilan ako at tiningala ang nagmamay-ari n'on. Siya.

"Kukunin mo ba o hindi?" Naiinip na sabi nito sa'kin.

"Kuya, may sugat siya. Di po siya makakatayo niyan," Sambit nung bata na sa pagkakarinig ko ay Dale ang pangalan. Nilalaro nito ang kaniyang mga daliri habang nakatingin sa'kin.

Psh, buti pa yung bata nakaramdam sa sitwasyon.

Umirap ang lalaki sa harap ko at ibinulsa ang kamay niya. Napauwang ang bibig ko. Binabawi na niya?

"Nevermind, she's a healer anyway. She can heal herself."

Nanikip bigla ang dibdib ko. Buwan pa lamang ang nakalilipas, ngunit bakit tila yata nagbago ka, Azriel?

Hindi nga ako namamalik-mata. Iyong lalaking matagal ko ng gusto makita, nasa harapan ko. Para akong batang maiiyak. Grabe, hindi maipagkakailang na-miss ko siya. Masungit pa rin siya, bwiset.

"Kuya Tyler bad ka! Tulungan mo siya!" Ani Dale at tinuro ako habang nakanguso pa.

Malamig ang mga mata ni Azriel ng titigan lamang niya ako at hindi pinansin ang sinabi ni Dale. Nakagat ko ang ibabang labi ko at sinimulang pagalingin ang sugat ko. Nang tuluyan na itong gumaling ay mabilis akong tumayo.

"K-Kamusta ka?"

Malamig lamang ang kaniyang titig sa'kin sabay talikod. Nanlaki ang mga mata ko. "Let's go," Yaya niya sa batang Dale at nagsimulang maglakad.

Hindi, hindi siya pwede umalis!

"Saglit!" Hinawakan ko siya sa kaniyang braso na ikinatigil niya. Sumulyap siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay. Napayuko ako, "Galit ka ba sa'kin?"

Kung galit sa'kin si Azriel, maiintindihan ko. Ang Kaharian na ang naghahanap sa'kin at hangganv ngayon ay wanted ako sa nangyari sa Haring Matsu. Hanggang ngayon ay tanda ko pa rin ang tingin ng mga mata ni Azriel sa'kin. Ayaw niyang umalis ako ngunit kinakailangan kong sumama kay Axel. Masakit para sa'kin ang lahat ng nangyayari.

"Last time I checked, hindi kita kilala."

Tila ba naging echo sa pandinig ko ang kaniyang sinabi. Nagpaulit-ulit ito sa tainga ko na nagdulot ng kirot sa dibdib ko. Marahan akong napatingin sakaniya at dahan-dahang binitawan ang kaniyang braso.

Wala akong mabasa sa kaniyang mga mata. Iyong mga mata ni Azriel dati na nagbibigay ng kiliti sa sikmura ko, hindi ko na 'yon makita sa mga mata niya. Gan'on ba kalala ang galit niya sa'kin para kalimutan niya ako?

"Azriel..." Ramdam ko ang mainit na likido sa gilid ng mga mata ko. "Kung tungkol 'to sa nangyari---"

"Pwede ba umalis ka nalang?" Naiinis na asik niya sa'kin.

Natigilan ako. Ito ang unang beses na naging ganito siya kasungit sa'kin. Oo masungit siya minsan pero iba iyong kasungitan niya ngayon. Naiintindihan ko naman.

"Gusto lang kita makausap,"Madiin kong sabi sakaniya. Kahit saglit lang...

Mas lalong tumalim ang tingin niya sa'kin, "Wala tayong dapat pagusapan," Aniya sa galit na tono at bumaba ang tingin sa leeg ko.

Nagiwas ako ng tingin at tinakpan ang pulang marka na nasa leeg ko. Hanggang ngayon ay nanganganib pa rin ang buhay ni Azriel dahil sa'kin.

"Kuya...nagugutom na ako," Singit ni Dale na nasa likod lamang ni Azriel. Napatingin ako dito. Bata pa lang ay kakikitaan na ng kagwapuhan ang bata. Napatingin ako kay Azriel. Hindi naman niya siguro anak ito diba? Engot, isang buwan palang naman nakakalipas, Astra!

"Let's go."

Tumalikod si Azriel at hinawakan ang kamay ni Dale. Humakbang siya papalayo sa'kin at hindi ko alam ang gagawin ko. Bumibigat lamang ang dibdib ko habang unti-unto siyang lumalayo. Pigilan mo, Astra!

"Kuya, hindi ba natin siya isasama?" Dinig kong tanong sakanya ni Dale.

"She doesn't belong there----"

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at niyakap ko si Azriel mula sa likod. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko dahil bahagya siyang natigilan. Kahit anong pilit ko na balewalain ang nararamdaman ko, alam 'kong hindi ko kaya. Iba ang epektong ibinigay ni Azriel sa sistema ko. Binago nila, ng Elementalists, ang dating pananaw ko sa buhay.

"G-gusto lang kita makausap," Basag ang boses ko ng sabihin ko iyon. Ano mang oras ay alam kong tutulo na ang mga luha ko. Nananatiling nakayakap ako sa likod niya. Ayoko ipakita ang kahinaan ko, pero mas hindi ko yata kakayanin pag pinalagpas ko pa ang pagkakataong ito.

"Umalis ka na," Mariing utos niya ng hindi ako nililingon. Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Mabilis akong umiling. Hindi, hinding-hindi ako aalis.

"Mag-usap muna tayo."

Alam kong naiinis na siya sa'kin. Hayaan mo, pagtapos nito, lalayo na ako. Pagbigyan mo lang ako. Kahit saglit lang.

"You're so stubborn! Wag mong hintayin na saktan pa kita," Nagpipigil-galit niyang utas.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya at mapait ba napangiti. Kahit ano pa'ng sabihin mo, hinding-hindi ako aalis.

"Mag-uusap tayo sa ayaw't sa gusto mo---"

Gulat akong napalayo mula sa pagkakayakap kay Azriel ng biglang lumiyab ng asul na apoy ang katawan niya. Napasigaw ako sa hapdi at napatingin sa malamig niyang mga mata na nakatingin sa'kin. Lumagpas ang tingin niya sa'kin at napatingin sa likuran ko.

Isang bagay ang umalalay sa'kin sa likod para di ako tuluyang bumagsak. Hindi, hindi siya bagay. Isang tao.

"Tsk tsk, maling saktan ang babae pre," Tinig iyon ni Axel. Hindi nga ako nagkamali ng lingunin ko siya.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang mapait na pag-ngisi ni Azriel, "She's all yours, masyado kasi siyang makulit."

Natigilan ako at napatingin naman kay Azriel. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Huli na dahil ramdam ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Nag-iba na siya.

Napangisi rin si Axel, "Tama. Sa'kin siya kaya wala kang karapatan saktan siya." Mas humigpit ang kapit ni Axel sa bewang ko at napatingin doon si Azriel.

Mabilis na nilihis niya ang kaniyang tingin at tiningnan muli si Axel ng wala man lang mababasang ekspresyon sa mga mata, "Okay then, leave."

Mabilis akong napailing at tumayo ng ayos, "H-hindi, Azriel. K-kailangan pa natin mag-usap," Nagmamakaawa na ang mga mata ko. Ewan ko ba, matagal rin ang lumipas na isang buwan sa'kin. Masyado agad akong naulila sakanila.

"Kailangan na natin umalis, Astra," Saad ni Axel sa likod ko. "Let him be."

Malamig ang titig sa'kin ni Azriel. Sa paraan ng tingin niya ay parang isa lamang akong basura sakaniya.

"The guy is right. Why don't you just leave?" Aniya sa naiinis na tono. "Besides, wala naman tayong dapat pag-usapan."

Tiningnan ko rin siya ng mariin sa mga mata. Kita ko ang panginginig ng kaniyang mga mata mula rito. "Ayaw mo ba talaga ako makausap?" Tanong ko.

Saglit siyang tumitig sa'kin at ngumisi, "I don't have any business---"

"KUYA TYLER!"

Isang pagsabog ang narinig namin mula sa di kalayuan. Nagdulot ito ng mahinang lindol mula sa kinaroroonan namin kung kaya't gulat na gulat kami. Mabilis na kinalong ni Azriel si Dale at yumakap naman sakaniya ang bata.

Nilingon kami ni Azriel, "Umalis na kayo," Seryosong aniya sabay alis kasama si Dale.

Hindi ko na siya nagawang pigilan dahil mahigpit na hinawakan ni Axel ang braso ko. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko.

"Kailangan na nating umalis, Astra," Madiin niyang sabi.

Inis kong hinarap si Axel at inalis ang kamay niya sa braso ko, "Alam mo namang matagal ko ng gusto makita si Azriel diba? Dapat hindi mo ako pinigilan na pigilan siya!"

Sumama ang mukha niya, "Ano ang gusto mong gawin ko? Hayaan ka sakaniya? Delikado pa nga para sayo, Astra! Can't you understand that?"

Saglit akong natigilan. Hindi ko masisisi si Axel, kahit hindi niya ako gan'on kakilala ay pilit niya akong pinoprotektahan sa hindi malamang dahilan. Kung tutuusin, kasalanan ko kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon.

"Tulungan natin sila, Axel," Mahinahong sabi ko, nagsusumamo na ang mukha ko. Walang nagawa si Axel kun'di magpalabas ng isang mabigat na buntong-hininga.

"Tatawagan ko muna sina Ozus," Aniya na agad na nagpangiti sa'kin. "Pero...hindi ka maaaring sumama."

Nawala rin agad ang ngiti ko, "Sasama ako, Axel! Hindi na ako bata!"

Umiling siya at hinawakan ako sa braso. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi, alam ko na ang gagawin niya.

"Delikado pa para sa'yo ang lumabas."

Magsasalita pa sana ako ngunit mabilis kaming nilamon ng hangin at pagkamulat ko, nakabalik na kami sa Queznowland.

=====

HALOS TRENTA-minutos na ang nakalilipas noong umalis sina Axel at Ozus kasama ang ibang mga Alpheniel. Nagdalawang-isip pa si Ozus kung dapat na ba silang magpakita sa mga tao ngunit ito ang tama. Dapat malaman ng lahat na buhay ang Alpheniel.

Iniwan nila ako dito sa Quezknowland pero syempre, hindi naman ako papayag na hindi ako makapunta roon. Kailangan ko pa pati kausapin si Azriel. Gusto kong linawin sakaniya ang lahat, na hindi ako ang may gawa non sa Haring Matsu.

"Astra! S'an ka pupunta?" Biglang sulpot ni Val sa harap ko habang nakapameywang pa. Tinaasan ako nito ng kilay at sinimangutan ko naman siya.

"Susunod ako kila Axel," Lalagpasan ko na dapat siya kaso ang bubwit hinarangan na naman ako! Nagsalubong ang kilay ko sa inis. Mauubos oras ko nito eh.

"Diba bawal ka pa lumabas? Bilin 'yon sa'kin ni Kuya Axel. Magagalit 'yon sa'kin!"

"Wala akong pake."

Hindi na niya ako nagawang pigilan pa dahil mabilis akong tumakbo palabas. Nagulat pa nga ako sa bilis ng takbo ko pero normal lang naman ata 'yon. Nasanay na rin ako tumakbo ng mabilis.

Inalala ko iyong lugar na pinuntahan ko kanina kung san nandoon si Azriel. Ano kaya ang nangyari? Bakit napunta siya sa lugar ng Lifarshia? Wala naman siyang dahilan para umalis sa Ezea High dahil nandoon naman ang Elementalist. Iyong pagsabog na nangyari rin kanina ay nagmula sa Lifarshia.

Malayo-layo pa ang lalakarin ko para makapunta sa Lifarshia. Delikado pag pumunta ako d'on at makita na naman ng lintek na Haring Meros na 'yon. Gigil na gigil siya sa'kin, ewan ko ba sakaniya. Ang dami ko ng problema, dumagdag pa siya.

Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa buhay ko. Desidido pa rin akong bawiin si Keya pero alam kong wala akong sapat na kakayahan para gawin 'yon. Mas lalo lang magkakagulo panigurado.

Naglalakad ako ng biglang nahagip ng paningin ko ang tatlong bulto ng tao na naglalakad. Naka-itim na cloak ang mga ito at namukhaan ko agad sila. Mga Alkirvia 'yan. Mabilis akong nagtago sa likod ng puno at hinawakan ang aking dagger na nakasabit sa gilid ko.

"Mamaya na ang pagsapit ng Blue Moon. Ayon kay Cyrus, kailangan natin maghanda," Usal ng isang Alkirvia.

Blue moon na nga mamaya. Ito ang araw ng kapanganakan ng Great Amarine. Madalas itong ipinagdiriwang ng lahat at halos naging tradition na rin.

Pero mukhang may ibang magaganap.

"Pinasabog na ng ibang kasama natin ang ilang bahagi sa Lifarshia. Panigurado namang pupunta roon ang mga Ezean. Malilinlang natin sila."

"Magaling gumawa ng plano si Cyrus. Ewan ko ba sakaniya, masyado siyang mahigpit ngayon."

"Taksil ang Prinsipe Axel kaya naging ganon si Cyrus."

Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ang pagkakarinig ko? Prinsipe Axel? Si Axel...ang Prinsipe ng Alkirvia?

Hindi...

Pakiramdam ko naloko ako. Hindi ko man lang naisip 'yon! Kaya pala siya ginamit ng Haring Meros. Ang tanga mo, Astra!

"Totoo kaya ang sinabi ni Cyrus? Babalik na raw ang Dark Lady."

"Oo, at galing pa nga raw sa Vershia. Tsk."

Ang Dark Lady? Dahil sa narinig ko ay muntik na akong mapaalis sa pinagtataguan ko. Naapakan ko tuloy ang isang kahoy at nagdulot ito ng ingay. Napapikit ako sa inis. Kung minamalas pa nga naman oo!

"May tao!"

Wala na akong nagawa at nakita na nga nila ako. Hinanda ko nalang ang sarili ko. Nang titigan ko sila ay napangiwi ako. Ang panget talaga ng mga Dark Alkirvia. Nakakatakot itsura nilang mga nakangisi pa na parang halimaw.

Walang ano-ano pa man ay sumugod na sila.

=====

[THIRD PERSON's POV]

MAIGING PINAGMAMASDAN ni Cyrus ang mala-anghel na mukha ni Keya habang ito'y walang malay. Kanina pa nasa ganoong posisyon si Cyrus kaya naman kanina pa rin siya tinitingnan ni Sir Paulo.

"Hindi pa ba siya magigising?" Tanong ni Cyrus. "Ilang araw na natin binabalik ang lakas niya, bakit parang walang nangyayari?"

Napailing si Sir Paulo at niligpit ang kaniyang kagamitan, "Hindi mo masasabi ang kakayahan ng isang makapangyarihang dyosa, Cyrus. Maaaring mukha siyang mahina sa kalagayan niya ngayon, ngunit nagtatago pala ito ng kahindik-hindik na kakayahan."

"Alam 'ko kung ano ang kayang gawin ni Keysha," Ani Cyrus sa malamig na tono. "Pero alam ko ring hindi niya magagawang talikuran ang lahat."

Kumunot ang noo ni Sir Paulo. Hindi niya alam ang tinutukoy ni Cyrus. "Keysha? Iyon ba ang tunay niyang pangalan?" Tanong nito at napasulyap kay Keya.

Tumango naman si Cyrus, "Ilang oras nalang at blue moon na kaya paniguradong magigising na siya."

Natahimik saglit si Cyrus. Pumasok bigla sa isip niya si Astra. Mapait na napangiti si Cyrus.
Alam niya ang ikinakaharap ng Azmar ngayon.

"Ilang oras nalang at magigising na si Keya, ilang oras nalang rin at mamamatay na si Astra." Biglang sabi ni Cyrus na mas lalong ikinapagtaka ni Sir Paulo.

"S-si Astra? Iyong healer? Anong kinalaman niya rito?"

Napangisi si Cyrus, "Wala talaga kayong alam, ano? Matagal ng panahon kong kaibigan ang tinatawag niyong healer na si Astra. Pero ang totoo niyan, nilinlang niya kayo."

**********

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro