Kabanata 45
##########
KABANATA 45
The Alpheniels
[THIRD PERSON's POV]
"WALA SIYA rito," Aniya Echo pagkapasok nila sa dungeon ng Ezea. Bagsak-balikat siyang napaharap sa mga kaibigan at napatingin kay Azriel na mas lalong dumilim ang mukha.
"Are you sure na dito 'yon? Malaki ang dungeon ng Ezea," Wika ni Fauna at kumunot ang noo. Ayon sa pahayag ng Haring Meros, ang kulungan na pinaglagyan ni Astra ay ang kulungan ng mga dolos, salitang Greek na ang ibig sabihin ay traydor sa kaharian.
Mayroong limang palapag ang dungeon sa ilalim ng lupa at iyon ay ayon sa mga kasalanan na nagagawa ng isang indibidwal. Ang pinakadelikado at nakakatakot na kulungan ay ang kulungan para sa isang Alkirvia.
"Pinaglololoko niyo ba ako?!" Galit na binalingan ni Azriel ang dalawang Knight na kanilang kasama papunta roon sa loob. Wala namang kibo ang dalawa at nananatiling kalmado. Hindi sila masisindak ng tingin ni Azriel dahil una sa lahat, mas hasa nila ang kanilang kakayahan. Pangalawa, wala silang pwedeng ibang katakutan kun'di ang kanilang hari lamang.
"Chill ka lang, pre. Baka mali lang tayo ng napuntahan," Kalmadong singit ni Cadell at palihim na sumipol. Habang tumatagal ay mas lalong tumataas ang tensyon sa pagitan nila. Baka sila pa pagbuntungan ng galit ni Azriel.
"Tss, so you're saying that the king is fooling us? That old guy," Kiniskis ni Paige ang kaniyang ngipin sa inis. Ang ayaw pa naman niya ay ang naiinip siya. At naiinip na nga siya dahil babalik na naman sila sa loob ng kaharian.
"Watch your words, Paige," Suway ni Fauna rito. Inirapan lamang siya ni Paige.
"Alam niyo, tama si Paige. Niloloko lang naman 'ata talaga tayo ng Haring Meros, eh. Wala naman dito si Astra! Nasaan na 'yung pangako niya?" Naiinis na saad ni Echo. A
Hindi maipinta ang mukha ni Azriel. May respeto siya sa Haring Meros, pero ang pinakaayaw niya sa lahat ay iyong niloloko siya. Lalo pa't si Astra ang pinaguusapan dito.
"Astra ba kamo? The girl you came with here, Azriel?" Taas-kilay na sabi noong isang Knight, si Fred. Ang mga Knight ang mga nakapagtapos na sa Ezea High at sinasanay naman ang mga sarili na protektahan ang Kaharian ng Ezea at ang mga tao nito.
Hindi siya sinagot ni Azriel kaya naman si Fauna ang sumagot dito. Wala sa mood ang binata at malalim na nag-iisip. Hindi niya alam ang gagawin kapag may nangyaring masama kay Astra. Sa isip niya ay dapat palang sinama nalang niya ito papuntang Ezea High. E'di sana walang ganitong nangyari at nabantayan pa niya ito.
"Oo, kaibigan namin 'yon. Where is she?" Tanong ni Fauna.
Ngumisi si Fred at nagtinginan pa sila ng kasama niyang Knight na kaniyang kababata, si Ryan.
"Kanina pang umaga nalipat ang babaeng 'yon sa Lifarshia. I can't believe that the Elementalists befriend a traitor," Mapangasar na wika ni Fred at nagtawanan pa sila ng kaniyang kaibigan.
"What did you say?" Mariing tanong ni Azriel. Hindi rin nagustuhan nina Echo ang kanilang narinig. Alam nila sa kanilang sarili na hindi g'anon ang pagkakakilala nila kay Astra.
"Hoy, kayong dalawa! Sino sa tingin niyo kayo para sabihing traydor si Astra? My friend will never do that! Hindi siya ang gumawa n'on!" Pagtatanggol ni Echo. Umasta pa itong susugod pero hinawakan agad siya ni Cadell sa braso.
Ngumisi si Fred, "How can you trust a healer? Balita namin sa mga Hunters ay isa rin siyang Alkirvia. Tsk tsk. Mamayang gabi na nga raw siya papatayin. Mabuti na rin iyon dahil hindi siya nararapat mabuhay----"
Hindi nakapalag si Fred at nagulat pa siya ng mabilis siyang kwelyuhan ni Azriel. Nagsalubong ang kanilang mga mata at nakitang nanlilisik ang tingin nito. Sa sobrang sama ng tingin nito sakaniya ay pwede na siyang mamatay.
"Pardon me?" Galit ngunit mahinahong aniya Azriel. Nananatiling nakatayo sina Echo sa kaniyang likod at walang balak pigilan ang binata.
Hindi nagpakita ng anumang takot si Fred at nagawa pang ngisian si Azriel, "Nagsasabi lang ako base sa narinig ko. I don't see anything wrong of what I've said."
"Azriel, hayaan mo na siya," Singit ni Cadell at hinawakan sa braso si Azriel. Pagalit na binitawan ni Azriel ang kwelyo ni Fred na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang ngisi sa labi.
"Let's just go. Wala tayong mapapala rito," Bored na wika ni Paige at nauna sa paglalakad palabas ng dungeon.
=====
"HOW DARE you try to kill the King? I knew it. Hindi ka talaga mapagkakatiwalaan," Nanlilisik ang mga matang aniya Sam kay Astra na walang emosyon lamang na nakatingin sakaniya.
"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo. Paniwalaan mo ang gusto mo paniwalaan," Walang emosyong sagot ni Astra at tumalikod. Lalayo na sana siya dahil ayaw niya rin makita ang pagmumukha ni Sam, ngunit nagulat siya ng biglang hablutin ni Sam ang ilang hibla ng buhok niya. Nagdulot ng tunog ng kalampag ng rehas ng humampas ang katawan niya rito.
"Of course, because you're a killer! Malalaman at malalaman ito ng Elementalists and you will be dead," Nanggigigil na saad ni Sam. Sa sobrang inis ay pwersahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ni Sam sa buhok niya at inikot ito. Malakas namang napahiyaw si Sam sa sakit. Sawang-sawa na siya sa ugali ng babaeng ito.
"Y-you bitch! Let me go kung ayaw mong masaktan!" Nakangiwing sigaw ni Sam. Hindi n'on natinag si Astra para bitawan ang pulso ng dalaga at mas lalo pa itong pinihit paikot.
"Kung ayaw mong masaktan manahimik ka nalang," Malamig na sagot ni Astra.
Sa sobrang galit ni Sam ay malakas niya binawi ang kaniyang kamay. Naglabas siya ng kuryente sa kaniyang palad at pinatama iyon sa direksyon ni Astra. Dahil sa pagkabigla ay hindi agad nakaiwas si Astra, tumama iyon sa kaniyang balikat na agad naman niyang hinawakan. Napangiwi siya dahil sa sakit. Para na rin kasi siyang sinunog.
Kung ga'yon ay isang Lightning Manipulator si Sam.
"I swear you'll be dead! Isa kang malaking kahihiyan para sa Elementalists!" Nanlilisik ang nga matang aniya Sam.
Natigilan si Astra. Sa loob-loob niya ay iniisip niya kung ano na nga ba ang reaksyon ng Elementalists. Galit ba ang mga ito sakaniya? Nangyari na rin ito dati ngunit di siya nakasisigurado na kakampihan mula siya ng mga kaibigan. Paano kung pabayaan nalang nila siya? Kamuhian?
Hindi maiwasang masaktan siya sa mga katanungan sa isip. Kinakabahan siya sa sasabihin ng mga kaibigan.
"...and I will make sure na hindi ka na nila makikita," Dagdag pa ni Sam bago nag-martsa palabas ng dungeon.
Sa labis na pagod at panghihina ng mga tuhod ay napaupo nalang siya sa malamig na sirang semento. Wala siyang maramdaman ni kahit ano. Hindi siya kinakabahan sa pwedeng mangyari. Ang buong isip niya ay nakatuon lamang sa lagay ng Elementalists, lalong-lalo na kay Azriel.
Sa sobrang lutang ay hindi niya namalayan na pumasok na ang mga Hunters at kinuha siya mula sa loob. Doon na lamang nag-sink in sa utak niya ang nangyayari.
"S-saan niyo ako dadalhin?" Tanong ni Astra matapos siyang kaladkarin palabas.
"H'wag ka ng maraming tanong!" Bulyaw naman ng Hunter at malakas pa siyang tinulak sa likuran.
"Dalhin na 'yan sa Mortem," Utos ng isang Amazona na nagbabantay sa isang gilid. Ang mortem ay isang lugar kung saan nagaganap ang pagpapatay sa mga traydor at Dark Alkirvia. Kahulugan ng Mortem ay death sa latin na salita. Ito ang lugar na mala-Arena battle ang 'itsura na nakasagupaan noon ni Astra.
Hindi na lamang pumalag si Astra. Batid na niyang papatayin siya at maaaring katapusan na niya. Ang mga posas na kanina pa nakakabit sakaniya ay kinokonsumo lamang ang kaniyang enerhiya.
Gaya ng dati, bumungad sa harapan niya ang malaking pintuan na gawa pa 'ata sa narra. Pagkabukas niyon ay isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sakaniya. Hanggang sa naging malinaw ang paligid at naroon na naman siya sa arena na iyon.
=====
"SAAN KA galing?"
Halos mapatalon sa gulat si Axel ng may magsalita sa likod niya. Pagkalingon ay nakita niya ang kaniyang magiging kabiyak, si Natalia. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa binata.
"B-binisita mo ba si Astra?" Malumanay na tanong pa nito at nag-iwas ng tingin. Hindi pa man sumasagot si Axel ay paninibugho na agad ang kaniyang nararamdaman.
"Oo," Tipid na sagot ni Axel at pumamulsa.
Napabuntong hininga si Natalia. Inaasahan na niya 'yon. Kung saan-saan pa naman niya hinanap ang binata sa loob ng palasyo.
"May problema ba d'on?" Taas-kilay na tanong ni Axel. Napatingin sakaniya ang dalaga at mabilis na umiling. Ngumiti ito ng pilit at tipid bago magsalita.
"N-no, it's fine with me. So, kamusta siya?" Kahit selos na selos na siya ay nagtanong pa rin siya. Para sakaniya, walang kinalaman si Astra sa nararamdaman niya para kay Axel. Hindi rin naman nito kasalanan na si Astra ang iniibig ng binata.
"She's...fine, I think. Pero gagawa ako ng paraan para makalabas siya roon," Seryosong tugon ni Axel habang nakatingin sa kawalan. Ang larawan ng mukha ni Astra na malungkot ang gumuhit sa kaniyang isip. Nasasaktan siya para sa dalaga dahil hanggang dito ba naman ay miserable ang buhay niya.
Kung pu-pwede lamang niya sabihin kay Astra ang buong katotohanan...
Mapait na muling napangiti si Natalia. Kahit ilang buwan pa lamang sila magkakilala ni Axel ay nahulog na agad ang loob niya rito. Alam niyang mali dahil isa itong Alkirvia, ngunit natutuwa naman siya na hindi siya hinadlangan ng Haring Meros.
"Pakawalan niyo ako rito!"
Kumunot ang noo ni Natalia ng makarinig siya ng sigaw mula sa kanilang dungeon. Balak niya sanang sorpresahin ang kaniyang mga magulang sa kaniyang pagbabalik sa Ezea at magpapaalam pa siya sa nakatataas. Ngunit nabalitaan niya kasing nasa Mortem ang lahat.
Pagkasilip niya sa loob ng dungeon ay nakita niya ang isang lalaki na pilit na kumakawala. Ang dalawang Hunters ay naroon sa tapat ng rehas at walang pakialam sa daing ng binata, si Axel.
"Hindi niyo ba ako kilala?! Ako ang Prinsipe ng Alkirvia!" Galit na sigaw ulit ni Axel. Kinalampag pa nito ang rehas ngunit nakuryente lamang siya.
Nagpantig ang tenga ni Natalia. Prinsipe? Ang lalaking ito?
"Prinsipe ba kamo?"
Napatingin si Axel maging ang dalawang Hunters sa nagsalita. Lumabas si Natalia sa kaniyang pinagtataguan at nakangiting lumapit sa kinakaroonan ni Axel.
"Senyora," Pagbati ng dalawang Hunters at yumuko upang magbigay-galang.
Kumunot ang noo ni Axel, "At sino ka naman?!"
Nginitian lamang niya si Axel. Maniniwala ba siyang Prinsipe nga ito? Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng binata. Maging sa maamo at gwapo nitong mukha ay napatitig siya.
Bigla ay bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Siya na nga ba? Siya na nga ba ang sinasabi ng matanda?
'Ang lalaking makakatuluyan mo ay nagmula sa Kahariang inyong kinamumuhian...ang Prinsipe. Mag-iingat ka sakaniya."
Nilipat niya ang kaniyang tingin sa dalawang hunters, "Pakawalan niyo siya."
Nagkatinginan ang dalawang hunters, nagaalinlangan kung susundin ba nila ang sinabi ni Natalia. Maging si Axel ay napakunot ang noo
"Ngunit..."
"Gawin niyo na lamang ang aking sinabi," Ma-awtoridad na sagot ni Natalia na sinunod naman agad ng dalawang hunters dahil na rin sa takot. Mabilis nilang binuksan ang rehas at pinakawalan si Axel.
Nagtatakang napatingin si Axel kay Natalia na seryoso lamang ang mukha.
Taas-noong nagsalita ang dalaga, "Sumunod ka sa'kin."
"Kailangan kong makausap ang Haring Meros," Sambit ni Axel sa kawalan.
"Hindi ka niya pakikinggan, Axel. His decision is already final. Ngayon nila papatayin si Astra---"
Galit na binalingan ni Axel si Natalia, "Kung ano man ang desisyon niyang 'yon, pagsisisihan niyang ginawa niya 'yon." Sabi niya at naglakad paalis.
Natulala si Natalia. Hindi niya alam kung sino ba talaga si Astra. Ang alam lamang niya ay ito iyong babaeng matagal ng iniibig ni Axel. At kung totoo ngang isa itong Alkirvia, marahil ay doon siya nanggaling. Ngunit, ano ba mayroon sa babaeng 'yon? Nakapagtataka dahil walang Dark Alkirvia ang may kakayahan ng healing.
=====
SIGAWAN NG mga galit na Lifars ang buong naririnig ni Astra. Naroon ulit siya sa lugar na iyon kung saan maraming tao ang galit sakaniya. Galit sakaniya sa pagaakalang isa siyang Alkirvia at traydor.
Hindi na lamang niya magawang tumingin ng deretso dahil sa kahihiyan. Hindi niya iyon dapat maramdaman dahil tunay na wala siyang kasalanan, pero mukhang pinapamukha talaga sakaniya ng mundo na hindi siya nararapat na mabuhay ng payapa.
Ano ba'ng nagawa kong mali? Gusto ko lang naman mailigtas ang kaibigan ko. Gusto ko lang mamuhay ng tahimik...
Tumulo ang isang butil ng luha sa pisngi ni Astra. Sobrang bigat na ng kaniyang pakiramdam. Pagod na pagod na siya. Ano pa ba ang dahilan para lumaban siya? Wala na. Wala na siyang kwenta sa mundong ito. Sirang-sira na ang tahimik at simple niyang buhay.
"Nagkita muli tayo."
Natigilan si Astra. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang Haring Meros sa itaas sa terasa. Kumpleto roon ang royal family at nakaupo sila sa kani-kanilang trono.
"Pinalad ka noong unang beses na napunta ka rito, ngunit tingnan mo nga naman," Tumigil saglit si Haring Meros at ngumisi. "Sadya talagang walang Alkirvia ang nakaliligtas sa kamay ko. Kapalaran na mismo ang gustong tumapos sa buhay mo."
Hindi nagsalita si Astra. Nananatiling walang emosyon ang kaniyang mga mata. Kung nasaan man ang Elementalists, hinihiling niya na sana h'wag na siyang iligtas ng mga ito. Dahil sa puntong ito, tinatanggap na niya ang kaniyang katapusan.
"Alam mo na kung bakit ka naririto....traydor," Muling banggit ni Haring Meros na ang sama ng tingin kay Astra. Sumenyas ito sa mga ilan sa Amazona na handang saktan anumang oras si Astra sa gitna ng Mortem.
"Hindi niyo na kailangang makipaglaban. Gawin niyo kung ano ang gusto niyong gawin sa'kin. Hindi ako lalaban," Saad ni Astra.
Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ng Haring Meros. Para sakaniya, isang malaking misteryo si Astra. Batid niyang isa itong Alkirvia dahil sa kakaibang enerhiya na nararamdamang niyang bumabalot rito, ngunit iba ang epekto nito di katulad sa ibang Alkirvia. Kung ano pa man ang dapat niyang malaman ay hindi niya palalagpasin. Isang healer na isang Alkirvia?
"At hindi naman ako papayag d'yan."
Kasabay ng katagang iyon ay ang biglang pagsulpot ni Axel sa likod ni Astra. Lahat ay nagulat. Alam ng mga lifars na isa itong Alkirvia at ligid sa kaalaman nila na iniligtas ng Haring Meros ang buhay nito.
Kumuyom ang kamao ni Haring Meros dahil sa galit. Hindi niya nagustuhan ang pagsulpot ni Axel, may pakiramdam lamang siya na hahadlangan nito ang nais niya.
"Bakit siya n'andito? Nasaan si Natalia?" Naguguluhang tanong ni Prinsesa Ysana sa kaniyang ama ngunit walang sumagot sakaniya.
"H'wag ka ng makialam dito, Axel," Malalim ang boses na utos ng Haring Meros. Nasa tono nito ang pananakot na akala niya'y kakagat kay Axel.
Ngunit, sadyang matigas ang ulo ni Axel at sinamaan pa ng tingin ang Hari ng Lifarshia.
"Hindi ko hahayaang saktan niyo siya," Wika ni Axel sa nagbabantang tono.
Nagsimula ng magbulungan ang mga tao sa paligid. Napatayo si Reyna Helga dahil na rin sa inis at nananatili namang nakangisi ang Haring Meros. Ang ngising iyon ay hindi nasisiyahan kun'di pagpipigil ng labis na galit at inis.
Nagdilim ang mukha ng Haring Meros, "H'wag mo akong subukan."
"H'wag niyo rin ako subukan," Galit na banta rin ni Axel at kumuyom ang kamao.
Nagsimulang humangin ng malakas sa pwesto nila ngunit hindi iyon naging dahilan para matinag ang tensyon laban kay Haring Meros, kay Axel, at kay Astra.
Hindi alam ni Astra kung matutuwa ba siya o ano. Handa naman na siyang harapin ang kapalaran niya. Kung wala na rin naman na si Keya, ano pa'ng silbi ng buhay niya? Ang nag-iisang taong naging kalinga niya sa lahat ay wala na.
Napayuko si Astra ng magsimulang dumilim ang kalangitan, gaya ng una niyang punta rito ay bumuhos rin ang malakas na ulan.
"Astra!"
Iisang boses na kilalang-kilala niya ang siyang pumukaw sa atensyon ng lahat. Natigilan si Astra bago unti-unting nilingon ang direksyon ni Azriel na basang-basa na habang ito'y pinipigilan ng mga Hunters. Taas-baba ang dibdib ng binata dahil sa hapo at pagod. Mula sa likod ni Azriel ay nagsi-datingan ang ibang Elementalists.
Napukaw rin nito ang atensyon ng Haring Meros at ni Axel. Mas lalong nagngit-ngit ang ngipin ng hari sa galit ng makita ang Elementalists.
=====
[ASTRA DELA FUENTE]
ANONG GINAGAWA nila rito?
Habang tumatagal ang tinginan namin ni Azriel ay mas lalo ko siyang nauunawaan. Mas lalo kong nauunawaan ang nais iparating ng kaniyang mga mata kahit hindi pa siya magsalita.
Nakikiusap ang mga mata niya na para bang sinasabi niyang umalis na ako rito at sumama sakaniya.
"Kung ano man ang binabalak mo, h'wag mo ng ituloy," Bulong ni Axel mula sa aking likuran. Hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sakaniya. Hindi ko talaga alam kung bakit pakiramdam ko ay ligtas rin ako kapag kasama siya.
"H'WAG NIYO HAHAYAANG MAKAPASOK ANG MGA 'YAN DITO!" Sigaw naman iyon ni Haring Meros na tinutukoy ang Elementalists.
Mas nag-alala tuloy ako bigla ng sinimulan silang palibutan ng mga hunters at amazona. Tsk, kung bakit ba kasi pumunta pa sila. Mapapahamak lang sila sa ginagawa nila.
Talagang nakikita kong desidido si Azriel makalapit sa pwesto ko dahil lumalaban talaga siya. Gusto ko siyang lapitan...pero bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko?
"Sumama ka sa'kin, Astra. Sabi ko sayo ilalayo kita rito," Muling bulong ni Axel sa'kin.
Ilalayo? May lugar pa ba akong mapupuntahan gayong sira na ang imahe ko sa lahat?
"Hindi ko palalagpasin ang kalapastanganang ito!" Muli akong napatingin sa hari. Kulang nalang ay maputol ang litid niya sa sobrang galit at pamumula. Galit itong tumingin sa'kin. "AMAZONAS!"
Sa isang salita ay napalibutan agad kami ng mga palabang Amazona. Kung wala si Axel sa likod ko ay baka pinabayaan ko nalang ang sarili ko. Alam kong kaya kong lumaban, pero nagmistulan siyang panangga ng pumwesto siya sa harap ko.
"Sasama ka na sa'kin. Sa ayaw't sa gusto mo."
Gulat akong napatitig sakaniya. Tatakas kami? Pero...
Napatingin ako sa pwesto nila Azriel at nakitang nakatingin rin pala siya sa'kin. Malayo man siya sa pwesto ko ngunit kitang-kita ko ang lungkot at galit sa kaniyang mga mata. Naiwang nakabuka ang bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam kong mabigat na ang dibdib ko, halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko.
Iiwan ko nalang ba sila?
"HINDI MO SIYA PWEDENG ITAKAS, AXEL!" Sigaw ni Haring Meros at muling nag-utos sa mga Lifars na atakihin kami.
Ngumisi si Axel, "Ito na ang huling araw na makikita mo siya, Haring Meros."
Saglit---!
Bago pa man ako makaangal ay hinawakan na ulit ni Axel ang braso ko. Ang huling larawan na nakita ko ay ang pagbagsak ng luha ni Azriel kasabay ng pagpatak ng ulan bago ako hilahin ng kapangyarihan ni Axel at maglaho sa lugar na iyon.
Nagmulat ako ng mata at napanganga sa aking nakita. Hindi pamilyar ang lugar na ito sa'kin, ngunit sobrang ganda at makulay. Mayroong mapuputing tao na naglalakad at may kaniya-kaniyang ginagawa.
"Saan mo ako dinala?"
"Tahanan ng mga Alpheniel, Astra."
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro