Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 44

##########

KABANATA 44
Dungeon

[ECHO's POINT OF VIEW]

HINDI KO alam kung anong sadya ng Dark Alkirvia at sumugod sila. Are they really trying to declare war? At nasunog pa ang office ni Sir Etienne, wala rin siya roon. Mahigit isang daan din siguro ang mga Dark Alkirvia na naririto ngunit mahihina lang sila.

Nagpalabas ako ng Earth Fox at pinaatake sa tatlong Alkirvia. Marunong silang lumaban, but they're not that good. Gusto ko na matapos agad ito kaya naman gumawa ako ng shockwave. And of course, they don't know how to avoid it.

"Witch, try to use your telepathy. Kausapin mo si Azriel," Mabilis na sabi ko kay Dara na nasa tabi ko at nakikipaglaban din. Mabilis siyang manghina dahil sa paggamit ng kaniyang staff or wand, kaya naman pag gan'on ay lagi siyang may nakatago na healing candy.

Tumango lamang ito. Napasulyap ako kay Cadell na lima ang kinakalaban. Lumipad siya at nagsimulang gumawa ng hurricanes dahilan para tangayin ang mga ito at ma-damage ang ibang parte ng Ezea High. Ito na naman si feeling superman.

Napangiwi ako. Sabagay, sira na rin ang Ezea High dahil sa paggamit namin ng kapangyarihan. Natatakot ako. Not because I don't know how to fight, syempre magaling na ako d'yan. I'm just scared when the war comes. Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari. Sino kaya ang namumuno sa Alkirvia? Ang pagkakaalam ko ay matagal ng patay ang Dark Lady.

"Sir Etienne!" Dinig 'kong sigaw ni Fauna. Sabay kaming napatingin sa direksyon na tinitingnan niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Sir Etienne na walang malay. Ibinaba siya ni Azriel sa gilid kasama ang mga nasa Lower Class Division.

Hindi naman kami makalapit dahil may mga kalaban pa rito. Ang mga Upper Class at Middle Class Division ay kasalukuyan ring nakikipaglaban.

"I have to go---" Aniya Azriel pero nagsalita agad si Fauna.

"Aalis ka agad? Kailangan natin maubos ang mga 'to," Dinig kong sabi ni Fauna na may halong diin. Ang tinutukoy niya ay ang mga Dark Alkirvia.

"Kailangan kong puntahan si Astra," Madiing sagot ni Azriel.

"She's safe at the Kingdom. Hayaan mo muna siya," Sagot ni Fauna. Nagsalubong ang kilay ni Azriel na mukhang naiinis na. Makikisabat pa sana ako ng marinig ko ang sigaw ni Cadell.

"Echo!"

Napatingin ako sakaniya at buhat na niya ngayon ang walang malay na si Dara. Nagalala agad ako. Syempre, kahit parati kaming nagaasaran ng Witch na 'yan, kaibigan ko pa rin 'yan.

"She lost her energy, dalhin mo agad siya sa mga healers," Mabilis na sabi ni Fauna at nagsimula na ulit makipaglaban. Nakalimutan kong sabihin na naririto rin ibang mga healers upang tumulong sa mga sugatan.

"Let's finish this as fast as we could," Malamig na saad ni Azriel at walang pasabi na inisa-isa ang mga kalaban.

Napabuntong-hininga ako. Yes, we should finish this.

=====

BINIGYAN AGAD ng lunas ang mga sugatan. Healing candy man 'yan o healing power ng isang Vershiatist. Dito kami sa gymnasium nagtipon habang iyong iba ay nagbabantay sa labas.

Pagod na umupo ako. I wasted so much energy today. Ilang oras din 'yung laban na 'yon ah, at ang witch na si Dara ay hanggang ngayon tulog pa rin.

"Here," Napatingin ako kay Cadell ng iabot niya sa'kin ang isang healing candy. Pabebe ko pa itong kinuha. Aartehan ko pa ba eh ang dami ko ng sugat.

"T-thanks," Sagot ko at kinain iyong healing candy. Tumabi sa'kin si Cadell at tumabi na rin sa'min sina Fauna at Azriel. Si Paige ay n'andoon sa isang sulok na at nakapikit.

Galing pala siyang rooftop kanina at nakalaban niya si Chelle. Iyong babaeng 'yon talaga! Siya siguro ang pinuno ng Alkirvia. Pero imposible din 'yon dahil hindi naman siya mukhang malakas.

Nakita kong lumapit si Xynos kay Paige at umupo pa sa harap nito. Napamulat si Paige at sumimangot. Napataas naman ang kilay ko. Anong ganap?

"Shit!" Napatingin ako kay Azriel ng magmura siya. Problema naman nito?

"Umayos ka nga. Para kang pulubi, ang dugyot mo," Dinig kong sabi sa'kin ni Cadell. Napataas ang kilay ko. Nahalata kasi lalo ang dugo sa damit ko dahil puti ito.

"Pakialam mo?" Mataray na sagot ko at inirapan siya.

"Buti nga concern pa," Sagot pa niya. Napauwang ang labi ko. Wow, wala naman ako sinabing maging concern siya. Sinusumbat pa niya ha! Loko-loko 'tong ulupong na 'to.

"E'di wag ka maging concern. As if I care," Umirap pa siya.

Nawala ang atensyon ko kay Cadell ng lumapit si Mr. Guevarra sa pwesto namin, ama ni Azriel.

"We need to talk," Seryosong sabi niya.

Nagsalubong ang kilay ni Azriel. Ano pa ba'ng bago, "I have to go to the Kingdom first."

"You have responsibilities here. Alam mo namang umatake ang Dark Alkirvia. Who knows if they'll be back?" Madiing saad ng kaniyang ama.

Nagulat ako ng dinantay ni Cadell ang ulo niya sa balikat ko. Sisitahin ko sana siya pero narinig ko ang hilik niya. Walanjo tong tsonggo na 'to, ginawa pa talaga akong unan.

Napahawak ako sa sikmura ko ng maramdaman kong kumiliti ito. Nagugutom ba ako?

"The Elementalists are here. Kailangan kong punatahan si Astra," Sagot pa ni Azriel. Ow sanay na ako, hindi mo talaga siya mapapasunod.

Mas tumalim ang tingin sakaniya ng kaniyang ama, "Tigilan mo na kung ano man 'yang nararamdam mo sa babaeng 'yon."

Natigilan si Azriel. Pati ako syempre na nakikichismis natigilan din. Alam naman namin na may gusto na si boss kay frenny ko. Napangiti ako dahil ngayon ko lang na-realize na si Astra pala 'yung Vershiatist na pinupuntahan niya dati.

"Ayoko," Madiing sagot ni Azriel.

Napangiti ako ng malawak dahil d'on. 'Yan, ganiyang nga boss. Fight for your love haha.

"Anong mayroon?" Bulong sa'kin ni Fauna. Itinapat ko ang daliri ko sa bibig ko at sinenyasan siya na tumahimik. She pouted.

Mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Mr. Guevarra. Alam niyo, mabait naman talaga siya para sa'kin. Well, 'yun ay dahil mabait ang trato niya sa'min. Pero ngayon, parang nakakatakot ang awra niya.

"You are engaged already. You should focus only at Sam," Aniya na ikinagulat naming dalawa ni Fauna.
Nagkatinginan pa kami. Hala! Ba't di namin alam 'yon? Ang daya! Pero bakit? I'm not against Azriel and Sam, pero sa nakikita ko, si Astra na talaga ang laman ng puso ni boss. Naks.

Kumuyom ang kamao ni Azriel at ramdam kong naiinis na siya, "Can't you hear? Sabi ko ayoko. You don't make decisions in my life, dad," Nilagyan niya ng diin ang huling salitang sinabi.

Oh no, ang intense nito. Pakiramdam ko may lasers na sa mga mata nila. Shocks! Kahit anong mangyayari, isusupport ko si Azriel sa mga desisyon niya.

Ngumisi si Mr. Guevarra, "That girl tried to kill the King. She is a traitor and I don't want you to get hurt."

Natigilan kaming tatlo. Napatayo pa kami ni Fauna sa gulat at dahil doon, nahulog ang ulo ng tsonggong si Cadell at tumama sa sahig. Nagising siya at nagulat.

"What the hell, Ecs?!" Inis na sabi nito pero di namin siya pinansin. Ay, sorry naman. Nadala ako kaya nakalimutan 'kong nakasandal siya sa'kin.

Tumahimik naman siya ng mapansing seryoso kami. We are just talking about Astra. Bigla akong kinabahan. Tama ba ang narinig ko?

"What did you say?" Malamig na tanong ni Azriel.

"She is a traitor. She will soon be sent to Lifarshia to get her punishments."

"Sinong traydor?!" Gulat na sigaw ni Cadell. Inis na tiningnan ko siya at tinakpan ang bibig. Kahit kailan talaga! Pinalakihan ko siya ng mata para sabihing tumahimik. Oo tsonggo, tumahimik ka muna!

Mas lalong kumuyom ang kamao ni Azriel. I know, he's angry. Very angry.

"I don't believe you," Aniya at tumakbo palabas. Nagkatinginan kaming tatlo nina Fauna at Cadell saka sumunod kay Azriel.

Natigilan pa ako ng marinig ko ang tawag ni Mr. Guevarra, "Echo, try to stop him. It's no good for him."

Sumibol ang inis sa dibdib ko at hinarap siya. Ayoko sana mangialam pero how dare he para pigilan si Azriel sa nararamdaman niya?

"Tito, you can't make a person love someone else. Hindi mo alam ang pinagdaanan ni Azriel dati bago siya tuluyang sumaya," Sabi ko at pinuntahan si Paige upang sumunod kina Azriel.

=====

[ASTRA DELA FUENTE]

NABITAWAN KO iyong pendant sa kamay ko ng mawala 'yung ilaw nito. Naalala ko 'yung sinabi ni Azriel kanina at ang paggapang ng kaniyang malamig na apoy sa loob ng kwintas na suot ko. Palaisipan pa rin sa'kin ang nangyari. Pamilyar sa'kin 'yung liwanag na lumabas sa pendant nung kwintas, parang 'yung liwanag lang na lumalabas sa dibdib ko.

Bumuntong hininga ako at pinatong ang baba ko sa tuhod ko. Hindi ko na alam ang mangyayari sa'kin sa mga susunod na araw. Papatayin ba nila ako? Pero wala naman akong ginagawang masama. Sinusubukan ko lang pagalingin ang Mahal na Hari. At mas lalong wala na si Zed para maisipan pa ng mga Lifars na isa akong Alkirvia.

Nakaramdam ako ng pagod. Ang huling naalala ko ay ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

Pagmulat ko ng mga mata ay bumungad sa harapan ko ang mga tatlong magagandang dilag na nakaupo sa kanilang trono. Walang kupas pa rin ang ganda ng kanilang mahiwagang buntot.

Teka, nasa harapan ko ang mga sirena! Nananaginip ba ako?

"Oo, nananaginip ka," Sagot ng sirenang ginto ang buntot, si Aghinaia. Nakaupo ito sa gitnang trono. "Pinasok namin ang iyong panaginip upang balaan ka."

Kumunot ang noo ko. Balaan? Saan? Teka, hindi ba nilinlang nila ako? Masasama sila!

"Hindi ka namin nilinlang," Wika ng sirenang pula, si Martea.

Nanlaki ang mga mata ko. Nakakabasa ba sila ng isip? "B-bakit? Anong sasabihin niyo? T-totoo bang hindi niyo ako nilinlang?" Tanong ko.

Nakatitig lamang sila sa'kin na wala man lang emosyon sa kanilang mga mata. Gusto ko maglihis ng tingin ngunit naaakit ako ng mga ito. Ramdam na ramdam ko ang malakas na kapangyarihang dumadaloy sa kanila.

"Kailan man ay hindi kami nanlinlang ng isang ordinaryong nilalang," Wika ni Aghinaia sa seryosong tono. "Kami ay nagnanais na makuha ang crux pendant upang mailigtas ang nanganganib naming paraiso."

Kumunot ang noo ko. Nanganganib? Nanganganib na ba ang karagatan?

Si Martea naman ang nagsalita, "At ikaw ay aming daan upang makuha ito. Wala kaming ibang magagawa kun'di ang pagbantaan ang iyong buhay."

"Ngunit, isang nilalang ang napagalaman naming niloloko ang iyong isip at dinudumihan ang aming pangako," Saad ni Luwalhati. "Ang lalaking iyong iniibig ay labas sa kasunduang ito."

Nanlaki ang mga mata ko. Ha? Lalaking iniibig? Si Azriel?! No way! E-espesyal siya sa'kin pero alam 'kong hindi ko siya mahal. Hindi nga ba?

Ngumiti si Aghinaia, "Tila nalilito ang iyong isip. Ngunit, saglit lamang kami," Sumeryoso siya bigla. "Kailangan na namin ang crux pendant sa madaling panahon bago sumapit ang blue moon. Alam mong buhay mo ang magiging kapalit kung ika'y susuway sa'min."

"Pero---" Bago pa ako makapagsalita ay bigla nalang sila naglaho.

Napamulat ako ng mga mata habang naghahabol ng hininga. Syet, sa tubig ko ba sila nakausap? Para akong nalunod.

Nilibot ko ng tingin ang paligid at n'andito pa rin ako sa kulungan. Napabuntong hininga ako. Mukhang malabo na makuha ko pa ang crux pendant. Kamusta na kaya sila Azriel?

"Hey..."

Azriel? Mabilis 'kong tiningnan ang taong nagsalita sa gilid ko. Bumagsak ang balikat ko ng makitang si Axel iyon. Anong ginagawa niya rito? Nag-abala pa siyang mag-teleport.

Umupo siya sa harapan ko at tiningnan ako. Napalunok ako at nagiwas ng tingin. Naalala 'kong namumugto pa ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.

"Bakit ka n'andito?" Tanong ko ng hindi tumitingin sakaniya. Naaawa ba siya sa'kin kaya siya pumunta rito? Ayoko ng kinakaawaan ako.

Nilahad niya ang kaniyang kamay sa harap ko. Napatingin ako rito at tiningnan siya ng nagtataka.

"Sumama ka sa'kin," Seryoso ngunit nagaalala niyang bigkas. Pangalawang beses na niya 'tong sinabi. Hindi ko alam kung bakit kada titingnan ko si Axel ay hindi ako natatakot gaya ng sa ibang Alkirvia.

"Bakit? Tatakas ba tayo?" Kunot-noong tanong ko.

Tumango naman siya bilang sagot, "Ilalayo kita rito. D-dadalhin kita sa ligtas na lugar, 'yung di ka masasaktan ng kahit na sino."

Seryoso ba siya? Hindi ko alam kung bakit sobra siyang nagaalala sa'kin. Sa Lifarshia lang naman kami unang nagkita pero kung itrato niya ako ay parang matagal na kami magkakilala.

Tinitigan ko siya sa mga mata. Seryoso talaga siya. Bumuntong-hininga ako at nginitian siya ng tipid at umiling. "Ayoko tumakas, pag ginawa ko 'yon, mas iisipin nilang sinubukan ko talagang patayin ang Mahal na Hari."

Nagsalubong ang kilay niya at dahan-dahang ibinaba ang kaniyang kamay, "Pero binabalak ka nilang parusahan. You've done nothing wrong."

"A-alam ko naman 'yon," Sagot ko at yumuko. Paparusahan nila ako? Hindi man lang ba nila ako hahayaang magpaliwanag? Naiiyak ako. Hindi naman ako ganito dati. Hindi ako sanay na maging mahina.

"Hindi ako papayag na saktan ka nila. Please, come with me," Nagmamakaawa ang mga mata niya at muling inilahad ang kamay sa'kin. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang gawin 'to. Madadamay pa siya panigurado.

Tinitigan ko ang kamay ni Axel na nasa harapan ko. Kung sasama ako sakaniya, makakalaya na ako. Iniangat ko ang kamay ko para sana hawakan ang kamay niya ngunit natigilan ako. Biglang pumasok sa isip ko si Azriel. Alam kong pupuntahan niya ako. Wala akong kasalanan kaya wala ako dapat ikatakot. 'Di ko kailangan tumakas.

Bumuntong hininga ako at ibinaba ang kamay ko, "Salamat Axel, pero dito lang ako. Papatunayan ko sa kanilang lahat na wala akong kasalanan."

Tama, 'yun nga ang dapat kong gawin.

Napailing nalang si Axel sa naging sagot ko at tumabi sa'kin, "Matigas pa rin ang ulo mo," Bulong niya pero rinig ko naman. Napangiwi ako. Pa rin? Bakit? Kilala ba niya ako?

"Kung makapagsalita ka parang kilala mo ako," Nakangusong sabi ko at muling pinatong ang baba ko sa tuhod ko. Magiging okay din ang lahat, Astra.

"Kilala naman talaga kita," Sagot niya.

Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay, "Kilala mo lang ako sa pangalan. Atsaka, bakit ba n'andito ka pa? Baka mahuli ka pa," Nagaalalang sabi ko.

Ngumiti siya ng nakakaloko, "Gusto pa kita makasama. Matagal din ako naghintay."

=====

[ECHO's POINT OF VIEW]

"AZRIEL!" HINAWAKAN ni Cadell ang braso ni Azriel upang pigilan ito. Kinwelyuhan niya kasi ang Knight na nagbabantay sa labas ng Kaharian. Actually, 'di nila kami pinapapasok. I know naman na mahirap makapasok dito unless may pahintulot. But for pete's sake, we're the Elementalists!

Inis na hinawi ni Azriel ang kamay ni Cadell at sinamaan ng tingin ang Knight. Halos sampung Knight silang naririto sa labas ng gate at nagbabantay.

"Are you dumb? Do you want to die?" Diin ni Azriel. Kumunot ang noo ko ng makita ang pagiiba ng kulay ng mga mata nito. From brown, naging laser blue siya. Then in a snap, nawala rin agad. Woah! Kaya niya rin magpalit ng color ng mata?

"Sorry but we only allow those who have permission to enter," Seryosong sabi nung Knight na nasa gitna. "H'wag mo sanang masamain Azriel, masyado ng nagkakagulo sa loob."

Then Fauna interfered, "Hell yeah? Kaya nga kami pumunta dito diba? We wanted to help."

"We know that the king is in a coma and gosh! Ano ba sa tingin niyo ang gagawin namin?" Maarteng saad ni Paige at umirap.

"Hindi pa rin kayo pwede mangialam," Sabi noong Knight. If I remember it right, Jarvis ang pangalan niya.

"Bakit? We are the Elementalists. Sino ba nagsabi na bawal kami pumasok?" Kunot-noong tanong ni Cadell, maging ang tsonggo ay mukhang naiinis na rin.

Napanguso ako. We wanted to make sure na walang masamang nangyayari kay Astra. Of course, to the king also. Hindi naman siguro ang Haring Matsu ang nagutos dahil as what we've heard, di pa siya gising.

"Wala akong pake kung sino man ang nagsabi na bawal kami pumasok. We will go whether you like it or not," Matigas na saad ni Azriel at nagpumilit na pumasok. Hinaharangan naman siya ng mga Knight at ayun si boss, malapit ng magwala.

"Hey! Papasukin niyo nalang kami kung ayaw niyo ng gulo," Sabat ni Fauna.

"At anong gagawin niyo?"

Sabay kaming napalingon sa taong nagsalita. Nanlaki ang mga mata namin ng makita ang Haring Meros, ang Hari ng Lifarshia. Mabilis kaming yumuko upang magbigay galang, maliban lamang kay Azriel na masama ang mukha.

Nakasakay ang Haring Meros sa kaniyang kabayo at sa likod niya ay ang mga Hunters na nakasakay din sa kanilang kabayo. Bumaba siya at tiningnan kami ng may awtoridad sa mukha.

"Anong gagawin niyo? Papatakasin niyo na naman ba ang taksil na iyon?" Dagdag pa niya.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya about kay Astra. Is he saying that my frenny is a taitor? Hindi yata ako papayag d'yan. Astra is just a victim and I know that!

"I think you've got the wrong person, your Highness. Hindi po magagawa iyon ng kaibigan namin," Lakas loob na depensa ko.

His brow raise, then he flash a smirk, "Alam kong patatakasin niyo lamang ang babaeng iyon kung kaya't hindi ako pumayag na papasukin kayo."

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Azriel. Natahimik lamang kaming lahat. We've already done it noong napunta kami sa Lifarshia, but what we did was right. Inosente si Astra.

Napatingin ako kay Azriel. Alam kong ano mang oras ay magwawala na siya at baka mapuntirya pa niya ang Hari. Aba, yari kami n'on.

"Just let us in and prove to us na si Astra nga ang salarin dito," Seryoso ngunit magalang pa rin na sabi ni Fauna. "Then in that way, we'll never ever be a hinder to your plans."

Inis na tiningnan ni Azriel si Fauna. Alam kong kokontra itong si boss kaya madali ko siyang pinigilan. Masama lamang itong tumingin sa'kin. I got Fauna's point. May tiwala siya kay Astra kaya kampante kami.

Malalim na nagisip ang Haring Meros. Seryoso ito at talagang kinikilatis kami. Sa huli ay ngumisi siya ng nakakaloko.

"Sige, pero sa isang kondisyon."

Lahat kami nakatutok. Talaga nga namang hindi mo makukuha agad ang isang bagay ng gan'on gan'on lang.

I sighed. But whatever it is, we're in.

=====

SA HULI ay pumayag rin ang Haring Matsu na pumasok kami. Nakita namin ang mga tao na hindi mapakali at iyong iba ay nagkakagulo pa. Aside from that, nakakita rin kami ng isang dragon na nagwawala sa kaniyang kulungan. Yes! A freakin' dragon!

"Woah!" I blurted out. I think this is the last living dragon. At ang ganda niya! I can't believe my eyes!

"Shit! Totoo ba ito? Hindi sila extinct?!" Gulat ngunit kakikitaan ang saya sa mukha ni Cadell. Kumikinang pa ang mga mata ng tsonggo. Well, he onced dreamed to see a dragon.

At syempre dahil bida ako, babarahin ko muna. "Ay hindi, hindi. Props lang 'yan na may magic. Bulag ka ha? Bulag?"

Sinimangutan niya ako, "Alam mo Ecs kahit kailan, panira ka ng kaligayahan!"

Napaamang ako d'on mga besh. Ouch. Medyo masakit 'yon sir ha. Panira pala ng kaligayahan. Talaga!

Magsasalita pa sana ako para ipagtanggol sarili ko ng magsalita si Paige. Psh.

"Hanggang dito ba naman di natatahimik bunganga niyo? Gusto niyong paguntugin ko 'yan?!"

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil d'on. I heard Fauna chuckled beside me. Shocks, iba pagkaka-imagine ko d'on ah.

"Bilisan niyo," Malamig na utos ni Azriel.

Oh I forgot, kakadalaw lang namin sa Haring Matsu and he's really in a coma. May saksak siya sa tagiliran na super fresh pa rin. I sigh. Hindi magagawa ni Astra 'yon.

Pagkapunta namin sa dungeon ay mabilis na pumasok si Azriel. Pinigilan pa kami ng Knight pero wala silang nagawa. Duh? We're the Elementalists kaya. Walanjo, nahahawa na ako sa 'duh' ni Dara witch.

"Where is she?" Mariing tanong ni Azriel. Mabilis na tinuro ng Knight ang pinto sa kabila at mabilis ding sinipa iyon ni Azriel.

"May susi naman boss," Sabi ko pero di niya ako pinansin. Well, anyways, makikita na namin ang frenny ko.

=====

[ASTRA DELA FUENTE]

"MATAGAL KO ng binalak tumakas sa Alkirvia. Hindi sa ayaw ko roon, ayoko lang yung mga nangyayari ngayon. Hindi naman ako masama gaya ng ibang Alkirvia," Kwento ni Axel.

Nakatutok lamang ako sakaniya. Wala naman akong sinabing magkwento siya, pero dahil wala daw magawa, ayun nagkwento. Mabuti na rin iyon upang makilala ko pa siya. Ang alam ko lang naman kasi ay isa siyang Alkirvia.

Tinanong ko siya kanina kung ano siya roon at anong ginagawa niya. Umiwas pa siya ng tingin bago sumagot. Aniya, isang kawal ang kaniyang mga magulang sa Alkirvia at pinatay ito ng mga kapwa nilang Alkirvia.

Psh, di na ako nagtaka. Masasama sila.

"Pero sabi mo pinatay nila ang mga magulang mo," Sabi ko na ikinatigil niya. Hindi siya nakatingin sa'kin at sa sahig lamang. "Buti nalang umalis ka. Kung ako 'yon tas pinatay iyong taong mahalaga sa'kin? Hindi ko na masisikmura pang manatili roon."

Tipid siyang ngumiti, "G-ganoon na nga," Nagsalubong ang aming mga mata ng tumingin siya sa'kin. "I-ikaw? Kamusta ka? Okay lang ba naging buhay mo?"

Natigilan ako saglit. Di kalaunan ay malungkot akong ngumiti. "Maayos ang buhay ko noong hindi pa nawawala sa'kin ang kaibigan ko, ang tanging pamilya ko," Sabi ko at nagsimulang magkwento. Kinwento ko sakaniya ang nangyari kay Keya at mga pinagdaanan namin ng Elementalists.

Tahimik lamang na nakikinig si Axel ngunit pansin ko na parang may bumabagabag sakaniya. Parang may gusto siyang sabihin sa'kin.

"K-kung sakaling makaalis ako dito, t-tutulungan mo ba akong maibalik si Keya?" Tanong ko sakaniya.

Saglit siyang nagisip. Nananatiling nakatutok ang seryosong mga mata niya sa'kin. Okay lang naman sa'kin kung hindi niya ako tutulungan. At hindi na rin ako umaasa. Tumakas na nga siya tapos babalik pa siya roon? Bobo mo talaga, Astra.

"O-okay lang kung ayaw mo," Muling sabi ko at nginitian siya ng tipid ng hindi siya sumagot.

"Hindi sa ganoon..." Nagiwas siya ng tingin. "Marami ka pa talagang hindi nalalaman."

Kumunot ang noo ko. Marami pa akong hindi nalalaman? Anong ibig niyang sabihin doon? Magtataka sana ako kung bakit, kaso nakarinig kami ng pagkalabog ng pintuan.

Gulat akong napatayo. Pagtingin ko kay Axel ay wala na siya roon. Bumuntong hininga ako. Buti umalis na siya.

"Sinasabi ko na nga ba!"

Ibinalik ko ang tingin sa aking harap. Hindi ako natutuwang makita siya. Isa siyang malaking sinungaling.

"Sam."

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro