Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 43

##########

KABANATA 43
Mystery

[THIRD PERSON's POV]

MABILIS ANG takbo ng kabayo na sinasakyan ni Azriel at ng kaniyang ama na si Terrence Guevarra. Kasama rin nila ang ilan sa mga Knights ng Ezea para magtungo sa Ezea High. Nalalapit na sila sa lugar ng mahagip ng mga matatalas na mata ni Azriel ang ilang bulto ng katawan ng mga tao.

Mabilis siyang napatigil sa gitna ng kakahuyan na ikinatigil at ipinagtaka rin ng kaniyang ama.

"What are you doing? Let's go," Madiin na sabi sakaniya ni Mr. Guevarra.

Mabilis na nilingon niya ang ama at nagsalita, "Go first, may aasikasuhin lang ako."

"What? Pero---Azriel!"

Hindi na niya pinatapos ito magsalita at mabilis na pinatakbo ang kabayo. Alam niyang pipigilan siya ng kaniyang ama at baka 'di na niya maabutan pa iyong bulto ng mga tao. May masama siyang kutob sa mga ito. Maaaring isang kalaban o kakampi, but who knows?

Nakikita niya kung gaano kabilis tumakbo ang mga ito. Para ba'ng ninja sa bilis. Mabilis din ang takbo ng kabayo ni Azriel pero tila ba kulang pa ito.

Mas pinabilis pa ni Azriel ang takbo ng kaniyang kabayo at naisipang pigilan ang mga ito at iyon nga ang ginawa niya. Sumulpot siya sa harap ng mga taong naka-itim na cloak na ikinatigil nila. Dalawa ang mga ito at laking gulat niya ng makita ang katawan ni Sir Etienne na buhat ng isang lalaki sa balikat nito.

"Sino kayo?" Tanong ni Azriel at bumaba sa kaniyang kabayo. Kalmado lamang siya ngunit nararamdaman niyang kailangan niya rin maging alisto.

Sinenyasan ng isang lalaki ang kaniyang kasama na umalis, ngunit bago pa man it makatakas ay mabilis na gumawa ng ice wall si Azriel.

Napangisi ang lalaki at hinubad ang kaniyang suot na hood. Walang iba iyon kun'di si Cyrus na mayroong nakapaskil na mapangasar na ngisi.

"I didn't expect to see you here...my dear, friend?" Nakangising aniya Cyrus.

Napangisi din si Azriel, "Friend? Last time I checked, I don't make friends with evils."

Natigilan si Cyrus at nawala ang ngisi nito. Sumama ang kaniyang mukha at nagtiim-bagang.

Tiningnan naman ni Azriel ang isa pa'ng lalaki na katabi nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapakita ang wangis. Napukol ang tingin niya kay Sir Etienne na walang malay.

"Anong kailangan niyo sakaniya?" He asked.

Tinaasan lamang siya ng kilay ni Cyrus habang iyong lalaking kasama niya ay napangisi ng palihim. Sa pagkakataong iyon ay hinubad na niya ang kaniyang hood.

Kumuyom ang kamao ni Azriel at nagigting ang panga sa galit. Masama niya itong tiningnan. Matagal na siyang nakakaramdam pero hindi niya pa rin inaasahan ito.

"Nate."

=====

SA KABILANG banda, hirap makagalaw si Paige dahil kontrolado ni Chelle ang katawan niya. Kahit ang pagpikit ay hindi niya magawa kaya mas lalong nagiinit ang ulo niya sa inis.

"Ano? Akala ko ba ako 'yung weak? Then why can't you attack me?" Mapangasar na humalakhak si Chelle na mas lalong ikinainis ni Paige.

Kung sa pakikipaglaban ay alam niyang easy lang sakaniya ang babaeng ito, pero kung ganitong kontrolado nito ang katawan niya ay hindi siya makakalaban ng patas.

"H'wag mong hintayin na makawala ako dito," Sambit ni Paige sa naiinis na tono. Nanggagaliti ang ngipin niya sa inis ng tumawa pa lalo si Chelle.

"Oh dear, hindi ako tanga para gawin 'yon," Ngumisi pa ito at humakbang palapit sakaniya. "I will make sure that you're dead before you can kill me."

Nagigting ang panga ni Paige at gusto na niyang sabugan ng tubig ang mukha ni Chelle. Hintayin lang talaga nito na makawala siya at pahihirapan niya ito. Sisiguraduhin niyang mawawala na sa landas niya ang babaeng ito.

Narinig naman niya bigla ang boses ni Fauna sa isip niya. Nakalimutan niyang magkakakonekta pa rin sila.

"Paige! Nas'an ka na ba? Ang daming kalaban dito!" Sigaw ni Fauna habang nakikipaglaban sa apat na Alkirvia. Naglabas ito ng apoy at pinaikot ang sarili, dahilan upang mas lumiyab ito at kumalat.

"Okay ka lang ba? Ano ba ginagawa mo?" Boses naman iyon ni Echo.

"Nas'an ba kasi si Azriel?" Dinig niyang sambit ni Cadell.

"I got business here. Kaya niyo na 'yan," Sagot ni Paige at hindi na pinansin ang mga ito sa mga sumunod na sinabi. Ayaw niyang pumunta ang mga ito para lamang makawala siya sa kapangyarihan ni Chelle. Gusto niyang siya mismo ang makagawa nito.

Ngumisi si Paige, hindi siya papayag na matalo ng babaeng ito, "Is that what you got? You don't play fair 'cause you're a loser."

Nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Chelle ngunit di kalaunan ay ngumisi ulit siya ng mala-demonyo. "Dahil ito ang kaya 'kong gawin. Kaya kitang patayin."

Natigilan si Paige at sinamaan ng tingin si Chelle ng magsimulang humakbang ang mga paa niya papunta sa dulo ng rooftop. Napamura siya sa  isip.

"What a waste," Naiinip na saad ni Xynos na kanina pa pala sila pinapanood. Napatingin sakaniya si Chelle dahilan para makawala si Paige sa kapangyarihan niya. Naghahabol pa ito ng hininga.

Tiningnan ni Xynos si Paige. "Is it that hard not to look into her eyes?"

"H'wag kang makialam dito, Xynos!" Sigaw ni Chelle.

Nginisian lamang siya ni Xynos. Ngayon lamang nagsink-in sa utak ni Paige na malaya na ang katawan niya. Paano ba naman ay bigla-biglang sumulpot itong Xynos na 'to tapos pinagsabihan pa siya.

Nagsalubong ang kilay niya at mabilis na gumawa ng water ball saka ito hinagis kay Chelle. Abala si Chelle sa pakikipagusap kay Xynos kung kaya't noong lumingon siya ay saktong tumama ang water ball sa dibdib niya. Napaimpit siya sa sakit ng tumama ang likod niya sa makapal na pader.

Sinamaan niya ng tingin si Paige, "I will kill you!"

Nang akmang lalapit na si Chelle sakaniya ay agad niyang kinumpas ang kamay niya at pinaikot ang mga daliri. Natigilan si Chelle at nanlaki ang mga mata ng mahirapan siyang huminga. Kinokontrol nito ang pag-circulate ng dugo ni Chelle.

"You're not just the killer machine here," Ani niya kay Xynos na nanlaki rin ang mga mata.

=====

HINDI MALAMAN ni Azriel kung saan siya titingin. Kay Cyrus ba o kay Nate? Huminga siya ng malalim at ngumisi nalang. Hindi niya akalain na ang tapat na Kingsman ng Haring Matsu ay isang traydor.

"Kung gan'on, ikaw pala 'yung Nate na kilala ko," Sambit ni Azriel at napailing.

Tumawa si Nate, "Sinong Nate ba ang tinutukoy mo? Iyong dati...o 'yung ngayon?"

Kumunot ang noo ni Azriel. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Nate. Ano ba gusto nitong iparating?

Ngumisi si Cyrus at pumamulsa. Sumandal pa ito sa isang puno habang si Nate ay ibinaba muna ang walang malay na si Sir Etienne.

"Mabuti naman. Akala namin ay nakalimutan mo na kami," Nakangising wika ni Cyrus. Tiningnan siya ni Azriel at sinamaan ng tingin. Natawa si Cyrus dahil doon. "Bakit ka ganiyan makatingin? Hindi mo ba matanggap na...galing ka sa Alkirvia?"

Inis na nagpalabas ng ice dagger si Azriel at hinagis iyon sa direksyon ni Cyrus na saktong tumama sa itaas ng ulo niya. Hindi naman nagpatinag si Cyrus o nagpakita man lang ng takot.

Natawa si Nate, "Kung hindi lang Azriel ang pangalan mo ngayon, baka tinawag na kita sa pangalang—"

"Shut up," Mariing wika ni Azriel at nagpalabas ng asul na apoy sa kaniyang kamao.

Matagal na niyang gustong kalimutan ang nakaraan niya. Matagal na siyang galit sa mga Alkirvia dahil sa ginawa nito sakaniya at ayaw na niya maalala iyong araw na inabandunado siya.

"Easy, Mendez. Baka nakakalimutan mo'ng hawak namin ang kapatid mo?" Sabi naman ni Cyrus at seryosong tinitigan ang halos nagaapoy na mga mata ni Azriel.

Natigilan siya ng tawagin siya nitong Mendez. Tanda pa niya na ang apleyido pa iyon ang gamit niya at 'yon ang tawag sakaniya dati nila Cyrus noong bata pa sila.

Natigilan din siya ng marinig niya ang salitang kapatid. Kahit hindi naman talaga hawak nila Cyrus ang ito, alam niyang sa oras na bumalik ang mga alaala nito ay kakampi na ulit ito sa mga Alkirvia.

Kakampi na ulit si Xynos sa Alkirvia dahil hindi siya kilala ng sarili niyang kapatid.

"Oh, I heard that you're the reason behind his amnesia. Kaya mo palang patayin ang kapatid mo?" Muling saad ni Cyrus at mapangasar na tumawa.

Ngumisi si Azriel ngunit mababakas na dito ang inis at galit, "Maybe being dead is better than living inside hell. What do you think? Dapat na ba kitang patayin?"

Nawala ang ngisi sa labi ni Cyrus pero tumawa rin ulit, "Not until I finished my mission." Aniya bago sinimulang atakihin si Azriel.

Si Nate naman ay nagtransform bilang isang malaking lobo na mayroong dalawang sungay. Isa siyang shapeshifter.

=====

NAIIYAK SI Astra sa nangyayari. Nasa loob siya ng kulungan ng Ezea habang nakaupo at nakayapos sa kaniyang mga tuhod. Halos manginig na siya sa takot at matulala nalang.

Tahimik ang paligid, sobrang lungkot at walang kabuhay-buhay. Malamang, nasa kulungan siya. Hindi niya lubos maisip na mangyayari sakaniya ang mga ganitong bagay. Mas gugustuhin pa niyang bumalik sa simple at mahirap na buhay kaysa ganito.

Matapos mawalan ng malay si King Matsu at nakita siya ni Queen Helga, mabilis na nagsidatinga ang ibang Knight. Si Astra ang tinurong salarin at sabi pa na balak niyang patayin ang Mahal na Hari. May dala kasi itong dagger.

Hindi man lang agad siya nakapalag at nakapagsalita dahil nakilala din siya ng Reyna Helga. Agad itong nalaman ng Haring Meros at kinulong siya.

Sa ngayon ay hindi niya alam ang kondisyon ng Haring Matsu.

Napabuntong hininga si Astra at pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata niya. Hinawakan niya ang kwintas na galing pa kay Azriel at tinitigan ito. Nagulat siya ng bigla itong umilaw ng matingkad. Ilang segundo rin ang tinagal n'on bago tuluyang nawala.

Sa kabilang banda, nakapalibot si Haring Meros, Reyna Helga, ang dalawang anak nito na si Alisha Ysana at Alvin Ysdar, si Axel at Natalia sa kwarto ng Haring Matsu. Malawak ang kwartong ito at kasya pa nga ang mahigit benta na ka-tao.

Seryoso ang mukha ng Haring Meros habang nakatingin sa kaniyang matalik na kaibigan na nakaratay ngayon sa malaking kama. Kasalukuyan itong pinapagaling ng dalawang kilalang healers sa Vershia na sina Jacob at Faye.

Si Axel ay nakaupo lamang sa isang sulok at katabi si Natalia. Malalim ang iniisip nito kaya wala siya sa mood na kausapin man lang ang magiging asawa. Hindi mawala si Astra sa isip ni Axel. Parang kanina lang ay sinabihan niya itong mag-ingat. Tsk, napaka talaga.

"Should we take her to our Kingdom?" Sabi ni Queen Helga sa kaniyang asawa. Narinig iyon ni Axel kaya doon natuon ang atensyon at pandinig niya.

"She will receive severe punishment after this," Ani Haring Meros sa malalim na boses. Kaya pala gan'on nalang kalakas ang pakiramdam niya kay Astra dahil naramdaman na niya ito noong unang beses itong nahuli. Ngayon na nahuli niya ulit ito at nakagawa pa ng kasalanan, mas matinding parusa ngayon ang matatanggap niya. At iyon ay walang iba kun'di kamatayan.

Napatayo si Axel at nakisali sa usapan, "Anong gagawin niyo sakaniya?" Seryosong tanong niya. Kung ano man ang balak ng Hari at Reyna ay hindi siya papayag na matuloy 'yon.

"As simple as cutting her head off," Naiinip na sabat ni Ysana. Agad naman siyang sinuway ng kaniyang kakambal na kapatid at inirapan ito.

Nag-igting ang panga ni Axel, "Hindi niyo pwede gawin 'yon. Hindi niyo alam ang totoong nangyari," Diin niya. Mabilis rin na napatayo si Natalia at nag-aalalang hinawakan sa braso si Axel.

Wala namang karea-reaksyon ang mukha ng Haring Meros habang nakikipagtagisan ng tingin kay Axel. "Hindi porque ikaw ang Prinsipe ng Alkirvia ay gagawin ko na lahat ng nais mo, Axel."

Natigilan si Axel at nagulat sa sinabi ng Haring Meros. Mabuti na lamang at mahina ang pagkakasabi ng Hari kung kaya't hindi ito narinig nina Faye at Jacob. Mas humigpit naman ang kapit ni Natalia sa braso ni Axel.

Malinaw pa rin kay Axel ang nangyari noong nakakulong siya sa dungeon ng Lifarshia. Nakawala siya noong araw na iyon dahil sa hindi siya mapigilan ng mga Hunters. Kinakailangan pa niyang sabihin kay Haring Meros na siya'y isang Prinsipe ng Alkirvia kahit na alam niyang galit ang mga ito sa kanilang angkan.

Pinakita niya ang kaniyang dalawang kakayahan upang maniwala ito. Upang maniwala ito na siya ang Prinsipe ng Alkirvia na nagmula pa sa nakaraan, sixty-years ang nakalilipas. Inamin niyang kailangan niyang maayos ang takbo ng kapalaran kung magtitiwala lamang sila rito, ngunit ang kapalit noon ay kinakailangan niyang magkaroon ng koneksyon sa Ezea.

Doon dumating si Natalia na kaibigan ni Ysana. Si Natalia ay pansamantalang namamalagi sa Lifarshia upang mag-training. Batid ni Natalia ang lahat at sumangayon siya sa gusto ng mga ito dahil na rin sa may pagtingin ito sa binata.

"Ano ba'ng meron ang healer na iyon para ipagtanggol mo pa siya?" Mataray na tanong naman ni Reyna Helga habang nakataas pa ang kilay.

Naningkit ang mga mata ni Axel, "Hindi lang siya basta healer."

Tumaas rin ang kilay ng Haring Meros, "Interesting. Kung hindi siya healer, ano siya?" Ani sabay ngisi. Matagal na siya nagtataka sa kayang gawin ni Astra magmula noong makita niya ang puting liwanag na lumabas sa dibdib nito.

Nanigas si Axel at nagiwas ng tingin, "Just let her go," Mariing wika niya. "Hindi niyo gugustuhing makilala pa ang totoong pagkatao niya."

Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ng Haring Meros. Mas lalo lamang siya naging interesado sa katauhan ni Astra na sa puntong hindi niya ito pakakawalan hangga't hindi niya nalalaman ang lahat.

=====

NAPAHAWAK SI Azriel sa gilid ng labi niya na halos pumutok dulot ng pagkakasuntok ni Cyrus. Tumilapon siya at tumama ang likod sa makapal na puno.

Naiinis na tinapunan niya ng masamang tingin si Cyrus na nakangisi lamang sakaniya. Napatingin si Azriel kay Nate ng bumalik ito sa tunay na anyo at magsalita.

"Hindi na ako nagtataka na isa ka sa pinaka-malakas sa Ezea High," Aniya sa seryosong tono. Kilala niya si Nate na palaging nakangiti at mabilis makisama. Hindi niya akalain na peke lamang pala ang lahat ng ito.

Kilala niya si Nate noong bata pa sila pero hindi niya alam kung ano ang nag-udyok para magbago ito.

"Did you plan all of these?" Naningkit ang mga matang tanong ni Azriel.

Tumawa si Cyrus na siyang ikinatingin niya rito, "Remember the day I took the crux pendant? Hindi ba hinayaan mo lang ako n'on makatakas?"

Natigilan si Azriel. Noong araw na iyon ay hindi niya inaasahan na muling makita si Cyrus. Naglaban sila pero walang laban si Cyrus sa taglay na kakayahan ni Azriel. Natalo si Cyrus ngunit itinanggi iyon ni Azriel sa Elementalists at kay Sir Etienne.

"Paige is also dumb not to notice that I was there too," Ani Nate at umiling. Isa siya sa kasabwat noong araw na iyon. Si Cyrus, Nate, at iyong soul eater.

"Hindi ba sinasayang mo lang ang oras mo dito?" Nakangising sabi sakaniya ni Cyrus at ininguso ang nasusunog na tuktok ng Ezea High. Agad na bumalatay ang pagaalala at inis kay Azriel.

Walang alinlangan na gumawa siya ng tipak na yelo na nanggaling sa inaapakan nina Cyrus at Nate. Mabilis rin namang nakapagshift si Nate bilang isang malaking phoenix habang si Cyrus ay tumalon sa itaas ng puno.

"Muntikan na 'yon," Nakangising usal ni Cyrus.

Umiwas si Azriel ng makita niyang bumulasok sa direksyon niya si Nate sa anyong phoenix. Naglabas siya ng ice tornado upang mahuli ito. Nakakailag si Nate pero nadaplisan ang pakpak niya kaya natumba siya sa lupa at bumalik sa anyong tao. May hiwa ang braso niya.

Sumugod din agad si Cyrus ng suntok pero dahil mabilis ang reflex ni Azriel ay naiwasan niya ito. Ngunit sa pangalawang suntok ni Cyrus ay di na niya nagawang iwasan. Sinuntok siya sa sikmura kung kaya't napapaubo siyang napaluhod sa lupa.

"I'm confused. Bakit ice na ang ability mo?" Pa-inosenteng tanong ni Nate habang nakahalukipkip at nakasandal sa puno.

Tiningnan siya ni Azriel at mabilis na tumayo. Hindi niya ininda ang sakit. Masakit ang pagkakasuntok ni Cyrus dahil nagtataglay ito ng super strength.

"Bakit? Ano ba dapat?" Inis na wika ni Azriel kay Nate at sinamaan ng tingin ang nakangising si Cyrus.

"Mukhang hindi lahat alam mo," Mapangasar na wika ni Cyrus.

"Since I was abandoned by your great King, matagal ko ng kinalimutan na nanggaling ako sa Alkirvia," Madiing saad ni Azriel na may madilim na ekspresyon. "I don't have to know everything."

"Kahit pa may kinalaman dito si Astra?" Sabi ni Nate na siyang ikinatigil ni Azriel.

Nanliit ang mga mata niya at nagtatanong ang mukha, "What do you mean?"

Nagkatinginan si Nate at Cyrus. Seryoso silang tatlo at wala namang balak si Cyrus na patagalin pa ang laban nila ni Azriel. Batid nilang may isang parte sa memorya ni Azriel ang nabura.

Magtatanong pa sana si Azriel ng bigla niyang maramdaman ang pagsikip ng dibdib niya. Napangiwi siya at hindi pinahalata ang sakit. Parehas naman na nagtaka sina Cyrus at Nate lalo pa noong nagkaroon ng mahinang liwanag ang dibdib ni Azriel.

Sa likod ng isip ni Azriel ay naalala niya si Astra. Tinatawag siya nito at nasa panganib siya. Maya-maya pa ay nawala na 'yung kirot.

"Balang araw, maiintindihan mo rin ang lahat," Seryosong sabi ni Cyrus na mas lalong nagpagulo sa isipan ni Azriel. Kasabay n'on ay naglaho na si Cyrus at natira na lamang si Nate na walang ekspresyon ang mukha.

Alam ni Nate ang ibig sabihin ng liwanag na iyon.

"Saglit, ano 'yung sinabi mo? May hindi ba ako alam?" Gulong-gulo na tanong ni Azriel kay Nate.

"I can see that you trust her too much. Too bad, you still don't know her."

Wala siyang balak na sabihin lahat kay Azriel. Bahala na ito na umalam sa lahat, sa katotohanan. Hindi na siya magtataka kung manatili pa rin ang pagmamahal ni Azriel kay Astra.

Bago pa makapagsalita si Azriel ay naglaho na agad si Nate. Ginulo niya ang buhok niya sa inis at tiningnan ang nakahandusay na si Sir Etienne. Binuhat niya ito at mabilis na dinala sa Ezea High.

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro