Kabanata 42
A/N: Huhu feeling ko ang lame ng update ko. I tried my best to this chapter.
##########
KABANATA 42
Attack
[THIRD PERSON's POV]
MABILIS NA tinungo nina Echo, Fauna, Dara at Cadell ang pinanggalingan ng sabog. Lahat sila ay nagulat at natigilan ng makitang sunog at sira ang office ni Sir Etienne.
"Headmaster!" Sigaw ni Avery na kasama sina Chase at Kaiden. Pinasok nila ang opisina ni Sir Etienne ngunit hindi nila ito nakita roon.
"He's not here," Usal ni Chase at napangiwi sa natamong sira ng opisina. Halos sunog lahat.
Mabilis na nagsilapitan sina Echo sa kinaroroonan ng mga bata. "Avery!" Tawag ni Echo dito kung kaya't napalingon sakanila ang dalaga. Biglang umaliwalas ito at niyakap si Echo.
"Ate Echo!"
"What happened? Sino may gawa nito?" Seryosong tanong ni Fauna. Lahat ng estudyante sa labas ay nabigla at nabahala sa nangyari.
"Hindi ko po alam," Umiiyak na sagot ni Avery. "We are just training next door when we heard an explosion," Dagdag pa niya. Mukhang natakot ito sa nangyari kaya niyakap at pinatahan ito ni Echo.
Nililibot naman ni Cadell ang kaniyang paningin sa paligid habang si Dara ay ipinarating ang balita kay Paige gamit ang telepathy.
"At wala rito si Sir Etienne," Ani Kaiden na seryoso ang mukha. "We don't know where he is."
Nagkatinginan sila Echo at nagsimulang kabahan. Naisip nila na puntahan si Sir Paulo pero bago pa man sila makapunta roon ay nakarinig na naman sila ng panibagong pagsabog na galing sa isang classroom.
Halos mayanig ang lupa sa naging impact nito. Nagsisigawan at nagsitakbuhan ang mga estudyante dahil sa takot.
"Everyone, stop panicking! Walang mapapala kung lahat kayo ay matatakot!" Sigaw ni Paige na kadadating lang kaya nagsitigilan ang mga ito. Hindi naman masisisi ni Fauna ang mga estudyante dahil ang palapag na ito ay ang lugar ng mga Lower Class Division na hinahasa pa lamang ang mga kakayahan.
Bukod sa pagsabog ay naghintay sila sa mga susunod na mangyayari. Nagsilabasan din ang mga myembro ng opisyal na namamahala ng Ezea High. Pinaghanda nila ang mga Lower Class Division na nakaantambay sa kanilang likuran habang ang mga nasa Upper Class ay nagsimulang maglibot sa Ezea High upang alamin ang problema.
Naghiwalay ang Elementalists at sinubukang hanapin ang may pakana nito. Sinubukan din hanapin ng iba si Sir Etienne at si Sir Paulo na bigla ring nawala.
Umakyat si Paige sa rooftop dahil inisip niyang maaaring naroon si Sir Etienne. Nagpantig ang tenga niya ng makarinig siya ng mga boses.
"Stop this. Hindi ako sasama sa'yo," Kalmado ngunit mababakas ang inis na sabi ni Xynos kay Chelle. Nagaapoy na sa galit ang mga mata ni Chelle dahil kahit anong gawin niya, kahit lumuhod pa siya at umiyak ng dugo ay hindi sasama sakaniya ang binata.
"Nawala ba talaga ang alaala mo? O baka naman tinatraydor mo na kami?!" Nanlisik ang mga mata ni Chelle.
Wala siyang planong aminin na hindi talaga nawala ang mga alaala niya. Wala pa siyang planong bumalik sa Alkirvia dahil may sarili siyang misyon. Ang mapatay si Astra at makapaghiganti kay Azriel na muntik ng pumatay sakaniya.
Kung tutuusin ay kayang-kaya na niya ito patayin ngunit hindi siya pwedeng magpadalos-dalos. Naandito ang mga Elementalists at bantay sarado lagi ni Azriel si Astra. Batid niyang iniisip ng mga ito na malaki siyang pakinabang sakanila. Isinali pa nga siya ni Sir Etienne sa isang grupo, grupo nila Avery, at nagsimulang magtraining. Bagay na ikinatutuwa niya ng lubos dahil mas lalo siyang lumalakas.
"Kung hindi ka sasama, Wala akong choice kun'di idaan ka sa dahas," Malamig na sabi ulit ni Chelle.
Naningkit ang mga mata ni Paige habang nakataas ang kilay. Prenente siyang nakasandal sa pader at nakikinig sa usapan ng dalawa.
Ilang sandali pa ay nakarinig ulit sila ng pagsabog. Bagay na ikinagulat ni Xynos lalong-lalo na ni Paige. Sinamaan ni Xynos ng tingin si Chelle at biglang naglaho.
"Paige! The Alkirvia's are attacking! Nasaan ka na?!" Sigaw ni Fauna mula sa isip. Magkakakonekta sila gamit ang telepathy ni Dara.
Agad na naginit ang ulo ni Paige at lumabas sa pinagtataguan. Nagpalabas siya ng tubig at gamit ito ay pinansakal niya ito kay Chelle. Halatang nagulat si Chelle dahil hindi niya inaasahan ang pagdating ni Paige.
"You bitch! You're acting strong where in fact, you're weak," Gigil na saad ni Paige at ikinumpas ang kamay ngunit nagulat siya ng hindi niya magalaw ang mga ito.
Napangisi si Chelle ng unti-unti niyang nakokontrol ang katawan ni Paige. Lumuwag ang pagkakasakal sakaniya na ikinasama ng mukha ni Paige.
"Let's see who's weak," Pangaasar ni Chelle.
=====
[ASTRA DELA FUENTE]
MALAPIT NA kami sa malaking gate ng kaharian ng makita ng dalawa kong mata ang maraming kawal na tumatakbo palabas at may dala-dalang mga armas. Napatingin ako kay Azriel at nakitang nakatingin rin siya sa mga ito.
"May problema ba?" Tanong ko sakaniya.
Nagkibit-balikat siya. Kasabay noon ay naramdaman ko ang pagtigil ng karwahe.
"Let's go," Aniya at bumaba na agad upang puntahan ang Haring Matsu at ang kaniyang ama na nasa harapan at seryosong naguusap.
Napatingin sila sa'min kaya naman tinanguan ng Haring Matsu ang kausap niyang lalaki, habang ang lalaki naman ay yumuko muna bago magpaalam at umalis.
Yumuko din kami ni Azriel saglit upang magbigay galang sa harap ng Haring Matsu.
"What's going on?" Nagtatakang tanong ni Azriel habang ako ay nasa gilid lang niya.
Madilim na ang kalangitan ngunit ang mga tao ay abala sa kani-kanilang ginagawa, animo'y natataranta at naghahanda.
"Ezea High is under attack by Alkirvia's and we're here to rescue," Seryosong sagot ni Mr. Guevarra. Parehong namilog ang mga mata namin sa gulat.
Ngayon ko lamang napansin na nakasuot siya ng isang protective suit, kaya pala dahil nasa panganib ang Ezea High!
Nakaramdam ako bigla ng kaba dahil sa balitang iyon. Kamusta na kaya sila Echo? Alam kong malakas sila pero h'wag naman sana sila malagay sa alanganin. Kailan ba kasi matatapos ang pagatakeng iyan? Hindi pa ba sila nagsasawa? Kinuha na nila si Keya at nasira na nila noong nakaraan ang Ezea High.
Naikuyom ko ang kamao ko sa galit ng maalala ko si Keya. Napatingin sa'kin si Azriel, napansin niya siguro ang panginginig ng kamao ko. Alam niya kung gaano ko kagustong ipaghiganti si Keya.
"The attack is happening for about fifteen minutes now. Kailangan niyo na magmadali," Aniya Haring Matsu at tumingin kay Azriel. "And you, bilang isang Elementalists, you have to go back to Ezea High and help them. Kailangan ka nila."
Natahimik si Azriel at napalunok. Hanggang ngayon ay hindi maalis ang kaba sa dibdib ko. Alam kong nalalapit na ang blue moon, pero hindi pa ako handa sa digmaan!
Bumuntong hininga ang kaniyang ama, "Kung gusto mo siya isama---"
"Astra is not coming."
Napatingin ako kay Azriel sa gulat. Ano? Iiwan niya ako dito at hahayaan na tumunganga lang? Hindi ako papayag!
"Ayoko! Sasama ako, tutulong ako---" Pinutol niya ang sinasabi ko at seryosong nakipagtitigan sa'kin.
"I won't let you," Diin niya at sinamaan ako ng tingin. "You're much safe here. Stay at the kingdom and wait for me to come back."
Napanganga ako. Hindi ako makapaniwala! Ano tingin niya sa'kin, weak? Sa ganitong sitwasyon kung saan gusto ko pumatay ng Alkirvia at ipaghiganti si Keya, ipagdadamot pa niya?
"Pero gusto ko makatulong!" Diin ko din. Hindi na nga namin napapansin ang Haring Matsu at ang kaniyang ama na nanonood sa'min. "Porque ba healer lang ako, wala ka ng tiwala sa'kin---"
"It's not like that!" Inis na sigaw niya.
Natigilan ako sa pagsigaw niya. Natigilan din siya at maya-maya pa ay nagiwas ng tingin. Kung hindi pa siguro uubo ang Mahal na Hari ay siguro mukha kaming tanga na nakatulala lang.
"Hija, tama siya. There are lots of Ezeans out there already helping. Mas mabuti ng dito ka muna," Matigas na ani ng Mahal na Hari. Bumuntong hininga ako at yumuko. Ano pa bang magagawa ko? Hindi ko naman pwede suwayin ang Mahal na Hari.
"Yes, your Highness," Sagot ko nalang kahit labag sa loob ko. Napansin ko pa ang titig sa'kin ni Azriel pero agad din naman siyang nagiwas.
"We'll just wait for the signal before we go," Ani Mr. Guevarra. "Mahirap na at baka may mga Dark Alkirvia na umaaligid sa labas."
Napansin din namin ang ilang kalalakihan na nahihirapang pakalmahin ang isang malaking puting dragon. Napauwang pa ang bibig ko sa ganda at laki nito. Purong puti at kumikinang pa. Hindi ko akalain na may dragon pang nabubuhay. Sa pagkakaalam ko kasi ay extinct na sila magmula noong First Great War.
"Is that..." Saglit na natigilan si Azriel at nakita ko ang pagkamangha at gulat sa mga mata niya habang nakatingin sa pegasus.
Tipid na ngumiti ang Haring Matsu, "The last living dragon. Nakuha ito sa isang gubat kamakailan lang habang malayang lumilipad." Mahabang litanya nito habang nakatingin sa dragon na hanggang ngayon ay nagwawala pa din.
Ngumisi si Azriel, "So, dragons are real, huh? But it should be living with freedom. Hindi niyo na dapat siya hinuli," Magkasalubong ang kilay na ani Azriel.
"We bought the dragon here to be safe at para di rin siya makuha ng mga Alkirvia," Sagot naman ni Mr. Guevarra. "Pero ngayon lamang siya nagwala ng ganiyan."
Muli akong napatingin sa dragon. Nagwawala pa din ito at halos sampung kalalakihan na ang nakapaligid sakaniya upang mapakalma ito. Nakasuot kasi sa leeg nito ang isang chain kung kaya't pilit siguro ito kumakawala.
"We're running out of time. Who are we waiting for?" Naiinip na sabi ni Azriel. Ano pa 'bang aasahan mo? Kahit nga siguro tatlong minuto lang siya naghihintay ay maiinip na siya agad. You wouldn't want the Ice Prince waiting.
"Your son is right, Terrence. Mauna na kayo at ako na ang bahala dito," Tugon naman ng Haring Matsu. "I will inform them when they arrive."
Napalabi nalang si Mr. Guevarra at sinenyasan si Azriel, "Let's go---"
"YUKO!"
Nanlaki ang mga mata namin ng makawala ang dragon sa chain na nakakabit dito. Lahat ng mga kalalakihang malapit sa dragon ay nagsitalsikan dahil sa paghampas nito gamit ang makapal na buntot. Pero mas lalo kaming nanigas sa kinatatayuan namin ng lumipad ang dragon patungo sa direksyon namin!
"PROTECT THE KING!"
Naalimpungatan lamang ako sa sigaw ni Mr. Guevarra. Agad na nagsilapitan ang mga Knight upang protektahan ang Hari habang iyong dragon ay nagwawala pa rin. Nakita ko si Azriel sa harap ko na seryosong nakatingin sa dragon at nagsimulang maglabas ng ice sword.
Nilingon ako nito, "Just stay at my back."
Wala sa sariling napatango nalang ako. Wala akong laban sa malaking dragon na 'yan kaya mabuti pang h'wag nalang ako mangielam.
"DODGE!" Sigaw ng isang Knight. Mabilis na nagsilayuan ang mga ibang Knight ng magbuga ng apoy ang dragon. Iyong iba ay tumilapon pa dahil sa buntot nito.
Ngayon ko lamang napagtanto na nasa harapan na namin ni Azriel ang dragon at nakatingin ito sa'min! Hinanap ng paningin ko ang Haring Matsu at nakitang inaalalayan ito ng mga Knight.
Napaatras kami ni Azriel ng malakas ng umalulong ang dragon. Napagalaman 'kong tinira pala ito ni Mr. Guevarra ng pana sa katawan. Agad na nagsilapitan naman ang mga Knights at nakipaglaban sa dragon. Sumama na rin si Azriel upang pakalmahin ito. Pinayelo niya ang magkabilang paa ng dragon pero walang kahirap-hirap lamang itong nasira.
Nagkakagulo na ang mga tao sa paligid at lumalakas na rin ang kabog sa dibdib ko. Tanging sigaw ng mga Knight ang naririnig ko sa tuwing sila ay napapatalsik ng dragon.
Muling umalulong ang dragon. Nanlaki ang mga mata ko ng kaharap nito si Azriel at nakitang lumiliwanag ang lalamunan ng dragon. Bigla itong nagbuga ng apoy kaya naman nabigla din si Azriel sa paggawa ng ice shield, ngunit hindi sapat iyon kaya tumalsik pa rin siya.
"Azriel!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya, ngunit bago pa man ako makalapit ay biglang lumitaw sa harap ko ang dragon na mayroong pilak na mga mata. Dahan-dahan itong lumapit sa'kin kaya naman dahan-dahan din akong napapaatras.
Narinig ko pa na sinigaw ni Azriel ang pangalan ko pero di ko siya pinansin. Napako ang tingin ko sa mga mata ng dragon at tila ba hinihigop ako nito. May kung anong pamilyar na enerhiya akong nararamdaman na 'di ko batid kung saan nanggagaling.
"POSITION!" Nakita ko rin na nagsiayos ang mga Knight sa kaniya-kaniyang pwesto sa gilid ng dragon.
"You really are back."
Nanlaki ang mga mata ko ng may boses ng babae na pumasok sa isip ko. Napalunok ako habang mariing nakatingin sa dragon. Siya ba iyong nagsalita? Nagsasalita siya?!
Maya-maya pa ay umamo ang 'itsura nito at dahan-dahang iniyuko ang sarili. Lahat natigilan lalong-lalo ako. Teka, napaamo ko ba siya? Wow naman! Naawa siguro ang dragon na ito sa takot 'kong itsura.
"Queen...we need you."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ang luha sa mga mata ng dragon. Nakauwang ang bibig ko sa huling salitang sinabi niya pero bago pa man ako makapagsalita ay umalulong na ito ng malakas dulot ng pana na sunod-sunod na tinira sakaniya.
Sinubukan pa nitong manlaban ngunti ilang sandali lang ay bumagsak na ito at nawalan ng malay.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Astra! Are you okay?" Biglang hila sa'kin ni Azriel at ni-check pa ang katawan ko. Nananatiling nakatulala ako sa dragon na pinagkakaabalahan na ng lahat.
"P-patay na ba siya?" Gulat na tanong ko kay Azriel.
Saglit pa niyang sinulyapan ang dragon bago ibinalik ang tingin sa'kin, "It's sleeping. May halong pampatulog ang mga panang ginamit sakaniya. They know that they can't make it calm so they came up with an idea."
Natahimik nalang ako. Si Azriel ay nakatitig lang sa'kin na parang may iniisip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin magsink-in sa'kin iyong boses ng dragon. Totoo bang narinig ko siyang kinausap ako o baka naman nababaliw na ako?!
Maya-maya pa ay lumapit na si Mr. Guevarra, "Azriel, we need to hurry. Kailangan na tayo sa Ezea High."
Napatingin sa'kin si Azriel kaya nginitian ko siya at tinanguan. Malaking tulong ang presensya ni Azriel doon. Magiging pabigat lang ako kung sasama pa ako.
"I'll be back," Aniya Azriel.
Nagulat ako sa sunod nitong ginawa. Hinapit niya ang bewang ko at hinalikan ako ng matagal sa noo. Namula ang pisngi ko dahil alam 'kong nakatingin sa'min ang kaniyang ama. Lintek, hindi ba niya alam na hindi pa tapos ang kasunduan sa pagitan nila ni Sam?!
"Azriel," Madiin na tawag sakaniya ng ama kaya nakakuha ako ng pagkakataong na lumayo sakaniya. "Let's go. I guess there is something we have to talk about," Seryosong sabi ni Mr. Guevarra at nauna na sa pagsakay sa kabayo.
Nginitian ako ni Azriel ng tipid bago siya sumunod sa kaniyang ama. Nakahinga ako ng maluwag. Pakiramdam ko saglit akong nawalan ng hininga.
Pagkaalis nila Azriel ay may dumating naman na panibagong karwahe. Bumaba roon ang isang babae at lalaki. Ganon nalang ang gulat ko ng makilalang si Natalia at Axel iyon.
Naglakad sila patungo sa Hari at yumuko upang magbigay galang. May pinaguusapan sila ngunit di ko naman masyado marinig. Medyo malayo ako sa pwesto ng Hari dahil n'andito ako malapit sa malaking gate. Gusto kong hintayin ang pagbabalik ni Azriel.
Napansin ko pa ang titig sa'kin ni Axel na ipinagsasawalang bahala ko nalang. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Alam 'kong natatandaan niya ako. Teka, nagpapanggap nga lang ba siyang isang Lifars? Pero nahuli na siya ng Lifarshia, anong nangyari? Hindi ba siya totoong Alkirvia? Naguguluhan na ako.
"BOW FOR THE KING!"
Napatingin ako sa bagong dating na karwahe. Gan'on nalang ang paninigas ko sa kinatatayuan ng makita ang Hari at Reyna ng Lifarshia. Namuo ang pawis sa noo ko dahil sa taranta at paniguradong namumutla na ako.
N'andito sila, makikita nila ako. Wala pa naman akong suot na maskara! Azriel huhu, da't di mo na ako iniwan dito.
Hindi ko alam kung bakit hindi na ako makagalaw. Sa sobrang kaba siguro. Nakita 'kong iginaya ng Haring Meros ang kaniyang ulo at papatingin siya dito sa direksyon ko. Inaasahan 'kong makikita na niya ako pero may biglang humila sa mga kamay ko at dinala sa hindi ko alam na lugar.
Basta ang alam ko nalang ay malayo na kami sa main gate.
"You should've run when you saw them. Alam mo namang mainit pa ang mga mata nila sa'yo," Sabi ni Axel.
Napanganga ako sa pagkabigla pero agad din akong natauhan. Wow ha. Close ba kami para basta-basta nalang niya ako hilahin? Pero sabagay, makikita nila ako kung hindi niya 'yon ginawa.
Inilibot ng paningin ko ang lugar at napagtantong nasa likod kami ng palasyo. Hala? Wala akong naalala na tumakbo kami at malayo ito sa main gate.
"Nagteleport ba tayo?" Wala sa sariling tanong ko sakaniya. Teleportation ba ang kaya niyang gawin bukod sa mayroon siyang dark magic?
"Uh...siguro?" Nagaalinalangang sagot niya. Luminga pa siya sa paligid at nagbaka sakaling walang makakakita sa'min.
Kumunot ang noo ko at tinitigan ang mukha niya. Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Ngayong nasa harapan ko na siya, pwede ko kaya siya tanongin?
"Let's go somewhere safe. Sumama ka sa'kin," Wika niya at biglang hinawakan ang pulso ko. Huh?! Agad na nanlaki ang mga mata ko at binawi rin ito. Nakita 'kong nalungkot siya ng gawin ko 'yon.
"Isa kang Alkirvia, diba?" Tanong ko. "A-anong balak mo? Bakit ka nagpanggap na isang Lifars?" Kunot-noong dagdag ko pa at umatras palayo sakaniya. Lintek, wala pa naman ako dalang dagger. Mamaya kung ano pa gawin nito.
Huminga siya ng malalim, "Oo isa akong Alkirvia, pero hindi ako masama gaya ng iniisip mo," Napansin niya ang pagdududa sa mukha ko at ang paghakbang ko palayo kaya sumimangot siya.
"Paano ako nakakasigurado?" Pagdududa ko pa. "Nagpanggap ka bilang Lifars at isa na iyon sa dahilan para magduda ako."
"Ginawa ko 'yon para makita ka," Naiinis na sagot niya. Ako naman ang natigilan at lumukot pa ang mukha.
Itinuro ko pa ang sarili ko, "A-ako? Bakit? Anong kailangan mo sa'kin?"
Ngumiti siya at lumapit sa'kin. Sa gulat ko ay napaatras na naman ako. Napasimangot siya.
"I came to take you back."
Hindi na siguro maipaliwanag ang 'itsura ko ngayon. Anong sinasabi ng Alkirvia na 'to? Hindi porque healer lang ako ay matatakot na ako sakaniya. Kinuha na nila si Keya, ano pa ba'ng gusto nila?
"H'wag kang lalapit!" Matapang na sabi ko na ikinatawa niya ng mahina. Kung hindi siguro siya Alkirvia ay iisipin 'kong mabait siya. Wala kasi sa hitsura niya ang pagiging masama.
"I will take you back...pero hindi pa sa ngayon," Mahinang aniya. "You have to be safe, Astra. Magiingat ka lagi." Inabot niya sa'kin ang isang itim na mask na tanging mata lang ang nakikita.
Tulala ko itong tiningnan. Binigyan ba niya ako nito para di ako makilala ng mga Lifars? Magsasalita pa sana ako pero wala na siya sa harap ko. Nas'an na 'yon?
Hahakbang na ako paalis ng maramdaman ko ang matinding kirot sa dibdib ko. Napauwang ang bibig upang kumuha ng hangin ngunit napapaimpit nalang ako sa sakit at napaluhod. A-Anong nangyayari? Ito na ba ang epekto ng kasunduan namin ng sirena?
=====
ISANG MALAKING kwarto ang sumalubong sa'kin pagkapasok ko. Sa bawat gilid ay nakapabilog ang mga shelf roon na puno ng mga libro habang mayroon lamang isang malapad at malaking lamesa sa gitna.
Namangha ako sa aking nakikita. Dati pahirapan pa ako para makakita ng libro sa Vershia Forest. Dito ko nalang rin naisipang pumunta dahil nasa labas ang mga Lifars, baka makita pa nila ako. Hindi na naman siguro ako mattrack dahil wala na si Zed, diba?
Napailing nalang ako sa aking sarili. Kung makita man nila ako at hulihin ulit, hindi ako magdadalawang isip na ipaglaban ulit ang buhay ko.
Kumuha nalang ako ng isang libro na alam kong abot ko. Iyong iba kasi dito ay kailangan pang lumipad o gumamit ng ladder para lang maabot iyong ibang libro.
Napanguso ako at pabagsak na umupo sa lamesa kasama ang libro. Nagdulot iyon ng ingay dahil ako lang naman ang nasa kwarto. Haaay, kamusta na kaya ang Elementalists? Mas gusto ko pa'ng lumaban kaysa tumunganga dito eh. Kung bakit ba kasi napaka-arte ng yelong 'yon. Napapasimangot nalang ako.
Bigla ko namang naalala iyong pagkirot ng dibdib ko. Ang sakit din n'on ah. Naramdaman din kaya ni Azriel?
"You have no choice but to give the crux pendant to the mermaids. Kung hindi mo gagawin iyon ay mamamatay si Azriel, can't you see?!" Bulyaw sa'kin ni Sam.
Hindi ko siya sinagot at nakatingin lang sa malayo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong madamay si Azriel pero wala akong magagawa, nilinlang ako ng mga sirena! Ang usapan namin ay ibibigay ko sakanila ang crux pendant bago sumapit ang blue moon.
Sa isiping ako lang ang mamamatay ay hindi ko na binalak na kunin ang crux pendant, ngunit ngayon ay nadamay pa si Azriel dahil sa katangahann ko.
Muling nagsalita si Sam, "If ever you have changed your mind, eh dapat naman talaga, ang crux pendant ay nakatago lang dito sa palasyo. It is hidden inside the master's library."
Kumunot ang noo ko at nilibot ang tingin sa paligid. N'andito kaya ang crux pendant? Simpleng library lang naamn ito at puro libro lang.
"You're here."
Napalingon ako sa likod at gulat na napatayo ng makitang pumasok ang Haring Matsu. Sa sobrang taranta ay mabilis akong napayuko. Syete, kasama niya ba ang Hari ng Lifars? Mamaya ay pumasok iyon dito eh, malilintikan ako niyan!
"Y-your Highness," Nauutal 'kong bati. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa at ang yabag ng kaniyang paa. Napaayos ako ng tayo at naiilang na tumingin sakaniya.
Lumayo ako ng konti ng dumaan siya sa gilid ko palapit sa lamesa.
"Mahilig ka din ba sa libro?" Nakangiting tanong niya at kinuha iyong librong pinatong ko sa lamesa.
Napakamot ako sa aking ulo, "Y-yes, your Highness," Magalang na sagot ko. Nag-opo ba dapat ako?
"My Queen also loves to read books. Mga paborito niyang basahin ay ang tungkol sa Great Amarine pati ang history ng Azmar," Kwento pa niya at pinakita ang libro sa'kin. Ngayon ko lang nabasa ang title nito: History of Azmar.
Napangiwi ako sa aking sarili. Basta-basta ko lang kinuha 'yan eh. Wala naman akong hilig sa mga History dahil mas gusto ko'ng basahin ay tungkol sa mga pinagaaralan ng mga Ezeans.
Pero, ang Queen Yllva ang tinutukoy niya diba? Tsk, malamang. Sino pa ba ang asawa ng Haring Matsu?
Naiilang akong ngumiti at pinilit na sumagot nalang, "G-ganon po ba?"
Nakangiti man siya ngunit nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Alam ko na rin ang pakiramdam ng mawalan at alam 'kong masakit pa para sa Haring Matsu ang mawalan ng minamahal. Idagdag mo pa na asawa niya si Queen Yllva.
Ang pagkakaalam ko kasi ay pumanaw ito noong mismong araw ng Second Great War.
"My Queen always says things about her fate. Our daughter died too at sabi niya lang ay nagtitiwala siya sa mga plano ng dyos at dyosa," Sabi pa niya. Ako naman ay natahimik nalang. Lintek, ang awkward naman nito. At talagang naranasan 'kong machikahan ng Hari ng Ezea, huh?
Hindi kasi talaga ako madaldal at pala-kwentong tao. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Mabuti nalang at naglakad ulit siya malapit sa isang shelf. Hinawakan niya ang isang libro at pinihit. Nagulat pa ako ng biglang umatras iyong shelf. Wow! Ano ito, secret room? Secret passage? Ang taray!
Sumenyas siya sa'kin na sumunod kaya wala akong nagawa kun'di ang sumunod. Madilim na paligid ang sumalubong sa'min pero pagtapak niya sa loob ay biglang nagsilabasan ang ilaw ng mga malalaking torch na nasa gilid.
May umiilaw na bagay sa gitna at napagtanto ko na kwintas pala iyon. Lumulutang ito sa isang mahabang metallic podium.
Ang crux pendant, hindi ako pwede magkamali. N'andito nga siya sa library!
Biglang nagsalita si Haring Matsu, "I want you to see how beautiful my queen is."
Isang malaking portrait ang nakita ko sa harapan katapat ang crux pendnat. Hindi ko agad ito napansin pero isang babae ang nakaukit sa litrato. Mahinhin ang pagkakangiti nito at walang kasing-ganda. My heart pounded so loud after looking at her angelic face. T-tama ba 'tong nakikita ko?
"She looks like you," Aniya Haring Matsu at nginitian ako.
Hindi maalis ang tingin ko sa litrato. May pagkakahawig nga kami bg Queen Yllva, mas desente at maayos lang siya tingnan. Pero posible ba 'yon?
Mahina akong natawa upang pagtakpan ang awkwardness na nararamdaman ko, "Naku! Masiyado po'ng maganda ang reyna para maging kamukha ko." Tumawa pa ako ng pilit.
Nakitawa rin naman siya pero napansin ko ang biglaang pag-ubo niya. Mabilis akong nag-panic at inalalayan siya.
"A-ayos lang po ba kayo? Gusto niyo po gamutin ko kayo...." Natigilan ako ng muli siyang umubo ng malakas ngunit may kasama ng dugo. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. May katandaan na rin ang Mahal na Hari kaya posibleng nagkakaroon na siya ng karamdaman.
"K-kamahalan, dumudugo po ilong niyo," Kinakabahang sabi ko. Teka, bakit ba ako kinakabahan? Isa akong healer kaya ko siya gamutin!
Nakikita ko namang namumutla na siya at nahihirapan.
"M-maayos lang---" Hindi na niya naituloy dahil bigla siyang natumba. Napasigaw ako sa takot. Nanginginig na hinawakan ko ang pulso niya. Nakahinga ako ng maluwag ng tumitibok pa naman ito.
Natataranta na ako. Kailangan ko muna siyang i-heal at pagkatapos nito ay tatawag na ako ng tulong. Tama tama.
Magpapalabas na sana ako ng healing ko ng mapansin 'kong dumudugo ang tagiliran niya. Pinunit ko ang damit niya at nakita ang malaking hiwa doon. Hiwa ng espada? Mukhang kamakailan lang ang ang sugat dahil sariwa at nadugo pa rin.
"M-mahal na Hari, saglit lang po. T-tutulungan ko po kayo," Naiiyak na usal ko. Hindi ako papayag na makakita na naman ng mahalagang tao na mamatay na naman sa harap ko.
Bago ko pa man gawin ang dapat gawin ay biglang may sumigaw na ikinagulat ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Reyna Helga sa aking harap.
"Sino ka?! Anong ginawa mo sa Mahal na Hari?!" Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang nagdurugong sugat nito sa tagiliran. Ibinalik niya ang tingin sa'kin, "P-pinatay mo siya?!"
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support. Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro