Kabanata 41
##########
KABANATA 41
Two words
[THIRD PERSON's POV]
NANG MAHIMASMASAN si Astra mula sa pagkakagulat ay napatingin naman siya sa direksyon ng mga Lifars. Seryoso lang ang mukha ng hari at reyna habang ang dalawa nitong anak ay mukhang walang pakielam.
Isang Alkirvia si Axel at nanggaling ito sa kulungan ng Lifarshia. Papaanong nakarating ito dito sa Ezea? At bakit parang wala lang sa Haring Meros na may Alkirvia sa kanilang harapan?
Iyan lamang ang mga katanungan ni Astra sa kaniyang isipan. Ipinaliwanag ni Mr. Vergara ang tungkol kay Axel kaya tutok ang mga mata ni Astra sa harap.
Kumunot naman ang noo ni Azriel at tiningnan ng masama ang lalaking katabi niya. Nakita niya ito kanina na kausap si Astra at nakita niya din na naghawak kamay ang dalawa kaya hindi niya maiwasang hindi mainis. Kung pwede lamang ay umalis siya sa entablado at kinaladkad si Astra palabas, ginawa na niya.
Napatingin din sakaniya si Axel ngunit binigyan lamang siya nito ng malamig na ekspresyon.
"Okay ka lang?"
Halos mapatalon si Astra sa gulat ng may isang kamay na humawak sa braso niya. Pagkalingon niya ay si Nate lang pala at hindi na nito suot ang kaniyang maskara.
Walang ekspresyon ang mukha ni Nate ng tumingin ito sa harapan at tumabi sakaniya. "Bakit umalis ka sa table natin?" Aniya.
"K-kumuha lang ako ng tubig," Pagdadahilan niya.
Hindi niya alam kung bakit ang lamig ng tingin ni Nate sa harapan pero hindi nalang niya pinansin iyon. Bumuntong hininga siya at tiningnan si Azriel na seryosong nakatingin sakaniya.
"Let us all give a round of applause for Axel Frenniere, the niece of the King Meros!"
Nagpalakpakan naman ang mga tao na ngiting-ngiti sa mga taong nasa harapan. Muli akong napabaling ng tingin sa mga Lifars pero gaya kanina ay wala silang karea-reaksyon.
"I can't believe this," Mahinang usal ni Nate na narinig naman ni Astra. Bahagya pa itong nailing sa sarili.
Tinapunan lang siya ng tingin ni Astra. Hindi man niya alam ang dahilan ng reaksyon ni Nate ay hindi nalang niya ito pinansin. Hindi din kasi siya makapaniwala na n'andito si Axel. Sigurado siyang alam ng mga Lifars, lalong lalo na ng Haring Meros at Reyna Helga, na isang Dark Alkirvia si Axel Frenniere. Pero, ano nangyari at idineklara itong pamangkin ng Haring Meros?
Sa kabilang banda naman ay nakasimangot si Azriel dahil naiinip na siya sa kakatayo at gusto niya na puntahan si Astra. Napansin niya kasi na hindi ito komportable dahil n'andito ang mga Lifars, lalo pa't nagulat din ito na isang Vergara si Sam.
Maski naman si Azriel ay hindi rin alam ang bagay na iyon. Nakilala lang naman niya si Sam sa Ezea High noong unang pasok nila doon at nabuo ang Elementalists.
"I'm going," Ani Azriel at astang aalis ng pigilan siya ng kaniyang ama. Napatingin sakaniya si Sam na kaninang ngiting-ngiti, ngayon ay napawi ang ngiti niya.
"Mr. Vergara is still talking, can't you wait? We still have something to announce," Seryosong saad ng kaniyang ama.
"I don't think I have any business with your announcement," Ani Azriel.
"Azriel, don't you dare humiliate me here. Not now," Matigas na saad ng kaniyang ama habang matalim na nakatingin sakaniya. Walang nagawa si Azriel kun'di ang bumuntong hininga.
Isang matagumpay na ngisi naman ang pumaskil sa labi ni Sam habang taas-noong nakatingin sa harapan. Alam na niya ang mangyayari at panatag siya.
Muling hinanap ni Azriel ng tingin si Astra at nakita niya ito na kasama si Nate. Napairap siya sa kawalan kahit wala namang ginagawa ang dalawa. Hindi niya talaga gusto ang ideya na may kasamang ibang lalaki si Astra maliban sakaniya.
Muling nagsalita si Mr. Vergara, "Our daughter here, Natalia, is now back to Ezea after being trained to Lifarshia for several years since she doesn't want to study at Ezea High. I can't explain how glad is our family right now. Ngayon na nakikita ko na mas lalong tumtibay ang relasyon ng Lifarshia at Ezea."
Kumunot ang noo ni Astra. Ito siguro ang sinasabi ni Azriel na pinaghandaang selebrasyon sa pagbabalik ng heiress ng Vergara. Pero posibleng si Sam din iyon. Napakaplastik naman ni Sam at nagkunwari pa talaga itong walang alam.
"Natalia met Axel at Lifarshia also. I was so overwhelmed when she introduced him to us....as her fiancé," Dagdag niyo. "Of course, who wouldn't be glad? He came from a royal blood!" Tumawa si Mr. Vergara kaya nakitawa na rin ang mga nanonood.
Nahugot ni Astra ang kaniyang hininga at napatingin kay Axel. Hanggang ngayon ay hindi mo mababasa ang ekspresyon ng mukha nito. Napansin nito ang titig ni Astra kung kaya't napatingin din si Axel dito.
Mayroon pa rin na malalim na katanungan sa kaniyang isipan at sigurado siyang mamamatay na dapat si Axel noong araw na nagkita sila sa Lifarshia dahil nahuli ito ng mga Lifars. Alam kaya nila na isang Alkirvia si Axel? Paniguradong mawiwindang ang lahat kapag nalaman iyon.
"I gotta go," Ani Nate at mabilis na umalis. Hindi man lang nakapagsalita si Astra dahil hindi pa siya nakakalingon ay wala na si Nate. Ano problema n'on?
"Hindi na namin patatagalin pa. There will be a double wedding to be happen and the date is still not sure. And now, we proudly present, the soon to be royals of Lifarshia and Ezea!"
Sa lahat ng taong natutuwa at nagpapalakpakan, tanging si Astra ang nagulat at tila naestatwa sa kaniyang kinatatayuan. Inaasahan na niyang mangyayari ito pero hindi niya akalain na tatarak ang ganong kasakit na kutsilyo sa puso niya.
"And the celebration begins! Let's have a toast and eat!" Huling salita ni Mr. Vergara at nagsimula ng magkaroon ng kaniya-kaniyang mundo ang mga tao.
"Dad! What are you talking about?" Diin na saad ni Azriel at hinarap ang kaniyang ama. Mababakas ang galit sa tono ng boses nito. Hindi niya alam na mayroong ganito na mangyayari at wala siyang balak na pumayag sa gusto ng kaniyang ama.
"Let's talk about this later, son," Seryosong ani Mr. Guevarra at umalis sa harap ng entablado. Sinundan naman siya ni Azriel na haggang ngayon ay madilim ang mukha.
"No! I don't want to be married with Sam. Why are you meddling now with my life?" Nanliit ang mga mata ni Azriel.
Tumigil ang kaniyang ama at kunot noong nilingon siya, "What? I thought you like Sam? Hindi ba halos magmukmok ka na sa kwarto mo noong nawala siya?"
Natigilan si Azriel at hindi kaagad nakasagot. Hindi iyon totoo. Hindi si Sam ang dahilan kung bakit hindi siya lumabas ng kaniyang kwarto dalawang taon ang nakalipas. Alam niya sa sarili niya na nabaliw siya kakaisip sa babaeng Vershiatist na nakilala niya at si Astra 'yon.
Nagmukmok siya hindi dahil kay Sam kun'di dahil hindi siya pinapayagang lumabas ng Ezea High at wala siyang tyansang makita si Astra na lagi niyang ginagawa. Ang dalagang binabantayan niya sa malayo.
Kung maaari lang ay sabihin niya iyon.
"It's final, Azriel. Unless you will introduce someone to me that is beyond the Vergara's," Ani Mr. Guevarra at nagsimulang makihalubilo sa mga taong naroroon.
Nagigting ang panga ni Azriel. Reputasyon pa rin nito ang iniisip ng kaniyang ama. Alam niyang hindi nito magugustuhan si Astra dahil nanggaling ito sa Vershia. Kung siguro ay may namumuno sa Vershia ay baka naging masagana at mayaman rin ang kanilang bayan.
"Ayy!"
Napatingin ang lahat ng makarinig sila ng pagbagsak ng mga pinggan at pagtumba ng lamesa. Napatin si Azriel sa pinanggalingan ng ingay at nanlaki ang mga mata niya ng makita si Astra na nakaupo sa sahig at nakayuko. Madumi na ang damit nito nang dahil na rin sa mga pagkain na tumapon sa kaniya.
"Oh dear, are you okay?" Tanong ng isang babae kay Astra ngunit di naman siya nilapitan. Nahihiyang napayuko nalang siya. Nang dahil sa emosyon niya ay nawala sa isip niya na malapit lang pala siya sa buffet. Noong aalis na dapat siya ay saktong nadanggi niya ang mahabang lamesa.
Nagbulungan ang mga tao sa paligid at maging ang mga taga Lifarshia at ang Haring Matsu ay napatingin sa pinanggalingan nito. Napatayo sila at nilapitan ang kaganapan.
Mabilis na tinakbo ni Azriel ang pwesto ni Astra ngunit bago pa man siya makarating sa harap ng dalaga ay may nauna na sakaniya. Natigilan siya.
Nagdilim ang mukha niya ng lumapit dito si Axel at tinulungan si Astra tumayo. Napatingin pa siya sa kamay ng binata na nakahawak sa balikat at kamay ng dalaga. Mas lalong kumulo ang dugo niya sa inis at selos.
"Stand up," Saad ni Axel at tinulungang tumayo si Astra. Nagangat siya ng tingin ng akala niyang si Azriel ang tumulong sakaniya, pero si Axel pala.
Mabilis na tumayo si Astra at napatingin sa paligid.
"What's going on here?" Kunot noong singit ni Mr Vergara ng makarating siya sa kinaroroonan ng kumpulan. Inis siyang pumikit ng mariin at pinakalma ang kaniyang sarili. Nakangiti siyang humarap sa mga taong nanonood.
"Sorry for the disturbance. Don't worry about it, we'll fix it," Aniya kaya naman bumalik na ang mga tao sa kani-kanilang pwesto at tinuloy ang kanilang ginagawa.
"What's going on, Tan?" Tawag ng Haring Matsu kay Mr. Vergara ng makarating ito kasama ang royal blood ng Lifarshia. "Astra, anong kaganapan ito? Where's Nate and why are you alone?"
"Your Highness, you know her?" Tanong ni Mr. Vergara.
Hindi makatingin si Astra ng deretso sa mga ito. Nagpapasalamat nalang siya dahil nakasuot pa siya ng maskara, kung hindi ay baka nakita na siya ng mga Lifarshia na ngayon ay nasa harapan na niya. Hindi maipaliwanag ang kabang nararamdaman ni Astra.
"Yes. She's with Azriel, she came from...Ezea High," Aniya Haring Matsu sa malalim na boses at tiningnan ng maigi ang nakayukong si Astra.
"Hey, let me fix you," Akmang hahawakan ni Axel ang maskara ni Astra ng biglang lumayo ito sakaniya.
"A-ayos lang. Kaya ko."
"Axel, take her to the luxxus room. Get someone to fix her," Matigas na utos ng Haring Matsu.
"A-ako nalang po. I insist. She's with my anyway," Biglang singit ni Sam na kakarating lang rin. Tumango lamang ang Mahal na hari at iginaya na ni Sam si Astra. Ayaw man ni Astra na kasama si Sam ay mukhang mas mabuti ng pagtiisan niya ang pagmamaldita ng dalaga, kaysa naman makasama niya ang mga taga-Lifarshia.
Malawak ang kwarto ng Luxxus at di maipagkakailang pang mayaman talaga ito. Pang babae ang kwartong ito na puno ng closet, salamin at couch. Nang makarating sa kwarto ay agad na hinablot ni Sam ang maskara ni Astra at sinampal siya sa pisngi.
Napahawak si Astra sa kaniyang kanang pisngi na namumula at gulat na napatingin kay Sam.
"You bitch! How dare you try to ruin this party? Nakakahiya sa mga bisita!" Sigaw ni Sam na may galit sa mga mata.
"Sino ka sa tingin mo para sampalin ako?" Madiing sagot ni Astra at tiningnan si Sam ng masama deretso sa mga mata nito. "Aksidente ang nangyari at hindi ako tanga para pahiyain ang sarili ko sa harap ng maraming tao para lang sa'yo, Sam." May halong diin ang pagbanggit niya sa pangalan ni Sam.
Mukha namang nagulat si Sam dahil sa paraan ng pagsagot sakaniya ni Astra. Sinubukang niyang umayos ng tindig upang siya ang magmukhang nakakatakot.
"This is my place and you're stepping at my territory so don't you dare talk back to me!" Duro nito kay Astra.
Inis na hinawi ni Astra ang kamay ni Sam na nakaduro sa mukha niya at nakipagtagisan ng titig. Hindi siya papayag na api-apihin nalang. Kung noong una ay hinahayaan niyang magmaldita ito sa harap niya, ngayon ay hindi na 'yon tatalab sakaniya. Wala siyang ganang tagalan ngayon ang mga talak ni Sam.
"Wala akong pake kung nasa lugar mo ako. Kahit saang lugar man 'yan, walang karapatan ang madumi mong kamay na lumapat sa mukha ko." Galit ngunit madiin na sagot ni Astra.
Napanganga si Sam. Hindi siya makapaniwala na ginaganon lang siya ni Astra.
"How dare you?!" Sigaw nito at akmang sasampalin ulit si Astra pero agad din niyang napigilan ang sarili. Naiwan ang kamu ni Sam sa ere at napapikit nalang siya sa inis sabay ibinaba ito.
Kumunot ang noo ni Astra dahil hindi dumapo ang palad ni Sam sa pisngi niya. Nagbago ba ang ihip ng hangin o baka namang may anghel na bumulong sakaniya?
Umalis roon si Sam at binuksan ang isang closet na puno ng magagarang damit. Kumuha siya ng panibagong susuotin ni Astra ngunit isang simpleng puting dress nalang ito na hanggang balunbunan.
Pataray niya itong inihagis kay Astra na sakto naman niyang nasambot.
"Next time, stop being clumsy. Pasalamat ka nasa isang event tayo, kung hindi...." Hindi nito itinuloy ang sinasabi at umirap nalang.
Ngumiwi nalang si Astra at nagsimulang magpalit ng damit sa banyo. Matapos magpalit ay nadatnan niya pa rin si Sam na nakaupo sa isang couch at nakaharap sa isang malaking salamin, nagaayos.
"Aalis na ako," Pagbasag ni Astra sa katahimikan. Nagsimula siyang humakbang paalis ng biglang magsalita si Sam mula sa likuran niya.
Hindi siya hinarap ni Sam at nananatili ang tingin sa harap ng salamin.
"About what we've talked yesternight..."
Natigilan si Astra at napalingon sakaniya. Naalala niya ang pinagusapan nila ni Sam kagabi. Noong gabing iyon, matapos niya malaman na nililinlang siya ng mga sirena at nakasalalay pa rin ang buhay ni Azriel ay hindi siya pinatahimik ng konsensya niya.
Hindi siya nakatulog sa kakaisip kung anong pwede niya gawin para mailigtas ang kanilang buhay.
"Ano meron?" Malamig na sagot ni Astra.
Tinaasan siya ng kilay ni Sam at nilingon, "You've put Azriel's life at risk. I think you should make a move. This is your consequences."
Naiintindihan naman niya. Alam niyang kung hindi dahil sakaniya ay wala sanang mangyayaring ganito.
Huminga ng malalim si Astra, "S-susubukan kong kausapin ang mga sirena..." Natigilan siya ng tawanan siya ni Sam. Iyong tawang minamaliit siya.
"Are you stupid? Palibhasa isa kang healer na walang pinagaralan," Mataray na sagot ni Sam. "You can't just talk and beg to the legendary mermaids at hindi sila mabait para pagbigyan ka."
Mas lalong natigilan si Astra. Oo, tawagin na siyang bobo't lahat. Totoo nga atang wala siyang alam dahil nakipagkasunduan siya sa mga sirena ng hindi nagiisip ng maiigi.
Tumayo si Sam at nakangising lumapit kay Astra, "There's no other choice but to stick to my plan. Hinding-hindi ka mapapatawad ng buong Ezea kapag may nangyaring masama kay Azriel."
Nakipagtagisan siya ng titig kay Sam. Ano ba ang kasalanan niya at pinapahirapan ata siya ng tadhana? Bakit ba siya lagi ang nadedehado sa isang sitwasyon? Hindi na ba siya patatahimikin ng problema?
=====
"SO, WHAT should we do to these jerks?" Tumaas ang kilay ni Echo nang tingnan niya ang apat na taong nakaluhod sa harapan nila na halatang nanginginig na sa takot. Ito iyong mga taong nangapi kay Astra, nabalitaan lamang niya ito kay Nate at gusto ni Azriel na magkaroon ng matinding parusa ang mga ito.
"C'mon, Azriel isn't here para matakot kayo ng ganiyan. You're still lucky though," Saad naman ni Fauna at humalukipkip.
"They will get punishments, as stated by Azriel. Yes, Fauna's right. You're all lucky Azriel isn't here, kasi paniguradong dadaan kayo sa impyerno kapag siya ang nagparusa sainyo," Ani Paige.
Nagangat ng tingin ang babaeng nagngangalang Jenny na siyang nagsimulang mangapi kay Astra. Kumunot ang noo nito at masamang tiningnan ang Elementalists.
Napapahiya sila ngayon dahil sa mismong main hall sila nakaluhod. Pinagtitinginan at pinagbubulungan pa sila ng mga estudyante.
"Why do we even have to be punished? Nang dahil lang sa healer na iyon?! Why? She doesn't deserve to be here! Why are you favoring her?!" Galit na sigaw ni Jenny.
Napasinghap ang mga estudyante sa pagsagot nito sa Elementalists ngunit hindi naman natinag ang mga ito. Ang mga kasama nitong nakaluhod rin ay napapikit ng mariin at napayuko dahil sa ginawa nito.
Kumunot ang noo ni Cadell habang si Echo, Paige, Fauna at Dara ay kapwa nakataas ang kilay.
"You got the guts to defend your wrongful acts, eh?" Mataray na sagot ni Paige at yumuko upang pantayan ang mukha ni Jenny na ngayon ay pinagpapawisan na sa takot.
Kung si Azriel ang pinaka kinatatakutan nila sa Elementalists, sumunod dito ay si Paige.
"Shut your dirty mouth before it reaches the demon's ears. You don't want that to happen," Nakangising aniya at umalis.
Napairap naman si Fauna at sinamaan ng tingin ang mga taong nakaluhod. "I hope this will serve you as a lesson. Hindi porque nakatataas tayo sa mga healer ay mababa na dapat ang tingin natin sakanila. You don't know how helpful and important they are."
"Right," Singit ni Echo na ang sama ng mukha. "Hindi ko talaga nagustuhan iyong nabalitaan ko. Gosh! Si Astra pa talaga, huh? Baka di niyo alam na kaibigan ko 'yon? Hmp!" Inambahan niya ng suntok ang mga ito na sabay namang nagsiiwasan.
"Let's leave them here, Ecs. This is already their punishment. Hayaan mo silang manatiling nakaluhod ng limang oras," Ani Cadell na ikinagulat ng apat na nakaluhod.
"What? Hindi niyo pwede gawin 'to sa'min---"
Agad na ginamit ni Dara ang wand niya at nagcast ng spell upang hindi makapagsalita ang lalaking nobyo ni Jenny.
"Ops, tsaka dapat mag sorry sila kay Astra," Saad ni Dara at nagtaas baba pa ng kilay kay Echo.
"Of course they will do that kapag nakabalik na sila. Let's go," Anyaya ni Fauna at sabay nilang nilisan ang main hall. Nauna na si Paige kaya silang apat nalang.
Dumeretso sila sa open field ng Ezea High upang magpahangin, pero laking gulat nila ng makita roon si Sir Paulo na hinihingal pa habang tumatakbo. Agad itong tinawag at nilapitan ni Echo.
"Sir. Paulo, bakit n'andito ka? Ang aga mo naman yatang magexercise?" Biro ni Echo.
Nagulat si Sir. Paulo at inayos ang sarili. Hindi pwede mahalata ng Elementalists na galing siya sa Alkirvia.
"N-nagpahangin lang rin ako," Sagot nito sabay nagiwas ng tingin. "Mauna na ako sainyo." Aniya at mabilis na umalis.
Kumunot naman ang kanilang noo at nagtaka sa kinikilos ng tao.
"Ang hirap kapag sobrang talino 'no? Mukhang stressed na si Sir. Paulo," Tumawa si Cadell ngunit inismiran lang siya ng tatlong babae.
"Alam mo kahit kailan, ang korni mo talaga," Asik sakaniya ni Echo ng nakangiwi.
"Atleast, nagustuhan mo," Tumaas baba ang kilay ni Cadell at ngumisi ng nakakaloko.
"Ano? At kailan kita nagustuhan? Kadiri, mahiya ka naman!" Si Echo.
"Ay teh, choosy ka pa?" Singit ng maliit na boses ni Dara. Tumawa naman si Fauna dahil sa reaksyon ni Echo.
Ilang sandali pa ay nagulat sila ng makarinig sila ng pagsabog. Mabilis nilang tinakbo ang pinanggalingan n'on at laking gulat nila ng makitang sumabog ang opisina ni Sir Etienne.
=====
NAIILANG NA tiningnan ni Astra ang katabi niyang si Azriel na nananahimik lamang at nakapikit. Kasalukuyan silang nasa loob ng karwahe. Wala si Nate at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Si Sam naman ay nagpupumilit na sumama dahil si Astra at Azriel lang ang magkasama sa loob ng karwahe, ngunit sa labis na gusto siyang makasama ng kaniyang pamilya ay doon siya tumuloy sa mga Vergara.
Tapos na ang kasiyahan at pabalik na sila sa kastilyo ng Ezea High. Halos labing-limang minutos na sila nabyahe at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinapansin ni Azriel.
"E-ehem!" Pumeke si Astra ng ubo kung kaya't napamulat si Azriel at napagingin sakaniya. Nginitian naman siya ng dalaga ngunit bigla niyang naalala ang kasunduang kasal nito kay Sam.
Napawi ang ngiti niya. Tinaasan siya ng kilay ni Azriel.
"W-wala...wala pala," Aniya at tumingin sa labas ng karwahe. Naramdaman niya ulit ang pagbigat ng dibdib niya na sa una palang ay mali na maramdaman niya dahil hindi siya nararapat na magkagusto sa isang Ezean.
Nagigting ang panga ni Azriel at bumaba ang tingin sa kamay ni Astra. Napakagat siya sa kaniyang ibaban labi ng makita ang maliit na hiwa sa mga daliri nito.
'Tss...naturingang healer, hindi naman pinapagaling ang sarili,' Aniya sa isip.
Nagulat si Astra ng biglang hablutin ni Azriel ang kamay niya. Gulat siyang napatitig sa mukha ng binata na ang sama ng mukha habang nakatingin sa kaniyang kamay.
"I told you to stay, why are so stubborn?" Mahina ngunit naiinis na pahayag ni Azriel. "Now your fingers got scratches. Damn that buffet."
Noong nakita niya si Astra na bumagsak sa buffet at tinulungan ni Axel ay halos masuntok na niya ang kaniyang sarili sa sobrang inis. Hindi niya dapat hinahayaang magisa ito at mas naiinis siya dahil may nakauna sakaniya.
Kung hindi lamang siya kinausap ng kaniyang ama ay baka inagaw niya pa si Astra dito.
Kumunot ang noo ni Astra. Sermon na naman mula kay boss. "Nauhaw ako, bakit ba?" Inis na aniya.
Nagangat ng tingin si Azriel at tinaasan siya ng kilay, "Nauhaw ba talaga?"
Natigilan si Astra at napauwang ang bibig. So, ano ang gusto iparating ng lalaking ito? Na nagseselos siya?
Mas lalong kumunot ang noo ni Astra, "Mas marunong ka pa sa'kin, ikaw ba 'yung nauhaw?" Ayan, best actress ka na diyan.
Saglit na napatitig sakaniya si Azriel. Hindi niya akalain na ito ang unang tao na hinahayaan niyang sagot-sagutin siya. Pero baliw na 'ata siya dahil mas gusto niyang sinasagot siya ni Astra kaysa tahimik ito.
Nagiwas nalang siya ng tingin at kinuha ang alcohol na nakalagay sa gilid sabay ibinuhos ang laman nito sa kamay ni Astra.
Namilog ang kaniyang mga mata hindi sa hapdi dulot ng alcohol, ngunit halos maligo na ang kamay niya sa ginawa ng binata. Nabasa tuloy ang kaniyang paa.
"Baliw ka ba?" Inis na sabi nito.
Nginisian siya ni Azriel, "I'm taking away the germs, baby. You've just touch a dirt earlier."
Napanganga siya. Anong dirt ba ang tinutukoy nito? Iyong buffet na puno ng pagkain o iyong kamay ni Axel na kinamayan siya?
Nang makabawi sa pagkakagulat ay mabilis niyang hinablot ang kaniyang kamay dito at ngumiwi. "Pagkatapos mo akong hindi pansinin kanina, gaganyan ka?"
Ngumiwi din naman si Azriel at sumandal sa kaniyang inuupuan, "Yun ay dahil pinapainit mo ang ulo ko." Napataas ang kilay ni Astra. Tiningnan siya ni Azriel at muling nagsalita, "Next time baby, I don't want to see you talking to other guys."
Mas lalong napataas ang kilay ni Astra. Gustuhin man niya ngumiti at kiligin ay hindi niya magawa nang dahil kay Sam. Kay Sam na ilang buwan nalang at mapapangasawa na ni Azriel.
"Nakatakda na kayong ikasal ni Sam kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka gan---"
Nawala sila sa balanse ng biglang umangat ang kanilang sinasakyan. Nadaanan lang naman kasi ng gulong ang isang malaking bato.
Agad na inilalayan ni Azriel si Astra sa likuran at sobrang lapit ng mukha nila. Hindi mo masasabi kung nahinga pa ba sila sa sobrang gulat.
Tila ba nabato si Astra sa kanilang pwesto at hindi agad nakapagsalita.
Ngumisi si Azriel, "Don't worry, I won't marry Sam. I will marry you instead if that's what you want, baby."
Nanlaki ang mga mata ni Astra at inis na tinulak si Azriel sa dibdib palayo sakaniya. Sumimangot siya at sinamaan ng tingin ang binata.
Naiinis siya. Ayaw niyang umasa at masaktan lalo sa pinapakita ni Azriel dahil alam naman niyang imposibleng magkatuluyan ang taga Vershia at Ezea.
Mukha namang nagulat si Azriel hindi dahil sa pagkakatulak ni Astra kun'di dahil sa galit na mukha na pinapakita nito.
"Tigilan mo na ako. Hindi na ako natutuwa sa pinapakita mo, Azriel," Madiin na ani Astra. Ang mga salitang 'tigilan mo na ako' ay tumagos sa puso niya. Tila ba ilang libong kutsilyo ang tumusok dito.
"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin naniniwala?" Madiin ngunit may halong sakit na bigkas ni Azriel. Bumakas iyon sa kaniyang mga matang unti-unting naging kulay asul.
Tumunog ang pader na bumubuo sa karwahe ng ikinulong siya ni Azriel sa pagitan ng kaniyang kamay. Ngayon ay nanlaki ang mga mata ni Astra at nawalan ng sasabihin. Sobrang lapit ng kanilang mukha na halos rinig mo na ang hininga ng bawat isa.
Napalunok si Astra ng makita ang madilim na mukha ni Azriel. Sinubukan niyang magsalita. "N-nagkakamali ka lang---"
"What do you know about how I feel?!" Sigaw ni Azriel. Ayaw niyangg marinig ang sasabihin ni Astra tungkol sa pagdududa nito sa kaniyang nararamdam dahil nasasaktan siya. Sobrang nasasaktan siya dahil mukhang hindi iyon nararamdaman ng dalaga. "Fvck! Kung mali ito sana noon ko pa nabago!"
Nangilid ang luha ni Astra. Nasasaktan siya ngayon at ayaw niyang makitang nagiging ganito si Azriel. Kung sana ay walang kasalang magaganap ay baka hindi niya kkwestyunin ang nararamdaman ni Azriel sa kaniya.
"Azriel...a-alam mong hindi pwede. Mali ang magkatuluyan ang----"
Napahiyaw si Astra ng hampasin ni Azriel ang pader, ngunit natigilan siya ng bukod sa galit na nakikita niya sa asul na mga mata nito ay nananaig roon ang sakit. Ang sakit na hindi napipigilan ng luha.
"If this is wrong then why does it feel so fvcking right?" Madiing sagot ni Azriel at pumikit ng mariin. Tuluyan ng bumuhos ang luha ni Astra ng ipinagdikit ni Azriel ang kaniyang noo dito. Ramdam niya ang malalim nitong paghinga. "I prayed for this and I don't regret everything."
Nagtama ang kanilang mga mata na naguumapaw ng kanilang damdamin. Ngumiti si Azriel at hinalikan sa noo si Astra.
"Mahal kita, Astra. Sobra. Please, don't say those words again. It hurts."
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro