Kabanata 40
##########
KABANATA 40
An Alkirvia
[THIRD PERSON's POV]
MATAPOS ANG paglusob ng mga Alkirvia sa Ezea High ay matagumpay nilang naisagawa ang kanilang plano. Matalinong napaghandaan ni Cyrus ang pagdating ng mga Elementalists, ngunit lingid sa kaalaman ng mga ito na ito ang naging susi para muling makalusob ang Alkirvia sa Ezea High.
Sa kwarto kung saan namamalagi si Cyrus na may karatulang Prinsipe Frenniere ay pumasok ang isang babae suot ang isang pulang cloak. Tahimik lamang na nakatanaw si Cyrus sa labas ng bintana ng kwarto at hindi nilingon ang dumating.
"Balita ko ay ibinigay mo ng gan'on gan'on lang ang crux pendant sa Elementalists," Panimula ng babae sa matigas na boses. "Hindi kita maintindihan, Cyrus! Ano pa'ng silbi at kinuha niyo ang crux pendant mula sa Ezea High kung ibabalik mo rin pala ito?!" Sigaw nito sakaniya.
Hinarap siya ni Cyrus na walang pakielam kung sinigawan man siya. "Ginawa ko iyon dahil wala ng silbi ang crux pendant sa'tin. Nakuha na natin ang dapat makuha."
Nilapitan siya ng dalaga at seryosong tinitigan sa mga mata. Natigilan siya ng makita ang lungkot sa mga mata ni Cyrus na ngayon na lamang ulit niya nakitaan ng ekspresyon.
"N-ngunit...hindi na natin mapapasok ang Ezea kung nasa kanila ang crux pendant," Mahinahong aniya.
"Alam 'kong ginagawa na niya ang trabaho niya. Ang kailangan nalang natin gawin ay ang maghintay sa pagsapit ng blue moon," Tugon ni Cyrus at muling tumingin sa labas ng bintana kung saan tanaw ang bilog na buwan.
"Malaki na ang pwersa natin. Kahit anong pilit ng crux pendant ay tiyak na wala na itong saysay," Dagdag ni Cyrus sa seryosong tono.
Naguguluhang tiningnan siya ng babae, "Anong sinasabi mo?"
Tiningnan lang siya ng walang kagana gana ni Cyrus at iniwan sa loob ng kwarto. Dumeretso ito sa tagong kwarto ng Alkirvia at doon, nakita niya ang ilang tauhan sa Alkirvia na abala sa kani-kanilang gawain. Nakasuot ang mga ito ng puting gown, mga tipikal na sinusuot ng mga scientists.
Unang nahagip ng tingin ni Cyrus ang babaeng nakahiga sa steel table na kadalasang ginagamit ng mga nageeksperimento. Maraming nakatusok dito na kung ano-ano at sobrang putla na ng mukha na ang ibig sabihin ay wala na itong buhay.
Lumapit si Cyrus at agad naman nagsitabihan ang mga tao. Tiningnan niya ang taong nasa harapan niya na nakasuot din ng puting lab gown.
"K-kamusta na siya?" Nauutal na tanong ni Cyrus at sinilip ang maputlang katawan ni Keya. "Sa tingin mo, mangyayari kaya ang dapat mangyari?"
Seryoso ang mukha ng lalaki at bumuntong hininga, "Cyrus, alam mong walang makakapagpabago sa nakatakdang mangyari. Kahit anong pilit ko siguro na gawan ng paraan ay mas malakas pa rin siya sa'kin."
Nagtiim ang panga ni Cyrus, "Alam kong mas malakas siya at lumalakas pa siya lalo habang tumatagal."
"Kung kaya't dapat hindi na natin ito ginagawa," Saad nung lalaki. "Kung ipagpapatuloy natin ito, hindi natin alam kung ano pwede mangyari."
Sinamaan siya ng tingin ni Cyrus na halata namang nasindak ito, "Kilala mo kung sino ang nagutos nito at batid kong hindi mo kaya suwayin iyon," Matigas na sagot ng binata.
"Malakas si Keya. Kaya ka niyang patayin kahit nasa kabilang mundo na siya. Gan'on siya kalakas," Saad ni Cyrus. "Ngunit hindi iyon ang gusto kong mangyari. At alam mong sinusubukan ko lahat para maiba ang desisyon ng tadhana, Sir Paulo."
Hindi na alam ni Sir Paulo ang gagawin. Sa oras na ito, habang tumatagal ay nahihirapan na siyang maglihim sa mga Ezeans lalong lalo na kay Etienne. Hindi batid ng mga ito na palihim siyang umaalis ng akademya upang pumunta sa Alkirvia at gawin ang kaniyang dapat gawin.
Isa rin siya sa dahilan kung bakit nakuha ng mga Alkirvia si Keya dahil siya lang naman ang natatanging tao na nakakapasok sa Technology Center. Alam niyang marami rami na rin siyang kasalanan, bukod roon ay isa rin siya sa mga tumulong upang makuha ni Cyrus ang crux pendant.
"Hindi mo kayang suwayin ang utos na ito dahil alam mong madadamay dito ang anak mo," Dagdag pa ni Cyrus. Umayos ito ng tindig at nagnakaw muli ng tingin kay Keya. Hindi niya matagalan ang itsura ng dalaga dahil nakikinita niya na nahihirapan ito sa kaniyang sitwasyon.
Natigilan si Sir Paulo at nagdilim ang mukha, "Kahit kailan naman ay hindi niyo ipinakita sa'kin ang anak ko. I don't even know nor remember her face."
"Malalaman mo rin ngunit hindi pa ngayon," Tugon ni Cyrus at tiningnan ang mga taong nananahimik sa gilid. "Kayo ng bahala sakaniya," Huling salita nito bago lumabas sa tagong kwarto. Ngayon, ang tanging bagay nalang na dapat niyang gawin ay ang hintayin ang balita mula kay Chelle at ang pagsapit ng blue moon.
=====
[ASTRA DELA FUENTE]
KUNG KANINA ay kinakabahan ako, ngayon ay para na akong mamamatay sa sobra sobrang kaba na nararamdaman ko na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Napapalibutan ako ngayon ng mga Ezeans.
Engrande ang selebrasyon na ginaganap sa mansyon ng mga Vergara na isa sa mga opisyal ng kaharian. Marami ring tao na dumalo na mga hindi rin nagpatalo sa kani-kanilang mga suot. Talagang ipinagmamalaki ang karangyaang mayroon sila.
"Stop biting your lips, it's tempting me."
Gulat akong napatingin kay Azriel ng bigla bigla nalang siyang bumulong sa'kin. Nakalimutan ko na katabi ko pala ito. Si Nate ay nasa katabi ko rin sa aking kaliwa habang si Sam ay nasa tabi ni Azriel. Nakaupo kaming apat sa isang pabilog na lamesa.
Hindi lumagpas sa paningin ko ang pagtalim ng tingin ni Sam gayong medyo nasa harapan ko lang siya.
"I didn't expect the crowd to be this huge, ano kayang meron?" Ani Nate.
Suot ni Nate ang isang itim na tuxedo na tinernuhan ng itim na mask na plain lamang. Gayunpaman ay bumagay sakaniya ang suot niya ngayon dahil sa kaniyang tindig at dating.
"I heard from Dad that the Vergara's heiress is now back. Maybe it also includes the celebration of the arrival of their daughter," Sagot ni Azriel.
Suot naman ni Azriel ang isang simpleng puting tuxedo, kulang nalang ay kunin siya ng langit. Nagmumukha tuloy siyang anghel sa suot niya. Ang kaniyang mask naman ay kulay dagat.
"Oh? May anak pala sila?" Singit ni Sam ng may nanlalaking mga mata.
Napakaelegante naman ang suot ni Sam. Nadepina lalo ang kaniyang kurba at kinis sa suot niyang kumikinang na kulay gintong dress na fitted sa kaniyang katawan. May slit pa ito sa gilid at backless. Ang kaniyang dibdib ay halos makita na dahil sa lalim ng cut ng damit. Ang kaniyang maskara na suot ay kulay ginto rin na mayroon pang mga nagkikinangang bato.
Habang ako ay simpleng asul na longsleeve. Fitted din ito sa'kin at hindi ako sanay. Gusto ko man sanang umayaw pero wala ako magagawa dahil sa ngayon ay nagpapanggap akong isang Ezean.
Umismid si Azriel, "Of course. Their daughter doesn't study at Ezea High and I don't care why."
Ngumiwi ako, pati rito ay dinadala niya pa rin ang kasungitan niya. Ngumuso lamang si Sam at napatingin sa'kin. Tinaasan ako nito ng kilay na ikinaiwas ko nalang ng tingin.
Ilang sandali pa ay nagumpisa na ang programa. Nakatutok ang mga mata namin sa harapan kung saan naroon ang dalawang taong nagpakilala bilang si Mr and Ms Vergara.
"This celebration includes the celebration of the success of our very own precious Luxxus. I am thanking everyone that had come here to celebrate with us and send their greetings," Ani Mr. Vergara.
Ngumiti si Ms. Vergara at siya naman ang humarap sa mic, "But before anything else, I would like to thank the King and Queen of Lifarshia for spending their time visiting our beloved land."
Natigilan ako at nanuyo ang lalamunan ng iminuwestra ni Ms. Vergara ang direksyon kung saan nakita ko ang hari at reyna ng Lifarshia. Napatingin sa'kin si Azriel at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong nagaalala siya.
Sariwa pa sa'kin ang nangyari sa Lifarshia at alam kong hindi pa rin ako nakakalimutan ng Haring Meros. Hindi kaya pumunta pa sila dito sa Ezea para lamang mahanap ako? Pero madadamay sila Azriel kapag nangyari 'yon!
"You're shaking," Dinig kong bulong ni Azriel. "Do you want some air? Gusto mo labas muna tayo?" Nagaalalang tanong nito.
"What are you talking about, Azriel? Aalis ka?" Singit ni Sam. Hindi nito suot ang kaniyang maskara kaya kita ko ang ekspresyon ng mukha niya. Ang sama ng tingin niya sa'kin.
"May problema ba, Astra?" Sa kanan ko naman ay hinawakan ni Nate ang braso ko.
Masiyado na ba akong halata para malaman nilang kinakabahan ako? Sino ba naman ang hindi kakabahan at matataranta kung naandito lang naman malapit sa'kin ang mga Lifarshia! Hindi ako ligtas kung hindi ako aalis dito.
"I know, I saw them," Muling bulong ni Azriel. "But please, stop shaking. Nagaalala ako. Akala ko napapano ka na."
Nilingon ko si Azriel. Nagpapasalamat nalang ako dahil may mga suot kaming maskara at hindi ako makikilala ng mga ito.
"Ano na naman bang kaartehan ito, ha Astra?" Mataray na singit ni Sam pero hindi ko siya pinansin. Wala akong panahon para sabayan siya ngayon.
Huminga ako ng malalim at tumayo. Umalis ako roon sa lamesa namin at alam kong sinundan ako ni Azriel. Lumabas ako sa mansyon ng Vergara at nagpahangin sa malawak nitong hardin, kung saan kita rito ang napakagandang buwan.
"Hey..." Hinawakan ni Azriel ang pulso ko at iniharap ako sakaniya.
Kahit naka suot pa siya ng maskara ay alam kong nagaalala ang kaniyang mga mata. Masiyadong vocal ang mga ito nitong mga nagdaang araw. Hindi ko alam pero lumalambot ang puso ko sa tuwing nararamdaman ko ang pagaalala niya sa'kin.
"Do you want to go home?" Malambing ang kaniyang boses, mas lalo akong napangiti. Biglang nawala ang kabang nararamdam ko kanina dahil alam kong n'andito sa tabi ko si Azriel at alam kong hindi niya ako pababayaan.
Umiling ako, "N-nagulat lang ako kasi n'andito ang Lifarshia. Paano kung...makita nila ako? Sa tingin mo, hinahanap kaya nila ako?" Mabilis na tanong ko.
Saglit akong tinitigan ni Azriel at maya-maya pa ay nagpalabas siya ng apoy na kulay asul at nagpapalutang-lutang ito sa harap namin. Hindi ko mabatid kung apoy ba talaga ito, hugis apoy ito ngunit malamig ito sa pakiramdam. Kabaligtaran ng depinisyon ng apoy.
Napatingin ako kay Azriel at muli ko na namang nakita ang asul niyang mga mata. Natulala ako sa angking ganda nito na hindi ko kailanman pagsasawaan.
"Hawakan mo."
Nanlaki ang mga mata ko. Nababaliw na ba siya? Gusto pala ata ng yelong 'to na mapaso ako. Alam kong malamig 'yan pero maaaring nakakapaso din 'yan.
Mariin niya akong tiningnan, "Trust me. It won't hurt you," Aniya ng makita ang reaksyon ko.
Para akong tanga na nabighani sa boses niya. Alam kong seryoso siya at may tiwala ako sakaniya, pero para saan? Hindi nalang muna ako nagtanong at hinawakan ko ang kaniyang apoy.
Tumagos ang kamay ko dito at wala akong ibang naramdaman kun'di lamig. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makitang bumaba ang apoy sa kamay ko at gumapang deretso papasok sa krystal na suot ko. Bigla ay umilaw ito ngunit agad ding nawala.
"A-anong nangyari?" Tanong ko.
"Listen," Aniya at hinawakan ng mahigpit ang pulso ko. "If anything bad happens to you or if you need my help, just touch that necklace of yours. You will see my blue fire as well to orient you that I received your message. Understand?"
Kumunot ang noo ko pero sa kabilang banda ay natutunaw na ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagawa 'yon pero wala na akong pake. Sa sobrang nakakatouch ng ginawa niya ay wala na akong nasabi. Pakiramdam ko ay sobrang ganda ko ngayon. Syete, bakit ba lagi nalang niya pinapakiliti sikmura ko?
Nagtaka na ako noong una kung seryoso ba siya, pero kahit nakamaskara siya ngayon ay kitang kita ko ang sinseridad sa kaniyang mga mata. Simula palang, ang taong ito ang siyang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa'kin.
"P-paano kung...hindi ka dumating?"
"That's impossible. I will come no matter what happen," Ngumiti siya at inangat ang maskara ko ng bahagya saka ako binigyan ng halik sa noo.
Nagulat pa ako pero di kalaunan ay natanggap ko na rin.
Ngayon, alam ko na kung ano ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung makakaya ko 'bang pakawalan pa ito.
=====
PUMASOK NA rin ulit kami sa loob ng marinig namin ang boses ni Ms Vergara na tinawag ang mahal na hari, at siya namang nagpalakpakan lahat. Sunod naman ay umakyat sa entablado ang ama ni Azriel ng may nakapaskil na malawak na ngiti sa labi.
Napansin ko na tahimik lamang si Sam sa isang tabi at malayo ang tingin. Himala at nananahimik siya ngayon. Si Nate naman ay pansamantalang nagpaalam upang puntahan ang mahal na hari.
Nagsasalita lamang si Mr Guevarra sa harapan tungkol lamang sa pagbati niya sa tagumpay na natatamasa ng Luxxus.
"And of course for the announcement of both Vergara and Guevarra, I'm would like to call on, my son, Azriel Tyler Guevarra to come infront."
Halatang natigilan si Azriel. Hindi niya inaasahan na tatawagin siya ng sariling ama. Tumingin ito sa'kin at ngumiti naman ako sakaniya. Syempre, anak siya ng isa sa mataas na opisyal sa Ezea, malamang ay ipapakilala siya sa lahat ng tao na n'andito.
Bumuntong hininga si Azriel, "I'll be back," Aniya bago tumayo at naglakad papunta sa harapan. Tipid lamang siyang ngumiti sa mga tao.
Muli akong napatingin kay Sam ng maramdaman ko ang kaniyang titig. Masama na naman ang tingin niya sa'kin at hindi ko siya masisisi.
"Too bad, you can't have him," Ngumisi si Sam.
Magtataka pa sana ako sa sinabi niya pero gan'on nalang ang gulat ko ng tumayo siya at tinawag ni Mr Vergara sa harapan.
"And after a long wait; please welcome, my long lost daughter, Sam Ysabelle Vergara."
Tila ba nabingi ako at tanging palakpakan nalang ng mga tao ang naririnig ko. Napatingin ako kay Azriel at halatang nagulat din siya. Kung gan'on...isang Vergara si Sam? Biglang sumama ang kutob ko sa susunod na mangyayari. Bakit hindi man lang sinabi sa'kin ni Azriel?
Nagtama ang paningin namin ni Azriel. Nagtiim ang bagang niya at yumuko.
H'wag kang tanga, Astra. Alam mo kung ano ang sunod na mangyayari. Pero tila ba napako ako sa kinauupuan ko, ang mga mata ko ay napako sa harapan at naghihintay sa susunod na mangyayari.
Muling nagsalita si Mr Vergara, "We're in so much joy after getting a news from Ezea High that our precious daughter is still alive. I can't explain how happy I'am and now, I think it is time for us, the Vergara, to make our daughter experience the happiness she deserves."
Huminga ako ng malalim at napagdesisyunan na umalis nalang. Pumunta ako sa pwesto ng buffet kung saan iba't ibang sosyal na putahe ang nakikita ko roon.
"Want some drink?" Alok sa'kin ng isang lalaki na bigla nalang sumulpot sa gilid ko. Kumuha nalang ako at inis na tinungga ang baso.
Alam na alam ko ang mangyayari at nasasaktan ako. Pakiramdam ko ay sasabog ako ngayon palang. Pano pa kaya kapag tumama ang hinala ko? Hindi ko na alam. Naghahalo-halo ang nararamdam ko ngayon. Ang init sa pakiramdam!
"Is there something bothering you?"
Kumunot ang noo ko at nilingon ang nasa tabi ko. Napangiwi ako, n'andito pa rin pala iyong lalaki. Pinasadahan ng tingin ko ang suot niya at wow, hindi pala siya isang tagapagsilbi dahil ang ayos ng dating niya at nakamaskara din siya na kulay itim.
Umiling ako, "Wala." Tipid na sagot ko at tumingin ulit sa harapan. Napansin ko ang paglikot ng mga mata ni Azriel at mukhang hinahanap ako.
"And before anything else, I also would like to call on my special daughter, Natalia Sabel Vergara," Saad ni Mr Vergara na hanggang dito pala ay rinig ang kaniyang boses.
Pumunta sa harap ang isang babaeng maiksi ang buhok, maputi at nakasuot ng kahel na gown. Mukhang palangiti ang isang ito kumapara kay Sam.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaking nasa tabi ko.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Hindi ka pa rin marunong magsabi ng problema."
Kumunot ang noo ko at mabilis pa sa alas-kwatro na napatingin sakaniya. Kung makapagsalita ang isang 'to ay parang kilala niya ako.
Ngumiti siya. Hindi ko alam pero natigilan ako ng magtama ang mga mata namin. Pamilyar ang mga matang iyon at hindi ko alam kung saan ko iyon nakita.
"Kilala ba kita?" Tanong ko.
Nagkibit balikat siya at naglahad ng kamay sa'kin. Saglit ko pa muna ito tinitigan bago tanggapin ito. Natigilan ako ng maramdaman ang lamig sa kaniyang palad at ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"It's nice meeting you again, Astra."
Anong...
Bago pa ako makapagsalita ay umalis na siya sa harap ko. Balak ko sana siyang pigilan pero biglang nagtama ang mga mata namin ni Azriel. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa'kin saka nagiwas ng tingin. Ngayon ko lamang napansin na hindi na nila suot ang kanilang maskara.
"And the last piece of the celebration, let us finally meet, Axel Frenniere!"
Imposible.
Ang lalaking umakyat sa harapan ng entablado ay ang lalaking kausap ko kanina. Bumilis ang tibok ng puso ko na animo'y sasabak sa karera ng unti-unti niyang hinubad ang kaniyang maskara. At ngayon, tumambad sa harap namin ang lalaking walang ekspresyon ang mukha. Ang mga mata nito ay nakatingin sa'kin.
"Ano pangalan mo?"
"Astra, ikaw?"
"Axel."
Axel Frenniere...ang lalaking nakilala ko sa kulungan ng Lifarshia. Isa siyang Alkirvia. Paano nangyaring n'andito siya ngayon?
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support. Lovelots, Ezeans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro