Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

#########

KABANATA 4
Azriel Tyler Guevarra

HINDI KO masiyado saulo ang Vershia Forest dahil sa lawak nito, ngunit masasabi ko na sa isang beses na pagtapak ko dito ay pakiramdam ko'y nasanay na ako sa lugar na ito, na para bang matagal na akong nanirahan dito.

At isa pa, sanay na sanay na ako sa mga gubat kaya hindi na ito bago sakin. Naalala ko ang sinabi ni Sir.Etienne. Wala kaming ibang dala dito sa gubat kun'di ang sarili lang namin, at nasa sa'min na iyon kung makakahanap kami nang weapons na itinago daw nila dito.

Napagalaman ko na matagal na nilang ginagawa ito at pangatlong beses na ito. Batid ko'y sanay na sila.

"Ang dalawang taong matitira ay bibigyan nang premyo," Ani Sir. Etienne.

At anong premyo naman kaya iyon? Noong 1st quarter ay si Azriel at Fauna daw ang nanalo at di sinasabi kung anong klaseng premyo iyon. Noong 2nd quarter naman ay si Azriel ulit at Cadell. Hindi na ako magtataka kung yung yelo ulit na 'yon ang matira.

Biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kanina. Apoy...at yelo. Kakaibang apoy. Apoy na malamig ngunit nakakapaso. Kung ganon nga ang kakayahan niya ay paniguradong hindi siya basta basta. Natigilan ako.

"Kung ganon...isa siyang Ice-Fire Manipulator---"

*SHOOOOK!*

Nagulat ako nang biglang may bumulasok na kunai sa direksyon ko na tumama naman sa puno! Nanlalaki ang mga mata ko nang maging alerto ako, at nang lingunin ko ay nakita ko ang isang babae.

Napatingin ako sa sticker na nasa dibdib niya. Junior. Juniors and Seniors nga pala ang magkakalaban.

"Look what we have here..." Umikot ikot pa ito sa harap ko. Napatingin ako sa bulsa niya at napauwang ang bibig. May weapon na agad siya! Sa sobrang lutang ko hindi ko man lang inisip na nasa isang training pa pala ako!

"Ow...a healer? Nakakapagtaka na nakapasok ang isang tulad mo dito," Sarkastiko niyang sabi. Nagtiim ang bagang ko at sinamaan siya nang tingin. Pano niya nalaman na isa akong healer? Hindi kaya kakayahan niyang malaman at masuri ang ability nang isang tao?

"Mukhang may mae-eliminate na naman," Sabi niya pa. Napatingin ako sa wrist niya. Kakaunti nalang ang buhay nito. Mukhang marami-rami ang nakalaban.

"Dami mo 'pang satsat, ayaw mo nalang lumapit," Naiinip na sabi ko. Dahil don ay nawala ang ngisi sa labi niya at biglang sumeryoso. "Alam mo ba ang pinaka-ayoko sa lahat?" Kunwari pa akong humikab. "Yung pinaghihintay ako.." Pagyayabang ko.

Ngumisi ulit siya, "Ganun ba? Ako rin eh. Kaya humanda ka nang matalo!" Sumugod siya. Mabilis naman akong nakakaiwas. Medyo nahihirapan ako dahil may weapon siya samantalang ako ay wala. Medyo lang naman.

Binunot niya ang kunai niya at ginamit pantira sakin. Hindi ko inaasahan yon kaya naman nadaplisan ako. Napatingin ako sa wrist ko at nabawasan nang sampung porsyento yung kaninang isang daan. Kada daplis o tira pala ay katumbas nang sampung porsyento nang lifeline mo.

"Bwiset ka ah!" Singhal ko nang bahagyang nagkaroon nang maliit na sugat ang braso ko. Konting sapak lang naman ata ay matatalo ko na ang bwiset na ito.

Nang sumugod siya ay agad ko siyang sinapak. Nabawasan ang lifeline niya. Nawalan siya nang balanse dahil sa sapak ko kaya naman kinuha ko ang pagkakataon para sipain siya sa panga niya. Nabawasan ulit ang lifeline niya. Dalawang atake nalang.

"How dare you!" Galit nitong singhal sakin at pinunsan ang pumutok na labi. Sumugod ulit siya, pinaulanan niya ako nang mga suntok na agad ko namang naiiwasan.

Tumalon ako sa isang puno at sinipa siya mula sa itaas. Nagulat ako nang magsuka siya nang dugo! Shit! Ganon kalakas ang pagsipa ko?!

Napaluhod siya sa lupa at Agad naman akong lumapit. Hahawakan ko dapat siya pero nagulat ako nang bigla siyang naglaho! Eliminate.

Agad akong napatingin sa lifeline ko. 90 porsyento nalang ito. Bigla ako nakarinig nang kaluskos. Agad akong napatingin sa harapan at nakita ko si...

Si Azriel!

Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sakin habang.....nakain nang lollipop? San niya nakuha yon?!
Nakita ko ang paglunok niya at pagiwas nang tingin saka siya nagderederecho sa paglalakad.

Teka...hindi ba niya ako aatakihin?

Sinundan ko siya ngunit kalmado lamang siyang naglalakad."Azriel!" Tawag ko sakanya. Nilingon niya ako nang may nagtatakang tingin.

"Bakit mo ako sinusundan?" Magkasalubong ang kilay niya nang tumigil siya.

"At bakit di mo ako inaatake?" Tumaas ang kilay ko. Napasulyap ako sa lifeline niya. Wala pa'ring bawas. Pero ang mas ipinagtataka ko ay...saan niya nakuha yung lollipop?

Tinitigan niya ako at maya-maya pa ay ngumiti siya. Natigilan ako at biglang na-ilang sa ngiti at titig niyang 'yon! Para bang kinikiliti ang sikmura ko. What the hell?

"Napanood ko yung ginawa mo kanina," Ngumisi siya at inilapit ang mukha sakin. "Dito ka lang sa tabi ko para di ka ma-eliminate," Sabi niya nang nakangiti. Nangaasar na ngiti! Napanganga ako.

Dugdug. Dugdug.

"A-Ano?" Biglang bumilis ang tibok nang puso ko. "K-Kung ganon...natatakot ka sakin?" Taas noo kong sinabi, hindi pinahahalata ang kaba at pagbilis nang puso ko.

Natawa siya, "Mukha bang may kinatatakutan ako?"

"A-ang yabang mo ah!" Bulalas ko at napasinghap sa hangin.

Ngumiti na naman siya, "I don't wanna fight you. Baka mapahamak ka nanaman..." Nagiwas siya nang tingin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

Mapapahamak talaga ako kung gagamit siya nang ability! Eh diba bawal nga gumamit nang ability? Pinaglololoko ba niya ako??

Susundan ko na dapat si Azriel kaso may narinig na naman akong kaluskos. Nagpalinga linga ako sa paligid at napalingon kay Azriel na papalayo sakin. Tsh, parang laging kampante amp!

Nakarinig nanaman ako nang kaluskos mula sa mga bush. Dahan-dahan akong naglakad papalapit doon, at tumambad sa'kin ang isang lalaking nakaitim na cloak.

Nanlaki ang mga mata ko at napaatras nang makilala kung sino ito. Hindi ako maaaring magkamali, isa siyang Alkirvia at alam ko ang mga suot nila.

"Mukhang nagiisa ka ah?" Nakangisi ang panget na mukha nito sakin. Humahakbang siya papalapit sakin habang ako naman ay napapaatras.

Dinig ko ang matinding kaba sa dibdib ko. Soul eater. Isa siyang soul eater at wala akong laban sakanya. Naalala ko na wala na nga palang barrier ang Ezea High.

Sinubukan kong lingunin si Azriel ngunit wala na siya. Napalunok ako sa inis. Shit naman oo!

"N-nasaan ang kaibigan ko?" Nagmamatapang kong tanong. Hindi ko pinahahalata ang takot na bumabalot sa katawan ko. Ano mang oras ay maaari niya akong atakihin.

"Kaibigan?" Maang maangan niya, at maya maya pa ay ngumisi ito. "Ahh! Yung babaeng Vershia ba kanina? Yung babaeng kusang sumama sa'min?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Kusang sumama? Imposible. Hindi 'yon gagawin ni Keya at wala siyang dahilan para sumama sakanila!

"Sinungaling ka! Kinuha niyo ang kaibigan ko!"

Sa pagkakataong ito ay wala ako ni isang sandata kaya naman napapamura nalang ako sa inis.

"Hindi ka naniniwala?" Nangaasar ang tono nang boses nito. "Kung gayon...sumama ka sakin para makita mo ang kaibigan mo," Mas lumapit ito sakin.

Bumilis ang tibok nang puso ko sa sobrang kaba lalo na nung inilabas nito ang kanyang kamay.

"L-lumayo ka sakin!"

Ngumisi ito nang nakakaloko, "Batid kong alam mo kung ano ang kaya kong gawin," Mas lumapit pa siya. "Bukod sa pagiging soul eater....Ano sa tingin mo ang kaya ko pang gawin?"

Nanigas ako nang hawakan nito ang magkabilang braso ko. Napanganga ako at nagsimulang manghina. Parang kinukuha niya ang lakas ko! Hindi ako makagalaw.

"Ano pa bang magagawa mo eh nagiisa ka lang?" Dinig ko pang sabi niya.

Naiiyak ako dahil sumasakit ang katawan ko. Pakiramdam ko ay binubugbog ako nang walang tigil.

"Bitawan mo siya.."

Nakahinga ako nang maluwag nang inalis niya sakin ang tingin niya. Ngunit nanghihina parin ako at dumidilim ang aking paningin. Hinawakan ako nito sa leeg..at kahit malabo ang aking paningin ay kita ko ang pagaalala sa mukha ni Azriel.

"Kahit mamatay man ako ngayon ay wala ka nang magagawa dahil nasa katawan na niya si----"

Hindi ko na maaninag ang sumunod na nangyari. Nalaman ko nalang na bumagsak na ako sa lupa at nakita ko si Azriel na kinakalaban yung Alkirvia. Binitawan na niya ako pero bakit ganon? Bakit pakiramdam ko hindi parin ako makahinga?

"Ano sa tingin mo ang paraan para mawala si Zed sa katawan niya...huh Azriel?"

Kilala niya si Azriel? Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao ni Azriel na pinalibutan bigla nang apoy na kulay asul. Mababakas ang takot sa mukha nung kalaban. Sa oras na ito ay hindi ko alam kung bakit imbis na pumikit nalang ako ay sinisikap ko parin panoorin ang mangyayari.

"Bawiin mo yon....bawiin mo!" Sigaw ni Azriel.

"Wala na akong magagawa. Kailangan mo siyang pata---"

Para 'bang tumigil ang paghinga ko nang balutan ni Azriel nang nagaapoy na yelo yung lalaki. Lumamig bigla ang paligid pero nasisigurado kong sobrang nakakapaso ang ginawa niya. Wala namang tigil sa pag sigaw yung lalaki.

"Ahhhhhh!!!"

Maya maya pa ay lumapit sakin si Azriel at inalalayan ako. Napatitig ako sa mukha niyang nagaalala. Nagaalala ba siya sakin?

"Hindi ito pwede malaman ng Elementalists lalong lalo na ni Sir.Etienne," Sabi niya na ipinagtaka ko.

Hindi ako makapagsalita. Bakit walang lumalabas na boses sa bibig ko?!'

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Habang tumatagal ay lumalabo ang paningin ko. Hindi ko na maaninag nang ayos ang mukha niya.

Hanggang sa maramdaman ko ang paglapat nang labi niya sa labi ko. H-hinahalikan ako ni Azriel! Palalim nang palalim ang halik niya na para bang may gusto siyang kunin. Di ko alam kung bakit napapikit pa ako sa ginawa niya.

Nakaramdam ako nang lamig sa lalamunan ko papunta sa sikmura ko. Isang malamig na pakiramdam na di ko maintindihan kung ano...ngunit habang patagal nang patagal ay umiinit at nagdudulot nang pagkapaso at hapdi sa lalamunan ko kaya naman naitulak ko si Azriel at namilipit sa sakit. A-ahh!! A-Anong ginawa niya sakin?!

Hindi ko nakayanan ang sakit hanggang sa maramdaman ko nalang ang unti unting pagpikit nang mga mata ko.

=====

"MALAYO ANG kaharian nang Alkirvia dito. Lumipat na sila nang kuta magmula nung mangyari ang First Great War. Marahil ay malayo din ang dungeon na yun. Hindi magiging madali ang gagawin niyo kaya kakailanganin niyo ng mga ito," Kinuha ni Sir. Etienne ang isang kwintas na may crystal ball na pendant na kulay puti.

"Crystal Amulet. It will serve as your oxygen when you're underwater," Dagdag na aniya. Binigay niya samin isa-isa ang mga ito, at nang isuot namin ito ay umilaw siya at naging crystal blue ang kulay.

"Wag niyong aalisin 'yan kapag nasa tubig kayo, maliwanag?" Tumango naman kami sakanya. "Wag niyo rin 'yan iwawala, paniguradong kakailanganin niyo 'yan."

Habang nagsasalita si Sir.Etienne sa mga dadalhin at gagawin namin ay siya namang biglang pagpasok ni Sir. Paulo dito sa Technology Center.

Bitbit ang isang maliit na parang watergun ay iniabot niya ito kay Azriel.

"Ice spike gun. Only an ice manipulator can use that and that is you Azriel. I know marunong kang gumawa nang mga Ice Spikes but this one is different. May lason ang bawat Ice Spikes at kung sino tatamaan nito ay mamamatay agad. Kaya ingatan mo yan," Paliwanag ni Sir. Paulo.

Agad namang tumango si Azriel habang sinusuri pa ang baril niya. Napansin niya sigurong nakatingin ako sakanya kaya napatingin din siya sa'kin. Nagiwas agad ako nang tingin at sinimulang kabahan. Naalala ko ang nangyari kagabi. Yung pagatake nung Alkirvia at....yung halik. Shit.

"Eto naman ang Communicator Voice or inner voice. We can communicate through this. Kapag may nangyaring masama, kontakin niyo agad kami."

Napahawak ako sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan. Hindi ko na naisip yung Alkirvia na muntikan nang pumatay sakin. Hindi mawala sa isip ko yung nangyaring halikan kagabi at kung bakit tumugon naman ako sa halik niya?! May gusto kaya siya sakin? Shit ang ganda ko!

"And as for you Astra.." Napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang pag tawag sakin ni Sir.Etienne. "Since healing lang ang kaya mo, which is makakatulong na rin. But they can't depend on you, kakailanganin din nila ng healing candy. So mabalik tayo, kunin mo tong silver na crystal ball na 'to. Gamitin mo 'to kapag kailangan na kailangan mo. Eto ang kalahating kapangyarihan ng Ezea Princess bago siya mawala, kaya gamitin mo ito. Apoy ang kapangyarihan niyan. Ipikit mo ang mga mata mo at manalangin ka. Hiramin mo ang kalahating kapangyarihan ng Ezea Princess," Sabi ni Sir Etienne at iniabot sakin ang di kalakihang bolang crystal na kulay kahel.

Napatango tango na lang ako sa sinabi niya. Hindi na ko magawang magtanong dahil pinagungunahan ako nang hiya ko lalo na't nasa harap ko si Azriel.

"May mga daggers at iba pang weapon dyan upang magamit mo. Yun lamang, maaari na kayong umalis...at paaalala. Magiingat kayo, okay?"

Nagsitanguan kami sa sinabi ni Sir Paulo, nagsilabasan na silang lahat at bago pa man ako makalabas ay narinig ko ang pagtawag sakin ni Sir Etienne.

"Astra."

Nilingon ko siya.

"Be brave. Don't worry, Elementalists ang kasama mo. Malalakas sila," Sabi niya nang nakangiti. Ngiti lamang ang tugon ko sakanya bago ako tuluyang lumabas.

Sinalubong naman agad ko ni Fauna at Echo na may ngiti sa labi. Nagulat ako nang akbayan ako ni Fauna ngunit di ko pinahalata.

"Masaya akong makikita na natin ang kaibigan mo," Sabi niya.

Umakbay din naman si Echo sa'kin sa kabila naman, "Don't worry Astra, hindi ka namin pababayaan."

Napapangiti ako sa sinasabi nila. Napapagaan nila ang loob ko kahit papaano. Hindi pala sila tulad nang iniisip ko na masasama ang ugali.

"By the way, congratulations for being the second survivor. Di ko akalain na ang isang beginner ay makaliligtas. Sabagay, di na ako nagtaka. Ikaw si Astra, eh."

Natigilan ako sa sinabi ni Echo. Second survivor? Ibig ba niyang sabihin...

"I agree," Tumango naman si Fauna. "We're not master when it comes to physical combat, at hindi na ako nagtaka nung sinabing si Azriel na naman ang nagsurvive."

Hindi ako makapagsalita. Paanong nangyari na nanalo kami ni Azriel? Nawalan ako nang malay n'on hindi ba?

Napansin yata ni Echo ang pagtataka sa mukha ko kaya napatigil kami sa paglalakad, "Oo nga pala, nawalan ka nang malay pagkatapos nung training. Magkasama pa nga kayo ni Azriel, eh. Sabi niya masyado ka daw napagod sa pakikipaglaban, buti nalang at may natira pang 10percent sa lifeline mo kaya nakasurvive ka."

At naging malinaw na sa'kin ang lahat. Pinagtakpan ako ni Azriel. Hindi niya binanggit kila Echo ang tungkol sa pagsalakay ng Alkirvia. Nginitian ko na lamang siya at pinasalamatan.

"Oh, Azriel!"

And speaking of. Nawala bigla ang ngiti sa labi ko at sunod-sunod ang aking paglunok nang makita ko si Azriel sa harapan ko! Kung makatingin siya sa'kin ay parang wala siyang ginawang kababalaghan sa'kin kagabi!

"M-mauuna na ako.." Paalam ko kila Echo, pero bago pa man ako makaalis ay hinawakan ni Azriel ang braso ko. Napapikit ako at nagdasal. Sheeet.

"Peram muna. May sasabihin lang ako sakanya," Sila Echo ang kausap niya. Anong peram? Bagay ba ako? Nagtataka naman ang mukha nung dalawa ngunit wala silang nagawa.

Dinala ako ni Azriel sa isang tabi. Nagiwas ako nang tingin. Shit. Aamin na ba siya sakin?!

"Astra----" Pinutol ko ang sasabihin niya gamit ang palad ko na nakaharap sa mukha niya.

"Stop. Alam ko na," Pigil hiningang sabi ko. Bakas naman ang pagkagulat sa mukha niya.

"A-alam mo na?"

Tumango ako at huminga nang malalim saka ibinaba ang kamay ko, "O-Oo. Alam ko na. At hindi mo na kailangang mahirapan pa sa pagamin. Oo!" Dinuro ko siya. "Oo Alam ko nang may gusto ka sakin. Pero pasensya na dahil hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo---"

"Ano 'bang sinasabi mo?"

Natigilan ako at napalunok. Salubong ang kilay niya at sobrang seryoso nang mukha niya, "H-Hindi ba't kaya mo ako hinalikan dahil...m-may gusto ka sakin?"

Napatigil siya sa mukha ko at maya maya pa ay....binatukan niya ako! Napa-"aray" naman ako at sinamaan siya nang tingin.

"B-bakit mo ako binatukan?!"

"Dahil mali ang iniisip mo! Tss" Seryoso ang mukha niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat. W-wala siyang gusto sakin? Pero bakit niya ako hinalikan?

Hindi ako nakapagsalita hanggang sa nagsalita ulit siya.

"Tungkol sa nangyari kagabi....hindi nila ito dapat malaman. Naiintindihan mo?"

Oo nga pala. Marami pa akong tanong sakanya. Gusto ko malaman kung anong nangyari matapos ko mawalan nang malay, kung saan niya ako dinala at kung bakit niya ako....hinalikan.

"Tell me what happened. Lahat."

He looked at me seriously, as if he's analyzing my face. Then he leave a heavy sigh. "I guess you know that you encountered a soul eater last night, right? Why do you think he did that?"

Naningkit ang mga mata ko at nagisip. Anong bakit? Malamang ay para patayin ako at..."Balak niyang kunin ang kaluluwa ko?" I answered, not sure about it.

Umiling siya, "Hindi mo alam? Hindi ka ba nag-aral tungkol sa mga Alkirvia?"

"At sa tingin mo ay nag-aaral ang isang tulad ko?" Napataas ang kilay ko. I felt insulted by his question. We can't even supply a food three times a day and have our own shelter, makapagaral pa kaya?

"Then you will be needing some knowledge," Tinuktok nito ang noo ko na agad ko namang hinawi.

"Just get straight to the point," Naiinip na sabi ko.

=====

"A SOUL EATER are not just soul eaters that tries to steal away a man's soul. May isa pa silang kakayahan na tanging mga matatalino lamang na tulad ko ang nakakaalam, even the Elementalists don't know that. Nabasa ko lamang iyon nang magadvance reading ako."

Bored akong nakikinig kay Azriel dito sa library nang Ezea. He wanted to talk about this far from the Elementalists. At hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakapagexplain sa'akin dahil wala siyang ibang binanggit ku'ndi ang pagiging matalino niya.

"Oh, tapos?" I rolled my eyes secretly.

"A genius like me can only understand that. Can you?" Inilipat niya ang pahina nang librong binabasa niya. Kanina pa siya nagsasalita dyan at hindi man lang siya nagabala na tapunan ako nang tingin.

"Ow c'mon! Just spill it!" I waved both of my hands in irritation. Sinuway ako nang librarian sa lakas nang boses ko.

"Okay fine. I don't wanna scare you," Ibinaba niya ang libro na hawak at seryosong tumingin sakin. Now this is the Azriel I know. Ang mga seryoso niyang mata na nagsasabing hindi biro ang paguusapan namin.

"Go on," Sinenyasan ko siya na ituloy at ipinagkrus ang magkabilang kamay.

"A soul eater don't just eat souls. They can transfer devil souls to another body," He started.

Natigilan ako kasabay nang paglunok ko, "Don't tell me.."

"Yep..." Sumandal siya sa upuan."His name is Zed."

Tila ba hindi maproseso sa utak ko ang sinabi niya at mabilis na nakapa ang aking katawan. No. No no no....Panay ang pagiling ko. Niloloko ba niya ako?

"I'm not joking," Seryoso siya. Totoo ang sinabi niya. Ang panghihina at pananakit nang katawan ko. Yung pagkawala ko nang malay at...

"Bukod sa pagiging soul eater....Ano sa tingin mo ang kaya ko pang gawin?"

Bumalik sa'kin ang sinabi ng lalaking iyon. Naramdaman ko ang paginit nang mga mata ko at pangingilid nang luha ko.

"Your tears won't help you," Walang emosyong sabi niya at nagiwas nang tingin.

Napatitig ako sakanya at pilit na inalala ang sumunod na nangyari bago ako mawalan nang malay.

"Ano sa tingin mo ang paraan para mawala si Zed sa katawan niya...huh Azriel?"

Binanggit ng lalaking iyon ang pangalan ni Azriel.

"Bakit kilala ka ng lalaking 'yon? Narinig ko ang sinabi niya sa'yo at mukhang alam mo kung paano mawawala ito. Paano? Matalino ka diba? Pa'no mawawala ang halimaw sa loob ko?" Pigil ang emosyon 'kong tanong. Masyadong mabilis ang pagsasalita ko pero inaasahan ko na naintindihan niya lahat nang iyon.

Sa ganitong sitwasyon ay baka hindi ko maligtas si Keya....hindi. Hindi pwede.

Dahan dahan siyang napatingin sa'kin. Ni di man lang mababakasan nang pag-aalala ang mukha niya.

"Sigurado ka?"

"Say it," Matigas na sabi ko.

"Your death," Natigilan ako at napatitig sa seryoso niyang mukha. I can hear my heart beating so fast, and it beats with fear. Sumandal siya sa lamesa at inilapit ang mukha sakin. "Now tell me, are you willing to give up your own life?"

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro