Kabanata 39
##########
KABANATA 39
Mermaids' mark
TUMAAS ANG kilay ni Nate ng makita niyang magkahawak kamay kami ni Azriel, pero agad din siyang tumalikod at pumasok sa isang kainan. Mabilis kong hinila ang kamay ko kay Azriel pero ngumisi lamang siya at pumasok na rin sa loob.
Nakakahiya kay Nate, baka isipin niya nagkakamabutihan kami ni Azriel. Baka magsumbong pa iyon kay Mr. Guevarra.
"Pili ka lang ng pagkain, Astra," Ani Nate ng makapasok kami.
Umuwang ang bibig ko at pinagmasdan ang paligid. Mukha siyang maliit sa labas pero malawak pala siya sa loob...at napakaganda pa! Engrandeng kainan nga. Ano pa bang inaasahan mo sa mga Ezean?
Walang tao sa lugar at wala akong makitang nagbabantay o nagseserve ng pagkain. Marahil ay dahil sobrang aga pa kaya wala pang tao. Umupo kami sa isang lamesa na gawa pa ata sa narra, napakakintab at ganda nito.
May kung ano pang pinagpipindot si Nate sa isang screen na hindi ko malaman kung ano.
"After this, pupunta tayo sa Luxxus. We will buy clothes for Astra," Aniya.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na sumagot, "Ha? Bakit pa tayo bibili ng damit? Wala akong salapi---"
"Baby, you don't have to worry about money. I have my card," Singit ni Azriel at pinakita ang card niya na kulay ginto. Hindi ako natigilan sa card niya kun'di sa tinawag niya sa'kin. Bakit ba gan'on ang tawag niya sa'kin? Hindi ba siya nahihiya kay Nate.
Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako.
"Baby, huh?" Nangingising ani Nate habang nakapangalumbaba. "Then, should I call Astra 'sweetie'?"
Biglang sumama ang mukha ni Azriel, "Fuck off."
Natawa si Nate sa naging reaksyon ni Azriel at muling tumaas ang kilay. Ako naman ay tinakpan ang mukha dahil sa kahihiyan. Ano bang problema ng yelong 'to? Hindi naman siya ganiyan dati. Hindi ko talaga gusto ang mga paro-paro na nagwawala sa tiyan ko.
"I was not informed, kayo ba?"
Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway sa tanong ni Nate. Nagpapapalit palit ang tingin niya sa'ming dalawa ni Azriel na nasa harapan lang niya.
"Hindi, ano ka ba, Nate. Alam mo namang may Sam na 'yan," Sabi ko at nilingon si Azriel na ang sama ng tingin sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
Kung n'andito siguro ang santa-santita na Sam na iyon, baka nagwala na iyon at sinugod ako doon palang sa tinawag sa'kin ni Azriel.
Tumawa si Nate, "Yeah, I definitely know that because it's all over the campus." Tumingin siya kay Azriel na nakabusangot pa rin ang mukha. "She's back, right, Azriel? You two are together again?"
"There was never an us," Ang seryosong mukha at malamig na boses ni Azriel ang nagpatahimik sa'min. Hindi na nakapagsalita si Nate dahil mukhang galit na naman ang yelo.
Never an us? Natawa ako sa isip ko.
Nabigla ako ng biglang lumitaw ang mga pagkain sa gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkalito at ikinatuwa ni Nate ang naging reaksyon ko.
Ngayon ko lamang napansin na may parang riles dito sa gilid at isang maliit na train ang naghahatid ng pagkain.
Technologies, okay, Astra. Hindi na bago 'yan. Si Sir Paulo siguro ang nakaimbento ng mga ito. Masiyado lang talaga kayong mahirap Astra kaya walang ganiyan sa Vershia. Okay, okay.
"Let's finish eating bago pa dumami ang mga tao," Aniya Azriel at tumingin sa'kin. "People would go crazy here pag nalaman nilang may isang taga-Vershia ang nakatungtong dito."
Bumilog ang bibig ko at hindi nakapagsalita. Kaya pala hindi pwede malaman na isa akong healer, okay, naiintindihan ko. Ayaw nilang nadudumihan ang teritoryo nila.
=====
"TURN AROUND."
Nagtataka man ay sinunod ko nalang rin siya. Ilang segundo ang nakalipas at naramdaman ko ang isang bagay na dumadampi sa leeg ko. Natigilan ako at hinawakan ang bagay na iyon.
"I thought that this will make you happy somehow, so I repaired it myself. Though, it is not the same as before."
Natulala ako. Ito iyong kwintas ko na nasira sa Lost City gawa ng mga Lost Armies. Hindi na nga ito tulad ng dati dahil tanging isang piraso na lamang ng diyamanteng asul ang natira at nakatali sa bago nitong panali. Dati ay maayos pa ang wangis nito, perpekto pa ang hugis at may nakaukit pa na Sage. Pero ngayon ay tanging letrang S nalang ang natira.
"Let me see," Hinawakan ni Azriel ang braso ko at hinarap ako sakaniya. Nagtama ang paningin namin ng ilang segundo, napansin niya na siguro ang lungkot sa mga mata ko.
Ngumiti ako sakaniya at nag-thumbs up, "Nagustuhan ko, salamat. Pero sana hindi ka na nagabala pa. Sa'yo 'tong kwintas diba? Kasalanan ko kung bakit nasira 'tong kwintas mo."
"Well, since that necklace went missing for years, dineklara na na hindi na ako ang may ari niyan."
Bumaba ang tingin ni Azriel sa kwintas at kumunot ang noo. Napatalon ako sa gulat ng maramdaman ko ang daliri niya sa balat ko, sa may bandang leeg.
Nagangat siya ng tingin sa'kin ng may nagtatanong na mukha, "What's this? Ngayon ko lang nakita 'to."
Nagtatakang tiningnan ko ang sarili ko sa kaniyang malaking salamin. Natigilan ako ng makita ko ang isang balat na medyo namumula sa may bandang leeg ko. Sa pagkakaalam ko ay wala namang akong balat sa leeg, saan nanggaling 'to? Hindi naman 'to pasa.
Iniisip ko palang kung saan galing iyon ay biglang may pumasok sa isip ko. Natigilan ako sa aking nalaman.
"Are you bitten? I'm sure it's not a hickey."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Syempre hindi ito isang chikinini, ano ba tingin niya sa'kin?
"Balat yan, m-matagal na akong meron niyan," Palusot ko at nagiwas ng tingin. Lumayo ako sakaniya at naglakad sa pintuan para lumabas. Pagkabukas ko ay nanlaki ang mga mata ko ng sunod sunod na nagsibagsakan si Echo, Cadell, at Dara sa sahig .
"What the fuck are you doing?" Sigaw ni Azriel, nanlalaki ang mga mata niya, marahil ay nagulat din siya.
Teka, kanina pa ba nakikinig ang mga 'to?
Mabilis silang tumayo. Nakita kong kumamot sa ulo si Echo at naiilang na ngumiti. "S-surprise?"
"Sa tingin mo, okay lang ito? Hindi kasi ako komportable sa mga damit na kagaya ng sinusuot nila Echo," Nahihiyang sambit ko habang nakatingin sa'kin si Azriel na nasa harapan ko.
Bumili din siya ng panibagong damit at mas umapaw ang kagwapuhan niya sa 'itsura niya ngayon. Kahit ano yatang suot niya ay bagay sakaniya.
Simpleng itim na t-shirt at white shorts na tinernuhan ng itim na sapatos lang naman ang suot niya. Parati kasi siya naka-hoodie kaya himala at nagtshirt siya ngayon.
Habang ako naman ay nakasuot ng simpleng asul na polo at denim pants. Simple lang ang pinili ko dahil hindi ako sanay sa mga showy na damit.
"That's better. Let's go," Aniya at hinawakan ako sa pulso para hilahin. Bago kami lumabas ng shop ay iniswipe muna ni Azriel ang kaniyang card. Pansin ko na walang nagbabantay sa mga shop, pero batid kong secured ang mga iyon lalo pa't nasa ilalim iyon ng teknolohiya.
"Azriel, anong mangyayari kapag may di nagbayad sa loob ng shop?" Tinamaan ng kuryosidad kong tanong.
Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay sabay ngumisi ng nakakaloko, "You mentioned my name so sweet baby, I like it."
Uminit ang magkabilang pisngi ko at alam kong nangangamatis na ang mukha ko. Lintek, kahit kailan di ko na siya tatawagin sa pangalan niya.
Sumimangot ako, "Pwede bang tigilan mo ako sa baby na 'yan? Nakakainis, di ako natutuwa."
Imbis na matakot ay tinawanan pa niya ako! Para akong tangang nakatulala habang pinagmamasdan ang nahagalpak sa tawa na si Azriel Tyler.
Mas lalo siyang gumagwapo pag lagi siyang nakangiti. Sana di nalang siya nagsusungit minsan. Ito lang 'ata yung unang beses na nakita ko siyang tumawa. I see him smile but I never saw him laughed like this, ngayon nga lang. Ganito rin ba siya kapag kasama niya si Sam?
"Are you mad?" Aniya at nagpipigil pa ng tawa. Sobrang tuwa naman ng isang 'to, pero gayunpaman, masaya ako na napapasaya ko siya kahit wala akong ginagawa na katawa-tawa.
"Nagtatanong kasi ako ng maayos," Ngumuso ako at humalukipkip saka nagiwas ng tingin.
"Natawa lang naman ako kasi ang cute mo mainis," Aniya at ngumisi. Ngumuso siya ng mapansing seryoso ang mukha ko. "Okay baby, I will shut my mouth."
Napangiwi ako at nagpakawala ng malakas na hangin. I can't believe this guy. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng pinapakita at sinasabi niya, pero gusto kong paniwalaan na totoo ang lahat. Ngunit sa tuwing naiisip ko si Sam ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad at hinanap si Nate. Sabi niya ay may bibilhin lang siya. Sumunod naman sa lakad ko si Azriel habang ang magkaparehong kamay ay nasa bulsa niya.
"What happened to Zed?"
Natigilan ako sa paglalakad at napalingon sakaniya. Saglit na nawalan ako ng salitang pwedeng masabi dahil sa malalim na katanungan sa isip ko.
"E-ewan ko. Nitong mga nagdaang araw, hindi ko na siya nararamdaman," Sagot ko at nagiwas ng tingin. Muntik ko ng makalimutan si Zed! Ano kaya ginagawa ng halimaw na yon sa loob ko?
"So, that does mean he's gone?" Tumaas ang kilay niya. Ilang segundo kami nagkatitigan dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko. Ibubuka ko ito pero agad ko din namang isasara dahil sa labis na kaba at pagtataka. Ano na nga ba nangyari kay Zed?
"You don't remember what happened that day, right?" Dagdag pa niya na mas lalong ikinakunot ng noo ko.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"The day where you were left unconscious inside the Alkirvia Kingdom. You were screaming in pain after crashing the damn jar to the guys head. I was there, hindi mo ba naaalala?"
Ipinilig ko ang ulo ko at hinawakan ang aking ulo ng makaramdam ako ng bahagyang kirot. Hindi ko na alam. Wala akong naaalala. Ang naaalala ko lang ay iyong nakalaban ko ang Prinsipe ng Alkirvia.
Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga ng hindi ako sumagot.
"Baby, you just killed Zed," Aniya Azriel sa malambing na tono.
Gulat akong napaangat ng tingin kay Azriel at binigyan siya ng nagtatanong na mukha. Tila ba nagpaulit-ulit sa tenga ko ang sinabi niya. Dapat akong matuwa diba? Ano ba ang nangyari noong araw na 'yon at bakit hindi ko maalala?
"A-Ano?" Pagpapaulit ko. Jino-joke time ba ako ni Azriel? Pero hindi naman siya iyong tipo na mahilig magbiro lalo pa't seryoso ang usapan.
"You broke the jar big time kung saan doon nakalagay ang puso ng mga Soul Eater," Aniya at hinawakan ang kamay ko at bahagya iyong pinisil. "You saved us. Karamihan sa mga Dark Alkirvia na n'andoon ay mga Soul Eater and they just disappeared like dust."
Tuluyan na akong hindi nakapagsalita hanggang sa nagumpisa na kami ulit maglakad. Natulala ako sa sinabi ni Azriel at kinapa ko pa ang katawan ko kung totoo iyon. Parang bago sa pakiramdam ang pagkawala ni Zed. Pakiramdam ko ay malaya na ulit ako at wala na akong dapat ikabahala pa.
"Azriel! Astra!"
Sabay kaming napalingon ni Azriel sa tumawag sa'min at doon ay nakita namin ang tumatakbong si Nate papunta sa aming direksyon. Matutuwa na sana ako ng sa wakas ay nakita na namin si Nate, pero gan'on nalang nawala ang ngiti sa labi ko ng makilala kung sino ang nasa tabi niya.
"Sam, what are you doing here?" Aniya Azriel na magkasalubong ang kilay. Nakita kong bumaba ang tingin ni Sam sa kamay ni Azriel na nakahawak sa kamay ko, kaya naman nahihiya ko itong unti-unting inalis sa kaniyang h.
"I...I went here to the Kingdom and Sir Etienne allowed me. Gusto daw kasi ako makita ni Mr. Guevarra," Aniya Sam. Bumaling siya sa'kin kaya naman napaiwas ako ng tingin. Madilim ang ekspresyon ng mga mata niya, alam ko na ang iniisip niya.
Nakita kong napairap lamang si Azriel sa sagot ni Sam. Nagsalita naman si Nate habang may hawak na isang scroll. "Oo nga pala, binigay 'to sa'kin ng mga Vergara and they are inviting us to their feast."
Napataas ang kilay ni Azriel, "For what?"
"Of course there is a celebration. Di ko pa alam kung ano," Tugon ni Nate at inabot kay Azriel ang scroll. Dahil sa kuryosidad ay sumilip na rin ako sa laman ng scroll.
YOU ARE INVITED!
The Vergara Family are inviting you for the annual celebration of the Luxxus, as well there will be special announcement we would like to announce.
Place: Vergara's Mansion
Theme: Masquerade Party
Time: 7:00 PM
Iyong Luxxus ay iyong tindahan na pinagbilhan namin. Kaya pala naghahanda kanina ang mga tao dahil may ganap mamaya.
"We will have to buy clothes," Ani Azriel matapos basahin ang nakalagay sa scroll.
"Ako na bahala sa mask," Prisinta ni Nate habang nakataas pa ang isang kamay.
"That's good! C'mon Azriel, let's check for gowns and tuxedos," Malaki ang ngiti na nakapaskil sa labi ni Sam at humawak sa braso ni Azriel. Napatitig ako sa kamay ni Sam at bumuntong hininga. Ano ba ang magagawa mo, Astra?
"Um, sige m-maglilibot libot nalang muna ako," Sabi ko na ikinakunot ng noo ni Azriel.
"You are coming with us," Aniya.
Noong nakita ko si Sam na nakataas ang kilay sa'kin ay mabilis akong umiling at ngumiti ng tipid kay Azriel, "Ha? Naku, wag na. B-baka malaman pa ng mga tao na isa akong healer. Tsaka, hindi rin naman ako mahilig sa gan---"
"I don't care, you will still come with us. You don't have to worry about your safety as long as I'm here," Diin ni Azriel.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at muling napatingin kay Sam. Hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha nito.
"Azriel, are you out of your mind? She's right. Mas mabuting h'wag na siyang sumama. It is not safe to roam around a party kung isa lang siyang healer," Ani Sam.
Tinaasan siya ng kilay ni Azriel kasabay ng pagbaba niya ng tingin sa nakaangkla na kamay ni Sam sa braso niya. Umirap ulit siya at inalis ang kamay ni Sam sa braso niya, mukha namang nagulat si Sam at napahiya.
"Didn't you heard what I've said? I cannot leave her alone without me by her side. I can protect her, Sam," Talagang diniin ni Azriel ang pangalan ni Sam na siyang ikinasimangot ng dalaga. Naiinis itong tumingin sa'kin at ibinalik ang tingin kay Azriel saka bumuntong hininga.
"Okay, fine!"
=====
AGAD NA ipinaalam ni Azriel at Nate sa mahal na hari at kay Mr. Guevarra ang natanggap na imbitasyon mula sa mga Vergara. Napagalaman kong nabigyan din sila pareho at pupunta din sila, ngunit ang mahal na hari at si Mr. Guevarra ay susunod nalang daw.
Hindi na kami nagabala pang mamili ng susuotin dahil ipinaubaya nalang ito ng Haring Matsu sa mga naninilbihan dito. Mabilis din namang dumating ang mga susuotin at nagaalinlanga pa ako kung sasama ba ako o tatakas nalang o kaya magtatago sa ilalim ng kama.
Nahihiya ako! Unang beses ko makakapunta sa isang kasiyahan at puro mga Ezean pa ang naroon! Ano nalang ang sasabihin nila kapag nalaman nila ang tungkol sa pagpasok ko dito? Ako, na isang healer lamang! Masiyado na akong nega pero hindi ko talaga alam kung bakit labis ang kabang nararamdaman ko.
"So a poor healer is now experiencing luxuries. Ano pakiramdam n'on, Astra? Masaya ba?"
Hindi ko na kailangang lingurin pa kung sino 'yon. Halata naman na si Sam iyon. Sa kasamaang palad ay kasama ko siya sa iisang kwarto.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at namataan si Sam sa aking likod. "Kung sabihin 'kong hindi masaya, ikatutuwa mo ba?" Mahinahong kong bigkas.
Tumawa siya ng sarkastiko at humalukipkip, "H'wag ka nga maging plastik. Alam kong nagdiriwang ka na diyan sa loob-loob mo sa mga natatamasa mo ngayon. Tell me, is it fun? Are you having fun pretending to be a weakling? Nagpapaawa ka lang sa Elementalists diba? You used your friend to experience everything!"
Umigting ang panga ko at kumuyom ang mga kamao ko. Nagiging matabas ang dila ng babaeng ito at hindi ko gusto ang lumalabas sa madumi niyang bibig. Wala siyang karapatan na idama ang kaibigan ko dito dahil 'di niya alam ang hirap na pinagdaanan namin!
Nilingon ko siya ng may nanlilisik na mga mata; halata ko namang nasindak siya pero taas-noo pa rin siyang humarap sa'kin.
"Oh, did I hurt your ego?" Pangaasar pa niya.
"Ano bang problema mo?" Mariin kong tanong. Tinaasan niya ako ng kilay, ang kaninang nakangisi ay sumama ang mukha.
"Because I hate you!"
"Bakit? Anong kasalanan ko sa'yo?" Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ang laki ng galit sa'kin ng babaeng ito kahit na sa katunayan ay tinulungan ko pa ito sa oras ng kaniyang paghihirap.
"I know I shouldn't been hating you but that's what I feel! Nang dahil sa'yo, lumalayo sa'kin si Azriel! You're getting his love from me! Ako ang nauna niyang minahal!" Nangilid ang luha sa kaniyang mata pero kakikitaan pa rin ito ng galit.
"Wala akong inaagaw at kung sa tingin mo ay masaya ako sa mga nangyayari, pwes nagkakamali ka dahil hindi mo alam ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal," Mariin kong ani ngunit mahinahon pa rin.
Ramdam ko ang panginginig ng kamao ko at panga ng sabihin ko iyon. Dala siguro ng bugso ng damdamin kung kaya't sa tuwing naiisip ko ang sinapit namin ni Keya ay nagiging emosyonal ako.
"You said na lalayuan mo si Azriel pero anong ginagawa mo? You kept on clinging to him! Is that how desperate you are?" Sigaw niya.
Tila ba nagpantig ang tenga ko. Nakakastrike two ka na, Sam. Hindi ko na talaga nagugustuhan ang tabas ng dila ng babaeng ito.
"Kung sino man ang mukhang desperada sa'ting dalawa, ikaw 'yon," Malamig 'kong sagot. "At hindi ko kasalanan kung naagaw ng eksistensya ko ang atensyon ni Azriel."
Ngumisi siya, "Naagaw mo 'cause your so good at flirting. It is just a play time for him, Astra. I know he's not even serious."
Natahimik ako. Aaminin kong nakaramdam ako ng kirot sa binitawan niyang salita. Nakwestyon ko na din ang sarili ko tungkol sa mga kilos ni Azriel at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako.
Magsasalita pa sana ako pero kumunot ang noo ko ng makita ang gulat na mukha ni Sam habang namumutla.
"Wait, why do you have that?" Namalayan ko nalang na sa leeg ko pala ito nakatingin. Agad kong tinakpan ang marka sa leeg ko at nagiwas ng tingin. Alam niya ba? Alam niya ba na galing ito sa mga sirena?
"It's none of your business," Sagot ko.
"You have a mark of a legendary mermaid! Paano nangyari 'yon?" Bulalas nito at lumapit sa'kin. Napasigaw ako ng pwersahan nitong tinanggal ang kamay ko.
"Ano ba!" Sigaw ko at pinanlisikan siya ng mga mata, ngunit hindi man lang ito natinag. Nanatili ang paningin niya sa leeg ko. Wala ng silbing ang pagtakip ko dito dahil nakita na rin naman niya. At isa pa, alam niyang galing ito sa mga sirena.
Nagangat siya ng tingin sa'kin, "You've been marked by a mermaid. Tell me, anong kasunduan ang ipinangako mo sakanila?"
Nagsalubong ang kilay ko, "Wala ka ng dapat malaman pa. Ano ba pakielam mo?"
"Blue symbolizes that you're risking your life on the line, Violet means you're risking someone else's life while Red means you're willing to risk both," Aniya sa seryosong tono.
Natigilan ako. Ang kulay ng markang ito ay pula. Ang kasunduan namin ng sirena ay ang muling ibalik ang buhay ni Azriel kapalit ng crux pendant. Sa pagkakaalam ko, kapag hindi ko naisakatuparan ang kasunduang iyon ay buhay ko ang magiging kapalit. Pero bakit mukhang iba ang sinasabi ni Sam? Dapat ba akong maniwala sakaniya?
Imposibleng niloko ako ng mga sirena. Buhay ko lang dapat ang nakasalalay dito! Pero posible din naman lokohin ako ng mga ito dahil kilala din sila bilang mapanganib na nilalang.
"You're risking two lives, Astra! Aside from you, kanino iyong isa?!" Nanlaki ang mga mata ni Sam sa pagsigaw niya. Mukhang may hinala na siya kung sino ang taong iyon. Himala at mukhang nagaalala siya sa sitwasyon ngayon.
"Kay Azriel."
*****
Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT. It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezean!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro