Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 38

HERE's THE SECOND UPDATE!
Hope ya'll like it!

##########

KABANATA 38
Kingdom

"ISANG ORAS lang naman ang biyahe kaya h'wag na kayo matulog, tingnan niyo nalang yung bawat dinaraanan natin," Wika ni Nate habang nakaupo sa harapan namin. Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang malaking karwahe. Exclusive ang karwaheng ito dahil mahigit anim na tao rin ang maaaring makasakay. Dalawang kabayo rin kasi ang nagtutulak kaya di mabagal ang biyahe.

"I've memorized this place multiple times and there's nothing special," Sarkastikong tugon ni Azriel. Napangiwi ako at kinurot siya ng bahagya sa kaniyang tagiliran, napa-"aray" siya ng mahina at ngumuso.

"Well, for Astra, every place is special," Nakangiting lumingon sa'kin si Nate at kumindat. Kumunot ang noo ko at napailing saka tumingin sa bintana ng karwahe. Tunay na maganda nga ang bawat lugar na nadaraanan namin. Hindi na ako nagtaka kung panay cherry blossoms ang nakikita ko dahil sadyang makulay naman talaga ang lugar ng Ezea.

Ang ganito kagandang lugar, bakit hindi man lang maappreciate ni Azriel? Walang ganitong kakulay na puno sa Vershia at hindi rin ganito kalinis ang lugar. Pakiramdam ko tuloy ay kumikinang ang mga mata ko. Unang beses kong makakita ng cherry blossoms ay iyong unang tapak ko sa Ezea High.

"See? She likes it."

Napatingin ako kay Nate ng iminuwestra ako nito. Nagtatakang nilipat ko ang aking tingin kay Azriel na ngayon ay nakabusangot ang mukha at nakanguso sa'kin.

"I would love to explore more of Ezea with you, Astra. Gusto mo ba 'yon?" Aniya ulit ni Nate. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala. Bakit niya ako niyayaya? Pero sabagay, pag bumalik na ako sa Vershia ay hindi ko na makikita muli ang mga ito.

"Tss, silence means no. She would love to but only with me," Singit ni Azriel ng nakangiwi at matalim ang tingin kay Nate.

Nate flashed a wide grin plastered on his lips, "Silence means yes, President Guevarra. And look how her eyes sparkles? It's a yes, right, Astra?"

Napamulagta ang mga mata ko ng tanungin ulit ako ni Nate, "H-ha?" Tanging salitang nasabi ko. Teka, nagtatalo ba sila? Sobrang sama ng tingin ni Azriel kay Nate pero mukhang wala lang iyon kay Nate dahil malawak pa ang ngiti niya. Gusto ko sana kaso...

"I disagree with that. Even so, I can see a 'no' answer, right, Astra?"

Napatingin ako kay Azriel at nakitang nakataas ang isang kilay nito sa'kin. Parang sinasabi ng mga mata niya na mag-desisyon ako ng tama kung saan hindi siya magagalit. Pero, bakit naman siya magagalit?

"S-Siguro sa susunod na lang, marami pa akong pagkakaabalahan gayong...wala si Keya," Humina ang boses ko sa huling salitang binanggit ko. Hindi rin sila nakapagsalita. Napayuko ako at muling tumingin sa labas ng karwahe.

"Bakit ka umalis?"

Taas-kilay kong nilingon si Azriel at humalukipkip, "Ikaw? Bakit iniwan mo roon si Sam?"

Ngumuso si Azriel at umirap. Aba, nagiging maldito na rin siya. "I didn't left her alone, she was with Paige." Diin niya. "I'm asking you, why did you left? Are you somehow...jealous?" Ngumisi pa siya sa dinagdag niya.

Nanlaki ang mga mata ko at bumuga ng hangin, "Hindi ako nagselos. Sa tingin ko ay kailangan ko lang talaga umalis para...makapagusap kayo," Pagdadahilan ko at nagiwas ng tingin.

Umalis ako doon dahil sa sinasabi ng mga tao sa paligid, baka di ako makapagpigil at lapitan ko sila. Gusto ko rin naman matahimik.

Napaatras ako ng humakbang palapit sa'kin si Azriel. Huli na ng malaman kong lamesa na pala ang nasa likuran ko kaya na-corner niya ako.

"Say...are you jealous of Sam?" May kinang sa mga mata niya ng bigkasin niya iyon. Para bang natutuwa pa siya.

Napairap ako at ngumiwi, "Hindi nga, bakit ba paulit-ulit ka?"

Sumimangot siya at umayos ng tayo. Bahagya pa siyang umatras, "So, how can you explain the look on your face? Bakit naiirita ka at bakit ka umalis kanina?"

Huminga ako ng malalim, "Ayoko lang may masabi ang ibang tao sa'kin, Azriel. Hindi mo siguro narinig na pinaguusapan ako kanina ng mga dumadaang estudyante."

Kumunot ang noo niya at nagtaas ng kilay, "Sino? Ano sabi?"

"Basta. Nakalimutan ko."

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya at pinasadahan ng tingin ang katawan ko, bahagya akong nailang at nagiwas ng tingin.

"If Nate didn't told me, hindi ko siguro malalaman na inapi ka nila Jenny kanina," Aniya na ikinagulat ko. Hinablot niya ang braso ka na mayroong pasa at mahina siyang napamura.

"Why do you care about them? I have the right to punish them for what they did," Dagdag pa nito sa seryosong tono. Madilim ang mukha niyang nakatingin deretso sa mga mata ko na hindi ko matagalan.

Mabilis akong umiling at pinigilan siya, "H'wag na! Lumaban naman ako kahit papaano at alam ko namang wala akong kasalanan. Kung di rin naman dahil doon ay di masasabi ni Nate ang tungkol kay..." Natigilan ako ng maalala ko ang nangyari kanina, biglang pumasok sa isip ko ang katotohanang wala na sa Ezea High si Keya.

Muli akong napatingin kay Azriel pero iniwas lamang nito ang tingin sa'kin. Para bang nababasa niya ang nasa isip ko.

"A-Alam mo ba?" Basag ang boses ko. Hindi siya makatingin sa'kin ng deretso at kung saan-saan napapadpad ang mga mata niya. Ang tagal bago niya sumagot kaya naman nagigting ang panga ko sabay pakawala ng isang buntong hininga.

"Hindi mo na kailangan magsalita---"

Pinutol niya ang sinasabi ko.

"I...I know. Kani-kanina ko lang rin nalaman," Aniya at binalik ang tingin sa'kin, seryoso ang mga mata niya. Napakurap ako ng ilang beses at natigilan ng makita ko na naman na nagiba ang kulay ng mga mata niya. Iyong asul na kulay na para bang karagatan sa ganda. "I was about to tell you pero hindi ko alam kung paano uumpisahan."

Mapait akong ngumiti ng maramdaman ko ang paginit ng sulok ng mga mata ko. "H-Hindi ko na alam ang gagawin ko," Gumaragal ang boses ko gawa ng luha na hindi ko na napigilan. Yumuko ako at tahimik na humikbi.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na ng tuluyan si Keya at tadhana na mismo ang dumikta sa aming kapalaran. Hindi ko na siya makikita at iyong bagay na iyon ang hindi ko alam kung makakaya ko ba...kung makakapagpatuloy pa ba ako dahil si Keya ang naging tahanan ko. Ang tanging naging pamilya ko.

Naramdaman ko ang paglapit ng katawan ni Azriel sa'kin at ang malambot niyang paghaplos sa buhok ko. Idinantay niya ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Para siyang nakayakap sa'kin, ang isang kamay niya ay nasa ulo ko habang ang isa ay nakasuporta sa likod ko.

Mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak sa harap ng isang Ezean..pero mukhang bukod tangi ang isang Azriel. Siya lang nakakakita ng kahinaan ko.

"We'll get her back no matter what...and I promise that," Hinalikan niya ang sintido ko. "I don't like you crying. Please, don't cry baby."

"Welcome to Ezea Kingdom!"
Natutuwang sigaw ni Nate na siyang nagpagising sa'kin. Nakatulog pala ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Azriel sa tabi ko at nakasandal ako sa kaniyang balikat. Peke akong umubo at inayos ang sarili.

"You are ten minutes asleep," Aniya.

Nilingon kami ni Nate at nakanguso siya sa'kin, "Hays, sayang Astra. Natulog ka kasi, di mo tuloy nakita iyong gusto kong ipakita sa'yo."

Kumunot ang noo ko, "Ano ba 'yon?"

"Just a tree," Sabat ni Azriel na nakatingin sa ibang direksyon. Napatingin ako sa labas ng bintana at napauwang ang bibig. Nasa kaharian na nga kami! Halos lumuwa ang mata ko sa taas at ganda nito. Ang mga tao sa labas ay payapang nagsasaya at naghahanda na para bang magkakaroon ng kasiyahan.

"Just a tree, huh? You don't even know the history of that tree," Sumimangot si Nate at hindi na lumingon pa sa'min. Ngumiwi lamang si Azriel at hindi na kumibo. Mabuti na 'yon dahil ayokong dito pa sila magaway.

"Tara na. We will first visit the King," Aniya Nate at naunang bumaba sa karwahe. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Bigla ako nakaramdam ng matinding kabog sa dibdib ko. Syete, makikita ko ang hari! Hindi pa rin ako makapaniwala.

Inalalayan ako ni Azriel sa pagbaba na hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa gawin dahil napakababa lang naman. Pero gayunpaman, hindi ko naitago ang pamumula ng pisngi ko. Nagiwas ako ng tingin.

Hindi naman kami nahirapan pumasok sa loob dahil bukod sa kilala na si Nate dito ay ipinaalam na rin ni Sir Etienne ang aming pagdating.

Nakauwang ang aking bibig habang namamanghang nililibot ang tingin sa nakakalulang kastilyo. Kung n'andito siguro si Keya ay malamang nagtatatalon na 'yon sa tuwa.

Bumuntong hininga ako. Sana nga n'andito ka na lang, Keya.

"Hey, stop drooling. Hindi d'yan ang daan," Tawag sa'kin ni Azriel at hinawakan ako sa pulso. Tinahak namin ang hagdan patungo sa kinaroroonan daw ng mahal na hari.

"King Matsu."

Bago pa man kami makalapit ay may bumulasok na kutsilyo sa direksyon namin...to my direction to be exact. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiwas sa paparating na kutsilyo. Tila ba naging mabagal ito sa paningin ko at nakita ko kung paano nahiwa noon ang ilang hibla ng buhok ko.

"Dad!" Sigaw ni Azriel.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba at napatingin sa likuran ko kung saan sa pader tumama ang kutsilyo. Kung hindi ko siguro ito naiwasan ay malamang tumama na iyon deretso sa noo ko! Maging si Nate ay nagulat at napailing.

"What the hell was that, dad?!" Muling sigaw ni Azriel. Kumunot ang noo ko at tumingin sa taong nasa harapan namin.

Isang matandang lalaki na tingin ko ay kasing edad lamang ni Sir Etienne ang naglalakad papunta sa direksyon namin habang nakangisi. Mas hindi ako makapaniwala sa itinawag sakaniya ni Azriel. Dad? Tatay niya ang nasa harapan namin ngayon?

Pero, kung pagmamasdan ang mukha ng matandang lalaki, parang hindi naman sila magkahawig ni Azriel. O baka naman ang ina ni Azriel ang kamukha niya?

Natigilan ako ng bigla kong maalala ang sinabi ni Echo dati na nakita lamang ni Mr. Guevarra si Azriel sa Vershia Forest.

"I like your reflex, little girl," Nakangising lumapit pa sa'min ang ama ni Azriel at niyakap ang anak. "Good thing you're here, son. Etienne told me you will come here so I rushed in here, too." Aniya bago humiwalay sa yakap.

Bumuntong hininga si Azriel at ngumiwi. Saglit pa siyang sumulyap sa'kin. "I like it that you're also here, dad. But what you did was...ugh! Paano kung natamaan si Astra?" Frustrated na ani Azriel. Madiin ang pagkakakunot ng noo niya.

"Oh, so her name is Astra, huh?" Aniya at ngumisi sa'kin. Tipid lang ako ngumiti at yumuko. Nalipat naman ang tingin niya kay Nate. "How's Ezea High, Nate?"

Yumuko sakaniya si Nate upang magbigay galang saka ngumiti ng malapad, the usual Nate's smile. "Mr. Guevarra. Um, it's good and...so busy."

Tumawa si Mr. Guevarra at sinulyapan ang anak, "Is my son good to you? Hindi ka ba niya binibigyan ng sakit sa ulo?"

Nagsalubong ang kilay ni Azriel, "Dad, even though I was a former president, we're still not that close. Bakit ko naman siya bibigyan ng sakit sa ulo? I'm doing good there." Sabay singhap pa niya.

Muling tumawa Mr. Guevarra. Mukha naman siyang masayahin at palatawa, bakit hindi iyon namana ni Azriel?

"You're so defensive, I'm just asking," Aniya ng may mapaglarong ngisi sa labi.

"Actually Sir, we never got the chance to talk alot. Busy siya sa mission nila that time," Paliwanag ni Nate. Napatango tango naman ang ama ni Azriel.

"I heard that," Aniya at binaling ang tingin sa'kin. Maiilang dapat ako kung hindi lang siya ngumiti. Okay, Astra, calm down. Mukha namang mabait ang ama ni Azriel. "And...you're in that mission too, right?"

Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang tanong niya sa'kin. Mabilis akong tumango. "Y-yes sir." Lintek, Astra. Bakit ba kinakabahan ka?

"Dad, you're scaring her," Singit ni Azriel at hinila ang braso ko sa kaniyang tabi. Nakita kong tumaas ang kilay ni Mr. Guevarra sa ginawa ng anak niya. Napangiwi ako at sinubukang alisin ang kamay niya pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Damn, Azriel, baka kung ano pa isipin ng ama mo.

"Why? I don't bite," Natatawang ani Mr Guevarra at ngumisi.

"Terrence."

Napalingon kaming lahat sa matandang tumawag. Nanlaki ang mga mata ni Nate at mabilis na yumuko, si Azriel din ay yumuko maging si Mr Guevarra. Hinawakan ni Azriel ang likod ko at pwersahan akong pinayuko.

"King Matsu," Ani Nate. Nanlaki ang mga mata ko at sumulyap kay Azriel. Shit, totoo ba ito? Nasa harapan namin ang mahal na hari!

Umayos lang kami ng tayo ng tumango sa'min ang mahal na hari. Seryoso ang mukha nito habang tinitingan kami.

"You're here again, Azriel Tyler Guevarra," Tawag ng Haring Matsu. Nakita kong pumula ang tenga ni Azriel ng banggitin siya sa buong pangalan niya.

Ngumiti siya dito at nagbow, "Yes, your Highness."

Tumingin naman ang mahal na hari kay Nate at Mr. Guevarra, "Lead them to the dining hall."

=====

HINDI KO maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakita mo ng harapan ang hari ng Ezea. Sa pagkakaalam ko kasi, tanging mga nakakataas lang ang nakakadalaw sa hari. Isa na roon si Sir Etienne dahil isa siya namamahala sa Ezea High. Hindi na ako nagtaka na isa rin doon si Azriel dahil anak siya ng kanang kamay ng hari, si Mr. Terrence Guevarra.

Kasalukuyan kaming nakapalibot sa isang mahabang lamesa na sa tingin ko ay kasya ang bente na katao. Ngunit, kaming lima lamang ang nakaupo sa lamesang ito. Katabi ko si Nate sa gilid ko at katabi naman ni Azriel ang kaniyang ama. Ang mahal na hari naman ay syempre, nasa unahan. Natatangi ang upuan niya na kulay ginto.

Panay ang sulyap sa'kin ni Azriel kaya naman itinuon ko ang mga mata ko sa pagkaing nasa plato ko. Batid kong alam niyang kinakabahan ako.

Tumikhim ang hari, "Etienne already told me about the two of you. Actually, hindi ko naman na kailangan ng bantay. I have lots of knights already, and I know that it's not safe outside anymore," Aniya sa malalim na boses.

Tumingin sa'kin ang mahal na hari na siyang ikinagulat ko. Buti naman at hindi nila nahalata na kinakabahan ako. "What's your name again, hija?"

"A-Astra Dela Fuente po."

"Dela Fuente?" Nalipat ang tingin ko sa ama ni Azriel ng nagsalita siya. "I only know one person who is a Dela Fuente. Jessie Dela Fuente. Perhaps, you're related to each other?"

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling. Ni hindi ko nga kilala ang Jessie na iyon. "Ah..h-hindi po, isa po akong---" Pinutol ni Azriel ang sasabihin ko.

"A Vershiatist. She's from Vershia, dad," Malumanay nitong sagot.

Kumunot ang noo ng kaniyang ama habang ang mahal na hari ay nakikinig lamang. Si Nate naman ay busy sa pagkain ng mahinhin.

"W-what?" Hindi makapaniwalang aniya at tiningnan ulit ako, sa pagkakataong ito ay sinuri niya pa ang mukha ko. Ibinalik niya ang tingin kay Azriel. "How come? Ezea High is too strict, we don't allow outsiders there."

Dahan-dahan akong napayuko. Nakita ko kung paano natigilan si Nate sa kaniyang kinakain.

"She was with us on the mission," Magkasalubong ang kilay na tugon ni Azriel.

"Yeah, I know that. But why is she there kung hindi siya isang...Ezean," Humina ang boses niya sa huling sinabi at saglit na sumulyap sa'kin. Alam ko na ganito ang masasabi ng ibang tao at hindi na ako nagulat pa.

"Terrence, tama na 'yan," Pigil ng mahal na hari. "Alam kong isa siyang healer at alam ko ang dahilan kung bakit naririto siya ngayon."

"Then I don't understand why she's here in the Kingdom," Salita pa nito.

Bumuntong hininga ako. Pakiramdam ko tuloy ay ayaw sa'kin ng ama ni Azriel. Sabagay, mataas ang kinaroroonan nila habang ako ay galing lamang sa mababang lugar. Pero gayunpaman, hindi ko ikinakahiya na taga-Vershia ako.

"Dad, we both won at the combat. She deserves to be here. What's wrong with that?" Diin ni Azriel at napatingin sa'kin.

Agad akong nagiwas ng tingin. Azriel, don't fight your father. Baka magaway pa kayo dahil lang sa isang tulad ko na hindi naman importante.

"Stop it, Terrence. Nasa harap tayo ng pagkain. Nasa harapan tayo ni Astra, hindi ba kayo nahihiya? I don't want you two fighting. Bakit hindi natin pagusapan ang kalagayan ng Alkirvia?" Malalim ang boses na sagot ng Haring Matsu. Tumingin sa'kin ang mahal na hari at tipid na ngumiti. Kahit papaano gumaan pakiramdam ko.

"Eat, hija. 'Wag ka na mahiya," Dagdag pa niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na tungkol sa akin ang pinaguusapan nila. Kadalasan ay si Azriel lang ang kausap nila tungkol sa mission. Nabanggit din nito ang tungkol kay Keya. Kadalasan din naman ay tinatanong si Nate tungkol sa nangyayari sa Ezea High.

=====

ANG REWARD 'ata na tinutukoy ni Sir Etienne ay ang pag-stay namin dito sa kaharian. Gaya nga sabi ng mahal na hari, marami ng nagbabantay at pumoprotekta sakaniya. Hindi na kami kailangan doon.

"Ililibot kayo ni Nate sa lupain ng kaharian. There you, Astra, will meet different people. H'wag mo nalang sabihin na isa kang Vershiatist."

Iyon ang sabi ng mahal na hari bago kami umalis. Kasama ko si Azriel at Nate at nakasakay kami sa kabayo. Tig-iisang kabayo kaming sinasakyan. Mabagal lamang ang takbo ng kabayo dahil nasa malawak na lupain na kami ng kaharian.

Nang makatungtong kami ay bumaba na kami sa kabayo at pinaubaya ito sa mga kawal na nagbabantay sa'min.

Matataas ang mga bahay dito, wala kang makikitang makikitang makalat na palengke. Tanging mga kainan lamang na engrande, mga palaruan at mga sosyal na pamilihan.

"Where do you wanna go?" Bulong ni Azriel malapit sa tenga ko. Nagulat ako sa ginawa niya at bahagyang napalayo. Tumindig kasi ang balahibo ko sa mainit niyang hininga.

"K-kayo bahala. Kahit saan naman ako," Sagot ko at nagiwas ng tingin.

"Kain muna tayo," Anyaya ni Nate at nauna sa paglalakad. Gutom na siguro ang isang 'yon.

"Can I hold your hand?"

Nawindang ako sa tanong ni Azriel. Malumanay ang mga mata niyang nakatitig sa'kin. Nanliit ang mga mata ko. "Bakit? Hindi naman ako mawawala."

"I just want to feel your warm," Aniya at walang pasabing hinablot ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin.

Pakiramdam ko ay binomba ang puso ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Bakit natutuwa ang puso ko? Bakit nakikiliti ang sikmura ko? Nababaliw na 'ata ako.

"A-Azriel, madaming tao. Baka may makakita," Naiilang bulong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay na ikinanguso ko, "Don't care. I can do whatever I want, baby."

Nalaglag ang panga ko at walang nagawa kun'di ang magpahila nalang sakaniya. Damn, Azriel Tyler is burning my system.

*****

Don't forget to leave a VOTE and a COMMENT! It will be much appreciated showing your support.
Lovelots, Ezeans!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro